Ito ang larawan ng aking ipinagmamalaking 10th Scout Ranger (We Lead) Company pagkatapos ng training instruction sa camouflage and concealment techniques (cam and con) at pati sa recon operations. Parte sila sa humigit kumulang na 70 ka tao na bumubuo sa aking kumpanya nang ako ay mahirang bilang Company Commander noong ika-6 ng Marso, taong 2000. (10SRC Photo)
(Karugtong ng istorya sa http://rangercabunzky.blogspot.com/2013/08/scout-rangers-we-strike.html)
Sa ikatlong araw naming pananatili sa Talipao, nanlalata na kami sa kakakain ng pagkain na sinasabawan ng tubig ng niyog.
Medyo natiyak na namin na wala sa loob ng aming area of operation (AO) sina Robot kung ang pagbabasehan ay ang latest traces nila ngunit hindi pwedeng basta-basta pasukin namin ang kabilang AO na walang pahintulot mula sa 104th Brigade.

Ipinagdarasal na lang namin na mahagilap na lang sila ng mga sundalo na nasa adjacent AOs kasi talaga namang nilalanggam ang kalupaan ng Jolo sa dami ng naka-deployed na tropa sa mga panahon na iyon. Maraming units ang imported pa galing sa Luzon at Visayas, kasama na ang mga Marines, SWAG at ang Naval forces na naka-blockade sa karagatang nakapaikot sa isla ng Sulu. Pati mga miyembro ng SAF at RPSB ng kapulisan ay napasama na rin sa infantry deployments although karamihan sa kanila ay nasa malapit lang sa kabihasnan dini-deploy.
Kasalukuyan naming pinagtiyagaan lamunin ang tanghaliang ulam ay sardinas na lasang buko salad, nang matanggap namin ang radio message para sa paglilipat namin ng area sa bandang Indanan.
Mga bandang alas dos noon ng hapon nang sinundo kami ng mga M35 trucks at hinakot na muli papunta malapit sa Bud Datu, ang libingan ng mga kilalang pinuno ng mga Tausug kagaya ni Rajah Baguinda na namuno noong 1390.
Kinuha namin itong pagkakataon na makapag-replenish ng ilang supplies. Tinawagan ko ang aking support personnel para magdeliver ng preskong isda at karne ng manok para sa aking mga tauhan.
Distributed ito sa lahat ng Teams na merong sariling tiga-luto na kung tawagin ay 'Kaldero Six'. Simpleng paraan ko yon para mapasaya sila pagkatapos malupaypay sa unang bugso ng aming operasyon.
Dakong alas singko ng hapon, nandon na kami sa bagong assembly area sa ibabang bahagi ng Bud Datu. Para sa tropa, pagkakataon na rin itong magpalit ng damit lalo na ang medyas na parang tear gas ang epekto ng amoy.

Habang naghahanda kami roon para sa jump-off kinaumagahan, maraming nainis dahil walang phone signal. Nabalitaan naming sinadyang i-shut down ang cell site para mai-deny din ang pag-gamit nito sa mga Abu Sayyaf.
Sa pakay na makausap ang aking pamilya, dala ang apat na sundalo bilang escorts, sinaglit ko ang bayan ng Sulu para tumawag gamit ang PLDT.
Mga kinse minuto lamang ang byahe namin lulan sa aking magarang M151 Kennedy Jeep papuntang Indanan. Ibang-iba ang pakiramdam ko habang nasa gitna na kami ng komunidad. Tense ang mga tao sa presensya ng sundalo. Mahaba ang pila sa phone booth nang ako ay dumating. Maraming sundalo ang tumatawag sa kanilang mga pamilya.
Hindi ako kampante sa mga tao sa paligid na tila ay nakikiusyoso sino ang gumagamit ng telepono. Ang iba ay tila nagmamanman sa aming mga aksyon. Di rin naman lingid sa akin na merong mga Abu Sayyaf na namamaril sa downtown Jolo at humahalo sa taumbayan para maka-eskapo. Hindi ko hayaang mabaril kami na walang laban. Kinausap ko ang aking escorts.
"Post security by buddies sa paligid ng area. Trigger finger ready at huwag mag-hesitate na barilin ang kahit sino mang bumubunot ng armas para gambalain tayo."
Nang ako na ang in line para tumawag, hawak-hawak ko pa rin ang aking AUG Steyr sa aking kanang kamay habang ito naman ay naka-tactical carry sa aking balikat. Loaded ito at walang isang segundo, kaya ko itong i-unsafe at iputok ng first round of shots. Ayaw na ayaw kong pauna. Dati na akong naunahan at nasugatan sa Maguindanao. Never again!
