Thursday, April 10, 2014

My wife's battle against Glaucoma




Iilang araw pa lang ang nakaraan, isang matinding hamon sa aking buhay ang dumating. 


Habang ako ay nag-attend ng klase sa aking Masteral Program, tumawag ang aking mahal na misis at long-time buddy na si Bia. Isang nakakalungkot na balita ang kanyang isinawalat.

"Dear, hindi na pala nakakakita ang aking right eye!"


Parang natulala ako. Life is indeed full of surprises. Ang problema, minsan ay bumubulaga sa iyo ay unpleasant suprises na kagaya nito. Napa-nganga ata ako don. Paano na lang kung di na magamot iyon?

Kilala akong positibo at di basta matitinag sa mga challenges pero mabigat din iyon sa aking karamdaman. Paano kasi, visually impaired na yong both eyes nya due to Glaucoma na unang na-detect at naoperahan noong taong 2005. Ang kanyang right eye  ang may better vision pagkatapos ng Glaucoma surgery 9 years na ang nakaraan.

"Dear, kaya natin iyan. Let us prepare for the worst. Ipagdasal na lang natin na ma-recover pa ang iyong eye sight," sabi ko, na tila nalupaypay mula sa tatlong kilometrong pagsagwan ng Dragon Boat.

Daglian akong nagpaalam sa aking propesor para umuwi. Nagkataon na me recognition namang matanggap sa school ang aking anak. 

Habang nag-aantay sa ceremonies, pinag-usapan namin ang mga courses of action. Kung tuluyan syang mabulag, di na sya pwedeng magtrabaho kasi 25% na lang ang vision nya sa left eye. Magiging full time homemaker na sya. May possibility rin na mawalang tuluyan ang vision sa left eye kasi hindi treatable ang Glaucoma kundi nako-control lang ito. 

Dahil hindi available ang aming most trusted Glaucoma specialist sa araw na iyon, humingi na lang kami ng payo on how to get some remedies. Pati ang aking kaibigan sa Singapore na numero unong eye doctor sa buong mundo ay kinontak ko na para sa expert advices. 

Ang kinatakutan namin ay kung tumaas sobra ang eye pressure at naging dahilan sa kanyang pagkabulag. Kagaya ng pag-control ng blood pressure, may emergency medication para agad maipababa ito. Ipinagbilin ni Doc ang pag-take ng Zolmide tablets as precautionary measure sa posibleng pagtaas ng eye pressure. Dinagdagan na lang namin ng endless dose of prayers.

Fighting Glaucoma

Bilang sundalo, never na pumasok sa aking vocabulary ang salitang Glaucoma. Sa aking paninilbihan sa militar, naging familiar sa akin ang mga katagang 'malingeritis', hematoma, insomnia at amoeba.

Naka-destino ako noon sa Marksmanship Training Unit sa Fort Magsaysay nang nagreklamo ang aking misis ng pananakit sa mata. Nang tiningnan ko ito, namumula at inakala naman namin ay napuwing lang o nagkaroon ng virus kagaya ng sore eyes na dapat lapatan ng lunas. 

Dinala ko sya sa isang doctor na 'okay' daw, at siguradong di mabubutas ang aming bulsa. 

Natatandaan ko na sinilip-silip lang konti ni Eye Doctor ang mata, may findings na sya. 

"Sugat lang yan. Baka ni-rub mo ang puwing kaya nasugat," sabi nya. 

Syempre nakinig kami sa kanya. Me ibinigay sya na eye drop na pang-heal daw ng sugat. Ito ay may content na steroids. 

Pagkatapos ng iilang araw, hindi nagamot ang mata ni Bia. Lalo raw sumakit ang dalawang mata. Bumalik kami kay Eye Doctor. 

Ganoon uli, silip-silip ng konti at sabi ay ipagpatuloy lang ang eye drops. Syempre, sya ang doctor, pinakinggan namin. 

Iilang araw pa, iba na ang pakiramdam ni misis, lalo raw masakit at di na nya matiis. Naawa ako sa kalagayan nya. Parang hindi na ata sore eyes o simpleng sugat yon.

