Sa mga panahong ako ay namumundok pa, ang lagi naming foresight pagkababa sa kabihasnan ay ang makatikim ng masasarap na pagkain at sa iba naman ay makalagok ng alak. Ang mga ito ang kasama sa nakagawiang hanapin ng mga sundalo tuwing mabigyan ng pagkataon na magpahinga galing sa stressful environment ng battlefield. Kuha ang larawan sa Mt Sinumaan sa Patikul, Sulu noong taong 2000. (10SRC Photo)
Sa aming mga sundalo, napaka-normal na ang pag-inom ng alak. Kung hindi ka umiinom, aba, kakaiba ka! Isa ako sa kakaibang hindi mahilig uminom. Bakeeet?
Ewan nga ba, hindi ko talaga love ang uminom kagaya ng aking tatay at mga kapatid na kay galing sa inuman. Buti na lang walang maoy sa kanila, or else, talagang kamuhian ko ang paglalasing na yan.
Actually, tumikim-tikim naman ako ng kung anu-anong nakakalasing na inumin simula noong high-school. Natikman ko ang lasa ng iba't-ibang inumin ng aking mga ka-barangay kagaya ng 'kuter', bahalina, lambanog, Datu, San Mig, Sioktong at marami pang iba.
Di ko alam bakit nasasarapan silang mga tomador sa mga iyon eh di ko talaga type ang lasa. Oops, baka naman akalain nyo gusto ko lang ng mamahaling alak? Natikman ko rin ang mga kagaya ng Chivas Regal, Black Label at iba't-ibang champagne pero walastik talaga Tsong. Dehins type. Grrr. Excuse me!
Through the years sa aking serbisyo militar, dumarami ang mga dahilan kung bakit ayaw kong malasing kagaya ng mga sumusunod:
- Pangit na nga ang lasa, babayaran mo pa! Then, pag nalasing ka, sasakit ang ulo mo kinabukasan. In short, nagbayad ka para sumakit ang ulo mo! Is that fair?
- Marami akong nakikitang tila ay 'sinasaniban' ng demonyo kapag nalasing. Sila yong tipong di makabasag ng pinggan kapag normal ang kaisipan ngunit nagiging balasubas, lumalabas ang 'sakit ng aso' at nanghihipo ng babae, maiingay, nananakit at palaaway kung nalalasing. May kilala akong opisyal eh naging macho dancer ang peg nang masipa ni Red Horse! Kakahiya ano?
- Andyan din yong tipong umiihi sa pantalon, sinusukahan ang sariling mukha at dinuduraan pati ang boss nila, at yong tipong natutulog katabi ng mga aso sa tabi-tabi. Yuck noh?
- Of course, wag nating kalimutan yong maoy na nangangambisyong maging Sylvester Stallone kapag lasing. Ito yong tipong nagkakasa-kasa at nagpapaputok ng baril para ipakita na sya ang pinakamatapang na Rambo ng bayan. Sa mga kilala kong ganyang ugali, sila din yong mga 'talawan' at 'tagerger' sa tunay na bakbakan. Pag-chur lang jud mo!
Drinking alcohol: Advantages and disadvantages
Bakit nga ba mahilig o nakahiligan ng maraming sundalo ang uminom ng alak? Read on.
Tila ay tradisyon na rin sa pagiging sundalo ang umiinom lalo na sa mga okasyon kagaya ng birthday, anniversary celebration, graduation, promotion at reception. Actually, di nauubusan ng rason ang mga sundalo para mag-inom.
Ang pag-allow sa mga sundalo para mag-inom ay syang pinakamadaling pagpapa-high morale sa kanila lalo na kung galing sila sa mahabang panahon na nasa combat operations.
Kapag bigyan sila ng pagkakataong magkasayahan, malilimutan nila ang mga problema at ang lungkot ng buhay na malayo sa pamilya. Nakakatuwa rin na makasalamuha sila na hindi na nahihiyang makipagbolahan sa iyo na kanilang lider dahil namula-mula na ang pisngi na epekto ng Tanduay. Then, dumadami rin ang aspiring Michael Jackson o Frank Sinatra sa mga tropa kapag nakainom na sila.
