Tuesday, March 18, 2014

How to join the Philippine Army: Common Questions and Answers





Sa totoo lang, sa hirap ng buhay ngayon, dumadami ang nakapag-isip na manilbihan na lang sa Armed Forces of the Philippines. 

Tumataas na rin ang sweldo ng mga sundalo at ang isang Private ay nakakatanggap pa ng mas mataas na take-home pay kaysa ibang naka-kurbata at amoy perfume na civilian employees sa Makati Business District.

Pero mga hijo at mga hija na gustong pumasok sa serbisyo, isipin nyo rin na hindi employment agency ang ating Sandatahang Lakas!

Ang sa akin lang naman, wag naman kayo tipong attitude na pang-bigas lang hanap nyo sa serbisyo. Take note ha, 'serbisyo' ito at hindi ordinaryong 'trabaho'. Magkaiba yon!

Mga katanungan

Nang nauso ang social media, naglilipana rin ang mga kabataang naghahanap ng mapagtanungan kung paano pumasok sa serbisyo kagaya sa Philippine Army. 

Nagsawa na ako sa kaka-advice na pasukin ang website ng Army Recruitment at maging ang sarili kong article tungkol sa usaping ito.

Anyway, pagbigyan ko kayo sa inyong kahilingan sa pamamagitan ng pagsulat ng Q&A paano pumasok sa Army bilang enlisted personnel o kaya sa officer corps. Hango ito sa mismong publication ng Army Recruitment website. 

1. Sino ang qualified na pumasok sa Philippine Army?
   
  a. Para sa Enlisted Personnel:


  • Must have earned 72 units in college for both male and female. Magpakita ng Transcript of Records bilang patunay na ikaw ay nakatungtong sa kolehiyo. Hoy, mga pasaway, marami nang nahuli na kunwari nag-college. May paraan para mahuli ang mga pekeng dokumento. Baka sa kangkungan kayo pupulutin.
  • High school graduates should possess technical skill highly desirable for acceptance in the military service. Ang halimbawa dito ay kung ikaw ay marunong sa carpentry, pag-aayos ng sasakyan, isang driver (ng 4 wheeled vehicle at hindi ng motorcycle),  bilang auto mechanic at lalo na kung mekaniko ka ng eroplano! 
  • Must pass the Philippine Army Aptitude Test Battery (PAATB) with a minimum score of 80
  • At least 18 but not more than 26 years of age at the time of appointment. Pasaway, wag ka nang magluluhod para humingi ng age waiver o kaya mandaya sa pamamagitan ng pagpagawa ng birth certificate sa Recto! Bulok na yan!
  • 5' for both male and female. Take note sa mga pasaway, Male or Female lang!
  • Physically and Mentally fit. Di pwede yong walang ngipin, may kapansanan at lalo na yong wala sa katinuan ang pag-iisip! 
  • Single and has no child
  • No pending case in any court



b. Para naman sa mga pumasok sa pagiging Officers, basahin ang nakasulat sa tarpaulin. Ayos?





***Kung sa palagay mo, okay ka sa lahat ng requirements, pumunta ka sa examination center kagaya sa Army Recruitment Center sa Fort Bonifacio para sa pre-screening ng mga aplikante. Kung pasado ka sa pre-screening, papayagan kang mag-exam sa PAATB. Kapag pasado ka sa PAATB, maghanda ka para sa gagawing  Physical Fitness Test. Kapag pasado uli, maghanda sa gagawing interviews at dalhin ang mga kaukulang dokumento na nakalagay sa sampung folders. 


2. Ano yong PAATB at ano ang requirements nito? Ang PAATB ay acronym ng Philippine Army Aptitude Test Battery. Sa mga pilosopo, hindi yan Eveready battery kundi isang entrance exams. Kayang-kaya ng mga high-school 'graduation' ang exam na iyan. By the way, ito ang larawan na nagpapakita sa mga requirements. Kopyahin nyo na lang. 




3. Saan ang mga testing centers ng PAATB? Tatlo ang Army Recruitment Centers sa Pilipinas at ito ay ang sumusunod:

      a.  Army Recruitment Center (Main Office)
            Fort Andres Bonifacio, Taguig City
            Landline: (02) 845-9555 local 6843
            Cell phone: 0921-9785548

      b.  Army Recruitment Center for Visayas

            Camp Lapu-lapu, Lahug, Cebu City
            Landline: (032) 231-5157

       c.  Army Recruitment Center for Mindanao

             Camp Evangelista, Cagayan de Oro City
             Landline: (088) 350-2088


Note: Merong pagkakataon na nagpapadala ang Philippine Army ng Mobile Team para magpapa-exam sa iba't-ibang probinsya na may kampo ng Army Infantry Division. Isang halimbawa nito ay sa Pili, Camarines Sur at sa Legaspi City. Mas maiging i-monitor ito sa OG1 ng Division o kaya abangan sa kanilang mga advisories sa FB account ng unit o kaya sa mga programa sa radyo.

4. Ano ang schedule ng Exams? Ano ang initial requirements? Depende yan sa Army Recruitment Center. Mas maiging kontakin ang mga opisinang ito at ipagtanong ang pinaka-schedule nila ng exams. 




Sa exam center, sumunod ka sa pila at wag makipag-unahan at baka ma-churvah kaagad kayo ni Sarge. Mag-antay lang at wag mag-iingay sa kaka-chikka sa mga kasama. Take note sa suot ng mga aplikante ha. Kapag aplikante ay dapat nakasuot ng pantalon, sapatos at nakaputing t-shirt. Kung mukha kang bandido o taong grasa, baka pauwiin ka ni Sarge!


Dapat kumpleto ang initial requirements bago magpa-register sa exams. Bibigyan ka ni Sarge ng schedule ng exam. Wag kang pawala-wala sa nakatakdang araw ng exam. 