Walang mapaglagyan ang kasayahan ng aking misis na si Bia nang marinig ang aking boses.
"Dear, I am alive and kicking! Naka-shut down ang cell site dito kaya ipa-relay mo sa aking Liaison NCO dyan sa Fort Bonifacio ang lahat na emergency messages na dapat kung malaman," bilin ko sa kanya.
Mahaba rin ang aming kwentuhan. Syempre subject namin ang experience ko sa botong na sabaw sa sardinas. Nagtawanan na lang kami sa aking kakaibang karanasan.
Sa mga panahon na iyon, hindi pa nakakapagsalita ang aking anak. Wala syang kamuwang-muwang bakit wala ang kanyang ama sa bahay. Kasama rin sya sa topic naming pinag-uusapan. Nag-iwan kasi ako ng walang labang damit para amuyin nya at nang kilala pa rin daw ako kahit matagal akong wala. Sabi ng mga matatanda eh.
Para sa akin, importante na updated pa rin ako sa kaganapan sa aking tahanan. Sa panahon na walang signal, gumagamit kami ng messenger at ito ay sa pamamagitan ng aking sundalo na nakatalaga bilang admin support personnel sa garrison. Ito naman ay inire-relay sa akin sa pamamagitan ng URC 187 HF radio tuwing meron kaming admin time kagaya ng resupply operations na kung saan ay pwedeng gumamit muna ng alternate frequencies para sa non-operational matters.
Nakikita kong dahan-dahan nang dumidilim kaya minabuti kong mag-paalam. Iyon lagi ang mahirap para sa amin, paano ang ba-bye.
"Keep safe at isipin mo kami lagi. Ipagdasal ka namin lagi," sabi nya.
Madilim na nang nakabalik kami sa Indanan. Halos lahat na tropa ay naka-smile dahil masarap ang ulam nilang hapunan.
Merong teams na nag-adobo, sinabaw at nag-ihaw ng isda. Syempre, hindi mawala ang kwentuhan habang nasa kainan.
Di nawawala ang tawanan at mga biruan. Isa yon sa dahilan kung bakit bihira ang may Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) sa sundalong Pilipino.
Di kalaunan, natanggap ko ang FRAG-O mula sa LRB. Ang galugarin naman namin ay ang bayan ng Indanan sa kanlurang bahagi ng Bud Tumatangis (Mt. Tumatangis).
Again, nasa 'Search and Destroy' mode uli ang aming hanay. Walang klarong objective kagaya ng Abu Sayyaf encampment. Binigyan lamang kami ng phase lines bilang limits na pwede naming puntahan. Sa 'Enemy Situation', binanggit lamang na ang lugar ay balwarte ni Kumander Patta na kasama sa nang-kidnap ng foreign tourists sa Sipadan island.
Ang klaro lamang doon ay ang timeline: The whole LRB must be in Lanao Dakula, Indanan, Sulu by 1630H. Nang ako ay mag-map recon, napabulalas ako.
"Whoah, mabigat yon. Sa air distance pa lang ay humigit kumulang sa 10 kilometro!"
Makikita sa larawan ang screenshot ng Google Earth image ng Area of Operation na ibinigay sa Light Reaction Battalion noong September 20, 2000. Initially, magkakasama ang buong batalyon hanggang marating namin ang bungad ng Mt Tubora (Bud Tubora), isang katabing bundok ng Bud Tumatangis, na kung saan nagpasya kaming maghati sa dalawang grupo. Ang kulay dilaw ay ang axis of advance ng Hqs LRB kasama ang 20SRC at 32nd SF Company.
Iba kasi ang rate of march kung kalsada ang gamitin kagaya ng mga admin foot marches ng mga kadete ng PMA o ROCT, at kung sa gubat ang daanan na kung saan ay merong matatarik, masukal at mga ilog na tatawirin.
Dagdag na pabagal ay ang tactical movement. Kailangan naming dahan-dahang maglakad sa mga danger areas (open terrain, creeklines) otherwise baka uulanin kami ng bala ng mga kaaway na nasa mas nakakalamang na pwesto.
Duda ako na kakayanin ang halos sampung oras na ibinigay na oras para marating namin ang destinasyon. Dismayado sa pinagmulan ng utos mula sa Brigade. Di ko kasi makuha ang tinatawag na Commander's intent na palaging pinapaintindi at nilalagay sa mga operational orders.
Ang hirap kasi pag malabo ang mission, malabo rin ang ibigay ko na taskings sa aking mga tauhan. Ganon pa man, 'Go, go, go' attitude lang kami.
The "Forced March"
Bandang alas-singko ng umaga, nakahanda na lahat ng aking tropa para sa final briefing at unit prayer. Alas kwatro y media pa lang, pinag-almusal ko na lahat para isang long halt na lang sa tanghali.
"Ang tasking sa atin ay tumbukin ang Bud Tumatangis at maghanap ng traces ng Abu Sayyaf sa lugar na iyan. Required din tayo na marating ang Lanao Dakula Elementary School pagsabit ng alas kwatro mamayang hapon."
"Ang order of movement ng Battalion ay 12th SRC, LRC then tayo na pangatlo. Ang Battalion Ex-O, si Major Faustino 'BJ' Bejarin ang sasama sa ating grupo."
Nakikita ko na taas-noo uli ang aking tropa. Fully charged uli. Mas mabigat kasi ang responsibilidad ng leading elements. Sa pagkakataong ito, ibinigay sa 12SRC ang karangalang maging tip of the spear ng buong battalion.
Di kalaunan ay nilakad na namin ang designated LD/LC, isang masukal na lugar na kung saan ay malayo ito sa mga bahayan. Kasama ito sa aming inaaral sa movement techniques: Avoid detection. Always assume that the area is under enemy observation.
Panay niyog ang aming dinaanan at dahan-dahang tumatarik ang lugar na aming pinag-dadaanan. Nasa gilid kami mismo ng Bud Tumatangis, isang lugar na pinaniniwalaan ng mga Tausug na pinaglibingan ni Abu Bakar, ang nag-palakas ng impluwensya ng Islam sa lugar pagkatapos nitong mapangasawa ang anak ni Rajah Baguinda.
Merong, pailan-ilang kubo ang aming nadadaanan sa lugar ngunit walang mga tao doon. Mukhang alam nilang galugarin ng mga sundalo ang lahat na sulok doon.
Mga 8:30am na noon nang narating namin ang isang matarik at magubat na lugar. Malalaki na ang puno at marami ang mga vines na sumasabit sa baril habang kami ay naglalakad.
Panay huni ng ibon at mga insekto ang naririnig, pati tilaok ng labuyong manok na naglipana pa rin sa lugar na iyon.
Ini-enjoy kong pakinggan ang kakaibang concert ng mga insekto at hayop sa gubat nang magulantang ako sa tila ay pigil na hiyaw ng tao at alingasngas ng mga sukal na dinaraanan nito.
Parang me riot sa harapan. Parang nakakita sila ng multo at nagtakbuhan pabalik sa amin ang mga naka-Kevlar helmet at naka-ballistics vest na mga tropa ng LRC.
"Aaaaaaaaaaaah!"
"Agay, agay, agay!"
"Kinam! Kinam!"
"Pisting yawa!"
Nakita ko ang iba ay nagpagulong-gulong at pinagtatanggal ang over-sized combat packs.
"Putyukan!" (Stinging bee!)
Naalarma ako. Walang kinikilalang Ranger o SF ang mga pukyutan.
"De-track! De-track!"
Sinigawan ko ang mga tropa ng LRC na gusto pang maglapit-lapit sa aking posisyon.
"Wag kayo lumapit sa amin, lumiko kayo palayo!"
Nagkakagulo na kami. Nakakita kami ng mabangis na kalaban. Damuho yan.
Marami ang 'nabiktima'. Kalunos-lunos ang hitsura nila. Paano naman kasi, nabulabog nila ang napakalaking bahay ng pukyutan na nanahimik lang naman doon sa isang sanga!
Dahil doon, lumihis kaming lahat ng landas palayo sa kaharian ni Haring Pukyutan.
Mas nakakatakot pala ito kaysa Abu Sayyaf. Imagine, di sinanto ang Delta Force-trained LRC naming mga kasamahan!
Buti na lang nadaan sa dasal at di kami pinagbalingan ng mga pukyutan na nag-counter attack sa 12SRC at LRC. Nadaan ata sa dasal.
Umabot ding kalahating oras ang nasayang dahil sa pagtago namin sa mga nag-iingay na pukyutan na nag-patrol sa ere bandang uluhan namin.
Mga 10:00am na noon nang napansin ko naman na palaki-nang palaki ang inilihis ng aming direction. Lalo kaming hindi makarating sa objective sa ayon sa timeline kapag pabayaan ko ito kaya tinawagan ko ang leading officer na si Ranger D.
"Bok, nag-map check ka ba? Ayon sa aking mapa, halos 600 mils (milliradians) na ang inilihis natin mula sa ating Axis of Advance. Paki-countercheck sa iyong Global Positioning System receiver bok," bilin ko.