Sa pangamba na ganong sagot pa rin matanggap namin sa unang Eye Doctor, dinala ko sya sa St Luke's Hospital. Tinanong ko lang sa reception kung sino ang pinakamagaling nilang Eye Doctor. 

Don ko nakilala si Dr. Harvey Uy. Kapangalan sya ng aking anak. Napakabait at soft-spoken na Chinoy doktor. Agaran nyang isinagawa ang Binocular Indirect Ophthalmoscopy na layuning sukatin ang eye pressure o Intraocular Pressure (IOP). 

Don namin unang naulinigan ang nakakatakot palang balita:

"This is a possible severe case of Glaucoma. It is an emergency situation so I have to admit you right away to lower your eye pressure or else you will go blind forever!"

Glaucoma. Sakit sa mata. Noon ko lang nasawata. Nakakatakot pala iyon. Kinilabutan ako. Iilang minuto na lang, mabulag na raw ang misis ko!

Dumami ang aking katanungan sa mga panahon na iyon. Nang binuksan ko ang internet ito ang aking nakita: "Glaucoma is a multi-factorial, complex eye disease with specific characteristics such as optic nerve damage and visual field loss. While increased pressure inside the eye (called intraocular pressure or IOP) is usually present, even patients with normal range IOP can develop glaucoma." 

Akala ko kasi ay sugat lang sa 'puwing' ayon sa pambobola ni Eye Doctor. Nang tinanong ko si Dr. Harvey, ito ang sagot nya.

"Kaya nagkasugat ang eye ay dahil sa sobrang taas ng eye pressure. Dapat nakita yan ng naunang tumingin na Eye Doctor! Sino ba iyon?"

Nang sinabi ko ang pangalan. Kilala nya ito. Syempre, parang sa Army, halos kilala mo rin kung sino yong mga nilalang sa iyong paligid. Presko pa sa aking isipan ang kanyang komento: "Ahhhhh, okay. Kaya pala. _ _ _"

Lalo akong nainis at nadismaya sa narinig. "Sanamagan!"

Naalala ko ang aksyon ng naunang ophthalmologist. Grabe naman sya, bakit di nya ginawa ang pagsukat ng eye pressure? Tamad? Di alam? Kamas-kamas (for compliance sake)? Do I deserve a 'kamas-kamas' service?

Napatanong ako kay God noon ng "Diyos ko, bakit sa amin pa?" kasi kumbaga hindi pa naman kami ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa. Kung tutuusin nga naman, marami pang ibang dapat parusahan kagaya ng mga terorista, mga gahaman na nasa kapangyarihan at mga pusakal na kriminal. 

Sa araw na iyon namin sinimulan ang laban sa sakit na Glaucoma. Never na ako bumalik kay libreng Eye Doctor. Para makasigurado, minabuti naming magpa-2nd and 3rd opinion kami sa mga batikang ophthalmologists. Di bale nang gumastos.

Sa bandang huli, nai-refer kami sa isa sa top-rated Glaucoma specialists sa Pilipinas, si Dr. Rigo Reyes. Sya ang nag-confirm na halos 25% vision na lang natira sa left eye at at least 50-70% naman sa right eye. 

After a careful study, he and his team of doctors successfully conducted the delicate eye operation in the modernized facilities of Asian Hospital  in 2005.  

After the surgery, Dr. Reyes was frank enough to tell us the truth that our battle was not over. 

"We need to control the eye pressure through daily eye drops. Also, you have to come for consultation once in a while so that I can check your eye pressure."

Dahil sa gyera na ito, doon ko naman nakilala ang mga pangalang Alphagan, Trusoft at Xalatan, mga eye drops na pampababa ng eye pressure  sa level na at least 11-15 mm Hg (millimeters of Mercury).

Tiwala rin kami sa confidence at kagalingan ni Dr. Reyes. Wala syang paligoy-ligoy kung magsalita kagaya ng kanyang kabilin-bilinan sa amin sa aming regular na consultation every 3 months. 