5.  Saan i-post ang results ng mga pasado sa exams? Depende ito sa kung saan ka nag-exam. Halimbawa, kung sa Fort Bonifacio, maaring sa ARC na mismo. Kung sa mga field units, maaari itong i-publish sa Infantry Divisions. Kalimitan ay nilalagay din ito sa FB at maging sa bulletin board ng kampo.



6.  Saan at iilan ang quota sa 2014? Ito ang listahan ng quota para sa taong 2014 na kinuhanan ko ng picture. Kita mo, aabot sa 2,700 ang mapalad na mapahanay sa Army sa taong ito. Tingnan mo ang convening date at kung ilan ang quota at saan gaganapin ang training. Ang ibig sabihin ng DTS ay Division Training School. Kung saan ka malapit, doon ka pumunta. Syempre, kung pasado ka lang sa PAATB, saka ka pwedeng sumalang dito!



7.  Paano maghanda para sa Candidate Soldier Course? Kung pasado ka na sa lahat ng requirements kagaya ng mga dokumento, mas magandang mag-praktis ka rin kapag may time. Mag-jogging ng minimum 5 kilometro, magpalakas ng upper body at abdomen para maipasa ang Physical Fitness Test. Kung malakas ka, mas lamang ka doon sa ibang aplikante. 

8.  Ano ang pwedeng skills na pwedeng magbigay sayo ng lamang sa ibang aplikante? Kung ikaw ay may kakaiba at kapaki-pakinabang na skills, maaari kang makalamang sa iyong mga kasamahan. Syempre, naghahanap din kami ng skilled na mason, karpintero, electrician, computer operator, driver, mekaniko at iba pa. Hoy Boloy, hindi competitive edge ang pagiging driver ng motor! Ito pa, kung ikaw ay radio broadcaster, writer at tipong marunong ng web design at paggawa ng mga powerpoint presentations, malamang i-priority ka. 


Sa Army, pwede kang maging mandirigma at tagapagtanggol ng mamamayan. 

Pwede ka ring maging tanyag na atleta kagaya ng mga kampeong miyembro ng Philippine Army Dragon Boat Team at ng Pinoy Dragon Warriors. 

Pwede ka ring 'traffic attendant' ng mga helicopter at eroplano! Astig no?

Pwede ka ring maging peacekeeper sa United Nations sa magugulong lugar sa Africa! (Photo below is obtained by the author from AFP files)

Kung sa palagay mo ay type mo ang maging sundalo, subukan mo!   



190 comments:

  1. Galing ng pagkaka-explain sir, parang kausap lng.
    I do have Questions:
    The one that i took in PAF the first one is it the same as the PAATB?
    Do you have another picture of the quota this 2014, it is not clear enough.
    Thank YOU!
    My email: nathalienicolemaranga@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. SIR WAG NIO PO BURAHIN TO MALAKING TULONG PO ITO SAKIN
    KILALA NIO PO BA AKO AKO TO SI ALDEN LUNA YUNG NASA
    FACEBOOK MO

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr Encarnacion?

      Delete
    2. sir ask q lng po dti napo aqng nkpg trainining21 Plqng aq nun piru dko ntapos ang training naimoral ako ndesgrasia tatay q gusto q sana i continue pydi paba 31 na aq ngaun.

      Delete
  3. Sir share about your insights about joining the Philippine Military Academy. Baka may mashare ka na wala sa website nila.

    ReplyDelete
  4. Sir, may mga posisyon po ba sa Philippine Army bilang officer para sa mga lawyers at doctors na gustong pumasok sa serbisyo kahit na ang edad ay 31 above? Yung parang lateral entry kagaya ng sa PNP..

    ReplyDelete
    Replies
    1. lawyer, doctor, dentist they entitled a rank of captain

      Delete
    2. Ranger C., how about for licensed engineers with 5 years work experience

      - 82 brat

      Delete
    3. sir. matanong kulang sir pwede po bang pumasok kahit may anak na peru di pa kasal.... 22 years old napo ako ngayun may paraan pa po ba na makapasok?"

      Delete
    4. SIR NAKA PASA NA AKU SA AFPSAT EXAM SIR ANUH ANG KASUNOD NA GAGAWIN SIR?

      Delete
    5. Pwede bang pumasok sir kahit g12 lang ang natapos ?

      Delete
    6. /
      makamapag ranking ba kahit d nakapag tapos nang college

      Delete
  5. sayang 30 na ako next year.. gusto ko pa naman sana pumasok.. magaling ako sa computer at kung ano anong churva sir.. lels XD

    ReplyDelete
  6. sayang sir ngsundalo na sana ako compsci graduate ako nag uniting p sa educ teacher by profession taz naging legal secretary din ako sayang tlga may future sna sa army hehe ngayon asaws nako ng army-zye.o..r.

    ReplyDelete
  7. sir kung PMA graduate po ba madaling makakapasok sa Scout Ranger
    ASAP

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir pwede pa po ba mag army khit 30 na ko na

      Delete
    2. Ser pwede poba mag army kahit grade 6 lang ang natapos ser 20 na po ako

      Delete
  8. sir, i am already 33 years old. dati gusto ko maging regular pero dahil may pamilya at magandang trabaho na ako kahit reserve force po ok sa akin. the reason po gusto ko mapasok sa reserve force ay para magkaroon ng kakayahan na maipagtanggol ang ating bayan kung sakaling matuloy ang paghari harian at expansionism ng higanteng pasaway na dragon ng Asya. pano po kaya magapply sa reserves. thanks.

    ReplyDelete
  9. nice info sir more power

    ReplyDelete
  10. sayang Im 29 ,pero gusto ko talagang mag serve sa army, kahit sa reserves , kahit for combat / basic infantry training lang , I'm a gun owner and by profession a web developer and VA, pero gusto ko talagang pumasok sa army in case a war will arise between communist bastards China,,kahit training lang and basic infantry maneuvers, I volunteer for deployment .kahit uuwi akong nasa kabaong at nakapantay ang paa pagkatapos nang giyera.

