Sunday, August 25, 2013

Go on Rangers: The forced march (Leadership Experience Part 8)



Ito ang larawan ng aking ipinagmamalaking 10th Scout Ranger (We Lead) Company pagkatapos ng training instruction sa camouflage and concealment techniques (cam and con) at pati sa recon operations. Parte sila sa humigit kumulang na 70 ka tao na bumubuo sa aking kumpanya nang ako ay mahirang bilang Company Commander noong ika-6 ng Marso, taong 2000. (10SRC Photo)


(Karugtong ng istorya sa http://rangercabunzky.blogspot.com/2013/08/scout-rangers-we-strike.html)


Sa ikatlong araw naming pananatili sa Talipao, nanlalata na kami sa kakakain ng pagkain na sinasabawan ng tubig ng niyog. 

Medyo natiyak na namin na wala sa loob ng aming area of operation (AO) sina Robot kung ang pagbabasehan ay ang latest traces nila ngunit hindi pwedeng basta-basta pasukin namin ang kabilang AO na walang pahintulot mula sa 104th Brigade. 

Ipinagdarasal na lang namin na mahagilap na lang sila ng mga sundalo na nasa adjacent AOs kasi talaga namang nilalanggam ang kalupaan ng Jolo sa dami ng naka-deployed na tropa sa mga panahon na iyon. Maraming units ang imported pa galing sa Luzon at Visayas, kasama na ang mga Marines, SWAG at ang Naval forces na naka-blockade sa karagatang nakapaikot sa isla ng Sulu. Pati mga miyembro ng SAF at RPSB ng kapulisan ay napasama na rin sa infantry deployments although karamihan sa kanila ay nasa malapit lang sa kabihasnan dini-deploy. 

Kasalukuyan naming pinagtiyagaan lamunin ang tanghaliang ulam ay sardinas na lasang buko salad, nang matanggap namin ang radio message para sa paglilipat namin ng area sa bandang Indanan. 

Mga bandang alas dos noon ng hapon nang sinundo kami ng mga M35 trucks at hinakot na muli papunta malapit sa Bud Datu, ang libingan ng mga kilalang pinuno ng mga Tausug kagaya ni  Rajah Baguinda na namuno noong 1390. 

Kinuha namin itong pagkakataon na makapag-replenish ng ilang supplies. Tinawagan ko ang aking support personnel para magdeliver ng preskong isda at karne ng manok para sa aking mga tauhan.

Distributed ito sa lahat ng Teams na merong sariling tiga-luto na kung tawagin ay 'Kaldero Six'. Simpleng paraan ko yon para mapasaya sila pagkatapos malupaypay sa unang bugso ng aming operasyon.

Dakong alas singko ng hapon, nandon na kami sa bagong assembly area sa ibabang bahagi ng Bud Datu. Para sa tropa, pagkakataon na rin itong magpalit ng damit lalo na ang medyas na parang tear gas ang epekto ng amoy. 

Habang naghahanda kami roon para sa jump-off kinaumagahan, maraming nainis dahil walang phone signal. Nabalitaan naming sinadyang i-shut down ang cell site para mai-deny din ang pag-gamit nito sa mga Abu Sayyaf. 

Sa pakay na makausap ang aking pamilya, dala ang apat na sundalo bilang escorts, sinaglit ko ang bayan ng Sulu para tumawag gamit ang PLDT. 

Mga kinse minuto lamang ang byahe namin lulan sa aking magarang M151 Kennedy Jeep papuntang Indanan. Ibang-iba ang pakiramdam ko habang nasa gitna na kami ng komunidad. Tense ang mga tao sa presensya ng sundalo. Mahaba ang pila sa phone booth nang ako ay dumating. Maraming sundalo ang tumatawag sa kanilang mga pamilya.

Hindi ako kampante sa mga tao sa paligid na tila ay nakikiusyoso sino ang gumagamit ng telepono. Ang iba ay tila nagmamanman sa aming mga aksyon. Di rin naman lingid sa akin na merong mga Abu Sayyaf na namamaril sa downtown Jolo at humahalo sa taumbayan para maka-eskapo. Hindi ko hayaang mabaril kami na walang laban. Kinausap ko ang aking  escorts.

"Post security by buddies sa paligid ng area. Trigger finger ready at huwag mag-hesitate na barilin ang kahit sino mang bumubunot ng armas para gambalain tayo."

Nang ako na ang in line para tumawag, hawak-hawak ko pa rin ang aking AUG Steyr sa aking kanang kamay habang ito naman ay naka-tactical carry sa aking balikat. Loaded ito at walang isang segundo, kaya ko itong i-unsafe at iputok ng first round of shots. Ayaw na ayaw kong pauna. Dati na akong naunahan at nasugatan sa Maguindanao. Never again!

Walang mapaglagyan ang kasayahan ng aking misis na si Bia nang marinig ang aking boses. 

"Dear, I am alive and kicking! Naka-shut down ang cell site dito kaya ipa-relay mo sa aking Liaison NCO dyan sa Fort Bonifacio ang lahat na emergency messages na dapat kung malaman," bilin ko sa kanya. 

Mahaba rin ang aming kwentuhan. Syempre subject namin ang experience ko sa botong na sabaw sa sardinas. Nagtawanan na lang kami sa aking kakaibang karanasan. 

Sa mga panahon na iyon, hindi pa nakakapagsalita ang aking anak. Wala syang kamuwang-muwang bakit wala ang kanyang ama sa bahay. Kasama rin sya sa topic naming pinag-uusapan. Nag-iwan kasi ako ng walang labang damit para amuyin nya at nang kilala pa rin daw ako kahit matagal akong wala. Sabi ng mga matatanda eh.

Para sa akin, importante na updated pa rin ako sa kaganapan sa aking tahanan. Sa panahon na walang signal, gumagamit kami ng messenger at ito ay sa pamamagitan ng aking sundalo na nakatalaga bilang admin support personnel sa garrison. Ito naman ay inire-relay sa akin sa pamamagitan ng URC 187 HF radio tuwing meron kaming admin time kagaya ng resupply operations na kung saan ay pwedeng gumamit muna ng alternate frequencies para sa non-operational matters.

Nakikita kong dahan-dahan nang dumidilim kaya minabuti kong mag-paalam. Iyon lagi ang mahirap para sa amin, paano ang ba-bye. 

"Keep safe at isipin mo kami lagi. Ipagdasal ka namin lagi," sabi nya. 

Madilim na nang nakabalik kami sa Indanan. Halos lahat na tropa ay naka-smile dahil masarap ang ulam nilang hapunan. 

Merong teams na nag-adobo, sinabaw at nag-ihaw ng isda. Syempre, hindi mawala ang kwentuhan habang nasa kainan.

Di nawawala ang tawanan at mga biruan. Isa yon sa dahilan kung bakit bihira ang may Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) sa sundalong Pilipino. 

Di kalaunan, natanggap ko ang FRAG-O mula sa LRB. Ang galugarin naman namin ay ang bayan ng Indanan sa kanlurang bahagi ng Bud Tumatangis (Mt. Tumatangis). 

Again, nasa 'Search and Destroy' mode uli ang aming hanay. Walang klarong objective kagaya ng Abu Sayyaf encampment. Binigyan lamang kami ng phase lines bilang limits na pwede naming puntahan. Sa 'Enemy Situation', binanggit lamang na ang lugar ay balwarte ni Kumander Patta na kasama sa nang-kidnap ng foreign tourists sa Sipadan island.

