May dalawang Bisayang sundalo nagbobolahan sa kanilang kubo.
Sgt Bisdak 1: Bay di na gyud ko mobalik didto sa Iloilo uy! Mapasmo ko didto!
Sgt Bisdak 2: Uy, ngano man pud bay?
Sgt Bisdak 1: Namiyesta ko didto sa Jaro lahi man diay ilang ginakaon!
Sgt Bisdak 2: Mao ba? Unsa man diay ila ginakaon?
Sgt Bisdak 1: Ang ingon sa tagbalay: "To, kaon ta anay!" Mao ra, mokaon sila ug anay!
Sgt Bisdak 2: Ay na mao ra gyud Dong!
Sgt Bisdak 1: Nibalhin ko sa pikas balay, nag-ingon pud: "To, kaon ta blah!" Nah, samot na gyud mokaon pud ug tabla!
Sgt Bisdak 2: Ginoo ko! Di na ko magpa-asayn didto uy!
Tuesday, February 26, 2013
Tanggalan ng 'Butlig'
Sa V. Luna Hospital (AFP Medical Center),
nagkagulo isang gabi sa Heroes Ward na kung saan nakaratay ang mga
combat casualty mula sa Mindanao.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Nagising ang lahat sa lakas ng hiyaw ni Sgt Botyok na tila gustong umeskapo sa mga doktor at nurses na nakapaligid sa kanya bago ang kanyang operasyon.
Dali-daling pumunta ang kaibigang si Sgt Kulas para tanungin si Botyok: "Buddy, bakit ka simigaw na tila nakakita ng demonyo?"
"Pre, tanggalin daw butlig ko! Ayoko! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"
Napatawa si Kulas sa asal ni Botyok na bumabaha ang luha.
"Damuho, butlig lang pala eh walang problema yan," sabi ni Kulas.
"Ungas ka Kulas! Butlig (both leg) talaga tanggalin eh ok lang sana kung wanlig (one leg)!"
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
Nagising ang lahat sa lakas ng hiyaw ni Sgt Botyok na tila gustong umeskapo sa mga doktor at nurses na nakapaligid sa kanya bago ang kanyang operasyon.
Dali-daling pumunta ang kaibigang si Sgt Kulas para tanungin si Botyok: "Buddy, bakit ka simigaw na tila nakakita ng demonyo?"
"Pre, tanggalin daw butlig ko! Ayoko! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"
Napatawa si Kulas sa asal ni Botyok na bumabaha ang luha.
"Damuho, butlig lang pala eh walang problema yan," sabi ni Kulas.
"Ungas ka Kulas! Butlig (both leg) talaga tanggalin eh ok lang sana kung wanlig (one leg)!"
'Babaerong sundalo'
Napakarami ang nagkokomento na babaero ang mga sundalo.
Ika nga raw, kapag Navy ay "Every port, report!"; sa Army ay "Every place, replace!" at sa Air Force ay "Every landing, new darling!".
Sa dami ng kaso na nakapila sa Personnel Office at mga reklamo sa Army Provost Marshal tungkol sa 'pambabae' diumano ng sundalo, ito ay isang hayag na katotohanan na meron ngang babaerong sundalo.
Pero, unfair naman na lahatin ang buong Sandatahang Lakas. Merong ibang lalaking sundalo, nanlalake rin. Joke!
Sa dami ng kaso na nakapila sa Personnel Office at mga reklamo sa Army Provost Marshal tungkol sa 'pambabae' diumano ng sundalo, ito ay isang hayag na katotohanan na meron ngang babaerong sundalo.
Pero, unfair naman na lahatin ang buong Sandatahang Lakas. Merong ibang lalaking sundalo, nanlalake rin. Joke!
Batid din natin na hindi lamang sa Armed Forces of the Philippines
merong babaero. Talamak ata ito sa kahit saang sector ng ating bansa.
Kapag me organisasyon na tawaging KBP (Kalipunan ng mga Babaero sa
Pilipinas), marami rin itong miyembro sa lahat ng sektor kasama na ang Pari, Imam, guro, inhinyero, doktor, salesman, cellphone repair man, piloto, seaman, OFW at mga nasa gobyerno kagaya ng governor, congressman, senador, Cabinet Secretary at marami pang iba.
Sa AFP, marami na ang na-discharge na enlisted personnel dahil sa mga kaso na ito ngunit mas marami ang nadaan sa amicable settlement. Mas ginugusto ng complainant na mabigyan na lamang ng suporta ang kanilang anak kaysa isulong ang reklamo na maging dahilan na talunan silang lahat dahil wala nang sweldo kung ma-discharge ang sundalo.
'Sundalong babaero'
General impression ay 'babaero' kapag sundalo. Eh, bakit kasi maraming babaeng nagpapabola sa mga matatamis na salita ng sundalo? Ika nga, binola lang, 'laglag agad ang panty'.
Mga girls, ingat sa tirada ng sundalong mahilig mambola sa girls. Gagamitan ka ng matatamis na salita kagaya ng: "Basta nga rabii, sika ti ipinipitpitek ti pusok", o kaya ay ang short lines na "Padangat kita!", "Ay ayaten ka!", "Gihigugma ko ikaw", "Quere yo contigo" at marami pang iba.
Mag-promise din yang ibang mga timang na bolero na pakakasalan ka kahit saang simbahan "except don sa hometown nya!".
Beware sa ganitong boladas ng mga naka-camouflage at matipunong sundalo. Sabi pa nga, "Higpitan ang panty" para di malaglag sa mga damuhong bolero!.