    ReplyDelete
  11. Sir ilan po ba ang DTS dito sa luzon at saan saan pong lugar? or san po ba may available pa n quota dito sa luzon para sa buwan ng Mayo o Hunyo 2014.

    ReplyDelete
  12. Sir kung pwede eh paki email naman sakin yung patungkol saking mga katanungan salamat. gerald.cabales@gmail.com

    ReplyDelete
  13. tnx sir for important info's pertaining to application in AFP, more power TEAM ARMY!!!!

    ReplyDelete
  14. Sir pwede po bang maging isang applicante sa philippine army kapag meron pong tattoo sa braso.mraming salamat po.Dun lng po kasi ako sir nagkakaproblema..maganda nmn po ang personal records ko,marami nko naging trabaho na maayos.pero po pagiging sundalo parin po tlga ang aking gustong maging propesyon....salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. buddy pwede naman yan ipa bura yang tattoo mo para maka apply ka..

      Delete
    2. Ako graduate n nung 1996 sa camp eldridge 6 months training sabi tatawagan nlng Kami pero walang ngyari..��

      Delete
    3. Sir wala bang pag asa maging army pag nasa 28 yrs old na

      Delete
  15. Patulong nga po, halimbawa'y kapag High School graduate lang po ba'y hindi pwede sumali sa Enlisted Personel?

    ReplyDelete
  16. Sir paano po ang process sa pagtake ng physical fitness? nakapasa po ako ng Phil Army Batery test pero wala nmn po sinabi samen ang nagbigay ng result kung paano at kailan ang pra sa physical fitness test. salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. buddy hanap ka ng mga quota sa mga units ng army na malapit sa inyo.mag register ka para mka procede ka sa PFT or physical fitness test.

      Delete
  17. sir im aircrafft mechanic kung skaling mag join ako san po ba ako ilalagay?

    ReplyDelete
  18. sir pwede puba akung mag exam kahit 20 years old palang ako atsaka po on the process na lahat ng requirments ko thank you po Colonel.

    ReplyDelete
  19. good day po ask ko lang po nakapasa na po ako ng paatb at nakuha ko na yung result ang tanung ko lang po mageexama pa po ba ako ng army qualyfying exam at special written examnination kung enlistment lang po yung inaaplayan ko po?thankyou po

    ReplyDelete
  20. tsaka ask korin po paanu po ba maging athlete ng philippine army po?nagka silver medal po ako sa wrestling po at may wrestling team po ba yung philippine army?thank you po ng marami

    ReplyDelete
  21. Sir, pwede po i-consider: High School Graduate (4th yr. pa lang ngayon) Marunong mag-maneho ng 4 wheeled vehicle, marunong mag Web Design, kaunting carpentry, average basketball and board games player, 15 years old, may pag-asa po bang makasali sa Army pag-ganito?

    ReplyDelete
  22. Sir hnde poh ba pwde ang postiso lng ung ngipin pag mag aaply sa army?
    salamat poh sa pagsagot
    Godbless :))
    Long Live Army

    ReplyDelete
  23. Sir gudpm. My xpiration po ba ung certificate ko' nkapasa po ako sa PAATB.. 2011 p po kc un.. o magreretake po ako ult? Tnx po..

    ReplyDelete
  24. sir tanong kulang po sana may bolok po kasi ang ngipin ko at di na po ito pwd ipapasta ano po ba dapt ko gawin ipapabunot ko ba ito bago ako mag punta sa processing o hintayin ko nlng ang sasabihin ng army doctor?? please reply sir at maraming salamat po

    ReplyDelete
  25. "Sure I am this day we are masters of our fate, that the task which has been set before us is not above our strength; that its pangs and toils are not beyond our endurance. As long as we have faith in our own cause and an unconquerable will to win, victory will not be denied us."

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir,kht hnd npo ba kumpleto ang ngipin pwede pa?

      Delete
  26. Goodevening sir....gostu ku ku pong pumasok sa army highskul graduate dn may tesda certificate kaso hinde ku nagamaet ang pagtesda ku sir hinde ako nagtrabaho kasi balak ku po pumasok sa amry eh tanung kuh sir pwede po ba yun??at marung dn ako magdrive ng 4wheeled car sir sapat na po ba yun na skill sir???wilder po ang kinuha ku sa tesda sir...please reply air....salamat po..

    ReplyDelete
  27. Sir gusto ko pong mapahanay sa Philippine army ...pwede po ba sir makasali kahit may postiso ....may alam po ako sa automotive'welding mai certificate po ako from Tesda ..pkireply nlang po sir thank you oseff ozadutrev ateleb o text nyo nlang sir 09773952281/09461425681

    ReplyDelete
  28. Sir pwede po ba mag tanung kung malabo po ba mata mo pwede parin po bang pumasok ty?

    ReplyDelete
  29. Sir ask lng po my tattoo po ako sa right side of chest makaka pasok parin ba ko sa pma salamat kung masasagot nyo

    ReplyDelete
  30. sir. hnd ko po nais kontrahin na panutunan niyo na bawal ang mga disable.pero sir. kapag gusto niya sumali sa army at gusto niyang maglingkod sa bansa nakagaya ng ma-ayos na tao pipigilan ninyo ba yon. kala ko ba pantay itong pagtingin sa mga maayos na tao sa mga hindi normal

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama gusyo ko din sana kaso di pala pede mga disable. ��

      Delete
  31. Sir. Interview nmn ngayong Wednesday! Thank you po sa Advise.

    ReplyDelete
  32. Sir. Interview nmn ngayong Wednesday! Thank you po sa Advise.

    ReplyDelete
  33. Sir. Interview nmn ngayong Wednesday! Thank you po sa Advise.

    ReplyDelete
  34. Sir pg 4'11 po ang height pde po b?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good evening. Please answer this question sir thank you

      Delete
  35. Sa Monday na ang exam ko, sana makapasa.

