Tara na, mamimili tayo sa AFPCES!
Ooops, bago ka mangimbita o magpaimbita na makibili sa aming post commissary, maiging alamin muna natin kung pwede ka ba talaga doon! Baka ma-wow mali ka lang eh.
Teka, ano ba kasi yang AFPCES? Tsong, iyan ay ang acronym ng Armed Forces of the Philippines Commissary and Exchange Service.
Ito ay isang military unit na itinatag noong December 5, 1972 para mabigyan ng serbisyo ang mga sundalo, beterano at mga dependents nila sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga quality goods sa pinakamurang halaga. Ang ibig sabihin nito, mga militar ang namamahala at merong iilang mga civilian employees ay empleyado rito.
Si dating Presidente Ferdinand Marcos din ang naunang nag-utos na bigyan ng tax exemption ang AFPCES nang sa gayon ay masigurong mura ang mga commodities na ibinebenta dito.
Sa kasalukuyan ay merong 33 na mga outlets ng AFPCES sa buong kapuluan at ito ay matatagpuan sa mga pangunahing military garrisons kagaya ng Army Infantry Divisions at sa mga Unified Commands.
Sa hirap ng buhay ngayon at sa mataas na presyo ng bilihin, malaki ang ginhawa na dulot ng AFPCES para sa aming mga sundalo at sa aming pamilya.
Simula nang ako ay madestino sa Camp Aguinaldo, naging paborito ko ang mag-grocery sa tindahan na ito dahil nabibili ko rin naman halos lahat ng mga bagay na natatagpuan sa malalaking grocery stores kagaya ng SM at Robinsons.
Tara, ipakita ko sa inyo ang loob ng aming commissary.
Nasa aking likuran ang entrance papunta mismo sa mga display ng iba't-ibang commodities sa loob ng AFPCES.
Mahilig ka sa combat shooting? Dito mo rin makikita ang outlet ng ARMSCOR. Me bonus pang bentang mga gadgets.
Kita mo yan? Halos lahat ng uri ng sabon ay andito. Di ba't malayong mas mura dito? Bagay to sa mga boss na mahilig 'manabon'.
Gusto mo ng ganda ng hair ni misis? Ayaw mo syang sabihan ng 'mahangin ba sa labas'? Pili ka lang ng mga secret concoctions na andito.
Sinandomeng? Dinorado? Malayong mas magaan sa bulsa ang paborito mong brown rice.
Ayaw mo na magka-osteoporosis sa sobrang mase-mase at kabubuhat ng relief goods? Dito mo bilhin ang sandamukal na gatas!
Meron ding maliit na gulayan at karnehan dito. Mas marami nga lang ang choices sa malalaking grocery stores kaysa dito. Mga pasaway, wag kayong maghanap ng karne ng usa, karnero, buwaya at kalabaw dito. Talagang wala yon!
Pati ang hilig ng mga tomador at 'social drinkers' ay andito rin. Bili ka lang at uminom kung hindi duty. Pssst. Wag kang maoy ha!
Gusto mo palang magpadala ng condiments sa mga tropa natin sa West Philippine Sea? Ayan ang mga hinahanap nila tuwing resupply. Pati mga 'never heard' na brand meron dyan.
Uy, pati ang paborito ng mga Rangers ay andito rin! Di papayag ang mga Musang na walang ganyan sa resupply nila!
Kung type mo imported items, meron din! Don't worry, di mo kailangang maging 'spokening dollars' para makabili nyan. Mga Tagalog at Ilonggo yong nagbabantay. Baw, linti gid. Di halata ang tono.
Ayan oh, sa brand pa lang alam mo na ano ang ibig sabihin!
Ay sya, andine rin ang dati kong binibili para sa medical kit ng aking tropa sa frontlines. Asan yong Whisper?
Yung pambalot ng mga hand-held radios at GPS, don sa drug store mo bilhin uy! Alam mo ba ano yon?
Trivia:
Dito sa Pinas, ang unang nagpauso ng commisary system ay ang mga Katipunero na pinamunuan ni General Emilio Aguinaldo. Si Major General Isidoro Torres ang kauna-unahang Army Commissary General na itinalaga noong December 7, 1898. Ang tawag sa commissary nila noong panahon na iyon ay ang Comisario de Guerra.
Maganda at nakatutuwa ang pagkakalahad ninyo at paglalarawan sa commissary.
ReplyDeleteSayang di ko pinasok ang commissary nung napunta ako sa headquarters ng isang infantry division. Sana nakita ko na dati pa kung gaano kamura ang bilihin dun. Titingin lang naman hehe.
Totoo pala na gumagamit kayo nung sanitary pads..May nagkwento before na yung isang brand ng sanitary pad ay originally ginawa para sa pag-ampat ng dugo sa mga nasusugatang sundalo. Ok, verified(!).
Salamat! ^^
thank you sir for promoting our commissary..sana maraming makabasa nitong blog nyo para maisipan din nilang mamili sa afpces.
ReplyDeleteSaan banda ito sir? Hehehe ang ganda ng Commissary na yan a? Hehehe sa Camp Aguinaldo, Villamor Airbase at NFEM (Davao City) lang ang napuntahan ko eh.
ReplyDeletethank you sir,kaso minsan sobrang haba ng pila :)
ReplyDeleteSir pwd ba ang reservist id sa commisary
ReplyDeletepwede po ba mamili sa commissary ang PNP dependents using afpslai ID?
ReplyDeletehi pde ba credit card and debit card sa payment dito? thanks
ReplyDeletemay tinda pa po bang mga motorsiklo sa AFPCES at saan pong outlet mayron? thanks
ReplyDeleteJust curious lang po. Can other nationalities shop po? Like Afees. Pwede po ba mag shop ibang country soldiers or their dependents as long as they have a legit ID card under Military status agreement. Is it exclusive, only for Filipino soldiers and their dependents? TIA po 😊
ReplyDeleteJust curious lang po. Pwede po ba mag shop other nationalities like US soldiers? Kz po sa AFEES pwede ibang nationalities as long as they have a military ID card or Dependent ID card. Is it only exclusive for Filipino soldiers and their Dependents? TIA 😊
ReplyDelete