Saturday, March 08, 2014

Ang 'porma' ng warrior sa Maguindanao (Central Mindanao adventures Part 1)



Bahagi ng taunang tradisyon ng Philippine Military Academy "Bantay-Laya" Class of 1994, binibisita namin ang himlayan ng aming mga nasawing mistahs sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio. 

Ang tradisyon na ito ay ginagawa namin tuwing 1st week ng Marso, jibed sa aming graduation day anniversary na nagaganap naman tuwing ika-6 ng Marso. By the way, ito na ang aming ika-20th year sa active service.

Most importantly, ang tradisyong ito ay ginagawa namin para gunitain ang mga magagandang alaala ng aming mga mistahs noong nabubuhay pa sila. 

Dahil nasa Maynila lang ako nakadestino, minabuti kong sumama para muling mapadama sa aking mga namatay na mistah na hindi ko sila nakakalimutan. 

Bawat isa sa aking mga mistahs ay merong halaga sa akin. Ngunit, merong iilan na may fond memories na nakaukit na sa aking puso't isipan. 

Nang nakita ko ang puntod ni Lt Col Ronaldo Sacatani ng Philippine Air Force, bigla kong naalala ang aming pinagsamahan sa Maguindanao noong 1997.

Allow me to share my memorable experience sa aking assignment sa balwarte ng mga Moro Islamic Liberation Front sa Central Mindanao nang malipat dito ang aking kumpanya, ang 7th Scout Ranger Company, noong January 1997.

Binisita ko ang puntod ng aking mistah na si Sac para iparamdam sa kanya ang aking pag-alala sa aming magandang samahan bilang kadete at noong kami ay nakipagbakbakan sa Central Mindanao. (Photo by Cpl Marlon San Esteban)

Maguindanao adventures

Dumating ako sa Maguindanao noong ika-3 ng February 1997. Nahuli akong dumating dito dahil sa ako ang nag-transport ng aming Kennedy Type Jeep lulan ng barko mula Maynila.

Nang ako ay dumating, kakatapos lang ng aking kubo-kubo. Yari ito sa niyog, as in 'all niyog' ang mga raw materials simula sa bubong, dingding at pati ang frame ng aking papag. Let me call that the Coconut Palace este Coco Hut. 

Ayos naman ang aking new assignment although naninibago ako. Ang aming kampo ay sa Bgy Mileb, Sultan sa Barongis, Maguindanao. 

Katabi namin ang kampo ng 78th Infantry Battalion at mga dalawang kilometro lang ang layo ay nandoon naman ang 11th Infantry Battalion. 

Mga 3-4 kilometro naman mula sa aming kampo, andoon naman ang Reina Regente Mountains at ang Liguasan Marsh na kung saan ay naglipana naman ang hanay ng MILF sa mga karatig na lugar.  

Sa ikalawang araw ko sa kampo, pinagtyagaan kong i-supervise mismo ang pag-gawa ng sandbags ang gilid ng aking kubo para masalo naman ang ibang mga punglo at mga shrapnel na umuuulan tuwing magkaroon ng harrassments. 

Noong ika-5 ng Pebrero, nagpasya akong mamili ng dagdag na kagamitan sa bayan ng Tacurong na kung saan ay merong nag-iisang mall. Sideline ko na rin noon ang pagkabisado sa roadnets sa area at kung saan ang mga lugar na may ambush areas.

Bandang 7:00am noon, nang nagpaalam ako sa aking C.O. na si 1st Lt Jason Aquino para sa aking intensyon na mag-'malling' sa Tacurong.  

"I-regards mo ko sa mga nag-gagandahang mga Ilongga sa Tacurong, Harold! Ingat sa ambush sites sa pagitan ng Mileb at ng Lambayong," wika pa noon ng aking boss. 

Dahil sa narinig kong marami raw magagandang Ilongga na girls doon, kuntodo porma naman ako bago umalis. Suot-suot ko pa ang aking bull ring at ang aking golden pendant. Maliban doon, halos maligo ako ng perfume dahil ayaw ko namang mangamoy Musang sa kabihasnan. Yon lang ang concept ko ng "winning the hearts" and minds sa panahon na iyon.

Hmmmm. Saan na ang koneksiyon kay Lt Sacatani? Wait lang tsong. Let me continue. Malapit na.

So, binabaybay na namin ang kalsada papuntang Tacurong na sa estimate ay humigit kumulang 40 minutes ang byahe gamit ang aming Humvee. 

Natatanaw ko na noon ang Lambayong sa may unahan ng mapansin ko ang tawag sa aking dalang hand-held radio. Nasa kabilang linya si Lt Aquino.

"Harold, abort mo yang iyong lakad. Me emergency situation dito. Kailangan ang iyong special skills ngayon na agad," sabi ng aking bossing na tila ay may pag-alala sa kanyang boses. 

Sa ganong sitwasyon, no more mental reservations. Dapat aksyon agad at baka buhay ang nakasalalay. 

"Wilco instruction sir. Turning around and coming back in 20 minutes or less."

In short, halos paliparin na ni SSg Antonio, ang aking batikang driver ng Humvee ang aming sasakyan para makarating agad sa aming kampo. Hindi namin alam kung ano ang nature ng emergency ngunit handa kaming mag-responde kung kailangan. 

Nang dumating kami sa kampo, nakita ko na may dalawang Huey Chopper na umaandar sa may helipad iilang metro lamang sa labas ng perimeter fence. 

May naka-full battle gear nang mga tropa ang nakatayo sa labas ng aking barracks. Andon din si CO at ang aking Executive Officer na si Lt Mike Banua. 

