Thursday, February 27, 2014

Living by the honor code: My personal experiences (Part 1)




Throwback picture of the members of the Army Shooting Team that was taken sometime in September 2005. I was part of the team which participated in the prestigious Australian Army Skill at Arms Meeting in New South Wales, Australia. We were required to shoot in two separate events (pistol and rifle) in this particular competition. (MTU photo)


Sa dami ng tanong kung umiiral o pinaiiral pa ba namin ang Honor Code pagkatapos ng aming pre-entry training (Cadetship or Candidate Soldier Course), dapat kong mag-share ng mga halimbawa na ito ay hindi namin kinakalimutan. 

Ako ang proponent ng localized version ng Rifle Marksmanship Manual na ini-evaluate namin simula noong 2005 sa  Marksmanship Training Unit, na kung saan ay pinagtulungan namin ang pag-establish ng maka-Pilipinong Actions, Conditions and Standards sa Record Firing nito. 

Ang record firing sa M16A1 Rifle ay binubuo ng 50 rounds at sa layong 50m, 100m, 150m, 200m at 250m. Ito ay merong time pressure at iba-iba ang time limits at number of rounds. 

Isa ako noon sa naging batikang miyembro ng shooting team. 'Peanuts' lang sa akin ang bumaril ng man-size targets sa standing, kneeling at prone. 

Bilang Head ng Marksmanship Department, ako ang nangunguna sa pagpapatupad sa mga standards at pati sa procedures ng Record Firing na inaprubahan ng aming Commanding Officer na si Major Leo Guinid. 

Ako rin ang nag-design ng score sheet nito na dapat ay pinipirmahan ng shooter at ng Range NCO bilang patunay na totoo ang mga nakasulat ditong mga scores.

Hindi ko alam na isang araw, masusukat ang katapatan ng aking mga tauhan sa pagpapatupad sa regulasyon tungkol sa scoring procedures.

Honesty ng Marksmanship Trainers

Kahit noon pa man, mahigpit kong ipinasusunod ang honesty sa aming record firing at maging sa scoring ng aming targets kapag mag-ensayo kami para sa nalalapit na kompetisyon sa ibang bansa.

Naalala ko kasi na noong 1995 nang ako ay isinama sa training ng Army Shooting Team, naririning ko na merong akusasyon ng pandaraya diumano sa score. Sila-silang mga datihang mga shooters ay hindi nagtitiwalaan sa kanilang mga scores kaya nagbabantayan lagi kapag mag-tingin sa target para bilangin ang tama. Minsan, unhealthy na ang ganitong kalakaran.

Dahil dito,  pinapaalala ko sa bawat isa na mga kasama ko na shooters at trainers ang kahalagahan ng honesty. 

Kapag mapatunayang mandaraya at tanggal sa team at haharap pa ng kaso, on top sa kahihiyan na makikilalang mandaraya. 

Sa Record Firing naman, pinapaalala ko na ang kahalagahan ng pirma. Kung pumirma sila sa score sheet, ang ibig sabihin nito ay pinapatunayan nila ang katotohanan ng kanilang dokumento. 

Karagdagan doon, ini-remind ko na kung dinadaya din lang ang score ng aming mga estudyante o mga kasamahan, we are defeating the purpose. Kapag ginawa rin namin yon, dinadaya din namin ang aming sarili. Ni-remind ko sila na nagpapainit na nga lang kami ng buong araw, ayusin na namin ang pagpapatupad nito. 

Ang ibig sabihin noon, walang pabor-pabor, walang kai-kaibigan, at walang pasang-awa sa scoring. Kung ano nakita sa target, iyon ang score!

Para sa aming mga shooters, nais namin na kami ay makakakuha ng Expert Qualification na ang raw score ay 50 pts o 50 bullet holes o tama sa target out of 50 rounds fired. 

Kahit ang raw score ng 'Expert' ay 44pts-50pts, lahat kami ay nag-aasam na makakuha ng perfect score! As much as possible, ayaw namin ng mintis. 



Dahil nga sa panay kami mga marksmanship instructors at mga miyembro ng shooting team na nakikipagtunggali sa abroad, kaming lahat ay nagpapagandahan ng 'shot group' sa target. 