Ang klaro lamang doon ay ang timeline: The whole LRB must be in Lanao Dakula, Indanan, Sulu by 1630H. Nang ako ay mag-map recon, napabulalas ako.

"Whoah, mabigat yon. Sa air distance pa lang ay humigit kumulang sa 10 kilometro!"


Makikita sa larawan ang screenshot ng Google Earth image ng Area of Operation na ibinigay sa Light Reaction Battalion noong September 20, 2000. Initially, magkakasama ang buong batalyon hanggang marating namin ang bungad ng Mt Tubora (Bud Tubora), isang katabing bundok ng Bud Tumatangis, na kung saan nagpasya kaming maghati sa dalawang grupo. Ang kulay dilaw ay ang axis of advance ng Hqs LRB kasama ang 20SRC at 32nd SF Company.

Iba kasi ang rate of march kung kalsada ang gamitin kagaya ng mga admin foot marches ng mga kadete ng PMA o ROCT,  at kung sa gubat ang daanan na kung saan ay merong matatarik, masukal at mga ilog na tatawirin. 

Dagdag na pabagal ay ang tactical movement. Kailangan naming dahan-dahang maglakad sa mga danger areas (open terrain, creeklines) otherwise baka uulanin kami ng bala ng mga kaaway na nasa mas nakakalamang na pwesto. 

Duda ako na kakayanin ang halos sampung oras na ibinigay na oras para marating namin ang destinasyon. Dismayado sa pinagmulan ng utos mula sa Brigade. Di ko kasi makuha ang tinatawag na Commander's intent na palaging pinapaintindi at nilalagay sa mga operational orders. 

Ang hirap kasi pag malabo ang mission, malabo rin ang ibigay ko na taskings sa aking mga tauhan. Ganon pa man, 'Go, go, go' attitude lang kami. 


The "Forced March"

Bandang alas-singko ng umaga, nakahanda na lahat ng aking tropa para sa final briefing at unit prayer. Alas kwatro y media pa lang, pinag-almusal ko na lahat para isang long halt na lang sa tanghali.
"Ang tasking sa atin ay tumbukin ang Bud Tumatangis at maghanap ng traces ng Abu Sayyaf sa lugar na iyan. Required din tayo na marating ang Lanao Dakula Elementary School pagsabit ng alas kwatro mamayang hapon."

"Ang order of movement ng Battalion ay 12th SRC, LRC then tayo na pangatlo. Ang Battalion Ex-O, si Major Faustino 'BJ' Bejarin ang sasama sa ating grupo."

Nakikita ko na taas-noo uli ang aking tropa. Fully charged uli. Mas mabigat kasi ang responsibilidad ng leading elements. Sa pagkakataong ito, ibinigay sa 12SRC ang karangalang maging tip of the spear ng buong battalion. 

Di kalaunan ay nilakad na namin ang designated LD/LC, isang masukal na lugar na kung saan ay malayo ito sa mga bahayan. Kasama ito sa aming inaaral sa movement techniques: Avoid detection. Always assume that the area is under enemy observation.

Panay niyog ang aming dinaanan at dahan-dahang tumatarik ang lugar na aming pinag-dadaanan. Nasa gilid kami mismo ng Bud Tumatangis, isang lugar na pinaniniwalaan ng mga Tausug na pinaglibingan ni Abu Bakar, ang nag-palakas ng impluwensya ng Islam sa lugar pagkatapos nitong mapangasawa ang anak ni Rajah Baguinda. 

Merong, pailan-ilang kubo ang aming nadadaanan sa lugar ngunit walang mga tao doon. Mukhang alam nilang galugarin ng mga sundalo ang lahat na sulok doon. 

Mga 8:30am na noon nang narating namin ang isang matarik at magubat na lugar. Malalaki na ang puno at marami ang mga vines na sumasabit sa baril habang kami ay naglalakad. 

Panay huni ng ibon at mga insekto ang naririnig, pati tilaok ng labuyong manok na naglipana pa rin sa lugar na iyon. 

Ini-enjoy kong pakinggan ang kakaibang concert ng mga insekto at hayop sa gubat nang magulantang ako sa tila ay pigil na hiyaw ng tao at alingasngas ng mga sukal na dinaraanan nito. 

Parang me riot sa harapan. Parang nakakita sila ng multo at nagtakbuhan pabalik sa amin ang mga naka-Kevlar helmet at naka-ballistics vest na mga tropa ng LRC.

"Aaaaaaaaaaaah!"

"Agay, agay, agay!"


"Kinam! Kinam!"

"Pisting yawa!"

Nakita ko ang iba ay nagpagulong-gulong at pinagtatanggal ang over-sized combat packs. 

"Putyukan!" (Stinging bee!)

Naalarma ako. Walang kinikilalang Ranger o SF ang mga pukyutan. 

"De-track! De-track!"

Sinigawan ko ang mga tropa ng LRC na gusto pang maglapit-lapit sa aking posisyon.

"Wag kayo lumapit sa amin, lumiko kayo palayo!"

Nagkakagulo na kami. Nakakita kami ng mabangis na kalaban. Damuho yan.

Marami ang 'nabiktima'. Kalunos-lunos ang hitsura nila. Paano naman kasi, nabulabog nila ang napakalaking bahay ng pukyutan na nanahimik lang naman doon sa isang sanga!

Dahil doon, lumihis kaming lahat ng landas palayo sa kaharian ni Haring Pukyutan. 

Mas nakakatakot pala ito kaysa Abu Sayyaf. Imagine, di sinanto ang Delta Force-trained LRC naming mga kasamahan!

Buti na lang nadaan sa dasal at di kami pinagbalingan ng mga pukyutan na nag-counter attack sa 12SRC at LRC. Nadaan ata sa dasal. 

Umabot ding kalahating oras ang nasayang dahil sa pagtago namin sa mga nag-iingay na pukyutan na nag-patrol sa ere bandang uluhan namin. 

Mga 10:00am na noon nang napansin ko naman na palaki-nang palaki ang inilihis ng aming direction. Lalo kaming hindi makarating sa objective sa ayon sa timeline kapag pabayaan ko ito kaya tinawagan ko ang leading officer na si Ranger D. 

"Bok, nag-map check ka ba? Ayon sa aking mapa, halos 600 mils (milliradians) na ang inilihis natin mula sa ating Axis of Advance. Paki-countercheck sa iyong Global Positioning System receiver bok," bilin ko. 

Di ko na maantay ang feedbak, nilakad ko ang position ng leading elements kasama ang aking Radio Man (RM). Naabutan kong "nagbabasa" ang opisyal at ang Platoon Sergeant sa kanilang mapa. Gamit ang 'reading' sa GPS, nag-plot sila ng location. 

Nang aking usisahin, nakita ko ang deperensya. 

"Bok, kailangang makakuha ng 3-4 satellites ang GPS bago ito makapagbigay ng latest location. Ang andito ay ang grid location ng pukyutan!"

Kamot ulo sya ngunit di nya matanggap na mali nga ang 'basa' nya. Nang malaman ito ni Major Bejarin, nag-alala syang di na kami umabot sa takdang oras. Agad syang nagpasyang palitan ko ang leading elements.

Nang ako na uli ang nasa harapan, sumama na ako sa leading team. Back to my favorite position. 

Para mas tumpak ang direction, double check ko sa pamamagitan ng navigation techniques ang GPS readings. Minsan kasi meron itong minor errors at kapag nangyari ito, malaki rin ang deperensya sa ground. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat tinatalikuran ang pinag-aaralang Map Reading and Land Navigation.