Di ko na maantay ang feedbak, nilakad ko ang position ng leading elements kasama ang aking Radio Man (RM). Naabutan kong "nagbabasa" ang opisyal at ang Platoon Sergeant sa kanilang mapa. Gamit ang 'reading' sa GPS, nag-plot sila ng location.
Nang aking usisahin, nakita ko ang deperensya.
"Bok, kailangang makakuha ng 3-4 satellites ang GPS bago ito makapagbigay ng latest location. Ang andito ay ang grid location ng pukyutan!"
Kamot ulo sya ngunit di nya matanggap na mali nga ang 'basa' nya. Nang malaman ito ni Major Bejarin, nag-alala syang di na kami umabot sa takdang oras. Agad syang nagpasyang palitan ko ang leading elements.
Nang ako na uli ang nasa harapan, sumama na ako sa leading team. Back to my favorite position.
Para mas tumpak ang direction, double check ko sa pamamagitan ng navigation techniques ang GPS readings. Minsan kasi meron itong minor errors at kapag nangyari ito, malaki rin ang deperensya sa ground. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat tinatalikuran ang pinag-aaralang Map Reading and Land Navigation.
Dahil meron nang high-tech gadget na GPS, lalong walang rason na mawawala pa ang patrol. Kung pumalya naman ito, babalik sa basic soldiery skills ang patrol leader.
Naaalala ko ang kantyaw ko sa aking mga estudyante sa Scout Ranger Course tuwing nagtuturo kami ng Land Navigation.
"Wala kayong karapatang mawala sa area at di makabalik sa starting point. Kung ang baboy o aso nga, pakawalan mo yan kilo-kilometro ang layo sa bahay ng may-ari, nakakabalik yan! Rangers kayo at hindi aso!"
Hmmmm. Hindi ako mawawala. Musang ako. Makakarating ako sa destinasyon.
Dahil pinagkatiwalaan ang 10SRC, leading elements na naman kami.
Actually, merong 'Go To' function ang GPS. I-activate mo lang ito, ituturo na nito agad gamit ang sariling compass ang destinasyon na grid coordinate. Makikita rin dito ang rate of march, routes at time of travel. Dapat lang na ito ay panatiliing naka-'on' habang naglalakad. Easy. Easy.
Bandang alas onse na noon nang nagpatawag ng leader's briefing si Lt Col Morales, ang aming BATCOM.
"Hatiin natin ang ating grupo. Kailangang isa sa atin ay makarating doon ng alas kwatro. Tumbukin namin ang kaliwa ng Tubora Hill, kayo naman sa bandang kanan."
Ipinagpatuloy namin ang patrol pagkatapos na mapaalis namin ang grupo ni BATCOM. Dinaanan namin ang iilang bahayan sa tuktok ng isang bundok para alamin ang kaganapan doon.
Panay matatanda at bata ang naiiwan. Mga senyales pa rin ito na maaaring nasa paligid lamang ang mga binatilyong sumapi sa Abu Sayyaf.
Sumuot kami uli sa masukal na lugar para makahanap ng patrol base, ang lugar na pwedeng ma-secure at mapagkainan o mapagpahingahan.
Nasa dulo kami ng isang ridge at natatanaw na namin ang niyugan sa bahagi ng Lanao Dakula. Malayo-layo pa rin kami at mga ala-una na noon.
"Kain tayo within 20 minutes then move uli tayo para umabot tayo sa timeline," sabi ni Major Bejarin.
Agad kong ipinag-utos ang mabilisang pag-consume ng aming lunch. Nakikita ko rin sa horizon na dumidilim ang kalangitan at nakaambang bumuhos ang ulan.
"I will give you 10 mins per group to eat. Palitan ang pag-gwardya sa lahat ng avenues of approach."
Sanay kami na hindi na nilalasahan ang pagkain. Ang importante sa amin ay mapunuan ang laman sa tyan at libo-libong calories ang nasunog namin sa aming paglalakad.
Kasalukuyan pa lang kaming kumakain nang nagsimula nang pumatak ng ulan. sinigurado kong mailagay ang mga importanteng gamit sa loob ng aking 'water proofed' container. Di bale nang mabasa ang lahat, wag lang ang aking libro na pang-review para sa compre sa aking Masters degree, pati ang damit pangtulog at iba pang mahahalagang mission-essential equipment.
