Sunday, March 02, 2014

Ang lunas ng aking sakit: Dr. Daniel Tan story




Kahit saan man tayo magtungo at kahit sino man ang ating makasalamuha, meron at meron tayong matutunang aral sa buhay.

I was visiting our favorite 'asthma consultant', Dr. Daniel Tan, when I realized that our meeting would evolve into something far from the usual doctor-patient engagement.

I decided to meet him because of my dry cough that has lasted about a month now. Kakainis naman talaga tumahol nang tumahol lalo na kung may ka-meeting ka o kaya ay nasa isang forum ka na maraming tao. Yikes! Excuse me!

Barking Musang

I first noticed my illness on January 29, 2014 when I was attending the awards  rites for ACES by Metrobank. Makati sa lalamunan kaya ang aking naisip ay Strepsils at 'salabat', ang laging turo ng matatanda sa probinsya. 

Noong Games of the Generals last February 2, nagsimula na akong tumahol. Yes, barking Musang. Try kong tiniis buong araw dahil sa tasking sa mga boss ngunit nang nadagdagan ng severe headache, bumisita ako sa Army General Hospital para mag-sick call. Nakita ang infections sa aking tonsil kaya binigyan ako ng antibiotics at pati na rin gamot sa sakit ng ulo. 

Another 2 weeks na naman, nawala na si tonsilitis but my coughing has remained. Nang pabiro akong nag-'consult' sa aking FB friends, napakarami ng kanilang suggestions.

Merong nagsabi na mag-take ng gamot na umepekto sa kanila. Merong nag-suggest na uminom ng mga herbal concoctions at marami pang iba. 

Meron ding nagsabi na mag-consult na lang sa doctor kagaya rin sa mungkahi ng aking misis. So, nag-consult uli ako sa military doctor sa Camp Aguinaldo Station Hospital. Nakapag-uwi ako ng gamot sa dry cough at samo't-saring tableta. 

Pagkatapos ng ilan pang linggo, ayaw umalis ang aking dry cough. Marami ang naging dahilan para mapaubo ako kagaya ng amoy ng pintura, malamig na hangin sa aircon at kapag bigla na lang kumati ang aking lalamunan. 

What is really my problem? Changing weather conditions? Lumalabas ang sakit na asthma na sakit ng iilan sa aking family members sa Bukidnon? Na-irritate ba ako sa gun powder? (Idea ng aking anak na gusto sya na lang mag-firing). Nah, di namin masagot kaya dapat magkonsulta na.

Sa sobrang tagal ng aking tinitiis na ubo, I remembered the familiar name: Dr Daniel Tan, Fellow and Diplomate in Pulmonary Diseases. 

I visited him yesterday (March 2). 

Fave Doctor

You might ask why Dr Tan is one of our favorite doctors. Actually, maraming magagaling na doktor di ba? Well, ang hanap namin ay hindi lamang magaling. We want someone who would like to listen. We want someone who really shows sincerity in solving our problem. 

Paano naman kasi, ang ibang mga magagaling na doktor sa mga kilalang private hospitals ay tipong nagmamadali. Konting silip lang, tanong ng 1-2 questions, may conclusion na sila. Feeling ko sa ganon ay 'mukhang pera'. Madaliin ka kasi gustong makaraming pasyente. Sa ganong klaseng doktor, more often than not, palpak ang assessment at ang i-resetang gamot ay mali. You end up suffering from your illness longer, spending another time seeing the doctor, and making dukot sa lumalalim na bulsa para magamot ang iyong karamdaman. Is that fair?

I am not his PR-man but I would like to 'market' Dr. Tan na isa ring professor sa UERM.

My wife first consulted him in the late 80s when she was hospitalized due to severe asthma attack. 

Since then, my wife would visit him every time there is a need for consultations. Ang asthma kasi ay maraming irritants na magsanhi ng severe coughing. As usual, the good doctor was very patient in discussing the problem and helping find solutions. In the end, naging Doctor friend na sya ng aking misis.

