Nagkaroon kami ng lull ng combat operations ng iilang araw pagkadating namin sa Bgy Tiptipon.
Samantalang pinagtrabaho namin ang mga 'intoy-intoy' (intel agents) na manmanan ang kinaroonan ng mga Abu Sayyaf, pansamantala kaming nag-consolidate sa Panglima Estino para sa next phase ng operations.
Kinuha ko naman ang pagkakataon para asikasuhin naman ang aming 'admin' o ang mga bagay-bagay na ginagawa ng isang pinuno bilang Manager sa isang organisasyon.
Baka akala nyo naman, panay gyera lang ginagawa namin. Sa likuran ng aming kakayahang dalhin sa combat operations ang tropa, kailangang magampanan namin ang lahat ng administrative requirements.
Ang kagaya kong Commanding Officer ay namamahala rin ng mga resources kagaya ng pondo, kagamitan at pati mga tauhan.
For example, kinakailangan kong mapanatili ang mataas na level na morale ng mga tauhan. Dapat maipakita at maiparamdam ko sa kanila na sila ay aking kinakalinga. Kasama sa personnel administration ang pagpapairal ng disiplina.
Doon ko naman naalala ang pasaway na si Ranger P. Remember that sanamagan na naghahanap ng 'Twinkle, Twinkle Stars' kahit maliwanag pa ang araw? Tinablan ng combat stress yon pagkatapos ng aming pinakaunang bakbakan sa Lanao Dakula sa may Indanan.
Sumobra na sya sa 21 days na ibinigay ko na Rest and Recreation para magpahinga at mag-muni-muni sa kanyang bahay.
Ang purpose ko naman sa pagpauwi sa kanya ay para manumbalik ang kanyang sigla sa serbisyo. Malay mo nga naman kung tatapang uli kapag makapanood na naman ng sine at makapiling ang kanyang pamilya.
Minabuti kong tawagan sa URC 187 radio ang aking Admin NCO na naiwan sa Camp Bautista sa Jolo para naman makausap sa cellphone si Ranger P.
"Dick, pakitawagan mo nga sa cellphone si Ranger P at gusto ko marinig ang sagot nya kung bakit di pa sya bumabalik. AWOL na kamo sya at ma-Drop from Rolls after 11 days," utos ko kay TSg Dick Abubo na noon ay namamahala sa aming logistical at administrative requirements sa Busbus.
Di kalaunan, narinig ko na si Dick na kasalukuyan namang kausap sa linya si Ranger P.
"Sir, andito si Ranger P. Humihingi sya ng pasensya kasi di na raw sya babalik kasi di na pumayag ang misis nya," sabi nya.
"Dick, itapat mo sa speaker ang handset ng URC 187 at iparinig mo ang boses ko!"
Naaawa at nasasayangan ako sa serbisyo ni Ranger P. Marami na rin kasi akong nakilalang umayaw sa serbisyo pagkatapos na makatikim ng bakbakan tapos nagsisi sa huli. Ang 'greener pasture' pala ay sa Army service din. Kaya nga Army eh, green.
"Ranger P, si Cyclops Six ito. Gusto kong pag-isipan mong isang milyong beses ang desisyon mo. Wag padalos-dalos kasi ang pagsisisi ay laging nasa huli," sabi ko.
Don naman sumabat bigla si Dick sa linya.
"Sir, putol-putol daw ang transmission mo. Pero, sinabihan ko nang bumalik or else DFR abutin nya," sabi ni Tsg Abubo.
"Ganito na lang, pagbigyan mong mag-isip ng isa pang linggo pero tuloy-tuloy ang pagmarka ng AWOL. Kung ayaw pa rin, i-DFR mo after 11 days. Siguraduhing naka-reflect sa ating daily reports sa HFSRR yan."
Bago ko pa marinig ang sagot ni Dick, meron nang sumimpleng bumulong sa akin na ka-batch ni Ranger P.
"Sir, baka pwede maipaabot din kay Ranger P na kung ayaw na talaga nyang mag-report, bayaran nya utang nya sa aming mga ka-batch nya!"
"Okay Dick, ganito sabihin mo. Kung mag-AWOL pa rin sya, bayaran nya kamo lahat ng personal na utang nya sa mga kasama nya. Kung ayaw nya magbayad, ipa-aresto ko sya sa MP ng 6ID sa bahay nya para maghimas sya ng rehas!"
Iyon na lang ang naging ultimatum ko. Dapat malaman din ng lahat na hindi ko sasantuhin ang mga 'low bat' na tropa na mag-alibi kasi dadami ang gagaya.
