Iilang oras, pagkatapos ng harrassment na ginawa ng MILF sa Tuayan detachment na aking tinitirhan, dahan-dahang nagsipagdatingan ang mga reinforcements mula sa 61st IB headquarters.
Dalawang Simba armored vehicles ng Light Armored Brigade ang kasama sa dumating upang kami ay kampihan. Ang isa dito ay may tatak na Simunul at di ko ito makakalimutan dahil nagkandawindang ang pag-pronounce namin ng call sign nito sa gitna ng bakbakan na kung saan ay nababansagan itong "Sinupul".
Di kami nakatulog sa buong magdamag. Abala kami ni Lt Ampong sa pag-reposition ng aming mga tao at pati 'cross loading' ng ammunitions. Syempre, yong mga ratratero, halos wala nang natirang bala. Kailangan namin silang bigyan ng rasyon ng bala. Para sa amin sa Rangers, nakakahiya na maubusan ng bala kasi ang rule sa firefight ay bawal mag-automatic fire. Puputok lang kami kung nakikita ang kalaban.
Kapag gabi ang firefight, sinusundan lang dapat namin ang key leaders at ang Gunners sa pamamagitan ng pagtingin sa direction ng kanilang tracer bullets. Dahil hindi uso ang tracer bullets para sa M16 Rifle, ang karaniwang dini-direct ng Patrol Leader ay ang gunner dahil may tracer rounds ang M59 linked ammo ng 7.62mm M60 E3 LMG na naka-issue sa amin.
Napansin ko sa labas ng aming kubo ay abala ang 60mm Mortar gunner ni Lt Ampong na nangangapa sa lupa. Inusisa ko kung ano ang pinagkakaabalahan nya.
"Sir, ingat sa paglalakad at may limang dud ammo na itinabi ko rito kanina. Ipunin ko ito at ibaon ko sa lupa bukas nang hindi makakadisgrasya," paliwanag nya sa akin.
Problema nga naman iyon. May pagkukulang sila sa storage procedures ng bala. Kung kailan nasa gitna kami ng pitpitan, palpak na ang mga ito.
Kumusta si Kennedy?
Nang nakausap ko na ang lahat kong mga tauhan, napag-alaman ko na okay naman ang lahat ng kanilang kalagayan. Tanging si Cpl Gaboy lang ang may problema. Palaging "ha?" ang sagot kapag nakakausap. Paano, napasarap sa pagpapaputok ng Barrett at umi-extra pa sa M1919 Browning Machinegun ng 61st IB!
Iisa na lang ang hindi ko mapagtanto kung kumusta nya. Ayaw nyang magsalita sa kinalagyan nya. Nanahimik lang sya pagkatapos ng natikmang gyera. Sino sya? Eh di si Kennedy! Yes, si Kennedy Jeep. Partly, nasa open terrain sya nang nagsimula ang firefight. Dahil naka-'light discipline' kami buong magdamag, kailangan kong antayin ang sikat ng araw para mapag-alaman ko ang kundisyon nya. Nagaya rin kaya sya sa kapangalan nyang si John Fitzgerald Kennedy na na-snipe sa Dallas, Texas?
Nang lumiwanag na bandang 6:00am, ipinag-uutos namin ang pag-search sa enemy positions para matukoy kung me tinamaan sa kanila.
Sumama ako para makita ko mismo ang encounter site. More or less 50 na kalaban ang nakadikit sa aming kampo. Maraming naiwan na mga empty shells sa kanilang mga posisyon.
Mga tuso din talaga sila kasi lalo silang dumikit sa perimeter fence nang pinabomba namin sila ng artillery. Alam nila na ino-observe namin ang 'danger close'. Actually, hindi pwedeng pabagsakin ang 105mm high explosive rounds na kasing dikit ng 81mm HE, otherwise ay maghihilamos rin kami ng naglalakihang shrapnel.
Merong maraming patak ng dugo ang aming nakita sa kanilang withdrawal route. Nagkagulo ang kanilang pag-atras. Ikaw ba naman ang paulanan ng bala at yanigin ng kanyon?
Then, inusisa ko ang ipinang-tira sa aking pwesto. Nagtaka ako bakit tumagos sa barricade at cover na nakapaligid sa kubo na aking pwesto.
"Sir, ito ang nagligtas sa iyo," sabi ni Msg Cantil. Itinuturo nya ang sanga ng bayabas na kung saan ay sumabit na fin ng RPG round na itinira sa aking pwesto.
Larawan ng B40 Rocket Launcher at ang Rocket Propelled Grenade na karaniwang ginagamit ng tropa ng MILF sCentral Mindanao. (Photo is obtained by the author from the internet)

"Thank you bayabas!"
Hinimas-himas ko ang kasing-laki sa aking braso na sanga na tila ay letter Y. Doon sumabit ang fin na syang nagpapatuwid sa lipad ng RPG. Dahil kay Haring Bayabas, kapiranggot na mga shrapnel ang tumagos at umabot sa aking pwesto na aking ikinasugat.
Naniniwala talaga ako na kung di mo panahong mamatay, hindi ka mamamatay kahit inulan ka pa ng bala. Kung gusto na ni God, malamang, kahit nasa kutson ka pang higaan, matigok na na lang sa bangungot o heart attack!
So, isa na lang ang natira na dapat kong mausisa: Si Kennedy!
"Sir, nadaplisan si Kennedy," kamot sa ulo ang aking astig na driver na si Sgt Nelmida.
Nakita ko, nasa bandang bubong ang tama, sa gilid ng frame nito.
"Tamang aktor si Kennedy!"
Natuwa ako at hindi natamaan sa vital parts si Kennedy, na ikakaparalisa nito. Mahal pa naman magpaayos ng sasakyan sa Central Mindanao. Hindi ganon kadali ang magpa-release ng pondo. Kung masira si Kennedy, sigurado na mag-Cadillac ako. Wow, hanep no? Hoy, ka-dilakad at hindi yong astig na brand ng sasakyan!
Dahil ayos si Kennedy, napagsilbihan pa nya ako nang ako at si Cpl Gaboy ay nagpagamot sa isang ospital sa Tacurong, Sultan Kudarat.

(Ipagpatuloy)
hehe! nice story sir..
ReplyDeletedati ito lang lagi nakatatak sa isip ko..
SANAMAGAN
ngayon meron uli bago..
CADILLAC na marami dito sa dubai.. lol
KADILAKAD
Sir Cabunzki, ANG LUPIT NG BERTUD MO. napatigil ang RPG.
ReplyDelete