Simula naman ng kabataan ng aking anak na si Harvey, namana rin nya ang sakit na asthma mula sa kanyang ermats. Okay ang pamana no? In short, Dr Tan also became his consultant. Lagi ako absent kapag nagpapa-doktor sya.

Hindi naman kami tipong buwan-buwan na pumupunta para mag-konsulta. Dr. Tan dislikes a patient who is coming back often kasi indication yon na sya ang 'palpak' in one way or another. Actually, kung makinig ka lang sa kanya, baka once a year lang kung hanapin mo syang muli kung dadapuan ka ng sakit.

Doctor Friend

Nang pumasok na ako sa kanyang clinic pagkatapos na pumila ng halos dalawang oras, isang smiling doctor ang aming nakasalubong. 

"Ohhh, I seldom see you. You are always in the frontlines before!" 

Well, marunong ata ito sa Civil Military Operations (CMO) si Doc. Kung kausapin ka akala mo best friend kayo. 

"I heard that you were sent to study abroad recently. I am so proud of you. You are totally different!"

Kitams, kahit hindi naunang itinanong ang aking sakit, parang nawala na tuloy ang aking ubo. Kampante kasi akong makipagkwentuhan sa kanya. 

Minsan-minsan lang kasi ako nakakasama sa aking pamilya para magkonsulta sa kanya. Since 1998, siguro hindi lalampas ng 3 times. Syempre, noong andon ako ay tinatanong nya ano work ko at bakit lagi akong wala. Syempre, proud akong mag-share sa kanya about soldiery. Alam nya na nakipagbakbakan ako kay Abdurajak Janjalani noong 1998 at sa mga alipores nito noong 2000-2002. Napapanood nya sa TV ang mga aksyon sa Mindanao sa mga panahon na iyon.

Sa kwentuhan namin o kaya sa aking misis, nalaman nya ang sakripisyo ng isang sundalo at ng pamilya na naiiwan. 

"You are successful because of your wife who stayed behind. I must salute her too!"

Uy buti pa to si Doc, talagang matindi ang appreciation sa aming mga sundalo at sa mga kapamilya namin.  

"So, nasa Civil Relations Service ka na pala ngayon. Dati, panay combat missions ginagawa mo. Gyera ang mga exposures mo. Interesting na malaman bakit tila ay kabaligtaran ngayon ang ginagawa mo?"

Sa ganong mga talakayan, di ko pinapalampas ang pagkakataon na ipakilala ang AFP at syempre ang aking suporta sa ginagawa ng aking organisasyon para sa kapayapaan. Ito ang pagkakataon na maipaliwanag paano namin hinahanapan ng lunas ang sakit na 'internal armed conflict' sa ating bansa.

"Ganito kasi yon Doc. Dami nang namatay na mga kalaban ng gobyerno at pati mga sundalo. Hindi na rin mabilang ang sibilyang nadadamay lalo na yong na-displace sa mga bakbakan. Sa aking karanasan, hindi panay gyera ang solusyon. We must be able to help the government treat the real problem that causes some of our people to take up arms and fight."

Napansin ko na sincere at all ears si Doc sa aking paliwanag kaya dinagdagan ko pa ang aking salaysay.

"Ang isa sa ugat ng lahat ng pag-aarmas ng mga taga ARMM ay ang problema sa kabuhayan. Maraming kurakot sa mga local government officials na di man lang magawa ang magpatirik ng Municipal Hall. Dapat silang maturuan paano mamuhay ng mapayapa at mabigyan ng kaalaman paano mag-hanap buhay. Kung mapapakain nila ang kanilang pamilya at mapag-aral din ang kanilang mga anak, malamang hindi na sila makikipagbarilan. Dapat ding alamin ang kanilang relihiyon at ang tunay na kasaysayan ng Muslim Mindanao para magkaintindihan ang lahat."