Dahil meron nang high-tech gadget na GPS, lalong walang rason na mawawala pa ang patrol. Kung pumalya naman ito, babalik sa basic soldiery skills ang patrol leader.

Naaalala ko ang kantyaw ko sa aking mga estudyante sa Scout Ranger Course tuwing nagtuturo kami ng Land Navigation.


"Wala kayong karapatang mawala sa area at di makabalik sa starting point. Kung ang baboy o aso nga, pakawalan mo yan kilo-kilometro ang layo sa bahay ng may-ari, nakakabalik yan! Rangers kayo at hindi aso!"

Hmmmm. Hindi ako mawawala. Musang ako. Makakarating ako sa destinasyon. 

Dahil pinagkatiwalaan ang 10SRC, leading elements na naman kami. 

Actually, merong 'Go To' function ang GPS. I-activate mo lang ito, ituturo na nito agad gamit ang sariling compass ang destinasyon na grid coordinate. Makikita rin dito ang rate of march, routes at time of travel. Dapat lang na ito ay panatiliing naka-'on' habang naglalakad. Easy. Easy.

Bandang alas onse na noon nang nagpatawag ng leader's briefing si Lt Col Morales, ang aming BATCOM. 

"Hatiin natin ang ating grupo. Kailangang isa sa atin ay makarating doon ng alas kwatro. Tumbukin namin ang kaliwa ng Tubora Hill, kayo naman sa bandang kanan."

Ipinagpatuloy namin ang patrol pagkatapos na mapaalis namin ang grupo ni BATCOM. Dinaanan namin ang iilang bahayan sa tuktok ng isang bundok para alamin ang kaganapan doon. 

Panay matatanda at bata ang naiiwan. Mga senyales pa rin ito na maaaring nasa paligid lamang ang mga binatilyong sumapi sa Abu Sayyaf. 

Sumuot kami uli sa masukal na lugar para makahanap ng patrol base, ang lugar na pwedeng ma-secure at mapagkainan o mapagpahingahan. 

Nasa dulo kami ng isang ridge at natatanaw na namin ang niyugan sa bahagi ng Lanao Dakula. Malayo-layo pa rin kami at mga ala-una na noon.

"Kain tayo within 20 minutes then move uli tayo para umabot tayo sa timeline," sabi ni Major Bejarin. 


Agad kong ipinag-utos ang mabilisang pag-consume ng aming lunch. Nakikita ko rin sa horizon na dumidilim ang kalangitan at nakaambang bumuhos ang ulan. 

"I will give you 10 mins per group to eat. Palitan ang pag-gwardya sa lahat ng avenues of approach."

Sanay kami na hindi na nilalasahan ang pagkain. Ang importante sa amin ay mapunuan ang laman sa tyan at libo-libong calories ang nasunog namin sa aming paglalakad.

Kasalukuyan pa lang kaming kumakain nang nagsimula nang pumatak ng ulan. sinigurado kong mailagay ang mga importanteng gamit sa loob ng aking 'water proofed' container. Di bale nang mabasa ang lahat, wag lang ang aking libro na pang-review para sa compre sa aking Masters degree, pati ang damit pangtulog at iba pang mahahalagang mission-essential equipment. 

Matarik ang dinaanan namin pababa sa barangay ng Lanao Dakula. Marami ang nasemplang at nagkandasabit-sabit ang kagamitan. Lagi naming binabaon ang likurang bahagi ng boots para kumapit at hindi madaus-os pababa sa bangin. Lalong bumagal ang aming movement. Ano ba kasi ang importansya ng  4:30pm timeline? Di ko maarok ang "Commander's Intent" 2 levels up ng chain of command. Parang ginawang simpleng footmarch ang aming patrol.

Lalong lumakas ang ulan bandang alas kwatro na ng hapon. Nasa ilalim na kami ng niyugan at nakita ko mga dalawang kilometro na lang kami mula sa Lanao Dakula. 

Parang nagpapasalamat na rin ako sa lakas ng ulan dahil nababawasan ang uhaw na nararamdaman. Mas madali ring ma-erase ng traces namin na maiwan sa dinaanang sukal. Kapag may weather disturbance, the better din kasi di gaanong mapapansin ang ingay. Ranger weather, ika nga.

Ang worry ko lang sa mga oras na iyon ay ang lakas ng hangin. Tila bala ng 81mm Mortar ang paningin ko sa mga bunga ng niyog sa aming uluhan na umiindayog tuwing hinahampas ng malakas na bayo ng hangin. Masakit din mahulugan ng buko. Nakakamatay din yon lalo na kung sa ulo ang bagsak.

Mga ilang daang metro mula sa sentro ng Lanao Dakula, napansin ko ang mga apak ng combat boots. Pwede itong sundalo o kaya mga Abu Sayyaf na gumagamit rin dito. Me nakita rin akong kakaibang korte ng spikes ng sapatos. Medyo duda ako kaya itinawag ko ito sa LRB na noon ay nakarating na sa eskwelahan na gustong marating. 

Kinausap ko si BATCOM sa pamamagitan ng PRC 77.

"Sir, me nagpatrol ba dito sa bandang Lanao Dakula? Me nakita akong tracks ng combat boots dito."

Dahil isang kilometro lang ang pagitan namin, maliwanag ang radio transmission. 

"Meron akong pinag-recon banda dyan pero hindi ko tyak ang actual route na ginamit. Dyan na kayo maghanap ng patrol base at ibigay kaagad sa akin ang grid location."

Agad kong kinausap si Major Bejarin na noon ay nanginginig na rin sa lamig dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan. Agad naman syang nagbigay ng kanyang instruction.

"Hanap tayo masilungang bahayan na walang tao kasi mahirap nang malaglagan tayo ng puno ng niyog. Lipat na lang tayo pagkatapos ng hapunan."

Nang marating namin ang gilid ng mga bahayan, inobserbahan namin ito. Sobrang lakas na ng ulan noon na tila merong bagyong dumating. Abandonado ang buong lugar. Nakasara ang mga bintana at walang indikasyon na me tao. No man's land.

Pinag-hiwalay ni Major BJ Bejarin ang bawat kumpanya at binigyan ng kanya-kanyang area para pagpahingahan. Sumama si Sir BJ sa aking kumpanya. 

Tinawag ko naman ang aking mga Team Leaders para sa aking instructions. 

Si Ranger T ang itinalaga kong recon element para i-check ang likurang bahagi ng bahayan na kung saan ay meron pang iba pang mga kubo. 

Ang ibang Team Leaders ay binigyan ko ng kanya-kanyang area para mag-post ng security. 

Katabi ko rin ang isang kumpanya ng Special Forces na pinamunuan ni Lt Nick Banzuela. Kanya-kanya na kaming handa ng aming tropa para sa aming hapunan.

Nakita ko ang dalawang magkatabing bahay. Ang isa ay skeleton lamang ngunit me bubong at lutuan. Ang isa naman ay me kagandahan ang hitsura. 

Nagtungo na sa likurang bahagi ang team ni Ranger T para i-recon ang likurang bahagi at mag-establish ng patrol base doon.

Tinawag ko ang aking EX-O na si Lt Toto Jomalesa. 

"To, dito na tayo sa skeleton na kubo. Mas makaka-react tayo dito kung magkaputukan. Dito ka agad na puno pumunta, ako doon sa kabila kasama ni Cuevas."

Nagtanggal ako ng aking basang-basang uniporme nang lumapit naman si Sir BJ sa akin. 

"Rold, baka gusto mo sama na tayo sa kabilang kubo. Mas maganda roon at di tayo lalamigin kagaya nitong pwesto mo."

