Monday, July 01, 2013

Ang paghahanda sa field assignment (Leadership Experience Part 2)


Ang mga dugong mandirigma kasama ang mga parada boys na aming hinubog bilang warriors sa shortened version ng Scout Ranger Orientation Course. Lahat sila ay umuwing buhay sa kanilang mga mahal  sa buhay pagkatapos ng napakaraming mga bakbakan na aming inabot sa Sulu at Basilan simula Setyembre 2000-Mayo 2002.

Maliban sa kaalaman ng iba, hindi lamang sa paghahasa ng soldiery skills ang inaatupag ng mga opisyal ng Scout Ranger Company habang ito ay nag-retraining.
Kasama sa pinagkakaabalahan naming ay ang pag-saayos ng administrative requirements para magampanan naming ang aming mga tungkulin.
Sabihin na lang natin na bilang Company Commander, para rin akong isang Manager ng isang business firm o kaya parang Barangay Captain.
Owwwwws, talaga? Baka magtaas ka ng kilay.
Hey, man we are not just 'skill patay'. We are both leaders and managers. Yessssssss. We lead people to combat. We manage their day to day lives.
Ganito yon. Ang aming pinamumunuan ay mga human beings as in mga nilalang na me pakiramdam.

Sila rin ay nagkakasakit, napapagod, nalulungkot at natutuwa. Hindi sila robot.
Kaya, kailangang magaling din kami sa management. "Hmmmmm. Bola".
Ganito yon uli. Ang mga Scout Rangers ay hinuhubog namin bilang mandirigma pero kailangang kinakalinga rin namin ang kanilang morale and welfare.
Maliban pa don, inaatupag din namin ang mga material resources ng aming yunit. Andyan ang completeness ng mga supply kagaya ng armas, bala, office equipment, at kung anu-ano pa.
Gumagawa rin kami ng admin tasks kagaya ng recurring reports, battle reports, promotion board, investigation board at supply inventory. Remember, English ang ginagamit ha. Baka akala mo Taglish kagaya ng blog na ito!
Tinitingnan din namin kung well-maintained at maayos ang andar ng aming mga sasakyan, kung nagagamit ng maayos ang POL (petroleum, oil and lubricants), at ang pag-gamit ng kuryente at tubig.
Pati ang pag-gamit ng computer para sa aming administrative functions ay itinuro ko sa aking mga staff NCOs. Mahirap atang ako na lang gagawa sa lahat dahil mas gamay nila ang type writer! 