    ReplyDelete
  36. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  37. Sir kht po ba hnd na kumpleto ang ngipin,pwede pa po ba??
    Sana po masagot ito..
    Godbless po

    ReplyDelete
  38. Sir ask ko lang po. gusto ko po sana maging sundalo. graduate po ako ng 4yrs course, pero mag 29yr old na po ako this Sept 2016. wala na po ba talagang pag-asa?pangarap ko pong maging Scout Ranger tulad nyo. salamat po

    ReplyDelete
  39. Sir isa po akong security guard ngaun pero nag exam po aq ng PAATB kaso 79.36 lng po nakuha ko nong 2011...my isa n po akong anak pero hindi po kasal maaari pa po ba akong mag PAATB sa pangalawang pag kakataon at sumubok na matupad ang pangarap kong maging isang sundalo ng bayan?

    ReplyDelete
  40. Bata pa ako idolo kuna ang tito ko isa na syang sundalo at nadistino sa basilan nang mindanao grade 1 palang ako pangarap kuna maging isang sundalo...mula grade 1 hangang first year highschool sa mindanao ako nag aral..nasira lahat nang pangarap ko nung nasa maynila laspiñas na ako nag aral nang 2ndyear highschool...natapos ko nga ang 2ndyear highschool ko kaso pag tong tong kunang 3rdyear napahinto ako sa pag aaral dahil lang sa barkada..2012 nung huminto ako sa pag aaral, 2016 na nang namulat ako sa sakatotohanang kinain na ako nang sistema,push kunalang ulit sarili ko sa pag aaral maka graduet man lang nang grade 12, baka kung saka sakaling kaawaan ni lord maka pasok ako sa army..

    ReplyDelete
  41. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  42. SIR. tanong ko lng po high school grad. sa de la salle santiago zobel. at nag aral sa TESDA ng 6 months ng electrical installation maintinance. at pumasok ako ng contruction worker bilang MASON at KARPENTERO. kaso may tatoo sa tagiliran 2 inch. ang haba 1 inch ang lapad. name ko po ang nakalagay. pwede po makasali??

    ASAP

    PA MESSAGE SA FB; KERSEY_DELATORRE@YAHOO.COM

    ReplyDelete
  43. sir hawak ko magulang mu

    ReplyDelete
  44. bakit po hindi pwede ang may asawa nah?s kalaonan mag aasawa rin nmn ang mga sundalo.

    ReplyDelete
  45. Gustong gusto ko po mag sundalo sir kaso my anak na ko sir wala na po ba paraan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung dating ex ng asawa ko may anak sila and 28yrs old pero bakit nakapasok parin sa army pwd po ba kasuhan yun ?

      Delete
  46. Sir, wala po bang tawad sa height? Like im only 4"11 und gusto ko'ng sumali kahit enlisted Personnel lang. Last year, nung ROTC i went with my buddies sa Camp Lapu Lapu to take exam and I passed naman. Just was'nt able to train there nung summer kasi hindi pumayag ang papa ko. Ill be 18 this year and I guess thex'll let me decide for myself this time. More power!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir pano ko malaman n pasado aq sa exam noong june 17 2019

      Delete
  47. Good day Sir ask ko lang po required yung NSO marriage certificate of parents but my parents did not get married or was not married and they are not together. Am i still entitled to take the exam or go further. I wish to serve the country Sir with all my heart. Hoping for a quick reply Sir..Thank you and Godbless

    ReplyDelete
  48. Magandang Umaga po Sir, 26 na po aq at may interes pumasok at maglingkod sa army. huli na po ba ang lahat sa akin dahil sa edad ko ?

    ReplyDelete
  49. mag basa at punta nlang kayo sa camp

    ReplyDelete
  50. Sir, how about po ako, i had surgery on my left elbow nong 2008, and meron mahabang scar na naiwan dahil sa surgery, pwede pa po kaya ako magjoin? Degree holder po ako kaya gusto ko sanang mag exam. Need ko po talaga ng expert and honest advice. Salamat po!

    ReplyDelete
  51. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  52. ROCHIEZ SUMULOD5/31/2017 12:16:00 AM

    Sir?

    Pwede po ba maging sundalo ako dahil sa 2018 Graduate na ako ng K to 12
    .. Gusto ko po kasi yong sa private ka palang mag Start para mas maganda. Ano po ba mga dukumento para po maka apply ako sa AFP

    Please Pm me Sir sa Facebook Account.
    Rochiez_Sumulod01@Yahoo.com

    Thank u po

    Para po makapaghanda ako sa mga gagawin.

    ReplyDelete
  53. Mar-Are C. Puza
    Basak , Iba Lapu- Lapu City
    Contact number: 09123109898
    Email Address: atleast_what@yahoo.com

    OBJECTIVES:
    • I am looking for suitable job opportunity where I could serve and protect my country & practice my knowledge and develop my personality as a career person while utilizing my skills.
    • To bring out and harness the best of my potentials for the glory of God and for the benefit of my employer, the community and myself in reparations for the future advancement to the top management.
    PERSONAL INFORMATION:
    Nickname : Makie
    Gender : Male
    Age : 25
    Date of Birth : Sept. 12, 1991
    Place of Birth : Lapu - Lapu City
    Civil Status : Single
    Citizenship : Pilipino
    Height : 5.6
    Weight : 71
    Religion : Roman Catholic
    Dialects I can speak : English, Tagalog, Bisaya
    Mother’s Name : Arlene C. Puza
    Father’ Name : Marciano c. Puza


    QUALIFICATIONS:
    • Dedicated and hardworking individual
    • Exceptionally versatile and adaptability
    • With Pleasing personality.
    EDUCATIONAL BACKGROUND:
    • SECONDARY EDUCATION

    2007-2008 Marigondon Natl,High School
    • PRIMARY EDUCATION

    2003-2004 Basak Elemtary School
    EXPERIENCE:
    ● Medi Point Massages and Spa - Security Guard
    ● SPORTS ROYAL INC. - Production Worker * Mactan Cebu internation airport - ground handlers

    ReplyDelete
  54. Dear,Sir/Maam
    Sana ay,mapag Bigyan nyo po ako..Sa aking Application para maging isang Sundalo mag hihitay po ako sa inyo sagot sa aking telepono Salamat po....