Kapag nagpakilalang binata, itanong mo ito sa kanyang First Sergeant at Commanding Officer. Huwag tanggaping 'hook line and sinker' ang kanyang sinabi na 'binata' pa sya eh binat na pala yan! (Para sa akin, nakapaka-gago ng opisyal at NCO na pagtakpan ang kanyang tao at makisawsaw pa para magsinungaling nang makapambabae ang kanyang sundalo.)
Minsan kasi, ginagamitan ng 'half-truth' at nakakainis na reasoning ang word na 'binata'.Sabi nong isang boloy na tao ko, "Sir, kapag 1 kilometer away ako sa misis ko, single na ako!"
Command responsibility
Nang ako ay Company Commander, ginawa ko ang lahat ng paraan para mawala o mabawasan ang pambabae ng mga tao ko dahil responsibilidad ko na sila ay pangalagaan pati ang kanilang mga kapamilya.
Maliban sa mga paalala sa mga directives ng Army tungkol sa womanizing at immorality (passive measures), gumagawa ako ng diskarte para mapanatiling naglalagablab ang relasyon ng aking mga sundalo at ng kanilang mga asawa.
Unang-una, sinisigurado ko na sila ay makauwi at least 3 times sa isang taon kahit kami ay nasa battlefield ng Basilan at Sulu noong araw. Naka-schedule ang uwi nila ayon sa kanilang kahandaan financially.
Closely monitored ko rin kung napapadalhan ng pera ang mga kapamilya. Di ko hinahayaan ang walang kwentang loans pambili ng appliances at yong pagsusugal na nakakaubos ng kanilang pera. Lagi ko silang encouraged na mag-save para sa kanilang Rest and Recreation at para sa future expenses ng pamilya.
Meron din kaming unit cellphone na pwedeng matawagan ng mga kapamilya para kumustahin ang kanilang mister.
Maliban pa dyan, sinusulatan ko ang mga misis o kaya ang mga magulang para walang lusot ang sundalo ko maliban pa sa maipaabot ko sa mga kapamilya ang aking pasasalamat sa serbisyo ng kanilang 'baket' o 'bana'.
Dahil dito, natatanggap ko kung merong mga mister na hindi pala umuuwi o yong kulang ang pinapadalang pera. Basta para sa pamilya, kakutsaba ko ang misis dahil ayaw kong sila ang kawawa lalo na kapag kinukulang o nawawala ang suporta sa kanila.
Sa kampo naman, hindi ko pinapayagang me dinadalang girls sa kanilang mga 'bunkers'. Di ko na idinaan sa mga 'relihiyosong turo' ngunit sa pamahiin na kinamumulatan at pinaniniwalaan ng karamihan.
Napakasimple ang reminder ko sa aking mga tao:
"Wag na wag kayong magdala ng babae dito sa kampo dahil mamalasin tayo. Mamatayan tayo dahil dyan. Kung nais nyong mamatayan, sige subukan nyo. At, kapag mahuli ko kayo tiyak na malilintikan kayo sa akin!" (Sa awa ng nag-iisang Diyos, wala ni isang sundalo sa aking hanay ang nalagas kahit sa dami ng bakbakan na kanilang napagdaanan)
Kaya, kung merong "babaerong" mga sundalo, kasama sa me pananagutan kahit papaano ang kanilang mga senior NCO leaders at opisyal.
Kung hindi ito pinapabayaan, tiyak ay mabawasan naman itong ganitong sitwasyon na merong umiiyak o nagmumura dahil binola sila ng mga pekeng binatang sundalo.
Sunday, February 24, 2013
Ang SF at ang SR: The untold story
Ang SF (Special Forces) at ang SR (Scout Ranger) ay ang dalawang elite forces ng Philippine Army.
Ang mga SF ay napapahanay sa Special Forces Regiment (Airborne) samantalang ang SR ay sa First Scout Ranger Regiment.
Parehas na batikan sa pakikidigma ang SF at SR ngunit magkaiba ang kanilang training at mga misyon.
Ang SF ay kalimitang binibigyan ng trabahong i-organisa, sanayin at bigyan ng kakayahan ang indigenous forces para ipagtanggol ang kanilang komunidad laban sa mga armadong grupong nanggugulo sa kanilang lugar. Dahil dito ang SF ang nangangasiwa sa paramilitary forces na kilala sa pangalang CAFGU (Citizen's Armed Forces Geographical Unit). Marami ring higher level training ang SF kagaya ng military free fall, scuba, intelligence/operations at iba pa.
Samantala, ang SR ay ang rapid deployment force ng Armed Forces of the Philippines na binibigyan ng mga misyon na sagupain ang mga pasaway na armadong grupo na pinipilit na gumamit ng karahasan laban sa mga mamamayan at sa mga pasilidad o interes ng pamahalaan.
Ang mga SR ay kilalang magaling sa pakikidigma sa mga bandido sa kahit anong terrain at weather conditions. Dahil dito, hinubog ang Scout Rangers sa mahihirap na sitwasyon sa pagsasanay upang maihanda sila sa mabibigat nilang responsibilidad. Bihasa ang SR sa tracking/countertracking, sniping, reconnaissance operations at long range patrols.
Maihahambing ang SR sa firefighters. Kung nasaan ang mga bandido o mga kaguluhang pakana ng mga terorista at bandido, andon ang mga Scout Rangers. Lagi silang present sa mga gyera.
Ang mga SR ay kilalang magaling sa pakikidigma sa mga bandido sa kahit anong terrain at weather conditions. Dahil dito, hinubog ang Scout Rangers sa mahihirap na sitwasyon sa pagsasanay upang maihanda sila sa mabibigat nilang responsibilidad. Bihasa ang SR sa tracking/countertracking, sniping, reconnaissance operations at long range patrols.