In short, ang simpleng Rifle Marksmanship Record Fire ay naging highly-competitive para sa amin dahil sa minimithing 'karangalan' na makakuha ng perfect score!

Sa aming kantyawan, ang shooter na merong AWOL (literally means Absent without Official Leave) o mintis sa target (kahit isa lang) ay mataguriang 'Bolo Man'! 

Well, actually ang tunay na Boloman o unqualified sa Record Firing ay yong hindi umaabot ng 33 hits ang minimum na tama sa target. 

Minsan naman kasi, di rin matiis ang kantyaw para sa mga nataguriang 'Boloman' na either nerbyoso o talagang malabo ang mata.

"Panay molecules lang kaya mong barilin. Hindi ka pwedeng gumamit ng M16 Rifle sa bakbakan at sasayangin mo lang din ang bala. Itak ang iyong dalhin!"

Ay naku po! Kakahiya at kakatakot maging Boloman!

Makikita sa larawan ang Boloman na binigyan ng itak bilang tanda sa kanyang kapalpakan sa Marksmanship kahit pa man sa mga remedial training at sa extra ammunitions na ibinibigay sa kanya. (MTU photo)

I can still clearly recall an event in 2006 when I took the Rifle Marksmanship Qualification Record Firing to re-qualify and be granted the prestige to wear the prestigious Marksmanship Badge. 

Pawang mga kasamahang shooters at marksmanship trainers ang nagbabantay sa amin. Sila na rin ang aming mga scorers.

Sa mga panahong kami-kami na lang, doon nagkakasubukan sino ang merong integridad sa sinasabi at ginagawa.

One hole or 'AWOL'?

Nang ako ay sumalang sa firing line, ang aking Range Officer/Scorer ay ang aking kapwa Ranger at Sniper na si Cpl Steven "Kru" Dela Cruz.  

Maliwanag ang araw at katamtaman lang ang ihip ng hangin at ito ay estimated ko na nasa 5km per hour. Bilang shooter, computed ko na ang hold-off (compensation ng sight picture) o kaya ng 'clicking' (sight adjustments), alinsunod sa wind velocity na nakita. 

Perfect ang aming mga scores hanggang 200 meters (38hits/38rounds). Nagdadasal-dasal na kami nang sumalang na kami sa 250 metro. 

"Hoy hangin, wag kang umihip!"

Ang kakainis pa, merong nang-iinis na sumisipol-sipol sa likuran na tila nagtatawag ng hangin. Ewan kung totoo yong sabi-sabi na pantawag nga raw ito ng hangin. 

Inirapan ko ng tingin ang sutil na si Msg Dragu Agustin na syang 'nagtatawag' ng hangin.

"Pssst! Lakay Dragu, walang ganyanan!"




Sa 250 meters na layo, prone unsupported (dapa) ang required shooting position at may time limits ito. 


Napaka-swabe ng aking shot delivery at kitang-kita ko ang tip ng aking front sight na bumabalik sa aking natural point of aim (NPA) pagkatapos ng recoil. Kampante ako sa aking follow through. 


Ehemplo ng tinatawag na 'shot group' (tabi-tabing tama ng bala) na makikita sa target. Kuha ang larawan sa tunggalian ng pagtudla sa Australian Army Skill at Arms Meeting na aking sinalihan noong October 2005. (Marksmanship Training Unit photo)


Dahil sobra rin akong excited na makuha ang 'bragging rights' bilang perfect scorer, naka-double time kaming nagtungo sa aming target.


Nang marating namin ang target, ang ganda ng aking shot group. Nagtinginan tuloy silang aking mga kasama nang makita ang halos 5-6 inches spread nito sa gitna mismo ng Ring 5 at "V" (Bullseye).

Kahit si TSg Willy Carrera na kasama kong pumutok ay bumilib sa aking tama at syang napamangha.

"Iyan ang perfect!"

Ngunit ang aking scorer na si Cpl Dela Cruz ay may kakaibang nakita.

"Uy sir, nagka-AWOL ka rin!" Nakangisi sya. 

"Sir, kulang ng isa at 11 hits ka lang dito eh!"


Sobra akong bilib sa sarili at wala akong 'shot call' na mintis. Tinawag ko ang ibang mga kasamahang nagyayabang kasi sila ay naka-perfect! Ngising demonyo sila. Kasi, sa aming usapan, 'karangalan' ang nakataya.