Dahil sa napag-usapan na naming 'tactical considerations' nagpaumanhin ako kay sir BJ na manatili sa skeleton na kubo. Pinasamahan ko sya ng isang tropa para maging ka-buddy. Mahirap din kung mabangungot, dapat me katabi na manggising.

Samantala ay cycling shorts na lang ang suot ko dahil isinabit ko ang aking basang-basa nang uniporme para mahanginan at matuyo. 

Hinubad ko rin pansamantala ang aking boots para matuyo ang aking paa na namumula na noon sa dami ng blisters. Di kasi ako nagmemedyas.

Naibigay ko na rin ang aking grid location sa LRB at nai-plot ko na rin sa mapa ang lahat ng posisyon ng aking mga katabing kumpanya. Tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan at karamihan sa amin ay parang basang sisiw habang nag-hahanda ng hapunan. 

Ilang saglit pa lang noon pag-occupy namin sa lugar nang makarinig ako ng umaalingawngaw na 'BRATATATTATTATTATTAT!'

Alam kong nakaharap sa akin ang namumutok. Nakita ko ang mga butas butas na dingding ng bahay na kung nasaan pumasok si Major Bejarin. 

Wala akong ibang maisip na command: "Kalaban, kalaban! Pwesto! Fire!"

Ang grupo ni Cpl Tayros ang unang napabakbak. Nagkainan pala ang mga Abu Sayyaf sa isang kubo iilang metro sa aking kinalagyan nang nagka-titigan ang gwardya nila sa Lead Scout na si Ranger Dumago. Parehas silang di nakapagsalita. Ang mga baril nila ang nag-usap. Mas mabilis nga lang dumapa si Dumago. Niratrat ng M60 Gunner ng Abu Sayyaf ang bahay na kung saan nakita nya si Major Bejarin.

Sa gitna ng nagliliparang bala, agad kong tinakbo ang aking bandoleer na nalapag sa tabi ng aking combat pack. Mahirap naman kung baril ko lang ang aking bitbit, malulugi ako. 

Dahil tuloy-tuloy ang haging ang bala sa aking posisyon, naubusan ako ng tapang na pulutin ang aking uniporme!

Sinigawan ko si Cpl Cuevas para sumama sa akin at pulutin ang radio. First things first, ika nga.

Samantala, nakita ko si Sir BJ na tumakbo pababa at papunta sa puno na aking pinag-koberan. Sinilip ko ang katawan nya. Ayos, walang tama!

Sumunod naman ang aking radioman at si Joma na sumisigaw sa akin. 

"Sir, sir, sir! Ito ang boots mo, catch!" 

Para kaming naglalaro ng soft ball at sinasalo ko ang bola na itinapon nya. Strike!

Matapang si Joma at di nakalimutan na ako ay kalingain. Mahirap nga namang naka-paa at naka underwear lang na makipaglaban. 

Nakita ko na naka-"ngising demonyo" siya na nakitang nakahubad ako habang tumatawag sa LRB. 

Wala na akong pakialam sa attire ko habang nasa gitna ng labanan. Naka-focus ako sa mas importanteng tasking ng isang lider.

Dahan-dahan kong isinuot ang aking boots habang nag-coordinate ng indirect fires sa aking BATCOM.

"Sir, heavily engaged ako eastern part of my position ang kalaban numbering around 30.  Azimuth ay 900 mils, approximately 50 meters!"

"Okay, copy! Observe first round 81mm WP (white phosphorus) ipatak ko 100 meters from your position." 

Kampante ako kay Sir Bobby dahil graduate sya ng Infantry Mortar Leader's Course sa Fort Benning. 

Mani-mani lang sa kanya ang maging FDC (fire direction center). Magagaling din ang tropa ng 32nd Special Forces Company bilang Mortar team elements. Sila ang tumatalima sa 'fire commands' at i-adjust ang sights ng mortar ayon sa utos ng FDC.

Pag maayos lang ang aking pagiging forward observer (FO), pabatukan ko ng bala ang mga kumag na Abu Sayyaf.

Tuloy-tuloy ang laban ng aking tropa at nakamonitor ako sa radio. Kanya-kanyang mando ang mga Team Leaders. 

Si Joma ay lumipat ng posisyon at bigla na lang me lumipad na M203 round sa harapan nya. "Plooook!" "Tsuggggg!" Di sumabog.

Tumama ito sa puno na pinagtaguan nya at nag-bounce pakaliwa. Maswerte talaga hindi sumabog, dahil wala pa sa arming distance ang nalipad ng bala. Buti na lang US-made ang bala na yon. 

Nilingon ni Joma ang pinanggalingan ng putok: kasama naming si Ranger M na nagkamali ng kinalabit na trigger. Dalawa kasi ang triggers nakakapa kapag rifle na me nakakabit na M203 Grenade Launcher. 

"Sanamagan ka! Muntik mo kong pinatay!" Nanlilisik ang mata ni Joma sa galit. 

Grabe pa rin ang putukan ngunit mas maganda ang aming pwesto. Nakasuporta rin sa amin ang 12th Scout Ranger Company na mga 100meters lang ang layo mula sa amin. Ganon din ang tropa ni Nick Banzuela na nasa bahaging kanan ay napa-engaged na rin.

Narinig ko ang haging ng 81mm mortar round na lumilipad sa ere, pagkatapos na lumagabog sa pinanggalingan nito sa pwesto ni Sir Bobby. 

Iilang segundo lamang, dumadagundong na ang sabog malapit lang sa aming pwesto. "Ka-blammmmm!"

Napansin ko ang puting usok ay lumampas sa bahaging kanan. Ginamit ko ang aking training sa observed fire procedures. Practical exercise para sa akin ito at lagi ko na itong ginagawa sa battlegrounds ng Basilan at sa Maguindanao. 

"Sir, adjust fire over!"

"Drop 50, Left 100, over!"

Inaantay ko ang next round nang kinalabit ako ni Ranger G na bitbit ang kanyang M14 Rifle. 

Putlang-putla na sya na di alam ang gagawin.

 "Sir, sir, sir!" Iyon lang nasambit nya sa akin. 

"Ano ka? Ano nangyari sayo? Labaaan!"

"Sir, lumipad ang bolt ng riple ko. Di ko mahanap!" Nakumpleto rin sa wakas ang sentence.

Nainis ako dahil tila ako pa maghanap ng bolt nya. Ginulo pa ang buhay ko habang nagdi-direct ng mortar fires. 

Alam ko ang dahilan kung bakit lumipad ang bolt. Kabilin-bilinan ko ito sa mga tropang merong automatic mode M14 Rifle.

"Aminin mo, ikaw yong nag-automatic fire ano? Nerbyoso, balikan mo posisyon mo, gapang!" 

Di kalaunan, lumapag uli ang WP round ng mortar. "Ka-blaaaam!"

Nakita ko na nakasentro na ito sa position ng kalaban. Alam kong magsipagtakbuhan na ang mga ito. Palayo nang palayo ang putok ng iba sa kanila. 

Agad akong nag-request ng high-explosive rounds sabay adjust fire. 

"Add 100, Left 50!"

"Fire for effect!"

Pagkatapos ng halos isang oras na palitan ng putok, humupa ang labanan. 

Pinuntahan ko ang mga Team Leaders. Kinumusta ko ang kalagayan ng lahat na tropa.

"Merong nasugatan? Merong natamaan?" Grabe pag-alala ko sa kanila lalo na sa mga baguhan. 

Masaya ako na "OK" raw sila lahat.

Nag-command ako na sugurin ang mga kalaban. Sumama ako sa 2nd Section. Si Joma sa 1st Section. 