    ReplyDelete
  55. wala n bang pag asa ang 30yrs old above pra pumasok s ranger sir?

    ReplyDelete
  56. sir/maam...how to join scout ranger,is there an age limit?god bless

    ReplyDelete
  57. pwede ba may tattoo pagmagaapply

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir pwedi poba pumasuk ng recervest kahit may tattoo pangarap kopo kasi talaga mag silbi sa bayan po kahit isang recervest po

      Delete
  58. Gusto ko pumasok kaso di ako sanay mag drive sayang kahit pag kakarpintero hindi rin :( must learn how to drive first highschool grad lang kasi KAINSPIRE KASI YUNG NAPANUOD KO SA HISTORY CHANNEL 6MONTHS OF TRAINING PLUS ACTUAL COMBAT FOR THE LAST TEST OF TRAINING SALUTE PO TALAGA I HOPE SANA MAKAPASOK AKO

    ReplyDelete
  59. Ako po mason carpenter pentor stillman
    Gosto ko sanang mag sundalo kaso under
    Grad pohh ako dati rin pohhh akong guard naka pag trining din poh akohhh..
    Sana poh pwd kahit under grad pohhhh

    ReplyDelete
  60. Ako po mason carpenter pentor stillman
    Gosto ko sanang mag sundalo kaso under
    Grad pohh ako dati rin pohhh akong guard naka pag trining din poh akohhh..
    Sana poh pwd kahit under grad pohhhh

    ReplyDelete
  61. hello po sir! naka apply na po ako tapos na ako mag exam .. pasado naman. physical test nalang nuero kulang ko. ang problima po kasi eh di ako marunong lumangoy.. tatangapin kaya ako sir?

    ReplyDelete
  62. Helo sir pwede po ba ako mg take ng opc exams on going palng yung gradution ko this october. I have all the requirements they need except my diploma in college sa october or november ko pa matangap. Then pwede po ba on the spot yung regestration sa exams? Bukas na kc yun ehh.

    ReplyDelete
  63. May requirements po ba maging army photographer and kung meron po ano po yun?

    ReplyDelete
  64. Sir, gumagamit po ba ang Philippines Army nang any mapping software for planning their target, just like this in youtube https://www.youtube.com/watch?v=LAMvJBhCALo and https://www.youtube.com/watch?v=Io5yfwPOlpM. I hope that they used just like that technoloy because I would like to apply my knowledge about my subject in GIS and I would learn that kind of technology to help our Army.

    ReplyDelete
  65. Good afternoon po..ask ko lang po kung paano po ggawin dun sa isang tao na nagmimilitary training..ang reason po ee d pa man sya nakakagraduate sa training ee matapang at mayabang na..paano nlng po kung Nakagraduate na xa at natalaga na

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  66. Pede po ba magsundalo kahit di kasal magulang. Wala kasi ako middle initial

    ReplyDelete
  67. Good day po gusto ko po pumasok sa army kaya lng po nasa lahi ko na ang pagiging payat hindi po sya proportion sa height ko. Kahit gaano kadami po kainin at inumin na vitamins no effect pa din.... May pag asa pa po kaya ako?.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay lang po yan as long as you're physically fit. Wala sa payat or taba ng katawan ang pagiging healthy. :)

      Delete
    2. May chance po ba na maging officer yung pumasok lang as OCS? Kasi 2 year course po kinuha ko (Aircraft Maintenance Technology)

      Delete
  68. Meron bang bumabagsak sa interview? at PFT??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron po. Pero yung PFT, unli-take po siya.

      Delete
  69. good day po.....pwde po ba akong makapag army kahit 3rdyear lang natapos mo....gusto ko po talaga mag sundalo ....salamat po sa sasagot.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, ilang taon ka na po? Pwede ka mag-apply sa candidate soldier.

      Delete
    2. Poyde lang ba nga 3rdyear lang po na tapos ko

      Delete
  70. Hello. May tattoo po ako sa back at malaki siya kaya malabong maipabura pero hindi naman siya visible kung nakadamit ako, so pwede po ba ako apply? At sa ngipin po 3 ang nabunot na pero puro likod. Hoping for your kind response. Thanks .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa medical pa naman yang case sa ngipin mo, so okay lang yan during the application. Usually, pinapasuot ng denture pero depende pa din sa dentist. Pero yung tattoo, not sure. Although di sya kita outside, need talaga sya ipabura.

      Delete
  71. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  72. Ano po yung vision requirements ng isang applicant regarding po sa CSC?? Required po ba na 20/20 at bawal po ang mga nearsighted?? Nearsighted po kase ako pero kapag nagsu-suot po ako ng salamin maayos na

    ReplyDelete
  73. good am po sir, gustong gusto ko po talagang makapag army kahit yung parents ko dipa ready sa ganian, kaso po sir graduate po ako ng 2 years course sa ACLC AMA, 25 yrs old. mgracesevilla@yahoo.com please update me sir kung pwede po khit 2 yrs grad po ng college, at saka po female po ako. slmat po ng madami sa info sir.

    ReplyDelete
  74. Pano naman po sa may kapansanan sa boses lang po? Pero hindi naman po bingot ..pero magara po mag salita ? My pag asa po ba yun o talaga pong hindi pwede sa military?

