Kasalukuyang nag-retraining sa FSRR headquarters ang aking pinamunuang kumpanya, ang 10th Scout Ranger Company noong Hunyo 2000 nang ginulantang ako sa sinabi ng aming Regiment Commander na si Col Gabriel 'Bing' Ledesma.
"Harold, kailangang mag-release ka ng tao pang-replace sa mga casualties natin sa mga companies sa Basilan at Maguindanao".
Ayaw ko man, kailangan kong sundin. Sino ba naman ang me gusto na mabawasan ang tropa na hinubog mo na bilang fighting unit? Ngunit, alangan naman di ko susundin ang kautusan na layuning palakasing muli ang kakayanan ng mga frontline units na patuloy na nakikipagbakbakan sa mga panahon na iyon. Alangan namang kontrahin ko ang legal orders ng aking boss?
"Yes sir. Piliin ko agad ang ipadala ko na tropa mamaya pagbalik ko sa barracks".
"Wag kang mag-alala, merong kapalit yan mula sa Army headquarters at nakapagpadala na ako ng request doon," sabi ng aking mabait na Commander.
Kamot-ulo ngunit sinunod ko agad ang kautusan. Minabuti ko munang kausapin ang aking First Sergeant at ang mga NCOs.
"Ipinag-uutos sa akin na 20 sa inyo ang ilipat sa mga kumpanya na maraming casualties. Ang requirement ay Scout Ranger Course graduates at merong 2-3yrs na active service," sabi ko sa aking mga tauhan.
Alam nilang bakbakan ang kanilang puntahan. Alam nila na panibagong adjustment na naman dahil baguhan sila sa yunit na iyon.
Pagkatapos ng aking pagpaliwanag, pinag-take charge ko si MSg Noel Jerios sa pagpili ng mga papuntahin sa frontlines.
Kalahati ay mga boluntaryo at ang kalahati ay point system. Si First Sergeant na ang nag-point sino ang malipat base sa requirements na pinag-usapan.
Di naman nag-tagal, nakumpleto ang listahan ng ililipat sa Mindanao. Ang iba ay excited na sumabak sa bakbakan. Ang iba ay tila hindi alam ang pakiramdam ngunit agad na nag-pack up ng mga gamit.
"Taimtim na dasal at wag lumabag sa SOPs, mabubuhay kayo. Pairalin lagi ang unit integrity sa kung saang teams o sections kayo mapunta," bilin ko sa kanila.
Ang problema ko naman, humigit kumulang sa 40 tao na lang natira sa aking kumpanya. Although sa Panay Island ang planong destino namin, batid kong kailangang handa kami sakaling hilain kami papunta ng Mindanao.
Ang mga kapalit
Pagkatapos ng isang linggo, dumating na ang 20 sundalong kapalit lulan ng M35 truck. Isa ako sa sumalubong sa kanila.
Nagulantang ako nang madiskubre ko na lahat sila ay non-Rangers! Sila ay mga headquarters boys na panay parada sa Security and Escort Battalion ang karanasan. Sila ay mga sundalong laki sa parada! Sanamasita!
"Patay tayo rito," komento ng isang NCO.
"Baka magtakbuhan ang mga ito sa gyera," sabi ng isa.
Minabuti kong pawiin ang pag-alala ng aking mga tauhan na humigit kumulang dalawang taon ding nakipagbakbakan sa Basilan noong 1997-1999.
"Wag kayong mag-alala. Gawan natin ng paraan. Gawin natin silang mandirigma. Baguhin natin ang kanilang mindset."
Sa unang pagkakataon ay hinarap at kinausap ko ang aking mga bagong tauhan. Sa pagmumukha nila ay bakas ang kalungkutan dahil sa biglang pihit ng kapalaran na kung saan ay bakbakan ang mapuntahan.
"Gentlemen, welcome sa aking yunit. Be proud na mapahanay kayo sa mga dugong mandirigma. Alam kong hindi kayo nakapagsanay ng Scout Ranger ngunit pwede ko kayong gawing isang tunay na mandirigma kung marunong kayong sumunod ng kautusan."
"Kilalanin at respetuhin ang inyong mga NCOs. Kung senior sila sa inyo kahit isang taon lang, tawagin nyo silang Sergeant. Maging loyal kayo sa inyong kinabibilangang teams at lalo nang maging loyal tayo sa ating kumpanya at sa First Scout Ranger Regiment. Sa lahat ng panahon, kilalanin ang principle of chain of command."
Patango-tango lang ang aking mga bagong miyembro sa kumpanya habang naka-stand at attention.
Tinapos ko ang aking pananalita ng aking mahigpit na babala:
"Sa Scout Rangers, di bale nang mamamatay wag lang mapahiya! Hindi tayo nag-iiwanan sa gyera. Sa tatakbo at talikuran ang mga kasamahan sa bakbakan, isang bala lang kayo sa akin!"
Parada boys
Para maisakatuparan ang mabilisang paghubog sa aking mga bagong tauhan bilang mandirigma, minabuti kong mag-design ng training para sa kanila nang araw din na iyon.
Ipinag-paalam ko sa aking Commander ang aking planong mag-sagawa ng training para sa mga bagong saltang sundalo.
"Gusto kong umuwing buhay ang mga tropa sir. Kailangang ma-integrate ko silang mabuti sa aking yunit para mapanatili ang aming confidence," sabi ko sa kanya.