Maihahambing ang SR sa firefighters. Kung nasaan ang mga bandido o mga kaguluhang pakana ng mga terorista at bandido, andon ang mga Scout Rangers. Lagi silang present sa mga gyera.
Yabangan ng SR at SF
Dahil panay sila mga miyembro ng elite forces, di maiiwasan na ang mga sundalo na miyembro dito ay nagyayabangan. Minsan ay umaabot pa ito sa suntukan lalo na pag sa inuman ang tikalan ng mga ito at walang opisyal na namamagitan sa kanila.
Sabi kasi ng SF, 'ngirngir' ang mga Ranger. Ang ibig sabihin, madudungis at hindi marunong mag-ayos sa sarili. Ika pa ay 'Super Rugged' ang kahulugan ng SR. Ang pikon na musang ay galit pag tawaging 'ngirngir'. Paano naman kasi, pag sa garrison, kuntodo shine ng sapatos ang SF at plastado lahat ang uniporme kapag sinusuot. Snappy silang tingnan.
Samantala, para makabawi ay inaakusahan ng pikon na Musang na 'Super Forms' (SF) ang kanilang mga kapatid na Special Forces. Panay porma lang daw. Kalimitan, ipinagyayabang ng pikon na Musang ang maraming napatay na bandido, malalayong gubat na nilakad at paramihan ng bakbakan na nadaanan.
Karagdagan pa dyan, nagkakantyawan pa ang SF at SR sa kanilang suot-suot na badge. Ang SF badge kasi ay binubuo ng tatlong sibat (Spear) at ang sa SR ay isang knife (tabak) na napagkakamalan ding sibat.
Sabi ng SR, 'maro-maro' at mahilig mag-eskapo sa trabaho ang mga SF at ito ay nakikita sa kanilang badge na tatlong 'sibat'. Ang kahulugan daw nito ay sibat sa umaga, sibat sa tanghali at sibat sa hapon!
Sabi ng SR, 'maro-maro' at mahilig mag-eskapo sa trabaho ang mga SF at ito ay nakikita sa kanilang badge na tatlong 'sibat'. Ang kahulugan daw nito ay sibat sa umaga, sibat sa tanghali at sibat sa hapon!
Bawi naman ng mga SF, mas layasin daw ang mga Musang at nakikita sa kanilang tabak o sibat. Dahil malaki ito, ang kahulugan daw ay sibaaaaaaaaaaaaaaaaat! Umaabot ng 3 days kung lumayas, matagal bumalik sa duty.
Ang mga yabangan na ito ay nabawasan nang pag-isahin ang SR at SF noong 1996 para mapabilang sa Special Operations Command (SOCOM). Dahil magkaisa na sila, napagbabalingan sa pakikipagyabangan ang mga kapatid nilang miyembro ng Da Pyu, Da Prawd, Da Marines! (Kokonti na nga lang, mayayabang pa!)
Di nag-shine
Minsan ay nagkaroon ng ranks inspection sa SOCOM. Ang inspecting officer ay si SF Captain Kulas at kinilatis nya ang SR na si Sergeant Boloy na hindi man lang nagawang mag-shine ng boots.
"Sergeant Boloy, mukhang di ka man lang nag-attempt mag-pakinis ng boots mo! Bakit di ka nag-shine?"
Confident na sumagot si Sgt Boloy at nakahanap ng palusot at sinabing, "Sir, di ba iyon ang itinuro mo sa amin?"
Nainis si Captain Kulas at umaalingawngaw ang sagot: "Anong itinuro eh ang pagpapa-snappy lagi ang ating kultura dito sa SOCOM. Yan ang turo!"
"Sir, itinuro mo sa amin noong nakaraang linggo ay DO NOT OUTSHINE YOUR MASTER!"
Natameme ang SF officer. Tinawanan sya ng kanyang tropang halu-halong grupo ng Super Rugged at Super Forms.
Wednesday, February 20, 2013
Army in Panay recruits new batch of soldiers
CAMP PERALTA, Jamindan, Capiz - The Army's 3rd Infantry (Spearhead) Division based here is opening its doors to those who want to join the military service.
Those who passed the Philippine Army Aptitude Test Battery (PAATB) given last year will have the chance to compose the 200-strong batch of trainees for 2013.
The 6-month long basic military training will be conducted in the sprawling military reservation here.
Forty female applicants will be accepted to join the highly competitive race for a slot in this year's Candidate Soldier's Course.
The processing timeline is as follows:
PHASE ACTIVITIES VENUE DATE
Phase l Registration Hqs, 3ID, PA - Feb 20-Mar 1,2013
Phase ll Physical Fitness Test Hqs, 3ID, PA - Mar 5-7, 2013
Phase lll NP Exam/Physical
Medical Exam/Hepa B/
Drug Tests CPSH, 3ID, PA Mar 8-23, 2013
Phase lV Final Interview Hqs, 3ID, PA Mar 25-27, 2013
Phase V PA Validation Hqs, 3ID, PA Apr 10, 2013
Phase Vl Final Selection Hqs, 3ID, PA Apr 12, 2013
Phase Vll Start of Training 3DTU, 3ID, PA May 16, 2013
Order of priority for candidates in filling-up the CS quota:
a) Qualified professionals;
b) Graduates of MS43 and Advance ROTC;
c) College Graduate;
d) With 72 units and up in college;
e) High School graduate but MUST have technical/vocational skills needed by the AFP. Technical/vocational skills shall be supported by a certification from the employer of at least one (1) year work experience not including the On-the-Job Training.
f) Should have no tattoo marks
Basic criteria/qualifications for CS applicants:
a) Natural born Filipino citizen;
b) At least 18 years old and MUST NOT BE 27 YEARS OLD ON OR BEFORE THE DATE OF APPOINTMENT AS CANDIDATE SOLDIER, no more age waiver;
c) At least 5'0” or 60 inches in height; HEIGHT WAIVER SHALL NOT BE GRANTED ANYMORE.
d) Unmarried and without child;
e) Of good moral character; and
f) PAATB score of at least 80.