    ReplyDelete
  75. hello sir..i want to join for Philippines army i am 25 years old single no kids .howvto apply sir

    ReplyDelete
  76. sir all i want is to serve and to protect my country and it's people.. but i failed at the final interview by being totally honest. may pag asa pa po ba na maka pasok ako? tapos na po ako ng AFSAT, IQ, at NEURO.... pero sa Philippine Marine Corps po ako nag apply nuon.

    ReplyDelete
  77. sir i got a tattoo na maliit lang wala pang six inches sa may bandang taas ng dibdib wala po bang exemptions? thanks po

    ReplyDelete
  78. Sir paano magiging officer ang private? Kasi BS grad ako hinde ako nakapasa sa OC exam salamat

    ReplyDelete
  79. May time limit po ba yung push-up at sit-ups? Thank you po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sir ilan pobang pushups at situps yung pinapagawa nila ??

      Delete
  80. I passed Afpsat in PA. Gusto ko sana iregister sa Philippine army. May iba pa bang requirements to be passed maliban sa afpsat result?

    ReplyDelete
  81. sir pwede ba mg sundalo yung marpel yung ngipin ? interested po ako . highschool Graduate po .Then may TESDA graduate po . I'm 23 yrs old sir . Skill ko po electronic & Welding po . please send ur reply sir . Ronelmarzon04@gmail.com . thankyuo so much sir

    ReplyDelete
  82. Sir god morning Po pwdh Po ako mag Tanong highschool grad lang Po ako pwdh pa Po bha ako pumasok sa army

    ReplyDelete
  83. Hi sir pwede pa ba ako makapasok sa pagiging sundalo college grad. Po ako hrm. Nandto po ako ngayon sa riyadh saudi arabia gusto ko po kasing magsundalo kaya nag iipon napo ako . Salamat po sa sagot sir

    ReplyDelete
  84. Sir pwede po bang magjoin sa army ang mahina ang mata

    ReplyDelete
  85. Pinangarap kong maging sundalo at magsilbi sa bansa noong ako high school palang o kaya ay maging pulis.. Pero dahil sa height requirement na 5'2 for female hnd ako pumasa.. Dahil nasa 5 lang ang height ko.. Now nabasa ko na 5 ft. Lang ang requirement nila sana nagtuloy ako.. But anyways public servant padin naman ako ngayon.. Hnd nga lang sa ilalim ng sandatahang lakas but under the department of education..
    Happy to serve the country..

    ReplyDelete
  86. Sir? Good day! Ask ko lang po qualified ba yung senior high graduate tapos okey lang ba na wala ng tesda skill or meron parin dapat? Salamat sir

    ReplyDelete
  87. sir may paraan pa ba po para maging sundalo ang kasal na may anak at 30 anyos...intresado po talaga sir

    ReplyDelete
  88. good day po mam ask ko lang po kung kailan ung exam ngayon 2019

    ReplyDelete

  89. good day po mam ask ko lang po kung kailan ung exam ngayon 2019

    ReplyDelete
  90. Hi po gusto ko po mag sundalo. Kaso nsa 31 yrs old na po ako. Ask ko lng po qng pde pa po ba ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kennethcarlmelendez1110161/14/2019 10:34:00 PM

      Hi po,may tanung po lng ako?may anak napo ako ngunit hindi pa kasal pwdi pa po ba akong maging sundalo

      Delete
    2. Pwede ba ako mag sundalo kahit di ako graduate ng highschool?

      Delete
  91. Tanong ko lang po
    Pwede po bang ibalik ang citizen army training (CAT) sa Senior High School?

    ReplyDelete
  92. Tanong ko lang po. Pwede po ba grade 10 lang ang natapos ko. Since ELEMENTARY pa ako. Gusto ko mag sundalo. Gusto ko tumulong sa mga tao nangangailangan ng tulong. Pero parang hindi pwede. .

    ReplyDelete
  93. Sir!!! magtatanong Lang po ako pwide po bang maging sundalo Ang senior high graduate po??? lalake po ako Pero may naka pa buntis po ako Pero Hindi po kami kasal pwide pa po bang mag apply??? gustong gusto ko po katung maging sundalo gusto ko pong makapag lingo of sa batang... salamat po

    ReplyDelete
  94. Sir pwide po bang maging sundalo Ang may anak Pero Hindi po kasal??? Lalake po ako senior high school graduate...salamat po sir

    ReplyDelete
  95. pwede pa rin po ba ako maging sundalo kahit malabo na ang mata ko?

    ReplyDelete
  96. sir/ma'am pd puba mag sundalo criminolgy grad. po ako at board passer na.. piro may isang anak na ako.. piro single po ako.. reply pls.. tnx poh..

    ReplyDelete
  97. i am willing to serve in our country, i just want to ask f pwede pO ba akong mag applY, i'm a mother of 2 and married na po pero hiwalay na po ako... 27 yrs. oLd....i hope mka response po kau...

    ReplyDelete
  98. i am willing to serve in our country, 27 yr old po 2yr graduate collge po pwd po ba maging Reserve Force po

    ReplyDelete
  99. sir 27 yrs old na ako ngayon high school grad ako 2010..
    first year college bs_criminology lang ang huling pinasukan ko..
    pwd po ba ako sa inlisted personel.?
    kung sakali po pwd paano po ako makapag apply?

    ReplyDelete
  100. Sir since bata pa po ako eto na po talaga ang pangarap ko maging isa sa hukbong katihan ng pilipinas but im only a high school graduate.binasa ko po lahat ng article nyo pero since 2014 pa po eto right? By the way grumaduate po ako nang 2015 and now nag wowork po ako sa isang grocey store (super8 )wala pa po ba kayong update ngayong 2019? Gusto gusto ko na po kase matupad pangarap ko.i dont know if qualified ba ako or hindi..