Naka-skirmishers line kaming sumugod habang pinaputukan ang direksyon ng mga kalaban. 

"10SRC, assault! Assault! Assault! 

Nang makita kong napalayo na kami at dumidilim na noon, sumigaw ako ng halt sa aming advance. 

"LOA! LOA!" (Limit of advance). 

"Search!"

Lima ang nasawi sa mga kalabang bandido. Walang nagasgasan sa aming hanay. 

Para sa akin, good start yon para sa aming pakikipaglaban sa mga Abu Sayyaf sa Sulu.

Ganon pa man, maraming aral ang dulot sa amin nito. May na-violate kami sa SOP ng patrol base operations, dahil nauna sa isipan ang pagtanggal ng lamig sa katawan. Muntik tuloy kaming naging malamig na bangkay. 

Hindi ako gaanong nakatulog sa gabi na yon. Ma-swerte lang siguro ako na di tinamaan, pati ang aking mga kasamahan. 

Hinimas-himas ko ang aking 'pispis' (anting-anting) na nakabalabal sa aking leeg habang nakahiga. 

Nagdasal ako ng tahimik at nagpasalamat sa tunay na me kapangyarihan sa lahat, over sa 'power' aking anting-anting

"Nag-iisa naming Diyos, salamat sa iyong gabay. Patuloy nyo po sana kaming protektahan."

(Ipagpatuloy  http://rangercabunzky.blogspot.com/2013/09/twinkle-twinkle-little-stars-combat.html)























Thursday, August 22, 2013

Morong 43 'health worker' dies in a gun fight with Army soldiers


 
Another NPA bandit who claims to be an ordinary 'health worker'  lay dead after engaging Army soldiers in a firefight in  Bgy Kabayunan, Dona Remedios Trinidad, Bulacan on August 9, 2013 .
 
Ramon dela Cruz, also known in the NPA circles as Ka Mandy, was among those arrested while undergoing medical seminar  in Morong town, Rizal in 2010.
 
Dela Cruz and his comrades engaged the combined elements of the 48th Infantry Battalion and the local police in a firefight. The security forces were sent to arrest them based on the complaint of extortion from a civilian resident of said village.
 
Two other NPA bandits were killed during the said firefight that lasted about an hour. They were only identified by their aliases, Ka Eldy and Ka Robin.
 
The cadaver of Dela Cruz was claimed by his parents who were identified as Ramon dela Cruz and Rosita, both residents of Namayan village in Malolos, Rizal.
 
The two unidentified fatalities were turned over to PNP-DRT for proper disposition.
 
The tale of the 'Morong 43'
 
It can be recalled that forty three alleged NPA bandits were arrested in a law enforcement operation carried out by PNP Rizal and the Army on February 6, 2010.
 
The security forces seized unlicensed firearms and explosives from the group.
 
They were initially detained at an Army detention facility in Camp Capinpin, Tanay, Rizal right after their arrest.
 
Self-proclaimed human rights advocates claimed that all of the arrested personalities were ordinary health workers.
 
Five of the arrested personalities admitted their membership to the banned communist armed group, the New People's Army. They were later known publicly as the 'Morong 5'.  
 
 Three of them  promptly denied reports that they were tortured by the arresting officers. Cherelyn Tawagon, Eleonor Carandang and Valentino Paulino all claimed in a TV interview that they were indeed members of the New People's Army like the others.

Carandang said that they were undergoing medical training to serve as 'combat medics' of the NPA. Among their training instructions was how to treat bullet sustained injuries.
 
Paulino said that he joined the communist movement in 2003 and that he had killed 3 people in previous firefights that he was involved in.
 
For her part, Tawagon said that  the soldiers are in fact treating them well while in detention. She said that they were indeed handcuffed but denied being blindfolded for 36 hours as claimed by KARAPATAN.
 
Inspector Rex Cuntapay positively identified two NPA members  Linda Otañez and Pearl Irene Martinez as among the bandits who  held him captive for 83 days after a deadly ambush in January 3, 2009 in Rodriguez town Rizal.
 
Meanwhile, the policemen who were detailed in the municipal police station in San Narciso town, Quezon pinpointed the NPA bandits who were among those who posed as journalists in a raid of their outpost in December 2009.
 
The policemen clearly identified Mark Escartin, Linda Otanez,  Aldrin Garcia, Edwin Detera, Antonio de Dios, and Reynaldo Macabenta as the ones who presented themselves as members of the media before poking their guns on them.
 
The 38 people who were part of the so called 'Morong 43' were later released by the government as among the  confidence building measures in the advent of the peace talks with the CPP-NPA-NDF.
 
A senior military official who was involved in the arrest of the 'Morong 43' said that he was saddened by the death of  Dela Cruz.
 
He said that the latter initially expressed his intention to avail of the Social Integration Program of the government but was forced by his handlers to go back to the armed group.
 
"If he followed the path of the 'Morong 5', he should be alive by now. I hope that the other 'health workers' who are now back in the armed bandit group will realize the futility of their cause. It is not too late for them," he said in condition of anonymity.
 

To see the feature stories about the 'Morong 5', please click the following links:

 
 
 
 

Sunday, August 18, 2013

Scout Rangers: We strike (Leadership Experience Part 7)


  

Sanay ang mga sundalo ng First Scout Ranger Regiment sa mabilisang deployment sa mga lugar kung nasaan ang kalaban. Karaniwan, hindi kami binibigyan ng sariling Area of Responsibility (AOR) kasi palagi kaming pinapadala kung saan merong nagpapasaway na mga bandido.

Sa mga panahon na iyon ay merong labing siyam na independent Scout Ranger companies ang First Scout Ranger Regiment. 

Kapag nadedestino kami sa isang lugar, nilalagay kami bilang OPCON o operationally controlled ng tactical unit na syang nakakasakop sa lugar. Minsan, ang isang Scout Ranger Company ay nilalagay sa isang Infantry Division at bahala na ang Division Commander kung aling Brigade ito ilalagay para sa specific operations sa lugar.

Ang ibig sabihin nito, sa isang Infantry Brigade kami nilalagay bilang 'striker force' laban sa kinakaharap na mga armadong grupo sa lugar.

Dahil karaniwang direct action missions kagaya ng raid o ambush ang binibigay sa amin na mga missions, ang pag-handa sa intelligence ay sa controlling unit na syang me hawak sa lugar. 

Ang problema, kung palpak ang S2 o Intelligence Officer, palpak din ang ginagawang plano ng combat operations ng kanyang ka-tandem na S3 o Operations Officer. Kapag nangyayari ito, ginagawa na lang nilang pang-araro ang mga Scout Rangers at bahala na si Batman kung magkasalubungan sila ng mga kalaban sa mga liblib na lugar na pinagtaguan. 

Mas epektibo ang employment ng Scout Rangers kung nabibigyan ito ang magandang intelligence. Halimbawa, klaro ang objective, makagawa ang kagaya kong Company Commander ng klaro rin na mission planning para isakatuparan ang isang raid o kaya ambush. 

Naiinis kami minsan sa ibang Brigade Commander o Division Commander na tila 'warm body' lamang ang paningin sa Scout Rangers na isang mahalagang 'asset' ng kanyang unit kung alam lang paano ang tamang employment. Merong mga pagkakataon na ginagawang personnel sa detachment ang tropa ng Rangers na nakadestino sa isang Division kaya ang nangyayari, naging sitting duck sila at nag-aantay na lamang na atakehin ng kalaban. 