Halos lahat ng sundalong Pinoy, kapag nakakainom, ay lumalabas ang hidden talents sa pagkanta. Ang iba ay talagang dapat itago na lang ang talent ngunit mas marami ang tunay na may karapatang makilalang Talentadong Sundalong Pinoy. (10SRC Photo)
Ganon pa man, dapat maingat ang mga unit leaders sa aspetong ito. In the end, silang mga Commanders ang mananagot kapag may masamang nangyayari dahil sa paglalasing ng ibang tropa.
Ang problema kasi sa inuman ay kung hindi ma-control ng mabuti ang pag-iinom. Meron kasing mga tao na nilalagay sa ulo ang espiritu ng alak instead na gawin itong palaman sa tyan.
So, instead na pa-high morale ang ibinibigay, sakit sa ulo pa ang abutin mo kung magka-kaso ka pa dahil sa kahindik-hindik na pangyayaring dulot ng paglalasing. In short, minsan ay mas marami ang maidudulot nitong kasamaan kay sa kabutihan.
Halimbawa, ang pamamaril ng isang lasenggerong sundalo sa Mindoro noong taong 2000 ang dahilan kung bakit na-pull out ang Army doon at nag-pyesta naman sa tuwa ang mga bandidong NPA na naglipana dahil sa nabakanteng mga lugar.
Ganon kabilis burahin ng isang abusadong sundalo ang puhunang pawis, sakripisyo at dugo ng mas nakararaming mga matinong sundalo. It only takes a violent incident involving a drunk soldier, everything goes down the drain.

Kapag nasa kagubatan kami, laging foresight ng aking mga tauhan ang muling pagbaba sa kabihasnan at makatikim na naman ng paborito nilang alak. Hinahayaan ko silang uminom kung sila ay hindi kasama sa next combat patrols at kapag ang pag-iinom ay naaayon sa aming Company Policy. (10SRC photo)
Kapag nakaka-score kami ng firearms recovery, karaniwan na sa aking makarinig ng lambing na gusto ng aking mga sundalong uminom kapag kami ay mabigyan ng pahinga sa combat operations. (10SRC Photo)
Knowing your men
Isa sa nakikita kong positibong dulot ng pagsama sa mga inuman ng tropa ay ang pagkilala sa iyong mga tauhan.
Sa pormal kasing mga okasyon na kung saan ay iniintindi ng mga sundalo ang mga military protocols at military discipline, hindi mo basta-basta maungkat ang kanilang tunay na pag-uugali lalo na kung pormal lagi ang usapan.
Samantala, kung mapalagok mo ng ilang baso ng alak ang tropa ay lalabas na ang katago-tago nilang talents, kagawian o pag-uugali.
Nariyan yong malalakas pala mag-bangka sa kwentuhan. Ang iba ay graduate pala ng AIM (Ayaw Ibaba ang Mike). May iba rin na tila pamumulutan lang ang inaatupag.
Bihira akong makakakita ng tropa na silent type pa rin malasing man ito o hindi. Karamihan ay parang torong nakawala sa hawla. Merong nagiging instant singer at ang iba ay mas gustuhing maging emcee. Ang walang ma-contribute ay nagiging back-up dancer na lang sa mga aspiring Elvis Presley!
Minsan, ang gusto ko kapag naka-shot ang tropa ay naging open sila na magsabi ng mga hinaing at mga personal na problema. May nangungumpisal na problemado sa love life at ako ay tila naging Kuya Eddie. Ang iba ay ginagawa akong referee sa pang-aaway ng nag-aalburotong misis. Meron ding iba na naghihinanakit sa kasamahan o kaya naman ay nahihirapan sa pagdadala ng ibang kasamahan nila.
Ang pinakagusto ko sa lahat ay yong tipong lumalabas ang mga magagandang ideya paano mapaganda ang aming yunit. Sila yong may itinatagong mga brilliant ideas ngunit hindi makapag-express kapag hindi painitin ang pisngi.
Company policies
Ayaw ko mang uminom, nakikita ko ang kahalagahan na sumama sa mga tropang umiinom dahil sa mga nabanggit kong kadahilanan. Alam nilang hindi ako umiinom at pinagbibigyan ko lang sila para sila ay makasalamuha. Syempre, pinagbibigyan ko silang lumagok ng isa o dalawang shot na syang nagpapahilo sa akin ng konti lang naman.
Pinag-usapan namin ano ang nararapat na policies sa pag-iinom para maiwasan ang mga problema na lagi-laging nangyayari.
