Ang April Fools' Day (April 1) ay ang traditional na araw na kung saan ang normal na behavior ay ipinagbabawal. Ang ibig sabihin, ang mga 'kalokohan' at mga practical jokes ay authorized sa araw na ito.
Ang tinatawag na Reception Day sa PMA ay itinataon din sa April Fools' Day marahil sa iyon ang araw na karamihan sa mga bagong recruits ay naiisahan kung ano ang ibig sabihin ng reception.
Isa rin ako sa 'naisahan' dito dahil akala ko naman ay kainan ang reception at tipong may background music pang awit ni Luciano Pavarotti. Eh, kaloka nga naman ang 'Reception Ceremony' sa PMA di ba? Dito pala ay mananakit ang iyong buong katawan dahil sa samo't-saring ehersisyong iyong pagdaraanan sa unang pagkakataon. Dagdag pa riyan, maaaring maubos din ang iyong boses sa kasisigaw ng "Yesss suh!" at "No suh!" nang paulit-ulit.
Secondclass cadet (3rd year) na ako noong naranasan ko naman ang maging kasapi sa mga tinatawag na Plebe Details na syang mag-receive sa mga bagong kadete na miyembro ng PMA 'Mabikas' Class of 1996.
Kainitan ang hapon na iyon ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin nang kami ay nakaantabay sa pagdating ng mga bagong Plebo (1st year cadets) na aming 'patikimin' ng 'karinyo militar' sa unang pagkakataon.
Sa mga usap-usapan namin noon, gusto naming 'makabawi' sa aming karanasang 'maisahan' sa Reception na akala namin ay bonggang kasayahan at naglipana ang masasarap na pagkain.
"Tingnan natin sino ang hindi ma-drawing ang mukha sa pagkabigla at pagka-warshock sa unang salvo ng military training," sabi ng isang mistah.
"Makikita natin iyong mga tipong di na alam ano ang gagawin at maluha-luha sa maranasang mase-mase," sabi ng isa.
"Makikita natin iyong mga tipong di na alam ano ang gagawin at maluha-luha sa maranasang mase-mase," sabi ng isa.
Matatandaan kong memorized namin ang mga pangalan ng mga kadeteng aming i-receive sa araw na iyon. Ang ginagawa kasi ng mga Plebe Detail members ay isinisigaw ang last name ng mga kadeteng maging miyembro ng squad nila.
Sa orientation pa lang kasi, sinasabi na sa amin na kami ay tatawagin sa aming family name kapag maging miyembro na ng militar lalo na sa mga Plebo.
Minsan nga lang ay nagkakagulo rin sa Reception Day dahil dito. Halimbawa ay merong mga first name at last name na pwedeng magkapalit na nangyayari sa kagaya ng kadeteng lumilingon sa pangalang Cadet Juan Melchor.
Sa example ni Cadet Melchor ay nagkamali ang tailor na gumawa ng uniporme nya. Instead na MELCHOR ang ilagay sa name patch eh JUAN ang inilagay.
Sa pagsigaw ng kagaya kong team leader, syempre basahin namin ang name cloth sa dibdib ng 'war shock' na Plebo: "JUAAAAAAAAAAAAAAAAN!"
Syempre, lalong natulala ang plebo kasi ayaw itong mamansin.
"Sanamagan, bakit ayaw mong mamansin hijo?"
Nanlaki ang mga mata sa takot sa tila multong nakita, sumagot ang plebo: "Sir, hindi ako si Juan! Ako si Melchor!" Patay kang bata ka.
Kung memorable sa amin ang Reception Day bilang Plebo, ganon din ito ka-memorable sa hanay ng mga 2nd Class Cadets na syang 'magpalaki' at mag- mentor sa mga kadete sa unang pagkakataon.
Pare-parehas kaming mamamaos sa kasisigaw sa organized chaos na idinadaos sa Borromeo Field, ang 'sacred ground' ng PMA para sa mga nag-kadete dito.
Ang Reception Day ay ang isa sa mga memorable topic na pinag-uusapan maging ng matatandang retiradong Heneral kapag nagkikita sa kahit ano mang okasyon.
Kung makakita ka ng mga sundalo na nagtatawanan sa isang sulok, malamang ay kasama sa usapan ang karanasan sa April Fools' Day.
Sayang sir March 23 1993 ang birthday ko. Pero ang kailangan for PMA class 2019 dapat ay April 1 1993 ang birthdate. PMA dreams shattered. huhuh
ReplyDelete