"So, instead na ang sundalo ay panay barilan ang aatupagin, isusulong din namin ang mga programang pangkaunlaran at pangkapayapaan sa mga komunidad na aming napupuntahan. Sa totoo lang, sa liblib na lugar, ang AFP ay naging 'mukha' ng gobyerno, kaya dapat ang makikita ng taumbayan ay kakampi nila kami. Inaalam namin ano ang mga isyu nila sa komunidad at tinutulungan namin sila paano ito mahanapan ng solusyon. Dahil dyan, nakiki-partner kami sa mga ahensya ng pamahalaan at pati mga civil society organizations para matulungan ang mga nangangailangan sa larangan ng edukasyon, hanap-buhay at marami pang ibang mga programa. Paraan yan para maipakita namin kahit papaano ang good governance na hinahanap ng ating mga kababayan."

Napansin ko, grabe ang pakikinig ni Doc. Buti na lang din, hindi agad umandar ang aking pagtatahol. 

"Kaya nga pumunta ako sayo Doc kasi sa palagay ko ay ikaw ang maka-identify sa aking sakit at kung ano ang tamang gamot dito."

"Tama yang sinabi mo. Kung ano ang sakit ay lapatan ng tamang lunas," sabi nya. 

Tamang sakit, tamang lunas

Nang si Doc naman ang nag-usisa sa aking sakit, sinimulan nya ito sa Questions and Answer.

Doc: Meron ka bang asthmatic na mga kapamilya other than your wife and son?

Me:  Meron Doc, ang aking isang kapatid at ang aking pamangkin. 

Doc: Me plema ba ang ubo mo? Ano ang nagtrigger para ikaw ay umubo?

Me:   Wala Doc. Kaya nga masakit iubo. Nauubo ako kapag may malanghap ako na malamig na hangin ng aircon, pintura at kapag may alikabok. Kumakati ang lalamunan ko then ubo to the max na ako. 

Doc: Okay, bumuga ka dito at malaman ko kung me asthma ka nga. (Hawak nya ay isang breath diagnostic tool).

Pagkatapos kung bugahan galing sa dibdib na hangin ang kanyang gadget, makikita dito ang level na syang sukat kung may bara nga ba sa airways ko kagaya ng mga asthmatic persons. 

Doc: Luckily, hindi ka asthmatic kagaya ng suspetsa nyo. Inhale-exhale ka ng malalim at pakinggan ko sa Stethoscope. 

Nang inusisa nya ang aking breathing, wala ring naging problema. So, ang tanong, bakit nga ba ako inuubo?

"I really suspect that it is the so-called Transient Bronchial Hyperactiveness. It is caused by the denudation of the epithelial lining of airway," sabi ni Doc na nag-drawing pa ng sketch ng airway.

Nah, nganga ako don ah. Pati anak ko ay nakikiusyoso rin. Parang lecture ng nag-aaral ng medicine. 

"Ahhh, ganon ba Doc? Ano ang ibig sabihin nito?"

Matiyaga at malumanay pa rin si Doc. Parang professor ang kaharap ko at ginawang layman's term ang discussion.

"Ang tawag dyan ay Acute Viral URT. Sinisira nya ang tiny linings ng ating airways na tumutulong sa pagsala ng hangin na ating inihinga. Dahil nakakalbo ang airways, nai-expose ang nerve at kaya nagiging super-sensitive ito at kaya ka nauubo bilang indication."

"Walang gamot ang virus na yan. Kusang ginagamot ng katawan mo yan. Umaabot ito ng 1 month at ang iba ay 3 months. Minsan, di alam ng pasyente na gumaling na pala sa loob ng 1 month din bumalik after iilang araw kaya humaba ang coughing period."

Ahhhh. So, nakuha ko na kung bakit ako nauubo na wala namang plema. Syempre, gusto ko rin mahanapan ng lunas ang pangangati ng lalamunan na syang dahilan na nauubo ako. Actually, tumatahol na naman ako dahil sa lamig ng aircon sa clinic nya!

"I-try mo muna itong gamot na ito kung gumagana sayo," sabi ni Doc Tan, sabay pindot ng Meter Dosed Inhaler (MDI) na aking sininghot na parang naghihigop ng sabaw ng Ramen. 