    ReplyDelete
  101. Uhmm now po pala sir im 21 years old going 22 this november

    ReplyDelete
  102. Paano po kapag ang nakuha kong coures sa shs is pang hotel lang. Wala po bang pag asa na maging qualified sa pag apply salamat po sir.😇

    ReplyDelete
  103. Good morning sir ako pala c floranjoy arceno 26 year old makapag aral po ako nang vocational 1year AUTOMOTIVE po ang course ko ng OJT ako nang KIA nang 6months at ng talyer ako nang 8months at ng trabaho ako sa MAN truck buss Philippines hangang 6months lng pwdi poba ako makapasok sa pgkasundalo sir sa edad ko po nang 26 mg 27 KC ako sa dadating na Tao April 3 1993 po ako sir Kung pwdi pa po ako sir ma txt Sana ako sa number Kung to 09463607733 salamat po

    ReplyDelete
  104. Good pm sir hnd naba pwd tlga Ang 27 Kasi gstng gsto KU tlga makapasok sa army kht anung work Basta kabilang sa army

    ReplyDelete
  105. pwdi po bang maka pasok nang army kahit kasado na po?

    ReplyDelete
  106. Sir wala ba tlga pag asa kng age 30 na?mtgal na kasi ako interesado kaso ngaun lblng ako nakakuha ng skill.d ako mka pasok pasok noon dahil kailangan ng skill. Ty po sir godbless

    ReplyDelete
  107. sir . gusto ko po sana mag apply . kaso po ang problema . hindi po ako nakapag tapos ng pag aaral ng high school . dahil po problema sa kahirapan . pwede po kaya mag apply kahit hindi nakapag tapos ng highschool . marunong din nman po ako mag drive .

    ReplyDelete
  108. Sir/ma'am magtatanong Lang po ako Kung pwede Ang shs TVL (EIM) Kasi po Hindi ko Alam dati Kung ano Ang posses na strand para makapag sundalo at matagal ko Napo pangarap to

    ReplyDelete
  109. Sir Gustong gusto ko po talaga maging sundalo
    Sa totoo po students palang po ako at marunong narin po ako sa mga power point presentation, and microsoft kasi po lagi po yang pinapagawa samin sa school Kaso po malabo po ang mata ko
    Kaya nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa po ba ang pag kuha ng course na criminology or hindi na pero sigurado po ako sa sarili ko na sundalo talaga yung gusto kong kunin
    May chance po ba na makapasok ako kahit malabo mata sir?
    Babae po ako sir

    ReplyDelete
  110. Pwede po ba ako sumali sir kahit di ako marunong lumangoy? I NEED YOUR ADVISE SIR!

    ReplyDelete
  111. sir gusto kopong magsundalo kaso grade 11 lang po natapos ko

    ReplyDelete
  112. Pwede po ba ako sumali sir kahit di ako marunong lumangoy? I NEED YOUR ADVISE SIR!

    ReplyDelete
  113. pwede rin po b kahit pustiso ngipen sa harap

    ReplyDelete
  114. Sir tanong ko lng po kahit po ba malabo ang mata pwede po ba akong makapasa ksi nag aalala po ako baka hindi ho ako makapasa pero gusto ko po tlgang mag pulis bata palang ako gusto ko na po salamat po sa sagot.

    ReplyDelete
  115. Sir tanong kulang po kung pwede ba maka pag apply yung may postesu na ngipin

    ReplyDelete
  116. good pm sir, im graduated a vocational course & a licence open water diver.ano po bang pwd gawin to become a part of the philippine arm forcesas a servant?qualified pa po ba at the age of 30? thank you

    ReplyDelete
  117. Sir & ma'am
    Pwedi ba ako mag apply para maging isang sundalong babae ?
    Kahit under graduate lang ako .

    ReplyDelete
  118. Paano po ba maging isang sundalo ?
    Ang edad ko po ay 21 years old

    ReplyDelete
  119. Sir & maam
    Pwedi ba ako maging sundalo kahit under graduate po
    Ang edad ko po ay 21 years old po

    ReplyDelete
  120. Sir pwede po ba ako magsundalo kahit cafgo ako at paano po magapply als lang din po ang natapos ko

    ReplyDelete
  121. Nuong bata pa poh ako sir..pangarap kna tlgang mging sundlo.pra mktlong sa kpwa.matulungan mga naaapi.gstoq po tmulong sa pag buwag yang mga msasamng tao na mga yan.mga kasapi sa kilosan na yan.kaso 30 na po ako sir..kaso kaya pa..tenk u sir.

    ReplyDelete
  122. Good day sir ask ko lang if your a 28 years old di na po ba pwede mag army ? 5 naka isang semester lang sa college . pero 5 years skilled worker po ? Pwede pa po ba. Pasagot po thak you

    ReplyDelete
  123. Sir good day po. itatanong ko lang po kung pwede ang tesda graduate sa reservist? at kung pwede po ang may asawa salamat po. SALUTE

    ReplyDelete
  124. Kailangan po ba marunong lumangoy?

    ReplyDelete
  125. Good day Sir. May chance po bang maka pasok sa afpsat kapag postiso lahat ng ngipin???

    ReplyDelete
  126. Ma'am & Sir pwede mag sundalo ang may opera or nakuha sa katwan??

    ReplyDelete
  127. Sir pwede paba mag pulis pag may record Ng pag labag CARPIO NG GCQ tanong kolang po hehe

    ReplyDelete
  128. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  129. Sir malabo ang mata ko. Pero correctable with eyeglasses. No chance na ba for Philippine Navy Officer Candidate School? Disqualified ba agad agad? No waivers or other chances manlang?

    ReplyDelete
  130. Sir, permission to ask po
    With all due respect po sir, tanong ko lang po ..paano po kapag farsighted ang isang mata ? Qualified o.Disqualified po?