Matarik ang dinaanan namin pababa sa barangay ng Lanao Dakula. Marami ang nasemplang at nagkandasabit-sabit ang kagamitan. Lagi naming binabaon ang likurang bahagi ng boots para kumapit at hindi madaus-os pababa sa bangin. Lalong bumagal ang aming movement. Ano ba kasi ang importansya ng 4:30pm timeline? Di ko maarok ang "Commander's Intent" 2 levels up ng chain of command. Parang ginawang simpleng footmarch ang aming patrol.
Lalong lumakas ang ulan bandang alas kwatro na ng hapon. Nasa ilalim na kami ng niyugan at nakita ko mga dalawang kilometro na lang kami mula sa Lanao Dakula.
Parang nagpapasalamat na rin ako sa lakas ng ulan dahil nababawasan ang uhaw na nararamdaman. Mas madali ring ma-erase ng traces namin na maiwan sa dinaanang sukal. Kapag may weather disturbance, the better din kasi di gaanong mapapansin ang ingay. Ranger weather, ika nga.
Ang worry ko lang sa mga oras na iyon ay ang lakas ng hangin. Tila bala ng 81mm Mortar ang paningin ko sa mga bunga ng niyog sa aming uluhan na umiindayog tuwing hinahampas ng malakas na bayo ng hangin. Masakit din mahulugan ng buko. Nakakamatay din yon lalo na kung sa ulo ang bagsak.
Mga ilang daang metro mula sa sentro ng Lanao Dakula, napansin ko ang mga apak ng combat boots. Pwede itong sundalo o kaya mga Abu Sayyaf na gumagamit rin dito. Me nakita rin akong kakaibang korte ng spikes ng sapatos. Medyo duda ako kaya itinawag ko ito sa LRB na noon ay nakarating na sa eskwelahan na gustong marating.
Kinausap ko si BATCOM sa pamamagitan ng PRC 77.
"Sir, me nagpatrol ba dito sa bandang Lanao Dakula? Me nakita akong tracks ng combat boots dito."
Dahil isang kilometro lang ang pagitan namin, maliwanag ang radio transmission.
"Meron akong pinag-recon banda dyan pero hindi ko tyak ang actual route na ginamit. Dyan na kayo maghanap ng patrol base at ibigay kaagad sa akin ang grid location."
Agad kong kinausap si Major Bejarin na noon ay nanginginig na rin sa lamig dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan. Agad naman syang nagbigay ng kanyang instruction.
"Hanap tayo masilungang bahayan na walang tao kasi mahirap nang malaglagan tayo ng puno ng niyog. Lipat na lang tayo pagkatapos ng hapunan."
Nang marating namin ang gilid ng mga bahayan, inobserbahan namin ito. Sobrang lakas na ng ulan noon na tila merong bagyong dumating. Abandonado ang buong lugar. Nakasara ang mga bintana at walang indikasyon na me tao. No man's land.
Pinag-hiwalay ni Major BJ Bejarin ang bawat kumpanya at binigyan ng kanya-kanyang area para pagpahingahan. Sumama si Sir BJ sa aking kumpanya.
Tinawag ko naman ang aking mga Team Leaders para sa aking instructions.
Si Ranger T ang itinalaga kong recon element para i-check ang likurang bahagi ng bahayan na kung saan ay meron pang iba pang mga kubo.
Ang ibang Team Leaders ay binigyan ko ng kanya-kanyang area para mag-post ng security.
Katabi ko rin ang isang kumpanya ng Special Forces na pinamunuan ni Lt Nick Banzuela. Kanya-kanya na kaming handa ng aming tropa para sa aming hapunan.
Nakita ko ang dalawang magkatabing bahay. Ang isa ay skeleton lamang ngunit me bubong at lutuan. Ang isa naman ay me kagandahan ang hitsura.
Nagtungo na sa likurang bahagi ang team ni Ranger T para i-recon ang likurang bahagi at mag-establish ng patrol base doon.
Tinawag ko ang aking EX-O na si Lt Toto Jomalesa.
"To, dito na tayo sa skeleton na kubo. Mas makaka-react tayo dito kung magkaputukan. Dito ka agad na puno pumunta, ako doon sa kabila kasama ni Cuevas."
Nagtanggal ako ng aking basang-basang uniporme nang lumapit naman si Sir BJ sa akin.
"Rold, baka gusto mo sama na tayo sa kabilang kubo. Mas maganda roon at di tayo lalamigin kagaya nitong pwesto mo."
Dahil sa napag-usapan na naming 'tactical considerations' nagpaumanhin ako kay sir BJ na manatili sa skeleton na kubo. Pinasamahan ko sya ng isang tropa para maging ka-buddy. Mahirap din kung mabangungot, dapat me katabi na manggising.
Samantala ay cycling shorts na lang ang suot ko dahil isinabit ko ang aking basang-basa nang uniporme para mahanginan at matuyo.