"Gentlemen, patingnan ko nga sa inyo. AWOL daw ako oh. Ganda kaya ng shot group ko. Baka nag-one hole!"

Hati-hati ang kanilang opinion sa kanilang nakita. 

"Sir, one hole naman talaga yang isa oh. Mas malaki sa normal ang butas," sabi ni SSg Oropesa.

"Mukhang hindi ito one hole sir. Kaya lumaki kasi nasira ang target board sa likuran ng papel," sabi naman ni SSg Manuntag. "Sir, gusto mo pakuha tayo ng shot gauge?" 

Ang shot gauge ay ang gadget na ginagamit para mausisang mabuti kung may nag-one hole nga na tama sa target.

"Kay Cpl dela Cruz ang final answer," sabi ko. "Ayaw ko nang pagpaguran nyo pa yan!"

"Sir, sa paningin ko, talagang mintis ka kaya 49 pts ka lang," final judgment ng aking ka-Musang na si Steven.

Pinirmahan naming dalawa ang aking score sheet. Pangisi-ngisi ang aking mga tauhan na aking mga kalaban sa 'payabangan'. 

"Magmulta si Boloman. Mura lang pancit sa Verdiz!"

In short and simple language, hindi ako naka-perfect. Para tumahimik silang lahat, pinalamon ko ng masarap na pancit. 

Expert pa rin ang aking marksmanship qualification bagkus napasama ako sa kantyawan na 'Boloman'.  

Bilang officer, hindi ako nang-pressure gamit ang aking ranggo at posisyon para ipagpilitan ang aking paniniwala na 'one hole' ang aking tama. 

Bumilib ako sa aking subordinate kasi hindi sya pasipsip na minsan ay dahilan ng insidente ng dishonesty sa tungkuling ginagampanan. 

Ang aking 49/50 na iskor ay nakatatak sa orders ng marksmanship qualification na hanggang ngayon ay nakalagak sa aking taguan.

Kung mapanatiling professional ang mga officers at NCOs, ang Honor Code ay aming mapaninindigan.

6 comments:

  1. Kung pag-aaksaya ng oras ang pagbabasa ng kwento mo, sir, ay hindi bale na, kasi ang dami kong mga natutunang mga leksyon na hindi pangkaraniwan sa mundong aking ginagalawan. isa akong sibilyang alagad ng pamahalaan (civil government servant), at ang mga sitwasyon na kinikwento nyo, sir, ng buhay-sundalo ay walang pinag-iba sa aking mga karanasan at mga pagsubok papaano magingnisang tapat na lingko-bayan. nakakalungkot lang dahil sa jundong ginagalawan ko ay halos lqhwt ay tila wala nang nagnanais na maging matapat sa pinanunumpaang tungkulin (oath of office at panunumpa ng isang kawani ng pamahalaan). salamat sa mga wkento nyo, sir! sa tagal ko na sa serbisyo, iniisip ko na rin ang mag-retiro. nais ko sana na sa tamang panahon ng aking pagtiwalag sa serbisyo (retirement man ito o ibang pqraan ng pagtiwalag), ay patuloy na mag-aalab sa diwa at damdamin ko ang mga l3ksyong iyon natran sa kwento nyo, sir. salqmat nang marami.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Danny! Marami pa kaming nais magpakatino. Mahirap gawin pero nararapat. :-)

      Delete
  2. snappy salute to you sir! ur an inspiration to us .....

    HONOR CODE..we live by it..we die for it...

    YABERS 04

    ReplyDelete
  3. Yan ang tunay na alagad ng batas......Honesty is Still the Best Policy..."
    Regards nalang po kay Lakay Dragu Agustin..:)

    ReplyDelete
  4. Very well said Sir.... a true professional. A story thay would invigorate one's idealism.

    ReplyDelete
  5. I grew up in a military family and my papa was an senior officer in the PNP (retired as a police colonel) while my maternal grandfather was the comptroller of PC/INP. His brother in law is was the aide of President Marcos, Sr and a retired general of the army. Reading your blog gave me an idea how hard it is to serve and protect the country from insurgencies snappy salute to all of the uniformed men and women in the armed forces together with the police

    ReplyDelete