Tuesday, February 26, 2013

Tanggalan ng 'Butlig'

Sa V. Luna Hospital (AFP Medical Center), nagkagulo isang gabi sa Heroes Ward na kung saan nakaratay ang mga combat casualty mula sa Mindanao.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

Nagising ang lahat sa lakas ng hiyaw ni Sgt Botyok na tila gustong umeskapo sa mga doktor at nurses na nakapaligid sa kanya bago ang kanyang operasyon.

Dali-daling pumunta ang kaibigang si Sgt Kulas para tanungin si Botyok: "Buddy, bakit ka simigaw na tila nakakita ng demonyo?"

"Pre, tanggalin daw butlig ko! Ayoko! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Napatawa si Kulas sa asal ni Botyok na bumabaha ang luha.

"Damuho, butlig lang pala eh walang problema yan," sabi ni Kulas.

"Ungas ka Kulas! Butlig (both leg) talaga tanggalin eh ok lang sana kung wanlig (one leg)!"

No comments:

Post a Comment