Hinubad ko rin pansamantala ang aking boots para matuyo ang aking paa na namumula na noon sa dami ng blisters. Di kasi ako nagmemedyas.
Naibigay ko na rin ang aking grid location sa LRB at nai-plot ko na rin sa mapa ang lahat ng posisyon ng aking mga katabing kumpanya. Tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan at karamihan sa amin ay parang basang sisiw habang nag-hahanda ng hapunan.
Ilang saglit pa lang noon pag-occupy namin sa lugar nang makarinig ako ng umaalingawngaw na 'BRATATATTATTATTATTAT!'
Alam kong nakaharap sa akin ang namumutok. Nakita ko ang mga butas butas na dingding ng bahay na kung nasaan pumasok si Major Bejarin.
Wala akong ibang maisip na command: "Kalaban, kalaban! Pwesto! Fire!"
Ang grupo ni Cpl Tayros ang unang napabakbak. Nagkainan pala ang mga Abu Sayyaf sa isang kubo iilang metro sa aking kinalagyan nang nagka-titigan ang gwardya nila sa Lead Scout na si Ranger Dumago. Parehas silang di nakapagsalita. Ang mga baril nila ang nag-usap. Mas mabilis nga lang dumapa si Dumago. Niratrat ng M60 Gunner ng Abu Sayyaf ang bahay na kung saan nakita nya si Major Bejarin.
Sa gitna ng nagliliparang bala, agad kong tinakbo ang aking bandoleer na nalapag sa tabi ng aking combat pack. Mahirap naman kung baril ko lang ang aking bitbit, malulugi ako.
Dahil tuloy-tuloy ang haging ang bala sa aking posisyon, naubusan ako ng tapang na pulutin ang aking uniporme!
Sinigawan ko si Cpl Cuevas para sumama sa akin at pulutin ang radio. First things first, ika nga.
Samantala, nakita ko si Sir BJ na tumakbo pababa at papunta sa puno na aking pinag-koberan. Sinilip ko ang katawan nya. Ayos, walang tama!
Sumunod naman ang aking radioman at si Joma na sumisigaw sa akin.
"Sir, sir, sir! Ito ang boots mo, catch!"
Para kaming naglalaro ng soft ball at sinasalo ko ang bola na itinapon nya. Strike!
Matapang si Joma at di nakalimutan na ako ay kalingain. Mahirap nga namang naka-paa at naka underwear lang na makipaglaban.
Nakita ko na naka-"ngising demonyo" siya na nakitang nakahubad ako habang tumatawag sa LRB.
Wala na akong pakialam sa attire ko habang nasa gitna ng labanan. Naka-focus ako sa mas importanteng tasking ng isang lider.
Dahan-dahan kong isinuot ang aking boots habang nag-coordinate ng indirect fires sa aking BATCOM.
"Sir, heavily engaged ako eastern part of my position ang kalaban numbering around 30. Azimuth ay 900 mils, approximately 50 meters!"
"Okay, copy! Observe first round 81mm WP (white phosphorus) ipatak ko 100 meters from your position."
Kampante ako kay Sir Bobby dahil graduate sya ng Infantry Mortar Leader's Course sa Fort Benning.
Mani-mani lang sa kanya ang maging FDC (fire direction center). Magagaling din ang tropa ng 32nd Special Forces Company bilang Mortar team elements. Sila ang tumatalima sa 'fire commands' at i-adjust ang sights ng mortar ayon sa utos ng FDC.
Pag maayos lang ang aking pagiging forward observer (FO), pabatukan ko ng bala ang mga kumag na Abu Sayyaf.
Tuloy-tuloy ang laban ng aking tropa at nakamonitor ako sa radio. Kanya-kanyang mando ang mga Team Leaders.
Si Joma ay lumipat ng posisyon at bigla na lang me lumipad na M203 round sa harapan nya. "Plooook!" "Tsuggggg!" Di sumabog.
Tumama ito sa puno na pinagtaguan nya at nag-bounce pakaliwa. Maswerte talaga hindi sumabog, dahil wala pa sa arming distance ang nalipad ng bala. Buti na lang US-made ang bala na yon.
Nilingon ni Joma ang pinanggalingan ng putok: kasama naming si Ranger M na nagkamali ng kinalabit na trigger. Dalawa kasi ang triggers nakakapa kapag rifle na me nakakabit na M203 Grenade Launcher.
"Sanamagan ka! Muntik mo kong pinatay!" Nanlilisik ang mata ni Joma sa galit.
Grabe pa rin ang putukan ngunit mas maganda ang aming pwesto. Nakasuporta rin sa amin ang 12th Scout Ranger Company na mga 100meters lang ang layo mula sa amin. Ganon din ang tropa ni Nick Banzuela na nasa bahaging kanan ay napa-engaged na rin.
Narinig ko ang haging ng 81mm mortar round na lumilipad sa ere, pagkatapos na lumagabog sa pinanggalingan nito sa pwesto ni Sir Bobby.
Iilang segundo lamang, dumadagundong na ang sabog malapit lang sa aming pwesto. "Ka-blammmmm!"
Napansin ko ang puting usok ay lumampas sa bahaging kanan. Ginamit ko ang aking training sa observed fire procedures. Practical exercise para sa akin ito at lagi ko na itong ginagawa sa battlegrounds ng Basilan at sa Maguindanao.
"Sir, adjust fire over!"
"Drop 50, Left 100, over!"
Inaantay ko ang next round nang kinalabit ako ni Ranger G na bitbit ang kanyang M14 Rifle.
Putlang-putla na sya na di alam ang gagawin.
"Sir, sir, sir!" Iyon lang nasambit nya sa akin.
"Ano ka? Ano nangyari sayo? Labaaan!"
"Sir, lumipad ang bolt ng riple ko. Di ko mahanap!" Nakumpleto rin sa wakas ang sentence.
Nainis ako dahil tila ako pa maghanap ng bolt nya. Ginulo pa ang buhay ko habang nagdi-direct ng mortar fires.
Alam ko ang dahilan kung bakit lumipad ang bolt. Kabilin-bilinan ko ito sa mga tropang merong automatic mode M14 Rifle.
"Aminin mo, ikaw yong nag-automatic fire ano? Nerbyoso, balikan mo posisyon mo, gapang!"
Di kalaunan, lumapag uli ang WP round ng mortar. "Ka-blaaaam!"
Nakita ko na nakasentro na ito sa position ng kalaban. Alam kong magsipagtakbuhan na ang mga ito. Palayo nang palayo ang putok ng iba sa kanila.
Agad akong nag-request ng high-explosive rounds sabay adjust fire.
"Add 100, Left 50!"
"Fire for effect!"
Pagkatapos ng halos isang oras na palitan ng putok, humupa ang labanan.
Pinuntahan ko ang mga Team Leaders. Kinumusta ko ang kalagayan ng lahat na tropa.
"Merong nasugatan? Merong natamaan?" Grabe pag-alala ko sa kanila lalo na sa mga baguhan.
Masaya ako na "OK" raw sila lahat.
Nag-command ako na sugurin ang mga kalaban. Sumama ako sa 2nd Section. Si Joma sa 1st Section.
Naka-skirmishers line kaming sumugod habang pinaputukan ang direksyon ng mga kalaban.
"10SRC, assault! Assault! Assault!
Nang makita kong napalayo na kami at dumidilim na noon, sumigaw ako ng halt sa aming advance.
"LOA! LOA!" (Limit of advance).
"Search!"
Lima ang nasawi sa mga kalabang bandido. Walang nagasgasan sa aming hanay.
Para sa akin, good start yon para sa aming pakikipaglaban sa mga Abu Sayyaf sa Sulu.
Ganon pa man, maraming aral ang dulot sa amin nito. May na-violate kami sa SOP ng patrol base operations, dahil nauna sa isipan ang pagtanggal ng lamig sa katawan. Muntik tuloy kaming naging malamig na bangkay.
Hindi ako gaanong nakatulog sa gabi na yon. Ma-swerte lang siguro ako na di tinamaan, pati ang aking mga kasamahan.
Hinimas-himas ko ang aking 'pispis' (anting-anting) na nakabalabal sa aking leeg habang nakahiga.
Nagdasal ako ng tahimik at nagpasalamat sa tunay na me kapangyarihan sa lahat, over sa 'power' aking anting-anting.
"Nag-iisa naming Diyos, salamat sa iyong gabay. Patuloy nyo po sana kaming protektahan."
(Ipagpatuloy http://rangercabunzky.blogspot.com/2013/09/twinkle-twinkle-little-stars-combat.html)

dami kong tawa sir.. napakahusay nyo pong writer.. :))
ReplyDeletesinubaybayan ko rin ito karugtong sir. may kakatuwang eksena parang pelikula..