"Uy sir, anong nangyari at bakit tila ay may deployment tayo?"

Don ko narinig ang pinakamabilis na mission briefing mula sa aking CO:

"Na-pin down ang isang Infantry Company ng 61st Infantry Battalion sa baba ng Hill 292 sa Shariff Aguak. Kailangan ng sniper support at ikaw ang mag-lead kasama ang isang Section ng tropa. Ang complete mission briefing ay doon na sa headquarters ng 61st IB. Ang dalawang choppers na nasa labas ang sasakyan nyo. Alis na kayo after 5 minutes!"

Parang nabigla ako at na-shock. Takot? Kaba. Yes, kinabahan ako bigla sa di ko alam anong dahilan. Marami kasi akong inisip. Mali ata kasuotan ko. Naka black suit ako. Me kurontong pa akong mga alahas. Yong gamit ko eh dapat kumpletuhin ko sa aking combat pack. Ewan, basta dami ko biglang mental baggage. 

"Sir, pwede after 5 minutes? Yong back pack at special equipment ko pa, aayusin ko pa."

Don naman nagsalita ang aking Ex-O na si Sir Mike: "Don't worry Harold, ako na nag-pack up para sa iyo. Sure na akong di ka magutom at may matulugan ka na rin. Andyan na ang iyong poncho at duyan."

Napatawa na lang ako. Mantakin mo namang si O-Ex pa ang mag-pack up para sa akin. Wala na akong rason. Don ko hinarap ang aking mga kasama. 14 sila, kasama ang aking mga mandirigmang si Cpl Dimaano at Cpl Galamay, at ako ang pang-15. 

"Gentlemen, mukhang ma-aksyon tong puntahan natin. Di ko rin alam ang sitwasyon sa ground at mamaya pa ang final briefing natin. Magtiwala lang tayo sa Diyos na hindi tayo mapahamak. Tayo na lang inaantay ng mga na-pin down nating mga kasamahan. Rangers Lead the Way, lets go!"

Sinaluduhan ko para magpaalam sa aking mga opisyal. Nagbilin naman si Lt Aquino sa akin: "Ingatan mo ang tropa Harold. Kaya mo yan!"

Nang umangat na ang mga choppers na aming sinakyan, hinatid pa kami ng kaway ng aming mga kasamahan. Iba ang aking pakiramdam. Di ko maintindihan. Nagdasal ako. Pinapanood ko ang malawak na kapatagan sa ibaba. Na-picture out ko ang aking bagong hunting ground. Wala masyadong concealment maliban sa niyugan. Malawak ang marshland. Paano pag nandon ang labanan? 

Mag 9:00am noon nang lumapag kami sa kampo ng 61st IB sa Shariff Aguak. Sinalubong ako ng S3 na si Lt Ricky "Gary B" Bunayog, para magtungo sa kanilang briefing area. 

Sa labas ng kanilang opisina, nakasalubong ko ang isa sa aking close na mistah na si Lt Ronaldo 'Sac' Sacatani, na noon ay piloto ng MG Attack helicopter. 

Magkasama kami ni Sac sa PMA Powerlifting Corps Squad at nakilalang 'magbabakal' sa academy dahil mahilig kaming mag-buhat ng daang kilong bakal tuwing athletic period. 

Syempre, dahil mistah na nagkikita sa field, nagkakamustahan kami bago kami pumasok sa briefing room. 

Di ko makalimutan ang kanyang kantyaw:

"Bok, mabangis ka talaga. Ngayon ko lang nalaman na ganyan makipag-away ang mga mandirigmang Rangers. May suot pang alahas at ang bango-bango mo pa!"

Nasa larawan ang hitsura ng Black Suit na suot ko sa aking unang combat deployment sa Shariff Aguak, Maguindanao. Ang ganitong kasuotan ay karaniwang ginagamit sa pang-admin purposes. Lingid sa kaalaman ng iba, ang kulay Black ay madaling makita sa araw man o sa gabi. Ang olive drab color ang syang pinakamainan na night camouflage dahil mahirap itong matukoy sa concealed position kahit gamitan ng Night Vision Googles. (10SRC Photo)

Tameme ako. Hirap nga naman ipaliwanag. Ako lang ang naka-Black Suit sa panahong iyon. Naka-BDA naman ang mga buddies ko.

"Bok, kami ang makabagong Musang. Pang-gyera na, pang-mall pa! Ooops, wag mo kong pabayaan sa baba habang tinutulungan ko ang tropang na-ambush!"

(Ipagpatuloy)

   

4 comments:

  1. Yan ang Sundalo!

    Matulis...... este mabilis sa aksiyon!

    :D

    ReplyDelete
  2. Hi sir, with all due respect po, papasa para maging libro mga articles ninyo sa blog ninyo. Hanga po ako sa inyo po. Two of my kababata and close friends are both from PMA and PNPA. Snappy salute po sa lahat ng mga nagtatanggol sa bayan. Ilongga po ako. Salamat sa pag-appreciate ng beauty naming mga ilongga! Taga-Mindanao po ako. 2 hours away from Tacurong ang bahay namin. Godbless po.

    ReplyDelete
  3. Thank you Jill! Sultan Kudarat is a nice place. I am proud to have served the people in that beautiful province.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sir. Bombings talaga ang kinakatakutan po namin sa Sultan Kudarat. Oras lang pagitan at magrereport na kaming mga sibilyan kay kamatayan kapag natyempohan. Godbless po sa inyo.

      Delete