Interested applicants must bring the following:
A. Whole Body Picture (Colored)
B. Bio-data with 2x2 Picture
C. NSO Birth Certificate with receipt
D. NSO Marriage Contract of Parents with receipt
E. CENOMAR – NSO Copy with receipt
F. Transcript of Records (for college level/graduate)
G. Diploma and Form 137 (High School Grad)
H. PAATB Result
I. Drug Test
J. HEPA Test Result
K. Clearances: (Brgy, Police, Mayor, MTC, RTC, NBI)
Interested applicants must report to the 3rd ID headquarters here to submit the required documents starting on February 20, 2013.
Note: This is taken from the 3ID Press Release. All queries must be directed to their personnel office.
Tuesday, February 19, 2013
Military Report 2/19/2013
CAMP PHILIPS, Bukidnon--Unspecified number of NPA bandits forcibly entered the facilities of two pineapple plantations in Camp Philips and Impasug-ong towns in Bukidnon at 6:40pm today, carting away at least 3 firearms.
The bandits also robbed the hapless plantation personnel of their personal belongings, including the office of retired Army Colonel Larios, the Security Head of Del Monte Philippines in Camp Philips town.
The bandits fled with their loot, threatening to shoot people whom they met along the way.
There were text messages circulating that some civilian security guards were hurt and some trucks were burned down by the bandits, but these information could not be verified as of this time.
The bandits fled with their loot, threatening to shoot people whom they met along the way.
There were text messages circulating that some civilian security guards were hurt and some trucks were burned down by the bandits, but these information could not be verified as of this time.
Also early this month, several bandits swarmed the town of Kinoguitan in Misamis Oriental, stealing personal belongings from civilian residents and retired military personnel.
Monday, February 18, 2013
PMA Alumni Homecoming 2013
Every year, PMA graduates flock to Baguio City to attend the Alumni Homecoming activities. I was among those who were able to visit our beloved institution. This is our photo outside the Melchor Hall, the main building that houses the academic facilities of the PMA. I attended classes here from 1990-1994.
There are countless tarpaulins that greet visitors and PMA alumni alike. Some of these can be found in strategic areas starting at NLEX. Our tarpaulin is unique being the 'Pinakamabangis'. Ask the members of our class why.
This is our designated registration area inside the Melchor Hall. We are normally required to write down our names, contact details, and our Company during our cadet days.
I joined my mistahs in a photo ops in front of the Sundial. This is one of the attractions inside the PMA. "What time is it, Mister?"
Prior to the ceremony, we always find time to reminisce some good memories with our classmates (mistahs), upperclassmen and underclassmen whom we spent time together in this hallowed ground called the Borromeo field.
There are thousands of visitors who usually come to watch the homecoming activities and parade. The members of the host classes and their spouses are normally seated in the grandstand. This year's hosts include the classes of 1983, 1988, 1993, 1998.
The colors are positioned in front of the Brigade Staff prior to the start of the ceremony.
The youngest alumnus is a member of the PMA Class 2012. He occupies a special place beside the VIPs and found himself rubbing elbows with the likes of DND Secretary Voltaire Gazmin.
The oldest PMA alumnus is seated among the VIPs.
The 2013 awardees are recognized by the officers of the PMA Alumni Association Incorporated.
The Diamond Jubilarians (PMA Class 1953), Golden Jubilarians (PMA Classs 1963) and Silver Jubilarians (PMA Class 1988) are awarded medals. As part of the tradition, the spouses or nearest kin are involved in this ceremony.
The most awaited part is the privilege to march in front of the Cadet Corps Armed Forces of the Philippines. This is is our chance to see our underclassmen in formation up close and personal.
This is the short video clip of the ceremony
The singing of the Alma Mater Song is a solemn part of the ceremony that
marks the end of all activities in the Borromeo field.
I showed my son the high standards of
discipline observed by the cadets as shown during the parade.
Class Picnic culminates the day. It is the opportunity for 'mistahs' to interact with their respective family members and hatch new plans for the next homecoming in 2014.
PMA tourist attractions
Wednesday, February 13, 2013
NPA bandits kill a militiaman, injure 4 including a non-combatant in Northern Samar
Another innocent civilian was shot and wounded by NPA bandits who attacked a gathering of people attended by members of the 8th Infantry Division's Peace and Development Team (PDT) in Northern Samar at 12:00nn on Tuesday, Feb 12.
The attack occured while the soldiers were conducting 'pulong-pulong' (dialogue) with local residents of Guindaluan village, Rosario town.
Three people were wounded including a local resident named Raul Estellero, of Brgy 3 of the said town.
A militiaman was also killed while three other military personnel were hurt during the brief firefight which ensued.
A militiaman was also killed while three other military personnel were hurt during the brief firefight which ensued.
Lt Col. Noel Vestuir, the Commanding Officer of the 20th Infantry Battalion identified the wounded soldiers as Ssg Dionald Opilanda and Sgt Arnold Miranda, and militiaman Jonar Estellero.
The name of the dead militiaman was not released pending notification of his nearest kin.
The name of the dead militiaman was not released pending notification of his nearest kin.
The NPA bandits have recorded a growing number of human rights violations such as attacking non-combatants and abducting innocent civilians.
In January 2013, eight civilians were massacred by NPA bandits in La Castellana town in Negros Occidental.
The NPA bandits have also masterminded extrajudicial killings all over the archipelago, victimizing state forces and civilians who were accused of supporting the military.
As the communist armed group insist to use armed violence, more innocent people will fall victims to their atrocities.
Army announces recruitment of 3,000 Candidate Soldiers for CY 2013
The Philippine Army is announcing the recruitment of Candidate Soldiers (CS) for the year 2013.
In a Letter Directive dated 11 February 2013, the Army has approved the CS quota of 3,000 recruits who will be trained in the various training institutions nationwide.
The screening of applicants is delegated to Infantry Divisions and other major subordinate units like the First Scout Ranger Regiment, Special Forces, Training and Doctrine Command, Light Armor Division, Army Artillery Regiment and Engineering Brigades.
The order of priority for recruitment are as follows:
1. Qualified professionals;
2. Graduates of MS43 and Advanced ROTC;
3. College graduates;
4. With 72 units in college
5. High school graduates who have technical and/or vocational skills that are supported by a certification from the employer or at least 1 year work experience.
For complete information regarding the criteria and qualification, see this link to the Army Recruitment website: http://army.mil.ph/Recruitment/main.html
The quota and processing dates for the CS training is shown in the table below:
Interested applicants who have complete documentary requirements including the latest PAATB results must go direct to the OG1 of these units (shown in the table) to submit their document folders.
Labels:
Military Newsbriefs,
My Army Job
Tuesday, February 12, 2013
Military Report (2/12/13)
Davao City
Four soldiers were injured in a clash with NPA bandits in Sitio Basak, Lumiad village, Paquibato District, Davao City at 6:00am today.
The troops of C/69IB led by 2nd Lt Brian Malinao was conducting security patrol when they spotted heavily armed bandits, triggering a brief clash. The bandits fled upon incurring casualties on their side.
The wounded soldiers were evacuated to a local hospital for treatment. They are now in stable condition according to the attending physicians.
Bulacan
The First Scout Ranger Regiment of the Philippine Army has welcomed its new commander, Col Eduardo 'Ed' Davalan, in a simple Change of Command ceremony presided by Army chief Lt Gen Noel Coballes at 9:00am today.
Brig Gen Abraham Bagasin, the outgoing commander, was elevated to the post as Deputy Commander of the Northern Luzon Command (NOLCOM).
Davalan had served the First Scout Ranger Regiment in various capacities starting as a Platoon Leader up to the time he commanded the 4th Scout Ranger Battalion in Sulu Province.
Aside from finishing the tough Scout Ranger Course, Davalan also finished the US Special Forces Qualification Course and the US Ranger Course.
Among his combat awards is the Gold Cross Medal for gallantry in action against NPA bandits.
Albay
One NPA bandit was killed while many others were injured after a clash with soldiers belonging to the Bravo Company, 2nd Infantry Battalion and a contingent of the local police force in Bgy Tobgon, Oas, Albay at around 9:25am today.
Four soldiers were also slightly injured in the said clash. The government forces confiscated a low-powered firearm in the encounter site.
Zamboanga del Sur
Troops of the 14th Scout Ranger Company led by Cpt Wilvin Custodio clashed with at least 30 NPA bandits in Bgy Lantawan, Kumalarang, Zamboanga del Sur at around 1:15pm today.
The bandits withdrew in disarray, leaving behind traces of blood along their escape route. The soldiers have continuously pursued the bandits.
Monday, February 11, 2013
Ang high school sweetheart ni Boss
Pagkatapos ng honeymoon, proud na proud na 'ipinarada' ni Colonel Kulas ang kanyang batang-bata at napakagandang misis sa kanilang kampo.
Lagi syang nakalingkis dito na tila ayaw maagawan. Sobra syang naka-brace up kapag kasama ang kanyang palalab.
Di mapigilan ng mag-batching (classmate) na sina Pvt Kulapo at Pvt Bugoy ang mag-tsismisan habang pinapanood mula sa kanilang 'bunkers' ang kanilang Batcom.
Kulapo: Grabe ang ganda at bata ng asawa ni sir ano?
Bugoy: Oo naman! High school sweetheart nya yan!
Kulapo: Waaaaaat? Paano nangyari yon?? 48 yrs old na yan si bossing! Paano sila naging high-school sweetheart????
Bugoy: Eh kasi, high school lang yan si Maam nang naging girlfriend nya! Kung hindi kay Sergeant Major, di rin nya yan napangasawa!!
Kulapo: Ay timang na torpe-do si boss!
Friday, February 08, 2013
Military name-calling: What is in a name?
Sa US Armed Forces man o sa Armed Forces of the Philippines, merong 'name-calling' na tradisyon sa mga sundalo.
Karamihan sa mga pangalan na ipinapangtawag sa mga sundalo ay nagsimula sa Philippine Military Academy na syang nag-produce ng mga opisyal na kasama sa namumuno sa Sandatahang Lakas hanggang sa ngayon.
Kalimitan ang mga tawagan ay base sa tunay na pangalan at ang iba ay imbentong Pinoy lamang.
Pati ang mga 'cadet lingo' ay galing din sa mga terminologies na nakagawian at napasa-pasa sa mga sumusunod na henerasyon.
Sa mga sundalo, ang last name o apelyido ang nakatatak sa name cloth o name tag na ikinakabit sa dibdib, kaya kalimitan ay apelyido ang ginagamit na pag-tawag sa kasamahan.
Ito ang ang mga halimbawa na mga tawagan hango sa apelyido:
Tunay na apelyido Military name
1. Bautista Bote
2. Dela Cruz/ Cruz Kru
3. Santos Anto
4. Villanueva Banaba
5. Mariano Nano
6. Reyes Rayot
7. Pascual Paskie
8. De Villa o De Vela Dabong
9. Ramos Somar
10. Flores Florot
Meron ding mga pangalang naikabit dahil sa nakakatuwang sitwasyon na naikakabit sa kanilang pangalan o kaya sa mga probinsyang pinanggalingan kagaya ng sumusunod:
1. Boy Tsinelas-ang kadeteng nakaiwan ng tsinelas habang nang-gagapang ng tutong sa mess hall, at dahil me tatak ito ng apelyido, nahuli sya ng Tactical Officer
2. Boy Kutsilyo-ang sundalong hinabol ng kanyang galit na girlfriend gamit ang kutsilyo
3. Pogi--ang sundalo na laging may bitbit na Eskinol at punas nang punas ng kanyang delicate skin kahit nasa gubat
4. Sarge-ang mga opisyal na dating enlisted personnel ngunit pinalad na ma-commission sa regular force
5. Toto- ang mga opisyal na taga Iloilo o kaya ay Ilonggo speaking
6. Lakay- ang mga sundalo na taga northern Luzon o kaya ay nagsasalita ng Ilokano
7. Dudung--ang mga sundalo na mga 'Bisdak' o Cebuano speaking
8. Aki-- ang tawag sa mga sundalong Maranao
9. Boloy--ang generic name ng mga Private o kaya mga aplikante ng Candidate Soldiers. Hango sa Visayan term 'boloyagon' (pasaway).
10. Boy Kitkit--ang sundalong mahilig gumamit ng VHF radio para makipagkaibigan ng mga girls sa ere.
Kung ano man ang tawagan na nakagawian ng mga sundalo, ito ay bahagi na sa mga kinagisnang tradisyon sa militar.
Kahit hindi naman ito ang tunay mong palayaw, nasasanay ka na rin kung ito ay araw-araw mong naririninig sa mga trainors at mga kasamahang nakakopya nito.
Ang mga tawagang ito ay bahagi sa buhay sundalo na ipinagmamalaki ng lahat na nakapasok sa serbisyo militar.
Ang mga tawagang ito ay bahagi sa buhay sundalo na ipinagmamalaki ng lahat na nakapasok sa serbisyo militar.
Minsan, ang mga nakaranas lamang ng buhay 'mess kit' ang nakakaintindi rito.
La Castellana Massacre Suspect bailed out by KARAPATAN
BACOLOD CITY--The notorious bandit who is among the suspects who perpetrated the killing of 9 people in the infamous 'La Castellana Massacre', was bailed out by human rights group KARAPATAN.
Romeo Nanta a.k.a. Juanito Magbanua, was one of the suspects who were arrested for a robbery in band case filed against him by concerned residents.
He was also one of the suspects who planned the treacherous attack on a civilian vehicle that transported civilian residents who attended a merry-making in the La Castellana town on January 29, 2013.
He was also tagged as the leader of the bandits who carried out the massacre of 3 civilians including a 14 year old student in Toboso town here in July 2009.
A certain Fred Cana of KARAPATAN posted bail in the amount of P100,000.00 for the release of Nanta.
More NPA bandits freed
Using the legal processes, Cana also bailed out 3 NPA suspects who were jailed for various criminal offenses in 2012.
The freed suspects are Faith Roseen Basirgo alyas Bea/Hannah and Hernando Llorente a.k.a. Otoy/Adoy.
Both NPA bandits were arrested on April 18, 2011 in San Carlos City for robbery in band.
Three days after their arrest, they were freed after Cana posted Php 80,000 bail for their release, allowing them to go into hiding to carry out more atrocities against the people.
Records show that since 2006, KARAPATAN-Negros has bailed out NPA in the total amount of Php 2.4 Million.
After their securing their temporary freedom, the suspects returned to their secret hideouts to commit more atrocities against the people.
Local military leaders in the area have called on KARAPATAN to serve the interest of the people and not the notorious NPA bandits' concerns alone.
The rising number of notorious criminals being freed by KARAPATAN has caught the attention of local authorities and the victims of their criminal offenses.
Sunday, February 03, 2013
Military-related status updates and posts that I hate
Sa age ng Social Media, pati mga sundalo ay nakikisawsaw na sa networking sites na kagaya ng Twitter, You Tube at Facebook.
Maganda rin naman ang mga networking sites na ito dahil nakakawala rin ng boredom. Dito mo makikita ang iyong mga classmate sa elementary, mga nililigawan sa high school at pati mga nakakasuntukang mga kababata.
Marami sa mga kapwa ko sundalo at mga kapamilya nila ang kulang sa awareness tungkol sa epekto ng Social Media sa buhay nila at sa kanilang propesyon.
Wala mang talaan ng napahamak na sundalo dahil sa violations sa operational security ay siguradong merong mga pagkakataon na ang sundalo mismo at mga kaanak nila ang naging mitsa sa disgrasya na inabot ng mga kasundaluhan.
Sadyang nakakalimutan minsan ng mga sundalo na dalawa ang kanilang pangangalagaan, kasama dito ang kanilang personal life at professional life.
Dahil kami ay nasa serbisyo, minsan ay napakanipis ng distinction ang tinatawag na 'pang-personal' at ang 'pang-trabaho' na gawain.
Dahil extension ang pamilya sa aming personal life, kailangan ding pangaralan ang mga kapamilya tungkol sa kanilang responsibilidad sa kanilang engagement sa Social Networking Sites.
Nagkaroon na minsan ng polisiya tungkol sa pag-gamit ng Social Networking Sites sa mga military-issue computers at internet ngunit hindi nito nahadlangan ang napakaraming sundalo na sumali pa rin dito gamit ang kanilang personal computers.
Wala naman sanang problema ito ngunit dapat mapaalalahanan ang mga sundalo at pamilya nila tungkol sa tamang pag-gamit ng napakaganda ngunit nakakadismaya rin na networking sites.
Status updates
Marami-rami na ring sundalo ang 'always present' sa networking sites at naglalagay ng 'Status Updates' sa araw-araw.
Kung susundan mo ang kanilang mga updates sa kanilang 'Wall' araw-araw, malalaman mo ang takbo ng kanyang buhay kasama na ang pag-aaway nilang mag-asawa, masarap o nakakasuka ba yong ulam nila, mga tsismis na sinalihan o kaya mga pambatang kulitan sa mga 'comments'.
Banggitin ko ang iilan sa mga kinaiinisan kong 'Status Updates' ng military personnel:
a. "Hayyyyy. Alas dos na naman ng madaling araw kaming nagising dahil sa aming patrol mamayang alas tres sa Baiwas, Sumisip!"
b. "Kay ganda ng kapaligiran dito sa aming pulong-pulong ngayon!"---at Bacon, Sorsogon.
b. "Kay ganda ng kapaligiran dito sa aming pulong-pulong ngayon!"---at Bacon, Sorsogon.
c. "Bweset itong bagyo, stranded ako dito sa pier!"--at Pilar wharf
d. "Ang baho ng hininga nong ka-meeting kong Datu ng lumad! Di marunong mag-toothbrush! Ewwww!"
e. "Mahal ko, 3 days ako sa bundok simula mamayang gabi wala akong signal"
f. "Bruha ka, winaldas mo sweldo ko!" (Inaway ng sundalo ang asawa)
g. "Uuwi ang mahal ko mula sa Sulu. Gigimik kami sa Gaisano kasi nag loan sya!" (Nagyayabang na misis)
h. "Number 2 ka lang! Mas maganda ako sayo kasi ako ang kanyang pinakasalan! Ako ang mahal ni Pfc Juan dela Cruz!" (Misis na inaway ang kerida ng asawang sundalo at naka-tag pa ang mismong sundalo)
i. "Fu_k you terrorists!"
j. "Bwisit tong First Sergeant namin, napaka-istrikto eh ayaw naman sumama sa jogging!"
Kakainis photos
Nakakainis din ang mga photos na ipinangalandakan sa 'Timeline' at 'Albums' kagaya ng mga sumusunod:
a. Sundalong naka-uniform na wala sa ayos at naglalasingan
b. Sundalo na me kayakap na mga chicka-babes sa night club
c. Sundalong nag-dirty finger
d. Mga bagitong sundalong nakikipusta sa sabungan at nag-'K-Pop' pose pa.
e. Sundalong mukhang Abu Sayyaf kung manamit sa isang community outreach program
f. Facilities sa kampo with proper captions pa
g. Specialized training activities na 'for your eyes only'
h. Sundalong nakangisi sa harap ng mga napatay na mga bandido
i. Mga nakakatawang larawan ng sundalo na binubogbog ng 'katuwaan' at 'panlalait' na komento
j. Misis na ipinapahiya ang kaaway na asawa at ipino-post ang photo at paninirang captions sa kanyang 'Timeline'.
Actually, kahit ordinaryong sibilyan, nakikita dapat natin ang mga "Do's and Don'ts" sa paggamit ng Social Networking sites dahil kalimitan dito ay common sense.
Kung masipag lang tayong mag-surf sa iba't-ibang websites ay makikita natin ang mga "lessons learned" ng ibang mga tao dahil sa kanilang walang habas na mga 'personal comments' sa Twitter at Facebook.
Mahaba na rin ang talaan ng napapahiya, napilitan ng pagbigay ng public apologies na kung saan ay nadadamay pati ang mga ahensya nilang pinagtatrabahuan.
Dahil dito, dapat tayo na rin mismo ay maging mapagmatyag at maging maingat dahil napakadali nating masiraan o mapahiya dahil sa ating kinakatuwaang Social Networking sites.
Labels:
My Army Job,
My Own Story,
Tales from the Frontlines
Saturday, February 02, 2013
Pulang Mandirigma o Manunula?
PULANG MANDIRIGMA. Sobrang proud ang nagpakilalang 'aktibista, journalist at manunula' na si Ericson Acosta sa larawan na ito na nakumpiska mula sa mga kagamitan ng mga bandidong NPA sa Samar. Si Acosta ay nahuli ng mga sundalo ng 34th Infantry Battalion sa liblib na lugar ng Bgy Bay-ang, San Jorge, Samar noong February 13, 2011.
Matagal na panahon na ring patago-tago sa bundok si Mr Ericson Acosta nang ito ay sumanib sa armadong grupong New People's Army. Isa sya sa marami-rami na ring nauto na armadong pakikibaka ang solusyon sa problema ng ating bansa.
Nakailang engkwentro na rin laban sa militar ang kanyang napagdaanan at tila ibang tula ata ang naisusulat nya habang nasa armadong grupo.
'Political prisoner' daw?
Hindi totoong si Acosta ay inaresto
dahil sa kanyang paniniwalang political.