Nang pinayagan na ako ng aking boss, sinama ko ang aking First Sergeant at mga NCOs para kausapin ang mga parada boys.
"Gentlemen, alam namin ang iba sa inyo ay senior na. Nakatapos na kayo ng Basic Military Training ngunit hindi ito sapat para maging handa kayong isabak kayo sa actual combat missions. Dahil dito, dadaanan nyo ang training ng mga dugong mandirigma. Simula ngayon, kalimutan nyo ang inyong ranggo!"
"Bibigyan ko kayo hanggang 5pm para baguhin ang inyon hitsura. Gusto ko ay di hindi kayo nasasabunutan. Isang dakot na buhok ang matira sa tuktok, go!"
Dugong mandirigma
Para back to zero ang pagdevelop sa attitude ng mga baguhan, pinapadaanan ko sa kanila ang tunay na basic training.
Back to square meals. Merong Scout Ranger unit orientations para makilala nila ang mga kultura at tradisyon ng yunit.
Pinapakilala namin ang mga dugong mandirigma at mga bayani sa yunit. Pinapaalala namin ang mga role models ng NCOs sa kagalingan sa pamumuno ng mga tauhan.
Ipinadanas namin sa training ang hirap ng buhay sundalo na itinatalaga sa bundok. Umaabot ng 10-20k ang takbuhan. Lagi namin sila pinupuyat sa mga training missions. Laging pinapatakbo kung tinatawag. Bawal ang mag-relax dahil patay lang ang nag-rerelax.
Tinuruan din namin sila nag Scout Ranger tactics at mga skills saka techniques. Andyan ang pag-aaral paano magsagawa ng direct action missions kagaya ng raid at ambush.
Sa pagtudla, dapat nakakatama ng man-size target sa 250m gamit ang issue na M16 Rifle at M14 Rifle.
Sa quick fire ay dapat nakakatama gamit ang controlled pair shooting technique sa layong 5 metro hanggang 25 metro.
Pinadanas ko sa kanila ang Machine Gun employment at shooting techniques at ang team/section attack with fires. Tinuruan ko rin sila sa call for fire procedures para magawang i-giya ang mga kanyonero para mapatamaan ang mga bandido.
Paulit-ulit kong pinag-Land Navigation sa mga sulok-sulok ng baranggay Sibul at Tartaro sa bayan ng San Miguel.
Pinatutulog ko sila sa kasukalan malapit sa Mt Mabio para matikman ang kagat ng lamok at niknik. Pinadanas ko sa kanila ang mag-patrol ng malayo at kapiranggot lang ang pagkain. Sinanay ko sila sa buhay na mahirap.
Pinahahagingan ko sila ng bala sa Counter-sniper training. Wala namang aksidenteng natamaan.
Natuto rin sila ng patrol base operations, link up operations at Immediate Action Drills. Paulit-ulit silang nauulanan at naiinitan.
Ang ginawa naming pamantayan ay "Go" at 'No Go". Kung palpak ang performance, tinuturuan uli at pinapaulit. Kung maayos ang performance, "Go" agad. Wala nang tikalan na grading system.
Sa madaling salita, halos nadaanan nila ang mga training activities na ibinibigay sa mga Scout Rangers.
Nang matapos ang kanilang 1 month- training, buto't balat sila at maiitim dahil sa kabibilad sa araw. Nag-bago ang anyo at pati ang kanilang attitude.
Sa Commander's time, paulit-ulit ko silang pinaalalahanan:
"I don't care kung wala kayong suot na Ranger tab. I don't care kung hindi kayo tunay na Musang. Ang importante sa akin ay ang inyong attitude. Dapat ugali kayong Musang. Bawal ang negatibo. Bawal ang nerbyoso. Bawal ang tuso sa kasamahan. Sa gyera, bawal ang tumakbo!"
Pinaparamdam ko sa kanila na ibinibilang ko sila sa hanay ng aking mga warriors kahit pa man wala pa silang karanasan sa pakikidigma.
"Marami dyan na nakasuot ng tabak ng Musang pero panay porma lang sa garrison. Wala sa tabak yan, nasa puso ang pagiging mandirigma!"
Base sa kanilang performance sa training at sa evaluation ng mga NCOs, naging kampante ako sa kanila ngunit me doubts pa rin sa aking isipan dahil iba ang real-world battle scenario.
Ganon pa man inihanda ko ang aking sarili na makasama ang aking hinubog na DUGONG MANDIRIGMA.
Nang isinakay na kami ng C130 papunta sa Sulu noong Setyembre 16, 2000, alam ko na doon na magkaka-alaman.
Kung papalpak ako sa battlefield, isa rin ako sa me kasalanan.
sir, sana may continuation kung ano performance nila nung na assign na sa Sulu.
ReplyDelete-nikki
Abangan ang susunod na kabanata.
ReplyDeleteAno ang mangyayari sa kanila?
Maging parte ba sila sa tagumpay o sa kapalpakan ng aking pinamunuan?
Hoooooah!
Ranger C
Sir maayong hapon,c Romy Diaz tiga Unity state Bentiu SS. he he he kmusta karon ra nako nakita ning imong blog nindot kaayo
ReplyDeleteMusta ang Sudan?
ReplyDeleteBentiu pa rin or Juba?
Regards sa tropa! :-)
wala na sir d2 na sa pinas
ReplyDeleteGood work Major!
ReplyDelete