Pagkatapos ng apat na puffs, ramdam ko ang lasa nitong konting mapakla. At, ramdam ko rin ang ginhawang dulot nito. Uy, ayos nawala ang kati ng lalamunan. 

"Ooops. Itong gamot na Iptapropium ay temporary relief lang ang dulot nyan. Ang purpose nito ay i-suppress and coughing. Every 4 hrs, 2-4 puffs ang kailangan mo. Antayin natin na mawalang kusa ang virus at bumalik din ang lining mo sa airway. Kung hindi talaga gagaling, saka ka bumalik sa akin."

So, ganon ang tirada ng magagaling na Doctor na kagaya nya. Sobrang bilib ako sa kanyang systematic way para i-analyze ang problema at paano hanapan ng solusyon. Hindi sya nagmamadali at tipong tumpak ang mga analysis.

" Thank you sa lahat Doc. Saludo ako sa tiyaga mo sa akin at sa expert advices mo."

"Actually, tuloy-tuloy ang pag-aaral ko sa iba't-ibang kaso. Nagpupuyat din ako kaya nga sumasakit din ang ulo ko. I love my work that is why I want to excel in it. This is my way to help people," sabi nya.

"Dapat lahat ng doctors, lalo na mga military doctors, ay mag-pursue ng excellence sa ginagawa nila kasi kayong mga sundalo ang pinagsisilbihan nila. They must not be considered as 'second rates', dahil pwede kaming lahat magiging excellent sa trabaho."

Tama nga naman sya di ba? Kahit sino ka, kahit ano ginagawa mo, dapat galingan mo. Naniniwala rin kasi ako na kahit ano ginagawa mo, nakatatak din pangalan mo doon sa trabaho. Dapat may tatak ng kagalingan lagi! Ewan ang iba gusto kamas-kamas lang. Bugas-bugas. Sila yon. Ako hindi. Parehas kami ni Doc Daniel Tan.

Ang aking ubo at ang gyera sa Mindanao

Now, allow me to compare my dry cough to the armed conflict in Mindanao (and even the one against the NPA). 

Kailangan ng magaling na doktor para malaman ano ang tunay na sakit. Si Dr Tan, ginagamit ang mga pinag-aralan at ang kanyang karanasan para matukoy ang iba't-ibang klaseng pulmonary diseases. Hindi sya humihinto sa pag-aaral. Gusto nya ay tamang lunas ang mailapat sa pasyente. 

Dami ko nang sinubukan na gamot. Dami ko nang kinunsulta. Wa epek Manoy!

Samantala, nang kinunsulta ko si Dr Tan, na-realize ko na marami rin palang klaseng ubo. Marami rin ang klaseng lunas dito. Dahil sa pabago-bago ang nature ng gyera nya sa sakit na ubo, tuloy-tuloy ang pag-aaral nya dito. 

Ngayon, sa internal armed conflicts sa ating bansa, marami rin ang dahilan nito. Hindi basta-basta bigay na lang ng lunas kung hindi ito maka-solve don sa pinakaugat ng sakit. 

Napakarami nang namatay. Marami na rin ang naging hero sa mga sundalo at marami ang sumikat ng mga opisyal na namuno sa mga campaigns laban sa mga kaaway ng pamahalaan. 

Dapat din sigurong bilangin ang dami ng bakwit (evacuees), number ng nagugutom dahil walang sapat na hanap-buhay, number ng hindi nakapag-aral, number ng nagkakasakit, at pati kung iilan ang napagkaitan ng hustisya. Dapat din sigurong tingnan kung ginagawa ba ng mga local chief executives ang trabaho nila? Sa dami ng nagpapabayang na mga Mayors doon sa ARMM (Pamilya lang nila ang umuunlad), i-multiply mo na rin 100 times ang mag-aarmas para maghanap-buhay bilang 'private armed groups' at maging kidnappers kagaya ng mga Abu Sayyaf. 

Naging corny na ba ako? Simpleng ubo lang naging armed conflict ang peg no? 