Show window
Kasama sa aking requirement sa aking yunit ay ang pag-require sa sundalo na maging show-window ng yunit. Dapat karespe-respeto sila.
Para sa akin, ang sundalo ay dapat maayos ang hitsura at hindi mukhang Abu Sayyaf ang porma. Ayaw ko yong pa-cute na nagpapahaba ng buhok, ayaw mag-shave, at binabalasubas ang uniporme.
Gusto ko na sila ay disiplinado yung tipong hindi abusado na nanunutok ng baril at nakikipagsuntukan sa inuman.
Naniniwala kasi ako na ang mga bandido lang ang dapat matakot sa sundalo. Ang sibilyan ay dapat pumapalakpak sa tuwa kapag merong sundalo na tagapagtanggol sa kanila.
Hindi naman sa galit ako sa manginginom, ngunit hindi ko ito ini-encourage. Dami na kasing mababait na nagkalat kapag nakainom.
Merong nambabastos ng babae, nang-aaway at nag-sasayaw na ala-macho dancer sa publiko. Yuck! Kadiring sundalo di ba?
Dahil dyan, malinaw ang aking direktiba. Walang uminom kapag duty. Walang uminom kung walang rason (Hey, birthday mo ba?). Walang uminom kapag walang NCO na mag-supervise. Walang mag-maoy. Walang magkalat sa pinag-inuman. Walang humawak ng baril lalo na magpaputok kasi ipa-discharge ko agad. Grrrrr! Madali lang akong kausap di ba?
Commander's vehicle
Ang paboritong issue na vehicle ng mga punong mandirigma noong araw sa FSRR ay ang 1/4 ton M151 Kennedy Type Jeep. Maganda ito dahil 4x4 at pwede pang-off road. Ang problema, me kalumaan na. Tira-tira ito ng mga Kano. Nasa 'manager' na lang talagan kung magaling itong mag-maintain. At kung hindi ito barat sa maintenance then kung hindi balasubas magmaneho ang mga drivers nya.
Nang ako ay umupo bilang Commander noong Marso 6, 2000 inabutan ko ang Kennedy na me tapal-tapal ang flooring. Nilagyan ito ng tabla. Whaaaaaat? Yes. Tabla. Kinulayan din ng itim para di halata. he he he
Gula-gulanit na ang hitsura at tila mahihiya akong sumakay dahil sa andar pa lang, tila dinosaur na nabilaokan sa nilamon na buwaya. Baka minsan eh Cadillac pa. What? Yes, kadilakad ang abutin kapag tumirik. Grrrrr!
Kinantyawan ko ang aming Driver na si Sgt Virtudez na taga Pagadian.
"Sanamagan, ayaw ko yang sakyan! Baka biglang tumimbuwang yan. Baka ma-tetano ako dyan. Mukhang dyan pa ako mapunta sa libingan!"
Di ako papayag na kakaawa at kakahiya ang hitsura ng aking sasakyan. Isinaludo ko ito sa aking mga boss hanggang sa Headquarters Philippine Army.
"Sir, pupunta ako sa gyera. Kakahiya ang aking sasakyan. Mas dadami ang aking accomplishments kapag maayos ang aking transport pang marketing, troop insertion at iba pa".
Aba, maliban sa bagong makina at mga gulong ng aking Kennedy, nabigyan pa ako ng bagong M35 truck sa unang pagkakataon.
Inilaan ko ang pondo para ito ay maayos from top to bottom. Bagong makina, inayos lahat ng parte ng Kennedy pati ang pintura. Siguro proud sa akin si Jack Kennedy na kapangalan nya.
Pagkatapos ng humigit kumulang sa isang buwan na pag-trabaho, djaraaaaaaaaaaaan! Ang aking sasakyan ang pinakamaganda. Me bonus pa. Nilagyan ko ng sounds baby! Jologs kasi kami kapag nasa kabihasnan. Di kaya pwedeng mag-sounds pag nasa gubat!
Financial literacy
Noon pa man ay gusto ko na makakatipid ang sundalo sa mga basic commodities. Laging nagkakagulo sa management ng coop store at nagsisihihan kaya binuwag ng naunang namuno sa akin.
Ibinalik ko ito at sinigurado na ito ay service-oriented at hindi nakafocus sa profit. Lahat ay miyembro. Dapat mas mura sa mga tindahan sa paligid ng kampo.
Para maliwanag ang kitaan ng investment, naka-post lagi ang in and out ng aming pera sa coop. Transparency and accountability. Magaling ang aking mga financial managers kagaya ni Sgt Greg Manzolim at Cpl Mauro 'Jojo' Casimiro. Mapagkatiwalaan at hindi balasubas.
Samantala, ang lahat ng Private na ranggo ay 'sapilitan' o required o under orders sa akin na magtabi sa kanilang AFPSLAI account ng di bababa sa P3,000 monthly savings. Hawak ng First Sergeant ang passbook at hindi pwedeng kunin unless emergency. Pwedeng sila na magtago ng passbook kung maging Private First Class na sila after one year of active service. Diktador? Yes, kailangan. Ganyan ang Financial Literacy 101 sa military. Di ko naman sinarili pera nila. Sa kanila yon. Me reklamo? Nooooo seeeer! Wala daw eh. Yon narinig ko sa mga Privates nang tinanong namin ni First Sergeant.
Di rin ako basta-basta pumipirma sa loan. Inis ako sa London (loan dito, loan don) na walang klarong patutunguhan. Ang iba inuuna pa ang appliances kaysa pagtabi ng pera pang tuition at pang gamot pag nagkakasakit. Laging loan ang solution. Pinaliwanag ko na dapat savings ang inaatupag at tumulong ang misis na maghanap-buhay kung pwede naman.
Para bumaba pa lalo ang gastos, nagpa-garden ako ng gulay at me alaga kaming pato sa kampo. Sa Basilan ay pinalitan namin ng gulay ang mga damong taguan ng Cobra. Instead na bilhin pa namin yon, mamimitas na lang sa kanya-kanyang garden para mag-pinakbet si Lakay Msg Abubo na tubong Pangasinan. 
Leadership
Malaki ang pamumuhunan ko sa aking mga unit leaders. Binibigyan ko sila ng responsibilidad. Sila ang nagpapatakbo sa yunit. Ako lang ang Direktor. Ayaw ko na tipong pakialaman pa ang mga bagay na ginagawa ng mga unit leaders (Teams/ Sections).
Kapag me pumalpak na tao, ito ang tanong ko: "Sino ang Team Leader?" Hindi ko direktang pagsabihan o pagalitan yong tao kundi yong Team Leader.
Para maging cohesive sila bilang team, parating merong Team activities maliban sa training missions. Merong takbuhan by team, best-best sa inspection by team, best-best sa pag-parada, at pati best-best sa paglinis ng area.
Syempre, lahat mga beterano sa gyera ang aking mga Team Leaders at sila ay lagi kong kinakausap tungkol sa kanilang mabigat na responsibilidad.
"Kung palpak ang team nyo, walang sisihin kundi kayo dahil kayo ang lider. Kung palpak ang ating kumpanya, walang sisihin kundi ako dahil ako ang Company Commander".
Ipinamumukha ko sa kanila na ang iniuutos ko sa kanila ay aking ginagawa.
Ipinakita ko sa kanila ang tunay na transparency at accountability sa aming unit fund. Galit  ako sa kurakot na tila ginagawang gatasan ang posisyon.
"Open book ang ating kapiranggot na pondo. Mag-open tayo ng LBP bank account at ito ay nakapangalan sa tatlo: kay EX-O, Kay First Sergeant Jerios at kay Sgt Manzolim. Ang cashbook ay pwedeng usisahin ng kahit sino. Ang approval ng malakihang gastos ay dapat aprubado ko."
Sinigurado ko ring open ang lahat na magdulog ng problema sa pamamagitan ng chain of command. Gawan ng paraan ng Team Leaders at kung di kaya ay elevate nila sa akin. Alangan naman pati sa nahilaw na kanin ako pa ang mag-solve di ba? Hellooooow!
"Kung me reklamo pa kayo, ewan ko na lang sa inyo. Ang para sa inyo ay para sa inyo kaya gawin nyo rin ang para sa ating yunit. Kung magdulog ng problema, magbitbit din kayo ng solusyon!".
Binigyan ko rin sila ng pagkakataong mangarap kagaya ng aking pinapangarap.
"Lahat ng pinuntahan kong Company ay naging Best Company maging sa Admin o Operations kagaya ng 7th SRC at 12th SRC. Ang ating kumpanya ay hindi pa nakasungkit ng Best Company Streamer. Ito na ang ating pagkakataon na umangat at ipakita ang ating kagalingan bilang yunit. Di ko ito magagawa kung ako lang."
Tinapos ko ang aking pag-share ng panaginip sa isang tanong:
"Sino ba sa inyo ang gusto na tayo ang tatanghaling Best Company at masasabitan ng streamer ng Commanding General ng Philippine Army?"
Lahat sa mga present ay nagtaas ng kamay. Iyon ang unang hakbang para sa pag-abot namin ng tagumpay.