Kahit gaano man kahirap ng sitwasyon namin, dapat ipakita pa rin namin ang positibong attitude. Dapat astig pa rin. Don naiiba ang mga Rangers kasi sanay kami sa hirap.
"Gentlemen, meron na tayong isang AWOL. Dahil dyan, magpagod tuloy akong gumawa ng Investigation Report in Absentia na bahagi sa requirement nito. Gusto ko, panay promotion at awards ninyo ang trabahuin ko at hindi ang recommendation for discharge!"
Dahil walang kuryente sa lugar, napakinabangan ko ang bitbit ng aking support personnel na portable generator na kailangan upang magamit ko naman ang aking laptop para sa aking mga reports kagaya ng After Encounter Reports, Replenishment of Ammunitions at Recommendation for Awards. Dagdag pa doon, kailangan ko ring mag-submit ng recurring reports kagaya ng Fund Utilization Report at Logistics Report.
Sa mga panahong iyon, pinagplano ko na rin ang mga NCO kung paano ang scheduling ng Yuletide Season break at nang maipagpatuloy pa rin namin ang combat operations kahit kulang sa tao. Bawat team ay nag-uusap na sa kanilang sked ng pag-uwi.
Habang abala ako sa pagsulat sa lahat ng mga reports, binigyan ko ang mga NCOs ng training tasks. Nais ko kasing busy sila at hindi nakatunganga at makaisip ng kung anu-anong mga bagay na ikakalungkot nila. Of course, mabuti rin yong maging confident silang lahat dahil na-refresh ang kanilang mga skills parati.
"Gentlemen, gawing fruitful ang stay natin dito sa Tiptipon. I-divide sa tatlong grupo ang tropa. Mag-security ang isang grupo at mag-training ang iba. Isang training station ay para sa Map Reading skills at isa naman ay Immediate Action Drills. After 1 day, palitan ng training station."
Dahil nag-invest ako sa leadership development ng aking mga NCOs, madali ko silang paintindihin ng aking mga intensyon sa pagsasanay. Konting supervision ko lang, nagagawa nila at napapangasiwaan nila ang training activities.
Para naman maiba ang lasa ng pagkain ng tropa sa aming 'admin time', ino-orderan ko sila sa Sulu ng mga 'special provisions' sa scheduled resupply operations kagaya ng mga sumusunod:
- Ginisang bagoong
- Fried adobong manok
- Preskong isda
- Vitamin C tablets
Teka pala, kasama rin pala sa pinapabili ko ang condom. Ewwww! Yuck! Condom? Yes, condom as in C.O.N.D.O.M. Bakeeeet?
Uy, wag kang green-minded. Wag kang patawa-tawa. Para iyon sa aming GPS receivers at Motorola Radios.
Iyon kasi ang aming water-proofing material para hindi masira sa ulan ang aming pinakamamahal at napaka-konting special equipment. Now, alam nyo na?
Ito pa, ito pa! Nagpaorder din ako ng Whisper. Ewwwww! Ssssh! Yong female napkin? Grrrr! Ano sabihin nyo? Nababakla kami? Nagpa-sex change kami? Hoy, Musang kami. Astig!
Well, mga pasaway, para din iyon sa dugo as in kagaya ng dinudugo. Wag kang mag-yuck dyan. Dinudugo kami kapag tinatamaan sa gyera! Tatak ng mandirigma yon pero masakit yong dinudugo sa gyera pre! (Natikman ko na sa Maguindanao)
Ang ginagawa namin sa Whisper (with wings), pinuputol namin sa kalahati at may dala bawat tao kahit 2-4 piraso.
Kung matamaan ng bala at kayang tapalan ng napkin eh di matulungan ang pag-stop ng bleeding! Kumbaga, pang-self aid at buddy aid kapag may wounded comrades. Minsan kasi, malayo ang pwesto ni Combat Medical Aidman kapag putukan na. Ayos ba?
So, alam mo na ano ang mga ginagawa ng 'Manager' ng mga Musang na pang-gyera!
(Ipagpatuloy)
ahahaha un pala un kaya ko kung para saan ung condom at whisper ee ^__^
ReplyDeletenatawa ako sa condom ang whisper hahhaah..antigo talaga ang mga pinoy..lalo na pag isang musang!
ReplyDeleteAkala ko may feminine wash din haha!
ReplyDeleteSabi kasi nila magandang pag facial wash yun kasi ph balanced, weird!
Pero makikita talaga yung pagiging maparaan ng pinoy :)
Nakakabilib ang writing skills mo Sir. Saludo po ako.
ReplyDeleteSir Cabunzki, naliligaw po ako panu sundan yung past parts nito. Baka po pwede gawan ng link o list. Thanks po.
ReplyDelete