    ReplyDelete
  131. Sir poyde pa mag apply ang may tattoo

    ReplyDelete
  132. Welling po ako pomasok 19 na ako at nabasa ko lahat ng mga kailangan sa sarili at sa mga requirements, grade twelve na ako ngayon sana po may mag help sa akin para sa step by step na Pag pasok para maging successful na Philippines,Army my#:09952398515

    ReplyDelete
  133. Hello sir matanong ko lang po. Wala na po bang pag asa na maka join sa army ang isang single mom ? 25 napo ako at kasalukuyang ofw po sa Singapore sa ngaun . Isa po akong lisensiyadong nurse aider at tapos po ako ng kursong advance diploma in caregiving 72 units po. School din po dito. Nag aral po ako habang nagttrabaho . Meron din po akong nakita sa google din po . tumatanggap po sila. Sana po mapaliwanagan mo po ako. Thank you po at God bless .
    Since then po kase pangarap ko na talagang mag army . Sana po mapansin .

    God Bless po at Keep safe

    ReplyDelete
  134. Sir aks kulang po pwede po b makapasok
    Ako..kase may kapansanan po ako mallit yung yung mata pero nakakakita naman po ako ng maayos...ty po sa sagot nio

    ReplyDelete
  135. Goodeve po sir pwede po ba maging army kahit may operasyon sa tyan. Pangarap ko kasi maging sundalo. pero nawalan ako ng pag asa ng mag k operasyon ako 16 pako ng nag kasakit ako tas 19 na ako ngayon?

    ReplyDelete
  136. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  137. magandang gabi sir Cabunoc,

    hindi na po kasi ako nakaabot sa pma application and nag apply ako sa pnpa. ito nalang po kasi ang choice ko dahil kung next year po ako mag aaply sa pma ay hindi na ako magiging eligible dahil 22 na po ako. maaari po ba akong makapasok sa AFP as commissioned officer or kahit NCO kung nakagraduate ako kung sakali sa PNPA?

    Salamat po!

    ReplyDelete
  138. puy d ba maka pasuk sa army kahit pustiso na ng ngipon mo sir sana meron mag reaply

    ReplyDelete
  139. sir pwede napoba ako magtest ng Afsat kasi po G10 palang natapos ko kaka g11 kulang po ngayon pwede napoba ako pumasok magsundalo?

    ReplyDelete
  140. Pwede po ba ang may sungki sa ngipin?

    ReplyDelete
  141. Sir bawal po ba sa ARMY ang may marpel po?
    May isang marpel po kasi ako.

    ReplyDelete
  142. Hello Sir, meron pa po bang chance na makapasok po sa Army ang may anak na? 25 yearls old po ako lalake at turning to 26 na op by next year APRIL, graduate po ako ng Associate in Marine Transportation. Sana po ay may paraan pa dahil gusto ko pong mag sundalo.

    ReplyDelete
  143. Ngayon LNG pumasok sa isip ko ang pumasok at Mag serbisyo sa bayan bilang sundalo. Simula bata ako namulat na ako SA buhay sundalo Kasi retired Scout Ranger ang Tatay ko . Sapol bata hanggang nag binata ako gusto nya sumunod ako SA yapak nya lalo na nung nag college ako at information technology course natuwa sya dahil needed daw nila ang may knowledge sa computer literature na sundalo. Pero taliwas ang isipan ko noon na kaharasan LNG ang pumatay at humawak Ng baril Di ko pa lubos nauunahan ang tunay na sinumpuan Ng ating magigiting na bayani Ng bayan
    Na handa ibuwis ang buhay para sa ating kaligtasan laban sa mga masasamang loob at taliwas ang pag unawa sa demokrasya . Pero nung nawala si Papa at namulat ako SA mga pinagdaan nya nung Siya ay nabubuhay pa parang bigla sumibol ang dugo nya sa akin at na sumunod SA yapak nya at ipagtangol din ang Bayan . For its to late na Kasi may anak na ako at nasa age limit na ako as 25 yrs old now. Gusto ko man pumasok pero huli na ang lahat .

    Rest in peace sayo Papa
    msgt. Juancho A. Carin
    I'm so proud of you pa.. :(

    ReplyDelete
  144. pwede poba naka postiso ang ngipin po?

    ReplyDelete
  145. Hello sir, Im marieflor from brgy. fort bonifacio Taguig City, sobrang lapit lang, gustong gusto ko po pag lingkuran yung bayan natin. Tatanong ko lang po bawal po ba may dalawang butas sa isang taenga at sobrang liit na tattoo? Dati po akong nawala sa landa pero nag karoo ng pangarap nang mapadpad dito sa taguig. Gusto ko lang po sana e-sure sir. Salamat

    ReplyDelete
  146. Hi po i just want to know po..Gstomg gsto ko talga sumali dito kaso sa height ko 4'9 lng snaa nAman may chance maKapasook...paano nlng ung ktulad q gsto makapsok dto sa army😢😢😢😢

    ReplyDelete
  147. Good morning, Sir Cabunoc.
    I were once an applicant of an Academy particularly a military academy , sa katunayan po napasa ko po ang (entrance exam at application) ,nakapasa din po ako sa neurological exam(iq/eq). Subali't kalaunay bumagsak sa phase 1(eye screening )nang medical exam. Nais kolang po sana tanungin if in case pag graduate KO Ng Political Science (current course).Maari po ba along mag-apply kahit alam kona Hindi ako makakapasa sa Ishihara test ,consistent deans lister po ako sa kasalukuyan kong institution talagang dikolang po talaga maalis sa puso ko't isipan na gustoko makapagsilbe sa Bayan sa pamamagitan Ng serbisyo militar. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  148. Hello po Sir ,wala na po bang chance maka PASOK yung may anak?I'm 20 years old turning 21 po sa december .Hoping po ako na sana may chance pa Senior High School Graduate po ako ,Gusto ko din po kasi na makabawi at makatulong sa family ko,lalo na po sa mama ko kasi matagal na pong patay yung papa ko sana po may chance pa na makapagsundalo
    #09938305099

    ReplyDelete
  149. Sir ako po grade four lang po natapos puede pa po ba akong Maka pag lingkod sa bayan bilang isang army

    ReplyDelete