Sa Sulu noong 2000, ang aking kumpanya ay nilagay sa Light Reaction Battalion (Provisional) na pinamunuan ni Lieutenant Colonel Roberto 'Bobby' Morales, isang batikang Special Forces at  miyembro ng PMA Class 1979. Ang kanyang Deputy Commander ay si Major Faustino 'BJ' Bejarin, isa namang Scout Ranger na miyembro ng PMA Class 1986. 

Ang purpose ng SOCOM leadership sa mga panahon na iyon ay pagsamahin ang lahat na pwersa nito na kinabibilangan ng mga Special Forces at mga Scout Rangers. Mas nagkakaintindihan kasi ang mga ito sa trabaho kasi ika nga 'they speak the same language'. 

Dahil OPCON ako sa LRB, ang immediate superior ko na pagkuhanan ng operational orders ay si Sir Bobby na isang soft-spoken na Bisaya rin kagaya ko. Sya ay very approachable at nakikinig sa mga suhestiyon ng mga junior officers. Masaya kaming nagsasagawa ng aming mga tasking dahil tiwala kami sa aming mga lider sa LRB. 

Sa ikalawang araw namin sa Sulu, nararamdaman na namin ang problema sa tubig. Nagpaluto ako ng 3 meals para sa araw na iyon sakaling makatanggap kami ng FRAG-O. 

Nagpadala ako ng recon teams para maghanap ng water points sa gilid ng dagat at pati sa mga creeklines na naka-reflect sa mapa. 

Kamot ulo ang mga Team Leaders na bumalik at lalo pang nabawasan ang water canteens nila sa uhaw sa kaka-patrol sa mga sulok-sulok sa lugar na iyon. Ayaw rin naming mag-sabaw o uminom ng tubig alat. 

Nang inusisa ko ang lahat ng mga tauhan, napag-alaman ko na kaya pa hanggang kinaumagahan ang tubig basta walang magluto ng 'wet ration'. Ang ibig sabihin, lilipat kami sa skyflakes at sardinas na alternate food provisions namin. Sanay rin kami sa ganito lalo na sa long range recon patrols na umaabot ng 2 weeks without resupply. Kilala ang mga Scout Rangers bilang 'martir' o matiisin sa hirap. Kaya nga Ranger eh. 

Pakiramdam naming lahat ay nasa paligid lang si Robot at nagtatago sa mga sulok-sulok sa gubat. Kailangang gamitin ang aming training sa combat tracking para matukoy ang kanilang kinaroroonan. Pagkakataon na rin ito para makahanap ng tubig. Feel ko talaga noon na meron silang 'secret' water point sa lugar na iyon. 

Pagkatapos naming mag-agahan, nagkaroon kami ng mission briefing. Kami ay magsagawa ng zone reconnaissance sa aming AO (area of operations). 

Gamit ang reconnaissance and security teams (R&S teams), sinusuyod ang kapaligiran para mahanap ang 'indications' ng troop presence. Ginagamit dito ang 'fan method' 'box method' o 'zigzag method' o kaya converging routes method. Okay naman iyon, ang inaalala ko lang lagi, mauubusan kami ng tubig. Dapat magawan namin ng paraan na hindi na kailangan ng resupply. Think, think, think. 

Pagkatapos ng briefing, ako naman ang nagsagawa ng briefing sa aking mga tauhan. Pinalitan ko ang order of movement. Kay Cpl Roselito 'Sel' Tayros at si Cpl Rodel Bonifacio naman ang mauunang teams. Palitan naman kami ni Lt Marlo 'Toto Joma' Jomalesa sa harapan. 

Ang mission briefing ay naka-template ayon sa 5 paragraph format na kinopya ng AFP sa mga Kano. Simula sa basic training, ipina-saulo sa amin ito: METT-TC. Mission. Execution. Troops Available. Terrain. Time. Civilian Considerations (minsan ay pwede ring community considerations). 

Ito naman ay parte sa tinatawag na Troop Leading Procedure na merong acronym na RIMIRCIS:

1. Receive the mission;
2. Initiate action;
3. Make tentative plan;
4. Issue warning order;
5. Recon;
6. Complete the plan;
7.  Issue the complete operations plan/order;
8. Supervise.

Pabalik-balik namin itong ginagawa down to the Team level of command at dito nahahasa ang combat leadership ng aming mga opisyal at NCOs. Ewan ko lang bakit tinatamad ang ibang unit na gawin ito lagi samantalang applicable din ito kahit ma-combat o admin ang mga tasking. 

Lagi kong binibigyan ng emphasis sa aking tropa ang word na 'Enemy'. Ayaw ko namang tipong 'everything that moves' sa gubat ay 'enemy'. 

"Kapag walang baril na nakakasalubong, hindi sasaktan. Walang sisirain na mga tahanan o pananim. Iyong mga damuhong Abu Sayyaf na nakikipag-barilan lang talaga ang gawing 'target paper' at tulungang makarating sa 'heaven' na inaasam nila." 

"Bawal ang automatic fire na ginagawa ng mga nerbyoso. Tinuruan ko kayo ng marksmanship at dito nyo gamitin yon. Kapag ratratin nang ratratin nyo ang kalaban, tigok pati hostages na syang pinakapakay nating mailigtas."

Dahil batid ko ang problema namin sa tubig, ito naman ang paalala ko sa kanila:

"Kung nauubusan tayo ng tubig, ganon din sina Robot. Kung merong water point, malamang andon din sila. Suyurin natin lahat ang paanan ng Mt Mahala at baka meron pang igibang natira dyan. Wag tayong mag-pa isa dahil malamang doon din tayo aabangan."

Ang paghagilap ke Robot

Malaki ang pwersa namin na sumusuyod sa lugar. Kami pa rin ang nasa leading elements. Merong disadvantage kapag ganito karami ang pwersa. 

Una, mas madali itong ma-detect dahil sa tracks na maiwan nito. Mas malaki rin ang probability na maglikha ito ng ingay. 

Kung kami sa harapan ay naka-tip toe para maiwasan ang mga sanga sa lupa at dahan-dahang hawiin ang sukal na sinusuotan, ang iba sa likurang mga yunit ay walang pakialam. Tuwing nangyayari ito, sinisigurado kong i-reklamo ito kay Sir Bobby. 

Minsan kinausap ko si Major Bejarin nang kami ay naka-short halt. 

"Sir, sa mga nag-iingay sa likuran, i-recommend kong gawin nating parte sa leading elements para maramdaman nila ang pagod at kaba ng tropang tila tinutukan lagi ng baril ng Abu Sayyaf dahil kami ay nasa harapan."

Kapag sa jungle terrain kasi, ang ubo, hat-sing at kumalansing na kaldero ay naririnig ng daan-daang metro lalo na kung pabor ang ihip ng hangin. 

Hindi namin minamaliit ang survival instincts ng mga kalabang Abu Sayyaf kasi matagal na silang nakikipag-barilan sa pwersa ng pamahalaan at sa mga karibal nilang clans. Kahit wala silang formal na training, hindi matawaran ang kanilang combat experience. Bata pa lang sina Robot at Mujib, baril na ang hawak nila at umabot sila sa edad sobra trenta na pakikipagbarilan ay parte ng buhay.

Sa hanay ng 10SRC, wala akong problema. Dalawa kami ni Joma na mahigpit sa pagpapatupad ng TTPs (techniques, tactics and procedures) sa movement. 

Mga isang kilometro ang layo sa northern portion ng barangay Mabahay, nakita namin ang isa pang maliit na komunidad sa paanan pa rin ng Mt Mahala. 