Let me share some parts of the policies sa pag-iinom (drinking alcohol) na tinutupad namin sa 10th Scout Ranger Company noong aking pamumuno:
1. Bawal uminom kapag duty at lalo na kung kasama sa alerted troops para sa impending combat mission. Isang malaking taboo ito para sa amin.
2. Kung iinom, dapat may valid reason. Birthday mo ba? Minsan, pati birthday ni Misis at graduation day ni bunso ay ginagawang rason. Pinagbibigyan ko naman basta hindi ma-violate ang rule number 1.
3. Merong designated NCO na syang lider sa inuman. Bawal yong secret tagayan sa kung saan-saan. Ang "Inuman NCO" ang syang mag-supervise na matiwasay ang lasingan ng grupo nya. Sya unang mananagot kapag magkakagulo. In short, si Sarge ang pinakahuling malasing.
4. Bawal humawak ng baril sa inuman. Naka-turn in dapat sa supply ang baril kapag mag-iinom. Mananagot ang NCO at yong tigas-ulo na nagsusukbit o nagdadala ng baril sa inuman.
5. Bawal iwanan ang mga kalat sa inuman. Ayusin ang mga kagamitan kagaya ng videoke at mga plato at kutsara na ginamit sa pamumulutan. Pick up your kalat at sinupin ang gamit pagkatapos mag-enjoy. Alangan naman iba pa ang ipaglinis sa pagkakalat ng mga tomador.
O-ha, simple lang ang aming unit policies. In my 2 years as a Commander, wala ni isang insidente ng pagpapasaway at nahuling sumuway dito.
Proud ako na very responsible ang aking mga NCOs at sila ay nirerespeto (at kinatatakutan) ng kanilang mga direct subordinates.
Alam nilang ma-discharge o ma-demote sila kapag sila ay pasaway sa inuman lalo na yong magpapaputok (regardless kung ipinutok sa tao o sa ere).
In the end, pwedeng i-enjoy ang inuman lalo na sa mga sundalo sa frontlines. Ilagay lamang ito sa tamang lugar.

Sa aming rotation na magpahinga ng 3 days sa Camp Bautista sa Jolo noong taong 2000, pinagbibigyan kong uminom ang aking tropa, at kalimitan ay binibigyan namin ng magandang handa ang mga birthday celebrators sa buwan na iyon, ayon sa aming Company Policy. Kasama ako at ang aking Ex-O na si Lt Toto Jomalesa sa okasyon na ito at nakikisawsaw sa videoke challenge. Kasama ang mga 'Inuman NCOs', tinatawanan namin ang mga knocked-out sa larangan ng lasingan. Mas mabuti ang ganoon na sitwasyon kaysa sila ay mag-sisigawan at magbarilan. (10SRC photo)
Pareho pala tayo, Sir. I sometimes take a maximum of two shots pag higher-up ang nag-offer. Pero no-no na ang lampas na doon. Ang alibi ko, "madaling malasing ang mga pastor." Hehe! Pero,kung mukang di naman mao-offend ang officer na nag-ooffer, di talaga ako umiinom. Isa pa, Sir, nga-da-drive ako from meetings and get-together, kaya madalas akong umiwas sa "drunk-driving"
ReplyDeleteTama yon. Kahit saan armed forces na aking nakasalamuha ay may inuman session except sa Muslim countries. :-)
DeleteMABUHAY AFP!
ReplyDeleteSir Harold, napansin kong merong American Flag ang Woodland BDU mo. Ganyan bah pag naka undergo ng training sa US Rangers? Kasi may nakita rin akong mga military personnel dito sa amin na may US flag ang BDU nila.
ReplyDeleteSalamat.
Nope, that is a Malaysian flag. Bigay yan ng friend ko na nakipagpalitan ng uniporme sa isang training activity. :-)
DeleteParang ikaw ata yung AIM(ayaw ibaba ang mic) sir?
ReplyDeleteI like your style of leadership,reminds me of my active service fellowship with subordinates off and on
ReplyDeleteduty. Mabuhay ka!
Supt Robert Santos PNP [Ret]
PC AFP 1986 - PNP 2008
That is how we are supposed to deal with our subordinates in the field sir! :-)
DeleteRequired bang uminom ka Ng alak kahit di ka Naman talaga umiinom ?
ReplyDelete