Sa combat operations, nakagawian ng mga Scout Rangers ang magdala ng kung anu-anong hitsura ng tabak o itak.
Ang iba ay pang-porma, ang iba ay talagang ginagamit sa paghahanda ng pagkain, pagputol ng sanga ng kahoy. Pwede rin itong pang-'last line of defense' kung maubusan ng bala.
Kahit ako ay nabigyan ng itak mula sa aking ama sa Basilan, si Maas Salambang, 90 taong gulang.
Ito ay tinatawag sa wikang Yakan na 'barong'. Binigyan din nya ako ng isa pang itak na kung tawagin ay 'pira'.
Sabi nya ay pamana nya sa akin ang kanyang itak na galing pa sa kanyang ama simula pa noong panahon ng Hapon.
Dapat ay sa pinakamatandang anak nya ito ipamana ayon sa tradisyon. Dahil ayaw nya ibenta sa akin, naging adopted son nya ako at nagkaroon akong instant family sa Tuburan, Basilan.
Tila parang agimat, dala-dala ko lagi ang aking itak. Di ko ito ginagamit ngunit di ko iniiwan tuwing kami ay may lakad.
Itak, itak!
Sa isang madugong sagupaan noong ika-7 ng Oktubre 2001, umabot sa labing pitong tauhan ng 1st Scout Ranger Battalion ang sugatan sa aming hanay.
Pagkatapos ng 6 na oras na bakbakan, minabuti naming tumawag ng helicopter upang maisugod sa hospital ang aking mga sugatang kasamahan.
Hindi na maipinta ang kanilang mga hitsura sa sakit na nararamdaman kahit pa man ay nabigyan na ng first aid. Nakakaawa sila.
Dahil maraming niyog sa likuran ng encounter site, kailangang magputol ng ilang puno upang makalapag ang choppers.
Kahit merong pailan-ilan pang putok, pinagtiyagaan ng mga Rangers na putulin ang apat na puno gamit ang kanilang mga itak. Umabot sila ng isang oras upang magawa ito.
Di kalaunan ay dumating na ang mga choppers na matagal-tagal ding umikot bago tuluyang mag-landing sa maliit naming HLZ.
Kasama sa pasahero ng chopper ay si Southern Command chief Lt Gen Roy Cimatu na gustong makita ang kalagayan ng aking mga sundalo.
Matapang lang talaga ang ating mga piloto at halos inaabot na ang mga dahon ng kabilang puno habang sila ay pababa.
Dagliang naikarga ang mga grabe ang tama at inilipad papuntang Zamboanga.
Ang bilin ng piloto ay magputol pa ng dagdag 6 na puno upang siguradong walang disgrasya.
Pressured kami kasi magdidilim na kung abutin kami ng isang oras sa pagputol gamit ang maliliit na itak.
Ang patimpalak
Kilala sa pagiging maalalahanin sa kanyang mga tauhan, nag-isip si dating Southern Command chief Lt Gen Roy Cimatu ng paraan para mas mapabilis ang pagputol ng puno.
Di sya makakapayag na hindi madala sa hospital ang mga sugatan. Nakikita nyang grabe na ang pagod ng mga sundalong pinipilit itumba ang mga puno gamit ang kanilang mapurol ng itak.
"Rangers, punta muna kayo dito sa akin," sabi nya na nakangiti.
"Dapat masagip natin ang ating mga kasamahan. Ayaw kong abutin tayo ng dilim kaya dapat gawin natin ang lahat ng paraan," paliwanag nya.
"Yes sir, gagawin po namin ang lahat na paraan para mas mapabilis ang pagtumba ng puno at gusto namin mabuhay ang lahat na sugatang kasamahan," sabi ng isang Platoon Sergeant.
"Okay, gusto kung gawin natin itong isang kumpetisyon. Paunahan ng pagtumba ng puno. P2,000.00 sa pinakamabilis at tig P1,000.00 sa bawat puno na maitumba." sabi ng butihing heneral.
Pagod man at galing sa gyera, nakikita ko ang mga hilaw na ngiti ng aking mga sundalo.
"Gentlemen, the time starts now. Goooooooooo!" utos ng heneral.
Don ko nakitang naglabasan pati maliliit na kutsilyo at kung anu-ano pang mga maliliit na sandata. Merong nagtataga, merong nagsasaksak, mapabilis lang ang pagtumba ng Ranger teams.
At...................walang kalahating oras, nabuwal ang lahat ng punong ipinatumba!
Lahat ay panalo sa araw na iyon, pati ang mga Teams na nag-uwi ng pang-boodlefight sa kampo mula sa napanalunan sa patimpalak ni General Cimatu.
Naipagamot namin ang lahat ng sugatan at wala ni isang namatay sa engkwentro na yon.
Salamat sa tabak ng Rangers. Hindi ako napilitan gamitin ang aking pinakamamahal na itak.
tapang nung piloto sir, ah...mahirap maglanding sa ganun kaliit na LZ..small margin of error lang. pero siyempre bilib rin ako sa initiative tapos ingenuity ng mga Rangers sa paggawa ng LZ. talagang Jungle Fighters ang AFP.
ReplyDeleteSi cpt richie pabilonia yun, my pma classmate.
ReplyDeleteKnowing that I have several casualties, he courageously picked my wounded soldiers while another pilot mistah, cpt erwin solomon, pounded the rebel positions with rockets.
small world, ano sir? in the nick of time pa. nakakabilib talaga yung ingenuity ng Rangers sa pagclear ng LZ tapos yung skill ng PAF pilot sa pag-landing sa ganun kaliit na LZ..hehe..we do hell of a lot more with less, ika nga.
ReplyDeleteYes. Instead of complaining about whatever the AFP lacks, we always find solutions to our problems, the Scout Ranger way.
ReplyDeleteIka nga: Walang iwanan!
murphy's law nga sir: The equipment you need “NOW”!! is on the “Next” resupply.hehe kaya na-imbento ang term na "field expediency". maganda ang DIY ethic,di ko lang sigurado kung kailangan pa i-train pa sa mga sundalo ito o sadyang innate na ang ingenuity ng pinoy..hehe kung kaya ng gerilya, kaya ng isang professional soldier. ika nga, sir: to beat the enemy, think like the enemy. more power, sir! :)
ReplyDelete