Sa ating bansa, hindi makukulong ang
kahit sino man dahil sa kanyang political beliefs, at ito ay maliwanag
na nakasaad sa ating Constitution.
Kahit magsisigaw ka
sa labas ng Kampo Aguinaldo o sa Malacanang na 'Mabuhay si Hitler' o
'Mabuhay si Joma Sison' o kaya ay 'Mabuhay ang Partido Komunista ng
Pilipinas', hindi ka pwedeng arestuhin at ikulong.
Kaya naman naaaresto at napapakulong
ang mga komunistang umanib sa armadong grupo dahil sa mga krimen na
kanilang ginagawa kagaya ng illegal possession of firearms and
explosives, extortion, grave threats, ,murder, arson at sabotage.
Si Acosta ay nahuli ng militar sa bulubunduking bahagi ng San Jorge na me dala-dala pang granada at mga dokumentong gamit ng mga bandidong NPA. Dahil hindi sya lumaban, nirespeto ang kanyang karapatan at hinayaan syang mabuhay.
Alangan naman antayin pa ng militar na maitapon na ni Ericson yong granada sa kanyang target bago sya hulihin?
Kung ako ang nasa kalagayan ng sundalo, huhulihin ko na rin sya agad at hindi hahayaang makagawa pa ng dagdag na krimen.
Maaaring merong mga kamalian sa procedures ng kanyang pagkahuli, at ito ang ginamit ng lahat ng kaalyado ni Acosta para sya ay mapakawalan sa kulungan.
Dyan sila magaling dahil todo suporta sila sa pagkakanlong sa kanilang miyembro na madakip ng government forces.
Ganyan din naman nangyari sa kaso ni Melissa Roxas na hanggang ngayon ay ayaw amining nag-NPA sya kahit pa man sa lahat na lumabas na videos na nakumpiska mula sa mga NPA, na kung saan ay hindi nya maikailang sumanib na sya sa grupo ng mga bandido.
Nakakalungkot minsan na mga bandidong parating gustong pagpapatayin ang mga sundalo ay daming palusot para matakasan ang mga krimen kapag sila ay nasasabat ng militar at kapulisan.
Nakakalungkot minsan na mga bandidong parating gustong pagpapatayin ang mga sundalo ay daming palusot para matakasan ang mga krimen kapag sila ay nasasabat ng militar at kapulisan.
Samantala, kapag sundalo ang kanilang hinuhuli at kinikidnap ay wala ni isa sa mga nagpapakilalang 'human rights advocates' ang nag-iingay para respetuhin din ang karapatan ng aming mga tauhan.
Nakakabingi nga ang katahimikan ng mga 'human rights advocates' sa pamumugot ng ulo ng NPA sa kaawa-awang si Ely Oguis sa Albay, sa pagkidnap ng sundalo ng 10th ID sa Davao del Norte, ang pagbomba sa circus sa Paquibato district, at marami pang ibang kabulastugan.
Hindi ko na mabilang ang kanilang pinagpapatay na walang kalaban-laban kagaya ni Gino Olugar, Pedro Beguiras, Imelda Madrilejos, Marites Toldanes at marami pang iba sa Kabikolan. Inaamin na nga nila ang pagpatay dahil meron daw 'kasalanan sa bayan' ang mga biktima.
Idagdag mo pa yong pag-ambush at pagpatay ng 9 ka tao sa La Castellana, Negros Occidental kamakailan, na kung saan ay nasawi ang 8 na sibilyan! Thank you lang ba ang mga iyon?
Balikan ko uli si Ericson. Naaawa rin ako sa kanya kasi kaparehas din lang kami na nangangarap na maging maganda ang kinabukasan ng aming mga anak.
Parehas kaming gusto na masunog na sana sa impyerno ang mga sakim at mga mala-buwayang walang pakialam sa kapakanan ng ating bayan.
Ngunit, hindi kami parehas nang pinili nyang gamitin ang karahasan para isulong ang kanilang paniniwala.
Kapag ginagamit kasi ang karahasan, merong masasaktan at ang mapait pa dito ay kapwa Pilipino ang nagiging biktima.
Mabuhay ka at welcome back!
Congratulations Kasamang Ericson Acosta dahil naisahan mo kami. Sana maging aral sa iyo ang iyong mga karanasan sa bundok at maliwanagan ka na pwede pa nating pagtulungang masolusyonan ang mga problema na hindi ginagamitan ng punglo at armas.
Ninanais ko pa rin na darating ang panahon na magkita tayo sa malamig na lugar at malayang pag-usapan ang mga kung ano mang hinaing, hinanakit at pati na ang mga pangarap natin para sa ating mahal na Pilipinas.
Sana ay hindi ka na magpaloko uli na bitbiting muli ang iyong M16 rifle na nasa larawan, magpalamok sa bundok at itaya ang iyong buhay sa walang kwentang pakikipagpatayan sa kapwa Pilipino.
Makakaasa kang respetuhin namin ang desisyon ng DOJ sa naturang usapin at hayaan kang bumalik sa tamang landas.
Ipagdarasal ko rin ang mabilisang pag-galing ng iyong karamdaman at harinaway mas mahaba mo pang makapiling ang iyong mahal na anak.
Sana magsusulat ka na lang ng mas maraming nakakabagbag damdaming mga tula kapiling ang iyong mga mahal sa buhay.
Sana magsusulat ka na lang ng mas maraming nakakabagbag damdaming mga tula kapiling ang iyong mga mahal sa buhay.
Labels:
My Army Job,
Tales from the Frontlines
Subscribe to:
Posts (Atom)