Matagal din namin itong inoobserbahan at napansin naming wala itong tao. Magtatanghali na noon nang ito ay aming narating. 

Habang nag-secure ang kalahati ng aking kumpanya sa avenues of approach, pinangunahan ni Joma ang leader's recon. 

"Dalawa ang hanapin nyo To. Ang water source at si Robot." Naka-smile lang si Joma bago lumisan kasama ang isang section o dalawang teams ng tropa. 

Sinilip ko ang aking water canteen, simot na ang isa. Halos kalahati na lang natira sa isa. Panay sipsip na nga ako ng baon kong 'Halls' at 'Snow Bear' na kendi para mabawasan ang uhaw. 

Pagkatapos ng halos isang oras na mino-monitor ko ang movement ng recon, narinig ko ang tawag sa radio. Inabot ng aking RATELO na si Sgt Cuevas ang PTT (press to talk) ng  PRC 77. Si Joma ang nasa kabilang linya.

"Bullseye this is Cyclops 6. Ano nakita nyo dyan?" 

"Sir, nakita namin ang taguan ng mga Abu Sayyaf dito sa gilid ng creekline. More or less 50 ka tao ang nag-stay rito. May female napkins, balot ng kendi, buto ng isda at mga tutong ng kanin. Nakaalis na ito baka kahapon pa  base sa mga kanin na nagkalat at sa pinag-higaan nilang mga dahon at papag. Ang direction ng escape route nila ay papuntang direksyon ng Mt Mahala."

Kahit di namin sila naabutan, natutuwa pa rin kami kasi ang impormasyon na iyon ay mahalaga para sa aksyon ng mga katabing yunit. Batid ko na ang 7th Infantry Battalion na pinamunuan ni Lt Col Audie Delizo ay nasa northern portion ng Mt Mahala at ang southern portion o gilid ng dagat naman ang kinaroonan ng 59th Infantry Battalion na pinamunuan ni Lt Col Ed Pangilinan. 

Ibinato ko agad ang recon report kay Batcom para sa kanyang kaalaman. Ito naman ay inirereport sa 104th Brigade sa Camp Bautista sa ulat na kung tatawagin ay SITREP (Situation Report).

Di kalaunan ay nagconduct kami ng link-up operations sa aking recon teams. Lupaypay sila dahil lalong nabawasan ang aming tubig. 

Merong nakakita ng galong me tubig sa bahayan at agad itong pinagpartehan para panluto ngunit hindi ito sapat para sa lahat. 

Pinagpatuloy namin ang tracking operations sa hilagang bahagi ng pinagkampuhan nina Robot. Tila kinukutya kami ni Haring Araw dahil talaga namang matinding init ang ibinato sa paligid. Grabe na ang pagtitipid namin sa drinking water. Sisigaw na ata kami ng 'Sunoooooooooog!"

Dakong alas-dose, nag-request ako ng long halt para chow time. Pina-secure namin ang paligid para maghanap pa rin ng water points ang iba. Naging desperate na kami. 

Nagmuni-muni ako at patinga-tingala sa langit para manawagan sa Diyos na bawasan ang kagat ng sinag ng araw nang namataan ko ang berdeng bilog sa itaas. 

"Botong!" (Niyog)

Nakakita ako ng solusyon sa aming problema. Merong mababa lang na mga puno pero humihitik sa bunga. Kahit makalikha man ito ng ingay, nag-violate na kami para sa survival. Kung aatake sina Robot, welcome!

Nagpasungkit ako ng iilan para mainom. Mala-uhog ang napunta sa akin. Parang heaven ang dulot nito! Ini-imagine ko na nasa Megamall ako habang ninamnam ito. Solved!

"Wag nang maghanap ng tubig dahil talagang wala!Ito ang gawin nating sabaw simula ngayong hapunan!" 

Kaya ayon, manamis namis ang aming kanin pati ang aming ulam na sardinas. Parang naging biko ang lasa. 

Natitiis naman namin........noong una.

Dahil ito rin ang naging sabaw at inumin namin noong succeeding meals the next day, nawalan kaming lahat ng ganang kumain. 

Pinagtiyagaan kong unti-untiing baliin ang katago-tago kong chocolate bar pampawi ng gutom. 

Lalo kaming naiinis kay Robot at Susukan. 

"May araw ka rin Robot. Me kalagyan ka sa amin pag mag-cross ang ating landas!"

Pilit kong pataasin lagi ang morale ng aking tropa. 

"Tiis tiis lang tayo, kaya nga Rangers eh. Malay nyo uulan mamayang gabi? Buti nga tayo merong nakakain at nakakapagluto pa. Sina Robot di nga nila magawang magsungkit ng niyog. Hanggang nakatayo ang bandera ng Pilipinas, ayos pa tayo!"

(Ipagpatuloy)





























Saturday, August 17, 2013

Dare to fail: We lead from the front (Leadership Experience Part 6)




























Sa malakihang combat operations na umaabot ng isang daan ang kasama sa patrol, ang leading elements ang syang pinaka-delikado na pwesto. Kalimitan, sila ang unang nababakbakan at nalalagay sa matinding panganib.

Para sa akin, ang pwesto ng leading element ay may kasamang sense of pride. Dapat maipakita ng aking kumpanya ang kagalingan nito lalo na sa tactical movement. Dapat kami ang makauna at hindi maunang makipagpatintero sa humahaging na bala.

Kasama ako sa pinakaunang team na nangunguna sa hanay ng 10th Scout Ranger Company. Gusto ko na may direct knowledge ako sa kaganapan sa harapan. Ika nga, the commander must see the battlefield and make quick and sound decisions.

Kampante ako na kung mapasabak kami sa matinding bakbakan, ka-buddy ko naman ang isang batikang mandirigma, ang aking Ex-o na si Lt Marlo Jomalesa, miyembro ng PMA 'Mabikas' Class of 1996. Parehas kaming napasabak na sa Basilan laban sa grupo ni Abdurajak Janjalani lalo na yong pinakamatindi naming sagupaan sa naturang grupo sa Hill 83, Libok, Lantawan Basilan noong taong 1998.

Mahirap kasi na maging parte na leading element tapos duda ka pa na baka pabayaan ng kasama na nasa likuran at panoorin lang sa panahon ng pitpitan kagaya ng nangyayari sa ibang yunit na napupugutan ng ulo ang kasamahan. Kaya nga, noong nasa 12th Scout Ranger Company (Men in Black) pa man ako naka-assign, nabuo naming ang motto na "Walang iwanan!"

Balikan ko ang kaganapan bandang alas dos ng hapon noon September 16, 2000.

Sa unang bugso pa lang ng putok, kanya-kanyang dive na kami para kumuha ng magandang pwesto sa ilalim ng niyugan.

Parte sa SOP ay inoobserbahan kaagad namin ang paligid. Saan nanggaling ang putok? Saan ang pwesto ng mga kasama?

Dami akong narinig na mga sigaw.

"Ano yun?"

"Linti gid!"

"Nya met ten!"

Sinilip ko ang kasamahan sa first team. Lahat gumagalaw at 'alive and kicking'.

Si Pvt Indanan ay naka-upo sa likod ng niyog katabi ng isang Private . Me nagkubli ng ulo pero nakalabas ang pwet. Merong tatlong tao sa maliit na puno ng marang. Nakakatawa silang tingnan pero wala akong time para sila ay kantyawan.

Isa ang sigurado ko. Hindi nakasalubong sa aming direksyon ang putok. Alam ko ang tunog ng sonic crack ng lumilipad na projectiles ng small caliber.