Well, basta gagawin natin ang lahat na makakaya na malunasan ang ganitong 'sakit' ng ating bayan. Alam namin na hindi panay bakbakan ang solusyon. Kagaya ni Dr Tan, dapat tamang lunas sa tamang sakit.

Sa palagay mo, tama ba ang analysis natin sa sakit na 'armed conflict'? Tama ba ang ating lunas ngayon?

Batid namin na ang 'sakit' na ito ay hindi  kayang tugunan ng AFP lamang. Kailangan dito ay tulungan. Dahil Pilipino ka, meron ka rin dapat pakialam.



16 comments:

  1. Thank you for this. This is the type of doctor I want to be. I love reading through your blog.

    ReplyDelete
  2. Welcome Ryan!

    You can consult Dr Daniel Tan at Lourdes Hospital in Shaw Boulevard. He is one of the best pulmonary disease doctor this country can offer.

    Thank you for appreciating my blog story. :-)

    ReplyDelete
  3. galing nyu sir i salute u.,buti nlang n search q itong blog nyu.my prob.din kc father q kgaya ng s inyu inuubo kya tnx tlga sir.........godbless poh

    ReplyDelete
  4. sabi nga ni carlos padilla sa commercial "di lng pang pamilaya pang sports pa" syo Sir "di lng pang gyera pang pangkalusugan pa"

    ReplyDelete
  5. Salamt po d2.. dahil d2 na kampante ako itu po ung narraanasan ko ngaun sobrang hirap po pag may naamoy ka na ndi gusto ng ilong mo grabe din ang tahol ko. But now i know kung bakit ganito ung nararamdaman ko thanks ulit..

    ReplyDelete
  6. Oh my you inspire me sir... i want to help my kababayan also i pray na gamitin din ako ni Lord to glorify Him and to help the philippines.

    ReplyDelete
  7. Dr.Daniel Tan is my doctor, no doubt he is one of the best Pulmonologist in the country. He helped me a lot in understanding Asthma and how to manage it.

    ReplyDelete
  8. I actually consulted Dr. Daniel Tan. He is really an encourager! I really felt down during that time I consulted because I had PTB.

    ReplyDelete
  9. I also visited Dr. Tan and you're totally right he's really nice. More on chikahan din kami at sobrang bait. Naging Professor din talaga siya sabi ng isang nurse na nakausap ko don. Maraming nababaitan sakanya :) Our Lourdes Hosp ko siya na meet.

    ReplyDelete
  10. My Pulmo Doctor since childhood.. I am 52 now and he is still good looking 😊

    ReplyDelete
  11. Just saw this now. He is my doctor also. Very warm and accommodating. I trusted him as he was the one who took care of me when I had an infection 14 years ago. I use to see him every year except this year because of pandemic. Very reliable and magaling na doctor! God bless him.

    ReplyDelete
  12. Dr. Tan is a very kind doctor, patient nya din po ako at napakalaking tulong ang naibigay nya sa akin, hindi nya ako pinapabayaan, sa isang tulad ko na may rare disease sa lungs, napakagaling nya at hindi ako nawawalan ng pag asa dahil alam ko may isang doctor na magaling n ng aalaga sa akin

    ReplyDelete
  13. He is the best doctor I have ever had. The kindest and most respectful ever. He gave me a combination of medicines according to my needs. Very personal and empathic doctor. So charming and intelligent. Thank you for he is a gift to us by God ❣️ May he live long for many will need his most personal healing touch with prayers.

    ReplyDelete
  14. He’s our most fave doc and the whole family loves him so much! Dr. Daniel Tan is truly a blessing. He’s spectacular!

    ReplyDelete
  15. Hi may i know if you know po yung viber number phone number or email address po ni doc tan? Im his patient too and his charming and calm doctor i just need to have his email address or phone number becasue nagka allergy ako hope you can help me po God bless you!

    ReplyDelete
  16. naging doktor ko rin si Dr. Daniel Tan, magaling, mabait.

    ReplyDelete