Hmmmm. Hindi madali ang makipag-compete bilang Best Company kasi maraming magagaling na Company Commanders at ang kanilang yunit ay nakakalamang sa karanasan at sa 'kayabangan'. 

Dalawa ang pinag-aagawan na Best Company streamer sa FSRRR: ang Best Company for Administration at ang mas prestigious Best Company for Operations.

Mahirap na masungkit yon. Dapat magaling ang Company Commander sa admin para maging matatag, highly-motivated at highly-skilled ang mga tauhan. Ang problema nga lang kung kahit gaano ka kagaling, wala namang opportunity dahil madulas pa sa palos ang kalaban o kaya ay di marunong ang force employer na unit kagaya ng Brigade o Battalion.


Para sa akin, dapat managinip kami na makamit ang naturang streamer na magdadala ng unit pride. Iyon ang aking vision na maging magagaling ang tropa sa aming misyon at ma-minimize ang casualties. Kaya nga sabi ko sa kanila na dapat maging disiplinado para makauwi kaming buhay lahat. At, hindi ako mag-hesitate na tanggalin ang pasaway na hindi makapag-keep in step sa lahat.

Naiintindihan ng tropa ang aming vision at kung ano ang aming mission. Inanyayahan ko silang maging parte sa pagkamit ng aming panaginip na maging pinakamagaling na SR company.

(Ipagpatuloy)


6 comments:

  1. Hello People minamahal,
      Mrs bettyjune isulat ko ang sulat na ito dahil ako ay talagang nagpapasalamat para sa kung ano ang ginawa Mrs Jane Morrison para sa akin at sa aking pamilya, kapag naisip ko walang pag-asa ay dumating siya at gumagawa ako ng pakiramdam buhay muli sa pamamagitan ng pagdadala sa amin sa antas ng utang sa mababang interes na 1.5% hindi ko naisip na mayroong tapat na lenders pautang sa Net pa rin, ito ay hindi hanggang ipinakilala sa akin ang aking asawa huli kasamahan sa isang mabuting ina Mrs, Morrison na sa wakas ay nakatulong sa akin makakuha ng isang secure na pautang sa mga kumpanya, isang magandang ina, gusto kong gamitin ang pagkakataong ito upang sabihin salamat sa iyo at ang Diyos ay patuloy na pagpalain mo dahil sa pagtulong sa akin makakuha ng aking mga pautang na walang pag-aaksaya ng maraming oras kaya kung ikaw ay out doon naghahanap para sa isang utang ng anumang halaga sabihan mo kong magpadala ng isang email sa Jane Morrison sa pamamagitan ng (janemorrisonloanfirm @ gmail.com) para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng bettyjunewheeler@gmail.com nais ko sa iyo ang lahat ng tagumpay

    ReplyDelete
  2. Ganyan ang magaling na Leader!!!