Walang tumitilamsing sa ere na at lumalagapak sa dahon at sa lupa. Walang lumalagatok sa mga sanga at puno.

Nang sure na ako, agad akong tumayo at nag-paspas ng uniporme habang palapit kay Cpl Arnold Panganiban na agad sumalubong sa akin.

"Damuho yan, galing din sa atin yon ano?!!!"

"Yes sir. Si Ranger P, ang ating gunner na baguhan nakalabit ang gatilyo ng kanyang machinegun!"

"Hay naku Lobat talaga! Sanamagan, parang nag-anunsyo na kayo na paparating tayo!" (Lobat ang termino namin sa mga 'very laxed' o yong mga palpak kumilos)

Putlang-putla si Ranger P na tubong Mindanao nang nakita nyang nagpupuyos ako sa galit na lumapit sa kanya.

Di ko rin sya masisi, first time nya sa combat environment dahil parade and ceremonies ang kinalakihan nya sa Army headquarters.

Pinakalma ko na lang ang aking sarili at sya ay pinaalalahanan.

"Dong, kapag nag-move tayo, laging naka-engaged ang safety lock. 
Kapag me kalaban, split second lang yang mag-unlock, kumalabit ng initial rounds at dumapa para mas tumamang mabuti."

"Sorry sir, di ko sinasadya. Mag-ingat na ako sir."

Naging traffic ang ere sa aming radio frequency sa pag-usisa ano ang nangyari sa amin.

Tinawagan ko agad ang aming ground commander na kasama naming naglalakad.

"Sir, pumalpak ang bata ko. Pinagsabihan ko na sir. Magdoble ingat kami sir kasi burn out na tayo sigurado, maliban sa may nag-tsu tsu na rin sa atin na mga taga Talipao proper."

Pinatawag ko uli ang aking unit leaders para sa FRAG-O. Ang fragmentation order (FRAG-O) ay mga pagbabago sa mga kautusan kung mayrong mga adjustments na gagawin.

"Sa loob ng sukalan tayo dumaan at huminto para mag-observe kung me alanganing lugar sa daanan. Merong tropa ang nagpa-patrol sa vicinity ng Mt Mahala at sa Bgy Lubuk kaya iwasan na lumampas sa phase lines sa kabilang bahagi ng ating AO."

Di kalaunan, dahan-dahan uli naming tinahak ang kasukalan ng Bgy Lati. Tuyo ang lupa sa mga panahon na iyon at tila iilang lingo nang hindi umulan.

Sa kanang bahagi ng aming direction of attack (DOA), nakikita ko ang madawag na kogonan at merong maliit na gubat sa gilid ng dagat.

Napansin kong wala man lang tanim na punong kahoy, mais o upland rice. Sa gilid ng dagat ay merong niyugan maging sa mababang bahagi ng Mt Mahala.

Sa sukalan na aming dinaanan, nakikita ko ang napakatabang lupa. Matataba ang mga maliliit na puno na napakatingkad ng mga berdeng dahon. Ang swerte naman ng mga Tausug sa lupain.

Napaisip ako na ganitong lupa ang paborito ng mga magsasakang Ilokano at Ilonggo.

Kapag taga rito siguro kami, hindi palalampasin ng aking amang magsasaka ang nakatiwangwang na lupain. Pati ako siguro ay nag-aararo na rin at magtanim ng goma, durian o dinoradong palay.

Napansin ko na bihira ang foot prints ang nakikita sa lugar. Kung grupo ni Robot at Mujib ang napa-rito, sigurado na merong traces na kung tawagin namin ay 'indications'.

Sa training namin sa Scout Rangers, ang leading elements ang responsible sa tracking. Habang nagbabantay sa harapan ang Lead Scout, busy ang Team Leader at Guide para usisahin ang kapaligiran lalo na ang lupa.  

Tinitingnan namin kung merong apak ng sapatos o paa, me nahawi na damo, nabali na sanga o kaya naiwang bagay na hindi natural sa paligid na iyon.

Naka-short halt kami sa sukalan mga 500 metro mula sa Bgy Mabahay nang lumapit si Cpl Raymund Dumago sa akin.

"Sir, daming bagong apak ng baboy damo. Ang laki ng hugis ng kuko at nandito ang kahoy na pinagkiskisan nila ng kanilang katawan."

"Si Robot hanapin natin. Ang mayabang na kidnapper na si Robot at ang Malaysian hostages pati ang grupo ni JMC preacher Almeda."

Nakaka-awa na nakakainis kasi ang grupo ng Jesus Miracle Crusade. Mantakin mo ba naman na i-pray over nila ang mga European hostages at ipinagpilitang pumasok sa kuta nina Robot sa Tiis Kutong!

Nasaniban na ata ng demonyo sina Robot. Sumobra na ang kanilang pagka-gahaman. Sa mga panahon na iyon, nabalitaan naming nag-mumudmod sila ng pera mula sa ransom ng mga hostages na binayaran ni Muammar Khadaffi, kaya marami silang kakampi pati mga bata.

Money talks ika nga. Sa lugar nila, parang hero pa ang dating nila ,umasenso bigla ang buhay nila at panay pamimili ng bagong armas at mga kagamitan. Palit-palit rin ang asawa ni Robot dahil marami syang perang pang-'dowry'.

Bandang alas kwatro na noon nang narating namin ang gilid ng Bgy Mabahay.

Dala ang dalawang teams, sinilip namin ang lugar mula sa mataas na bahagi o vantage position. Gamit ang pamamaraan ng operasyon, ginamit namin ang SLLS.

Stop. Look. Listen. Smell. Matindi kaming usisero, inaamoy pa talaga.

Kapag me tao, kinikilala namin kung armado o hindi. Kapag palaban ang kilos, me kalalagyan ang bala ng mga snipers na nakatutok sa lugar.

Mga limang bahay lang ang nakikita ko sa lugar. Merong masjid (mosque) na itinirik sa gilid mismo ng dalampasigan.

Merong iilang manok at kambing ang pagala-gala sa paligid. Walang nakikitang tao at naka-kalat ang ibang mga gamit.

Pinabantayan namin ng mga kasamahang tropa sa likod ang vantage position para magbigay ng support by fire (SBF) habang pinapasok namin ang mga bahayan inikot ang mga sukalan sa paligid nito. 

Butas-butas ang mga bubong ng bahay. 'No man's land' na ang lugar.

Wala ni isang bangkang natira pero merong nakasabit na mga lambat.

Merong pinatuyong agar-agar (seaweed) ngunit hindi na ito naitabi ng may-ari.

Halatang nagmamadali ang mga lumisan dito.

Kung Abu Sayyaf sila o hindi, ewan ko na lang. Si Robot ay taga Bandang ngunit dito raw nagtatago sa lugar.

Maaaring nadamay lang din sila sa kabulastugan ng kanilang kabayan na taga kabilang baranggay.

Sila ay maaaring parte na sa tinatawag na 'bakwit' na nagkukumahog na mabuhay sa bahay ng mga kaanak sa Jolo na palagay nila ay mas ligtas para sa kanila.

Kakainis si Robot. Akala ko ba matapang ang bruha na yon.  Ang walang laban lang ata kaya nya lalo na yong mga babaeng pinagre-reyp nila!

Boluntaryo ako na manguna sa harapan dahil gusto kong makaharap sina Robot.

Akala ko naman totohanin nya ang banta na paulanan daw ng bala ang susugod sa kanila. Sobra libo na raw ang mga tauhan nya kaya di sya natatakot at marami syang magamit sa suicide attacks.

"Rooooooooooooobooooooooot!"