"I am just worried that someday you will develop cataract because you are still very young to have Glaucoma. Also, there is a possibility of doing another eye operation once the valve that we created inside your eye won't work anymore."

Dr. Rigo Reyes checks Bia's intraocular pressure (IOP) using a tonometer before the scheduled operation to transplant a new lens and create another valve that would control her eye pressure.


Cataract

So, this is it. Ito ang karugtong sa aming gyera sa Glaucoma. Sumawsaw si Cataract pagkatapos ng siyam na taon. 

Ano naman kasi itong si Cataract? Parehas sa Glaucoma, parte rin ito sa aging process ng tao. Kung tumatanda tayo, normal nang nagkakaroon ng either Glaucoma o Cataract lalo na kung umabot na ng 60 ang edad. 

Kapag ikaw ay nagkaroon ng cataract, magiging cloudy ang lens kaya hindi makapasok ang liwanag kaya mabubulag ka na. Sa kaso ni Bia, napakabilis ng proseso ng pag-develop ng cataract. Last September 2013 lang ay clear naman ang lens nya. 

Ayon kay Dr. Reyes, tila ay pang 90 yr old ang cataract nya kahit pa man ay nasa 40's pa lang sya. 


Image of Bia's eye after it was dilated by eyedrops. The grayish part is the cataract which was removed through surgical operation.

Dahil wala na syang nakikita kundi panay anino, kinakailangan na syang operahan. Ang problema nga lang sa case ni Bia, meron din syang Glaucoma kaya triple surgery ang procedure: First, ayusin ang bleb, ang valve na tiga-control sa eye pressure ng mata. Second, tanggalin ang nasirang lens. Third, lagyan ng implant na lens o ang intraocular lens implantation. Ipinaliwanag sa amin ni Dr. Reyes ang komplikadong procedures na ito na tila ay estudyante nya kami sa ophthalmology.


Dr. Reyes explains the triple eye surgery procedure that is needed to restore Bia's eye sight. I gained a clearer understanding about the situation because he was able to translate the highly-technical procedure into simplest terms. In the military, leaders are also expected to articulate complicated military procedures so that every single soldier understands them clearly.


Ayon kay Dr. Reyes, ayaw nya ng 2nd rate na service para sa amin ni Bia. Naging kaibigan na rin kasi namin sya after all those years. School mate pala ang aming mga misis. Nahawa ko rin sya sa 'addiction' sa target shooting. 

"I will get the top caliber doctor to do the cataract operation at pati yong mga assistants namin. Parang teammate kami. Kahit tinginan lang lalo na pag may emergency situation sa procedure, alam na ng bawat isa ang gagawin kasi nagkakaintindihan na agad."

Naintindihan at nakaka-relate din ako kay Doc. Ganon din ako sa combat operations. Ayaw ko yong kamas-kamas na sundalo. Sa gyera, buhay kasi kapalit kaya dapat okay ang teammanship at unit integrity. Meron din kaming hand and arm signals. Halimbawa, nagkakaintindihan kaming Rangers kahit sa tingin lang. Every member knows what to do in a particular scenario. Thankful ako na ganon din pala ang sistema nina Doc. Sana lahat ng team ng doctors ay ganito ang kakayahan at dedikasyon, at di yong ugaling kamas-kamas.

Napakarami ng mga check ups bago ang surgery. Merong ultrasound sa mata at mga clearances mula sa iba't-ibang doctor. 

"Maarte ako na doctor dahil gusto kong nakakapanigurado at maging tama ang aming actions na gagawin," wika ni Dr Reyes na  sure na hindi kagaya noong isang nakilala ko na 'kamas-kamas'

Kaya naman, sa araw ng kanyang surgery, minabuti kong magpaalam sa aking mga boss. Nag-absent ako sa aking shooting coaching job. Ginamit ko ang art of delegation sa aking routine at special tasks sa unit. 

Para ma-boost ang morale ni Bia, ako ang kanyang driver, security escort at personal assistant, rolled into one. Actually, minsan-minsan lang ako nakakabawi sa kanya. 


Like me, my wife is an optimistic person. I see to it that I make her smile by cracking jokes about soldiery. We also had our 'selfie' before her actual eye operation.


My wife is fearful of needles especially the bigger ones that are used for IV fluids. I have to be with her to cheer her up. Bago ang kanyang operation, nagkakaubusan ng corny jokes na pang-divert ng attention. 

Nang ipinasok na sya sa O.R. hinatid ko sya hanggang pintuan. Nagdasal na lang ako na maging matagumpay ang procedure. Nililibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsusulat. Nag-remote control din ako ng mga importanteng tasking. Ewan lang, di ako nauubusan ng kung anu-anong mga gawain. 





Dr. Reyes 'signs' above the eye that needs to be operated. It is part of the procedure to ensure that the doctors will operate on the correct eye. 


My best friend and fellow Rotarian, Carlo Claudio and his lovely wife, Josie visited me at my 'Tactical Command Post' outside the operating room where the triple surgery was conducted. It was a 3-hour wait so I spent my time working on some administrative tasks for my office.

I waited for about 3.5 hours before Bia finally came out in a wheel chair. She was a little bit disoriented but was able to flash a smile. Na-high morale naman ako. Mukhang success ngunit ang final word Dr. Reyes ang aming pinakaaantay. 

Pumunta kami sa kanyang clinic sa loob din lang ng hospital. Parang napaka-thrilling ang sumunod na tagpo. 

Sinuri ni Doc nang masinsinan ang inoperahang mata. Pinagbasa agad sya ng mga letra. 




"H. R. N." ang introduction. Nakabasa agad sya! Nahirapan nga lang sya habang pinaliit nang pinaliit ang naka-flash na set of letters. 

"As of now, it is 20/40. I will check on it again by tomorrow and let us hope for the best," sabi ni Dr. Reyes na parang nabunutan din ng tinik sa dibdib. 

Ako na nanonood ay ganon din ang pagkamangha. 

"Parang himala!" 

Technology at its best. Indeed, I got the best service from the best doctors using one of the best health facilities. 

Di matapos-tapos ang aking pasasalamat: "Thank you Doc!" at "Thank you God, the Merciful!"

Lessons learned

Kagaya rin ng tunay na gyera, marami rin akong napulot na samo't-saring mga aral sa aking karanasang ito.

Ipamahagi ko ang Top 3 na mga lessons learned at pulutin mo ang iyong mapakinabangan.

1. Health is wealth. Laging alagaan ang sarili at maging handa sa mga panahong tayo ay magkakasakit. Magtabi rin ng pondo para sa health care at wag asahan na i-loan agad ang pambili ng gamot o ang pampa-doctor. Wag din nating tipirin ang ating sarili kung kalusugan ang pinag-usapan. As much as possible, don't go to a cheap medical service (lalo na albularyo) kung ang hanap mo ay reliable at siguradong tumpak na serbisyo medikal. Stay fit and healthy sa pamamagitan ng tamang diet at ehersisyo!

2. Bayanihan. Sa tahanan, bayanihan din ang kailangan. Iparamdam sa katuwang sa buhay na andyan ka lalo na sa panahon na you are needed most. Sa mga sundalo, kung hindi pa naman tipong sinusugod na tayo ng mga singkit, bigyan din natin ng time ang pamilya sa mga emergency situations o mga pagkakataong ang ating presensya ay kinakailangan. Lagi na nga tayong wala, tapos kapag emergency situations naman sa bahay na nasa malapit ka lang ay wala ka pa rin!

3. Glaucoma attack. Kagaya sa high-blood pressure, tingnan din natin ang ating eye pressure lalo na kung tumuntong na tayo sa edad na 40. Alamin din natin ang health history ng ating immediate family members lalo na sa mga magulang at mga kapatid. Posibleng mana-mana rin ang Glaucoma. Mas maiging regular din ang ating check-up dahil traydor din kung tumira ito. 

14 comments:

  1. Sir, God is soooo good talaga! And He chose you for this battle 'cause He knows you can win this. God bless you and Ma'am Bia po. :)

    ReplyDelete
  2. good morning po...tinapos ko ang sinulat nyo...habang binabasa ko masuerte si mam Bia nandyan kayo at nagpalakas ng kanyang loob para sa kanyang operasyon...salamat din sa dios at nandyan siya palagi...get well soon mam Bia...we love u po...From TALIMA PHILS...

    ReplyDelete
  3. Indeed! Health is wealth! We will be praying with your family, Sir Cabunoc!

    ReplyDelete
  4. At a relatively young age of 33, I've already had my share of emergency and non-emergency but medically dire situations. It's also quite a turn of fate that my wife and I shared the same serious medical condition (which had already been treated and now being managed, thank God!). I can say that I have a good idea what it's like to be in that situation, Sir Cabunzky. Always hope and pray for the best. You'll all be in my prayers.

    -Jojo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for the kind words Jojo!

      I am a Ranger! Fight! :-)

      Delete
  5. Praying for healing and recovery....

    ReplyDelete
  6. A diet for glucoma is a simple, yet effective way of treating and preventing glaucoma and its symptoms. Research indicates that glaucoma and diet are closely related since the foods that are consumed on a regular basis can help reverse the damage caused to the optic nerve. Moreover, since there are no known medical cures for this condition, diets for glaucoma are the only effective way of controlling the problem. A diet for glaucoma generally includes some of the foods that are good for eye care. At the same time, the diet also restricts the consumption of certain glaucoma foods to avoid. Some of the recommendations on the glaucoma diet include:

    • Increasing the intake of foods that are high in carotenoids, since they are absolutely essential for good eye health. This means that people need to increase their consumption of certain fruits and vegetables like oranges, leafy green veggies and yellow vegetables, such as peppers.
    • The consumption of foods that are rich in magnesium and chromium should also be increased, as they can help treat and improve the condition. Foods that are high in these substances are apples, brewer’s yeast, kelp, leafy green veggies, sunflower oil and safflower oil.
    • Foods that contain a bioflavonoid known as anthocyanidin should be consumed on a regular basis, since it helps to fight off the free radicals in the body. It also plays an important role in keeping the levels of collagen around the eye flexible and healthy. Foods that contain high amounts of this bioflavonoid are cherries and blueberries.
    • Foods that are high in Vitamin A, Vitamin B complex, Vitamin C and Vitamin E can help protect the eyes and therefore, are an essential part of a diet for glaucoma patients. Therefore, apart from fruits and vegetables, it is important for people who are suffering from glaucoma, to consume whole grains, nuts and seeds on a regular basis. Several health experts talk about the correlation between glaucoma and nuts, touting the benefits of various nuts for the eyes.
    • Studies indicate that the regular consumption of green tea can help protect the eyes from further glaucoma damage, because the retina and the aqueous humor that are present in the eyes absorb the antioxidants from the green tea.
    • One of the most important glaucoma foods to avoid is coffee, or any other beverage that contains high amounts of caffeine. This is because caffeine can reduce the flow of blood to the eye, which in turn aggravates the condition further.
    • Alcohol should be strictly avoided by people who are suffering from glaucoma. This is because alcohol usually has an adverse effect on the liver and excessive amounts of it can also lead to a toxic liver, which has been known to worsen the condition of glaucoma.

    additional tips from your fellow Rotarian :) Rahimakallah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for the tips Jorehl! :-)

      Alhamdulillah!

      Delete
  7. i am searching for other stuff when I landed on this blog. I read it and inspired. I was informed with some eye diseases and also felt your deepest love to your wife.Very inspiring!

    ReplyDelete
  8. salamat sa pagsulat ng inyong karanasan sa sakit na ito..my father was recently diagnosed with glaucoma and we are looking for a glaucoma specialist for its management..

    ReplyDelete
  9. Magkano po ng nagastos sa pag paopera ng glaucoma.sa asian?

    ReplyDelete