ReplyDeletepagpalain kayo ng ating lumikha at ang iyong mga kasama sa pakikipag patintiro ki kamatayan makamit lang ang kapayapaan sa ating bayan. mabuhay tayo lahat AFP!! -syntax_error-
nais i upang patunayan ang mabuting gawa ng Dr OGUN na tumulong sa akin sa pagkamit ng kung ano i hindi kailanman naisip i hindi kailanman ay magkakaroon ng pangalan again.My ay Stephanie ako ay nasa isang relasyon para sa 3 taon na may isang batang lalaki na mahal ko siya higit sa anumang bagay sa sa mundo matapos ang isang habang ako napansin ng ilang mga pagbabago sa kanya, kaya alam ko isang bagay ay mali Sinubukan ko na mangyaring kanya sa maraming paraan , napagtanto ko na siya ay nakakakita ng isa pang batang babae sinubukan kong gumawa siya maunawaan na ang mga mahal ko sa kanya kaya magkano , ngunit siya hindi kahit listen.one araw basahin i isang testigo sa isang katulad na kaso , ang isang tao testigo tungkol sa trabaho ng mga ito OGUN mahusay na doktor kahit na hindi sa tingin ko ay ito ay gagana i ay naniwala sa pamamagitan ng aking kaibigan kaya Nakipag-ugnay ako sa kanya at sinubukan kanyang paraan nang atubili , at nakakagulat na sa mas mababa sa isang linggo , ang aking kasintahan -ugnay sa akin at hilingin sa akin na kumuha sa kanya bumalik at ginawa at kami ay pa rin sama-sama at sa kabutihang-palad married.so kung pupunta ka sa pamamagitan ng isang bagay na katulad , o mayroon kang problema makipag-ugnayan lamang sa kanya ako ginagarantiya makakatulong ito sa dito ay ang kanyang email lovespelltemplee@gmail.com
ReplyDelete[1 ) Kung gusto mong bumalik sa iyong ex .
(2) Kung palagi kang magkaroon ng masamang
pangarap.
(3 ) Huwag nais mong mai-promote sa
kanyang opisina .
(4) Nais babae / lalaki
tumakbo pagkatapos mong .
(5) Kung nais mo ang isang bata .
(6) Nais mo bang maging mayaman .
(7) Gusto mo bang itali ang iyong
asawa / asawa upang maging
iyo magpakailanman .
(8) Kung kailangan mo ng financial
tumulong.
maaari mong maabot sa kanya ngayon sa pamamagitan ng e-mail na ito lovespelltemplee@gmail.com
I have been casting spells for many years and I have helped many people, I might be able to help you too. I am honest, and I genuinely care for all the clients who choose me to cast a spell for them.
ReplyDeleteIf you have any questions about Love, Money, curse, protection, bad luck, divorce, court cases, or about me please call or email me. I really want you to feel comfortable before moving forward with any spells, or other services. I will take the time to explain things to you and provide you with honest advice, to what is best for your situation. I will not pressure you into having a spell cast, I will leave that decision up to you, and when or if you decide to move forward, I might be able to help you.
I will respect your Privacy. I will not seek to obtain any of your personal information beyond what you might voluntarily offer and all information you might give me including emails, phone numbers and photos will remain private and confidential.
I perform my Rituals only at night between the hours of 0.00 - 0.59 (South African time) lasting 1 hour but of course, this depends on the nature of the ritual, some rituals might take hours and can also become necessary to be performed at specials places like; flowing streams, cemeteries and other places dictated by the gods.
I do not want anyone to be under any illusions about my spells and its numerous rituals. Real and effective Voodoo is no child's play, it is expensive because, after the rituals, I will have to destroy all the materials involved by fire and the ashes scattered over a flowing stream or river.
You will get what you seek.But please understand this might take a lot of time and that individual results may vary. contact +27663492930, greatogudugu@gmail.com
Herbal cure for Following DISEASES,this is not scam is 100% Real.
-HPV
-DIABETES
-PENIS ENLARGEMENT AND WEAK ERECTION
-VIRGINA PROBLEM
-WHOOPING COUGH
- HEPATITIS B
-FORDYCE SPOT
-COLD SORE
-ALS
-LOWER RESPIRATORY INFECTION
-LOW SPERM COUNT
-MRSA(METHICILLIN-RESISTANT STAPHYLOCOCCUS AUREUS
-ZIKA VIRUS
-HIV
-STROKE
-IMPOTENCE
-PILE
-HYPERTENSION
-LOW SPERM COUNT
-MENOPAUSE DISEASE
-ASTHMA
-CANCER
-BARENESS/INFERTILITY
-PCOS
-SHINGLES
-VIRAL HEPATITIS/HEPATITIS B
-FIBROID
-ASTHMA
-SICKLE CELL
-TINNITUS
-BARENESS/INFERTILITY
-DIARRHEA and so on...