    ReplyDelete
  3. Hello,
    Maligayang pagdating sa Helen powell loan kumpanya, na nakatuon sa pagbibigay ng mabilis na Secured pautang cash sa mga kwalipikadong mga indibidwal, pribadong kumpanya, pampublikong kumpanya, at mga kumpanya sa isang subsidized interes rate ng 2%. Kami ay nakatulong sa maraming bilang ng mga indibidwal at organisasyon na na-nakaharap sa pinansiyal na kahirapan sa buong mundo. Kapag inilapat mo sa amin, ikaw ay nag-aaplay sa isang pinagkakatiwalaang kumpanya na nagmamalasakit tungkol sa iyong mga pangangailangan financing. Kami na ang bahala sa inyo sa pamamagitan ng buong proseso. ugnay sa amin ngayon para sa iyong mga pautang sa pamamagitan ng email helenpowellloancompany@gmail.com
    APLIKANTE DATA
    1) Buong Pangalan:
    2) Bansa:
    3) Address:
    4) Estado
    5) Sex:
    6) May-Asawa
    7) Hanapbuhay:
    8) Numero ng Telepono:
    9) Kasalukuyang posisyon at lugar ng trabaho:
    10) Buwanang kita:
    11) Halaga ng Pautang Kinakailangan:
    12) Loan Duration:
    13) Layunin ng Pautang:
    14) Relihiyon:
    15) Nagkaroon ka na inilapat bago:
    16) Petsa ng kapanganakan:
    thanks.

    ReplyDelete
  4. Kumusta ang lahat,
    Ang pangalan ko ay Marcia Retnawati ng Batan Miroto Semarang bayan sa Indonesia, Gusto kong gamitin ang medium na ito upang ipaalam sa lahat ng tao na mangyaring maging maingat sa pagkuha ng pautang dito, kaya maraming mga loan lenders narito ang lahat scammer at ang mga ito ay lamang dito sa panloloko mo sa labas ng ang iyong pera, nag-apply ako para sa isang loan ng tungkol sa 100 milyong mula sa isang babae sa Malaysia at nawala ko ang tungkol sa 6 milyong walang pagkuha ng pautang, sila ay nagtanong muli at muli para sa gastos, magbabayad ako ng halos 6 milyong pa rin hindi ko makakuha ng isang loan,

    Maging Diyos ang kaluwalhatian, nakilala ko ang isang kaibigan na nagkaroon lamang inilapat sa utang, at nakuha niya ang utang nang walang anumang stress, kaya siya ipinakilala sa akin Mrs Alicia Radu, at apply ako para sa 500 milyong, sa tingin ko ito ay isang biro at isang panloloko, ngunit ako got ang aking mga pautang sa mas mababa sa 24 na oras lamang 2% na walang collateral. Ako napakasaya dahil ako ay nai-save mula sa pagkuha ng mga mahihirap.

    kaya ako ng payo sa lahat ng mga tao dito na kailangan pautang makipag-ugnay sa
    Mrs Alicia Radu, sa pamamagitan ng email: aliciaradu260@gmail.com

    Maaari mo pa ring makipag-ugnay sa akin kung kailangan mo ng anumang karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng email: Marciaretnawati450@gmail.com

    muli salamat sa iyo ang lahat para sa pagbabasa ang aking patotoo, at maaaring Diyos patuloy na pagpalain tayong lahat at bigyan kami ng mahabang buhay at kasaganaan

    ReplyDelete
  5. MAHUSAY BALITA PARA SA LAHAT

    Gusto kong ipaalala sa lahat ng mga naghahanap ng internet loan na mag-ingat, may mga online scam loan sa lahat ng dako, magpapadala sila ng mga pekeng dokumento sa iyo at sasabihin nila na walang bayad, hihilingin ka nila na magbayad ng bayad sa lisensya at mga pagbabayad sa transfer, kaya maingat.

    Ang lahat ng mga pekeng nagpapahiram ay may maraming pagkakatulad na nakikita ko at inilista sa ibaba

    Karamihan sa kanila ay mayroong mga gmail account

    Ang bawat tao'y may nakakumbinsi na kapangyarihan

    Ang bawat tao'y may pekeng larawan sa profile ng isang babae na may suot na belo

    Lahat sila ay nagbibigay ng isang 2% rate ng interes

    Walang limitasyon sa halagang maaari mong hiramin

    Ang mabuting balita ay natagpuan ko ang isang wastong online lending firm. Hindi ako narito upang mangaral ngunit upang matulungan ang mga tao na makakuha ng tunay na pautang. Kung ikaw ay interesado sa pagkuha ng pautang, makipag-ugnayan lamang sa kanila (dailypayloan@yahoo.com) o padalhan ako ng personal na e-mail (zaradam@yahoo.com).

    ReplyDelete
  6. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete