Thursday, February 27, 2014

Living by the honor code: My personal experiences (Part 1)




Throwback picture of the members of the Army Shooting Team that was taken sometime in September 2005. I was part of the team which participated in the prestigious Australian Army Skill at Arms Meeting in New South Wales, Australia. We were required to shoot in two separate events (pistol and rifle) in this particular competition. (MTU photo)


Sa dami ng tanong kung umiiral o pinaiiral pa ba namin ang Honor Code pagkatapos ng aming pre-entry training (Cadetship or Candidate Soldier Course), dapat kong mag-share ng mga halimbawa na ito ay hindi namin kinakalimutan. 

Ako ang proponent ng localized version ng Rifle Marksmanship Manual na ini-evaluate namin simula noong 2005 sa  Marksmanship Training Unit, na kung saan ay pinagtulungan namin ang pag-establish ng maka-Pilipinong Actions, Conditions and Standards sa Record Firing nito. 

Ang record firing sa M16A1 Rifle ay binubuo ng 50 rounds at sa layong 50m, 100m, 150m, 200m at 250m. Ito ay merong time pressure at iba-iba ang time limits at number of rounds. 

Isa ako noon sa naging batikang miyembro ng shooting team. 'Peanuts' lang sa akin ang bumaril ng man-size targets sa standing, kneeling at prone. 

Bilang Head ng Marksmanship Department, ako ang nangunguna sa pagpapatupad sa mga standards at pati sa procedures ng Record Firing na inaprubahan ng aming Commanding Officer na si Major Leo Guinid. 

Ako rin ang nag-design ng score sheet nito na dapat ay pinipirmahan ng shooter at ng Range NCO bilang patunay na totoo ang mga nakasulat ditong mga scores.

Hindi ko alam na isang araw, masusukat ang katapatan ng aking mga tauhan sa pagpapatupad sa regulasyon tungkol sa scoring procedures.

Honesty ng Marksmanship Trainers

Kahit noon pa man, mahigpit kong ipinasusunod ang honesty sa aming record firing at maging sa scoring ng aming targets kapag mag-ensayo kami para sa nalalapit na kompetisyon sa ibang bansa.

Naalala ko kasi na noong 1995 nang ako ay isinama sa training ng Army Shooting Team, naririning ko na merong akusasyon ng pandaraya diumano sa score. Sila-silang mga datihang mga shooters ay hindi nagtitiwalaan sa kanilang mga scores kaya nagbabantayan lagi kapag mag-tingin sa target para bilangin ang tama. Minsan, unhealthy na ang ganitong kalakaran.

Dahil dito,  pinapaalala ko sa bawat isa na mga kasama ko na shooters at trainers ang kahalagahan ng honesty. 

Kapag mapatunayang mandaraya at tanggal sa team at haharap pa ng kaso, on top sa kahihiyan na makikilalang mandaraya. 

Sa Record Firing naman, pinapaalala ko na ang kahalagahan ng pirma. Kung pumirma sila sa score sheet, ang ibig sabihin nito ay pinapatunayan nila ang katotohanan ng kanilang dokumento. 

Karagdagan doon, ini-remind ko na kung dinadaya din lang ang score ng aming mga estudyante o mga kasamahan, we are defeating the purpose. Kapag ginawa rin namin yon, dinadaya din namin ang aming sarili. Ni-remind ko sila na nagpapainit na nga lang kami ng buong araw, ayusin na namin ang pagpapatupad nito. 

Ang ibig sabihin noon, walang pabor-pabor, walang kai-kaibigan, at walang pasang-awa sa scoring. Kung ano nakita sa target, iyon ang score!

Para sa aming mga shooters, nais namin na kami ay makakakuha ng Expert Qualification na ang raw score ay 50 pts o 50 bullet holes o tama sa target out of 50 rounds fired. 

Kahit ang raw score ng 'Expert' ay 44pts-50pts, lahat kami ay nag-aasam na makakuha ng perfect score! As much as possible, ayaw namin ng mintis. 



Dahil nga sa panay kami mga marksmanship instructors at mga miyembro ng shooting team na nakikipagtunggali sa abroad, kaming lahat ay nagpapagandahan ng 'shot group' sa target. 

In short, ang simpleng Rifle Marksmanship Record Fire ay naging highly-competitive para sa amin dahil sa minimithing 'karangalan' na makakuha ng perfect score!

Sa aming kantyawan, ang shooter na merong AWOL (literally means Absent without Official Leave) o mintis sa target (kahit isa lang) ay mataguriang 'Bolo Man'! 

Well, actually ang tunay na Boloman o unqualified sa Record Firing ay yong hindi umaabot ng 33 hits ang minimum na tama sa target. 

Minsan naman kasi, di rin matiis ang kantyaw para sa mga nataguriang 'Boloman' na either nerbyoso o talagang malabo ang mata.

"Panay molecules lang kaya mong barilin. Hindi ka pwedeng gumamit ng M16 Rifle sa bakbakan at sasayangin mo lang din ang bala. Itak ang iyong dalhin!"

Ay naku po! Kakahiya at kakatakot maging Boloman!

Makikita sa larawan ang Boloman na binigyan ng itak bilang tanda sa kanyang kapalpakan sa Marksmanship kahit pa man sa mga remedial training at sa extra ammunitions na ibinibigay sa kanya. (MTU photo)

I can still clearly recall an event in 2006 when I took the Rifle Marksmanship Qualification Record Firing to re-qualify and be granted the prestige to wear the prestigious Marksmanship Badge. 

Pawang mga kasamahang shooters at marksmanship trainers ang nagbabantay sa amin. Sila na rin ang aming mga scorers.

Sa mga panahong kami-kami na lang, doon nagkakasubukan sino ang merong integridad sa sinasabi at ginagawa.

One hole or 'AWOL'?

Nang ako ay sumalang sa firing line, ang aking Range Officer/Scorer ay ang aking kapwa Ranger at Sniper na si Cpl Steven "Kru" Dela Cruz.  

Maliwanag ang araw at katamtaman lang ang ihip ng hangin at ito ay estimated ko na nasa 5km per hour. Bilang shooter, computed ko na ang hold-off (compensation ng sight picture) o kaya ng 'clicking' (sight adjustments), alinsunod sa wind velocity na nakita. 

Perfect ang aming mga scores hanggang 200 meters (38hits/38rounds). Nagdadasal-dasal na kami nang sumalang na kami sa 250 metro. 

"Hoy hangin, wag kang umihip!"

Ang kakainis pa, merong nang-iinis na sumisipol-sipol sa likuran na tila nagtatawag ng hangin. Ewan kung totoo yong sabi-sabi na pantawag nga raw ito ng hangin. 

Inirapan ko ng tingin ang sutil na si Msg Dragu Agustin na syang 'nagtatawag' ng hangin.

"Pssst! Lakay Dragu, walang ganyanan!"




Sa 250 meters na layo, prone unsupported (dapa) ang required shooting position at may time limits ito. 


Napaka-swabe ng aking shot delivery at kitang-kita ko ang tip ng aking front sight na bumabalik sa aking natural point of aim (NPA) pagkatapos ng recoil. Kampante ako sa aking follow through. 


Ehemplo ng tinatawag na 'shot group' (tabi-tabing tama ng bala) na makikita sa target. Kuha ang larawan sa tunggalian ng pagtudla sa Australian Army Skill at Arms Meeting na aking sinalihan noong October 2005. (Marksmanship Training Unit photo)


Dahil sobra rin akong excited na makuha ang 'bragging rights' bilang perfect scorer, naka-double time kaming nagtungo sa aming target.


Nang marating namin ang target, ang ganda ng aking shot group. Nagtinginan tuloy silang aking mga kasama nang makita ang halos 5-6 inches spread nito sa gitna mismo ng Ring 5 at "V" (Bullseye).

Kahit si TSg Willy Carrera na kasama kong pumutok ay bumilib sa aking tama at syang napamangha.

"Iyan ang perfect!"

Ngunit ang aking scorer na si Cpl Dela Cruz ay may kakaibang nakita.

"Uy sir, nagka-AWOL ka rin!" Nakangisi sya. 

"Sir, kulang ng isa at 11 hits ka lang dito eh!"


Sobra akong bilib sa sarili at wala akong 'shot call' na mintis. Tinawag ko ang ibang mga kasamahang nagyayabang kasi sila ay naka-perfect! Ngising demonyo sila. Kasi, sa aming usapan, 'karangalan' ang nakataya.

"Gentlemen, patingnan ko nga sa inyo. AWOL daw ako oh. Ganda kaya ng shot group ko. Baka nag-one hole!"

Hati-hati ang kanilang opinion sa kanilang nakita. 

"Sir, one hole naman talaga yang isa oh. Mas malaki sa normal ang butas," sabi ni SSg Oropesa.

"Mukhang hindi ito one hole sir. Kaya lumaki kasi nasira ang target board sa likuran ng papel," sabi naman ni SSg Manuntag. "Sir, gusto mo pakuha tayo ng shot gauge?" 

Ang shot gauge ay ang gadget na ginagamit para mausisang mabuti kung may nag-one hole nga na tama sa target.

"Kay Cpl dela Cruz ang final answer," sabi ko. "Ayaw ko nang pagpaguran nyo pa yan!"

"Sir, sa paningin ko, talagang mintis ka kaya 49 pts ka lang," final judgment ng aking ka-Musang na si Steven.

Pinirmahan naming dalawa ang aking score sheet. Pangisi-ngisi ang aking mga tauhan na aking mga kalaban sa 'payabangan'. 

"Magmulta si Boloman. Mura lang pancit sa Verdiz!"

In short and simple language, hindi ako naka-perfect. Para tumahimik silang lahat, pinalamon ko ng masarap na pancit. 

Expert pa rin ang aking marksmanship qualification bagkus napasama ako sa kantyawan na 'Boloman'.  

Bilang officer, hindi ako nang-pressure gamit ang aking ranggo at posisyon para ipagpilitan ang aking paniniwala na 'one hole' ang aking tama. 

Bumilib ako sa aking subordinate kasi hindi sya pasipsip na minsan ay dahilan ng insidente ng dishonesty sa tungkuling ginagampanan. 

Ang aking 49/50 na iskor ay nakatatak sa orders ng marksmanship qualification na hanggang ngayon ay nakalagak sa aking taguan.

Kung mapanatiling professional ang mga officers at NCOs, ang Honor Code ay aming mapaninindigan.

Sunday, February 23, 2014

The Cadet Honor Code: My personal thoughts


Photo taken by a civilian spectator shows new recruits as they are about to be received by the senior cadets during the so-called Reception Day that traditionally falls on April Fools Day (April 1). The indoctrination of the plebes on the Honor System informally starts on this day during which they are reminded that, "We, the cadets do not lie, cheat, steal, nor tolerate among us those who do.". (Photo by Simon/ https://picasaweb.google.com/depoarch)



Due to a 'dramatically' presented grievance that was posted by a Facebook user named Avee Cudia, an Honor Code violation became a banner story in the social media. 

The complaint was about the 'injustice' given to her brother whom she said is the Number 2 graduating cadet of the PMA Class 2014. 

The story was heart rending. Parang nanonood ako ng Korean novela. He was described as matulungin sa kapwa. Mahirap lang sila. Pinag-initan lang sya. 

Then the hordes of FB commenters came in. Dumadami ang mga experts sa legalities. Dumadami ang naaawa. Kasi naman, nagsusumikap na maging Number 2 at na-late lamang ng 2 minutes sa klase, pinatanggal na. Teka, paano na-compute na Nr 2 nga?

Days later, 'angry taxpayers' demanded that the erring cadet be exonerated. Kasalanan daw ni Professor. Dinaya raw ang voting process kasi mayroon daw nag "Not Guilty" vote, a sign of acquittal. 

Many more people joined the fray and started questioning the Honor System. Some of them started condemning the PMA and its graduates, claiming that the PMAers later emerged as corrupt and plunderers. Di rin naman daw sinusunod pag nagiging officer na, kaya patawarin na lang ang "Number 2" cadet. 

Honor Code vs Conduct

Una kong narinig ang Honor Code noong gabi ng April 1, 1990. Bukambibig agad ito ng aking Squad Leader.

"Plebos, dito sa Academy, marami tayong mga regulasyon. Ang tandaan nyo lang, wag na wag i-violate ang Honor Code dahil di kayo sasantuhin. Wag mag-Lie, mag-Cheat, mag-Steal at mag-Tolerate ng kahit sinong kapwa mo na kadete na nagkasala nito."

Bisaya man ako, napakalinaw sa akin yong sinabi nya. Parehas lang din sa pangangaral ng tatay ko na isang magsasaka, na syang nagturo sa akin paano magtabas ng maisan, mag-araro at mag-benta ng saging at malunggay para sa aking allowance. May drama din ano? Pero yon talaga ang totoo. "All right" yan!

Pero hindi pala ganon ka-simple ang Honor Code. Halos gabi-gabi ay pinapa-recite sa amin ang konsepto nito. Nagbibigay sila ng mga examples ng violations. Bottomline, bawal ang magpalusot. Wag matakot na tanggapin ang consequences ng kasalanan. 

Napakahirap naman kasi ang consequences kapag mahatulan ng guilty verdict sa Honor Committee. Una, papiliin kang mag-resign at magiging honorable person dahil tinanggap mo na yong kasalanan. Kung ayaw mo namang mag-resign, i-ostracize ka. Mahirap ang ma-ostracized ng kapwa kadete. You will be considered na walang kwenta. Walang babati sayo. Walang tatabi sayo. Daig mo pa ang may leprosy. In short, wala kang dangal because you violated the Honor Code and insists on rejoining the ranks of those who opted to follow it by heart.


Sa kabilang dako, pag-usapan naman natin iyong isang batas na sinusundan namin sa loob ng Academy na kung tatawagin ay 'Conduct'. Dito nakapaloob ang mga pamantayan ng aming behavior bilang kadete na nakasulat sa isang libro na kung tawagin ay Cadet Corps Armed Forces of the Philippines Regulations (CCAFPR). 

Ang halimbawa sa mga napakahabang listahan ng mga regulasyon na nakasulat sa CCAFPR ay ang mga sumusunod:

1. Dapat mag-shave bawat formation;
2. Dapat mamalantsa ng uniporme;
3. Dapat mag-martsa at naka-formation kung magpunta ng Duty as a group;
4. Dapat magdala ng plantsado, nakatupi na puting panyo sa lahat na panahon;
5. Dapat tumayo ng matikas (nakabrace up at matuwid) sa formation;
6. Bawal makipag-usap sa formation;
7. Bawal ma-late sa formations at mga duties;
8. Bawal ang mag-maltreat ng mga subordinates;
9. Bawal ang maruming kwarto at lahat ng kagamitan sa loob;
10. Bawal manigarilyo na naka-uniporme outside barracks at kapag nasa publiko. 

Naku, I won't enumerate them all mga kapatid. I remembered these conduct regulations because I violated some of them. I sometimes forget to shave. I therefore got demerits which in turn, lowered my grades. 

In some occasions, naparusahan din ako ng 'mase-mase' (physical exercises) o kaya ng touring punishment. Ang touring sa militar ay hindi yong tipong ini-enjoy ang magandang tanawin sa Boracay o ang mga lumang building sa loob ng Fort Santiago. 

Ang 'touring' sa amin ay yong tipong may bitbit kang riple, naka-full uniform at may combat pack pa! Teka, it was like going on combat patrol! Yeah, sa PMA pa lang nakarami na ako ng patrol. 

Kasi naman, kapag nahuli akong mag-violate ng violations sa conduct, umaamin ako sa aking kasalanan. Di ako nagpapalusot na tila ay style bulok na reasoning sa pagpaliwanag sa Delinquency Report explanation. Now, you wonder kung bakit ako nag-Scout Ranger?

Na-survive ko yong lahat ng punishments pati yong pampabaha ng pawis na mase-mase (mess to mess o sabihin nating daan-daang ulit na squat thrust) kasi tinanggap ko ang consequences sa aking violations sa Conduct. 

I can vividly remember the time when I was reported by the Cadet Guard on Duty during my firstclass year (4th Year). 

Ganito nakasulat doon sa aking report:

"Using the telephone for more than 5 minutes". 

Eh, kasi naman yong girl friend ko, nagdrama sa akin. Nilalambing ako. 

Ang hirap na ngang kumontak sa military lines, 5 minutes lang ang limit. Nakita ko na parang bumibilis ang ikot nong wall clock at papalapit na sa 4 minutes. 

Then, tinakot ba naman ako ng aking GF. 

"Wag mo muna ako babaan. Di na kita kakausapin!" 

Patay kang bata ka. Baka nga naman magtampo at ayaw na akong kausapin. Baka hiwalayan na ako. So, in short, napasobra ako sa time limits ayon sa CCAFP Regulations. Magka-demerit ako. 

Pero, inamin ko ang aking kasalanan. Walang palusot. Nag-tsek ako sa mga checklist doon sa DR (Delinquency Report).

"I did commit the offense". Check! 

"I did intend to violate regulations." Check! 

Pero meron din akong style sa pagpaliwanag sa bahagi ng Explanation. Halos ganito ang linyada ko:

"Sir, I committed the said offense. My girl friend wanted to talk to me longer. I felt as if I was in heaven due to my happiness that I failed to check the time limit for phone calls!"

Napa-smile man ang aking Tac-O sa aking kasutilan, binigyan ako ng demerits. 

Oooops! Nagpa-'style' ako sa explanation pero di ako nagpalusot para makaiwas sa kaparusahan! Magkaiba yon ha.


Ang "Palusot"


Ang 'palusot' ay yong tipong baluktutin ang katotohanan. Halimbawa, kung tinanong ka sa surprise inspection during mess formation ng ganito: "Do you have a handkerchief?", ang sagot ay dapat direct answer na ganire: "Yes sir!" (kung meron) at, "No sir!" kung wala kang dala. 

Ano naman ang ehemplo ng palusot o quibbling? Iyong tipong sasabihing: "Yes sir!", at later nang madiskubreng wala pala, ang sasabihin ay: "Actually, I have a handkerchief but it is inside my locker sir!" 

In that particular case, you will be reported for an honor violation (lying) instead of a simple infraction to the CCAFP Regulations (no handkerchief during inspection).

Alam ko di mo basta ma-gets bakit ka lying doon sa scenario. Ano ang answer? Common sense lang. Saan ka naman nakakakita ng ranks inspection tapos yong ipapa-inspect mong handkerchief as part of the regulation ay itinago mo pala sa locker!

Bakit ba naman kasi merong nagpapalusot? Marami ang possibilities na rason. One, that cadet might be afraid of any punishment. Pwede syang parusahan ng push-up o squat thrusts na actually ay pampalakas din naman. Second, maaari na ayaw nya ng demerits na makakaapekto sa kanyang grades. Kasama kasi ang grade sa 'Conduct' sa overall grade na sya namang basehan sa cadet ranking during graduation. Reminder yan sa mga sobrang grade conscious!

Grabe ang pag-exhaust nina Cudia para malusutan niya ang kanyang kinaharap na Honor System. 

Nagkaroon ng certification ng propesor at 'mysteriously' nai-release ito ng isang matalinghagang nilalang sa isang blogger. Ayon sa isang writer (http://totocausing.blogspot.ae/2014/02/professor-certified-cudia-was-right-in.html) , ito ang nilalaman ng naturang certification:

In the certification signed by Professor Costales, it states:

"I agree and consider that because Cadet CUDIA is under my instruction to wait, and the other cadets still have business with me, it is reasonable enough for him to say that "Our class was dismissed a bit late" (dealing with matter of seconds or a minute particularly 45 seconds to 1 minute and 30 seconds)
"And with concern to OR432 class, I can say it ended on time (1500H)." 

Kung ginamit itong ebidensya sa kanyang paglilitis sa Honor Committee, ang tanong, paano naman ito na-release sa labas ng PMA? Aba, bawal yan ilabas Cadet!

Ang proceedings kasi sa Honor Code case ay binabantayan at privileged information lamang ito. Hindi ito basta-basta ma-access. Kaya nga madaling araw ang proceedings dahil ayaw namin na mapahiya ang mga naaakusahan. 

Therefore, someone is liable to a grave offense here. Pagtataksil ito. Kung mahuli ang sino mang iyan, maliwanag na mabigat ang kaparusahan. 

As expected, merong assessment ang writer at ang mga mambabasa na dahil sinabi ni Professor Costales ang statement  na "Our class was dismissed a bit late" (dealing with a matter of seconds or a minute particularly 45 seconds to 1 minute and 30 seconds), bilang patunay daw na hindi nagsisinungaling si Cadet Cudia. The scenario about Cadet Boloy et. al. that I will present below will show you if the good Professor's certification is acceptable to the Tactics Group (and to us who understand the CCAFP Regulations).

I will not judge whether he is indeed lying by using palusot or not, at kung ma-abswelto ba sya dahil sa Certification ni Professor. Bahala na ang Honor Committee doon at yong naatasan na mag-reinvestigate.

Sure ako na hindi magugustuhan ng mga kaibigan ni Cudia ang aking paningin (at nang maraming PMAers na nakakaintindi sa word na quibbling) sa kaso. 

However, his friends and sympathizers have freely divulged information that are beneficial to them. Pati mga 'privileged information' na para lang sa Honor Committee at piling PMA officials, isinawalat na nila para makakuha ng simpatiya!

Ngayon, dahil isinawalat ng mga kaanak at kaibigan ang kaso, sila lang ang naririnig na side. Ang statement daw ni Professor Costales ay sapat nang ebidensya.

Maliban doon, kawawa daw sya. Dapat raw patawarin kasi hindi perfect ang Honor System. Kurakot naman daw mga PMAers kaya wag na lang i-discharge si Number 2 cadet. Take note, sila ang nagkalat sa social media tungkol sa kaso na ito.

Ngayon, paano naman kaming nadadamay sa mga mga paratang at pag-alipusta ng mga 'morally upright' na mga kababayan natin sa Social Media? 

So far, patak-patak lang ang mga impormasyon na ibinabahagi sa publiko. Kasi naman, internal problem lang sana yon. Hindi dapat hinihiya ang kadete na guilty sa Honor Code violation.

"Magpaliwanag kayong mabuti. Marami naman talagang ungas sa Pabaon Military Academy," hamon ng isang FB commenter.

Paano na lang yan? Masakit sa kalooban naming nagpakahirap na maging matino. Mas marami kami kaysa mga tiwali. 

Masakit din sa aming kalooban na pati ang PMA ay sisisihin sa nangyari. Di ko ma-gets bakit naging kasalanan ng PMA as an institution. 

Para sa akin, the cadet marcher did a splendid job. He was honest enough to report the unauthorized absence of his mistahs

Pagsasalarawan ng "grand palusot"

Marami pa rin hanggang sa ngayon ang nalalabuan sa circumstances ng kaso ni Cudia.

Well, ganito na lang mga kaibigan. Kwentuhan ko kayo ng halos kaparehas na mga circumstances sa tunay na pangyayari. Sa interesado na i-verify ang mga documents sa kanyang kaso, gamitin nyo na lang ang legal procedures paano makakuha ng kopya.

Ang isalarawan ko sa inyo sa ibaba ay ang halimbawa ng palusot na kasinungalingan. Ang mga aktor sa aking kwento ay ang mga kadeteng sina Dugomon, Kulapu at Boloy.

Sina Cadet Dugumon, Cadet Kulapu at Cadet Boloy ay miyembro ng Class Section Alpha. Ang klase nila ay 1-1:45 pm. Ayos naman ang classroom instructions, hindi magulo. Walang problema. Magaling ang instructor.

Photo shows an actual classroom instruction in the PMA. The teacher is obliged to dismiss the class when the buzzer is sounded. (Photo obtained from Shirley Carandang)

Pagsapit ng eksaktong 1:45pm, tumunog yong centrally-controlled buzzer na syang hudyat sa Class Marcher na ipa-dismiss ang klase. 

"Class Ten-shun!"

Ang sigaw na iyon ang hudyat para tatayo ang lahat ng nasa class room, at sasaludo ang Marcher sa propesor. (Noong aming panahon, pati sibilyan na instructors ay sinasaluduhan)

"Sir, permission for the class to be dismissed sir!"

Normally, saluduhan din sya then magsabi: "You are dismissed!"

So, na-dismiss na ang klase on time. Kailangan nilang lisanin ang classroom kasi maaaring merong gagamit nito na ibang subject at ibang grupo, at kailangan nilang makarating on time sa next class nila!

Paglabas sa classroom, ang Section A ay mag-martsa papunta sa kabilang classroom (maaaring sa parehas na building) para mag-attend sa isa pang classroom instruction. 

Humiwalay si Cadet Kulapu, Cadet Dugomon at Cadet Boloy at lumapit sa Propesor.

"Sir, gusto naming makita ang aming grades."

Hindi naman bawal tumingin ng grades sa isang subject kung ito ay tapos nang na-compute ngunit hindi pa na-publish sa bulletin board. Pero, bakit kasi di sila makaantay? Bakit kailangan nilang humiwalay sa formation? Grade-conscious?

Ang sabi ni Propesor: "Kung gusto nyo, doon nyo tingnan sa aking opisina."

So, pumunta sina Kulapu, Dugomon at Boloy para tingnan ang kanilang nakuhang grades. 

Samantala, ang ka-Section nila ay nakarating sa labas ng classroom on time at pinapasok sila ng kanilang Professor para sa routine accounting at reporting.

Hinanap ng Class Marcher na si Cadet Matatag ang tatlong mistahs nya. Wala doon sina Kulapu, Dugomon at si Boloy.

Honor bound syang i-report ang katotohanan ayon sa nakita.

"Sir, Philosophy 432 class, 12 present, 3 absent, unaccounted for sir!"

Ang tawag doon ay honest reporting. Dapat i-report ng marcher kung ilan silang nasa klase, at ilan ang absent na unauthorized. 

Kung authorized absence, ganito ang sinasabi: 

"Sir, Philosophy 432 class, 12 present, 3 hospitalized, accounted for sir!"

Syempre, kapag na-hospital ang kadete na absent, authorized yon at hindi sya pwedeng ma-demerit o maparusahan. 

Ang problema, nasa kabilang kwarto lang at tumingin-tingin ng grade! Dahil personal reasons ang dahilan kung bakit sila pumunta sa Professor, hindi yon authorized absence sa paningin ng mga Tactical Officers at maging sa mga mistahs nila na sumunod sa regulasyon. 

Dahil alam nila na may next class pa sila, dapat sumama sila sa formation at dapat accounted sila doon sa next class kasi duty namin ang mag-attend ng klase on time! Klaro na ba?

Ang Delinquency Report

In short, nagkaroon ng Delinquency Report sina Dugomon, Kulapu at Boloy dahil obligasyon naman ito ng designated Class Marcher na si Cadet Matatag. Good job!

After 24 hours, natanggap ng tatlong late na mga kadete ang kanilang Delinquency Report (DR). Ito ay nilalagay normally sa Absence Card sa mismong pintuan ng offender. 

Sa harap ng DR ay mababasa ang 'Offense' na halos ganito ang pagkasulat:

"Late from Philo 432 Class for two minutes o/a 15 1402H Jan 2014".


As part of the procedure, sila ay magpaliwanag at ito ay isulat nila sa likod ng DR.

Dapat isulat nila ang katotohanan at hindi magpasikot-sikot at magpapalusot. 

Sa explanation ni Cadet Dugomon:

I did commit this offense. I did not intend to violate the regulations. 

"Sir, I tried to verify our grades at the office of our instructor that is why we were late."

Sa panig naman ni Cadet Kulapu:

I did commit this offense. I did not intend to violate the regulations. 

"Sir, I went to the office of my professor to check my grades. I was not able to come to class on time sir".

Sa panig ni Cadet Boloy:

I did commit this offense. I did not intend to violate the regulations. 

"Sir, I was dismissed  late by my instructor. He required us to stay so we came late for the next class."

Ngayon, ano ang quick analysis mo doon? Yong si Kulapu at Dugomon ay matapang na hinarap ang kasalanan. Inamin nila ang totoo. 

Meanwhile, kakaiba si Cadet Boloy. Ayaw nyang aminin ang totoo. Ginawang sangkalan si Professor.  

Sa panig ng Tactics Group na syang nangangasiwa sa mga Delinquency Reports, hindi rason na 'inutusan ang kadete ng instructor na mag-antay' at naging dahilan na maging late. Kasi naman, alam namin na kami ang responsable sa aming aksyon. Kung mali ang inutos ng kahit sino man at ito ay aming ikapahamak, pwede naming suwayin ang utos kasi illegal yon. 

Dahil sa mga circumstances na nabanggit, nabigyan sila ng kaparusahan na 11 demerits at 13 punishment tours. Naku, malaki din yon. Maapektuhan talaga ang grades nang malaki! 

So, ano ginawa ni Cadet Boloy? Sya ay sumulat at nag-appeal. 

Ganito sabi nya: "Sir, it was not my fault to be late. Our Professor dimissed us at 1400H (2:00pm) which was also the time for the next class."

Now, sa Honor Code, merong dalawang katanungan:

"Do you intend to deceive?" at "Do you intend to take undue advantage?"

Kung panay "No" ang maisagot mo dito truthfully, you are doing an honorable thing. 

Dahil sa kanyang pagpupumilit na ma-revoke ang kanyang demerits, nagpaimbestiga na tuloy dahil bakit kakaiba ang kanyang line of reasoning. 

Ikinumpara ang kanyang rason sa dalawa nyang honorable na mistahs na sina Dugumon at Kulapu. In short, nakakita ng probable cause na sya ay posibleng nagsisinungaling. Iyon ang naging bunsod sa pagpatawag ng Honor Committee hearing.

Husgahan mo

Ngayon, ayaw kong husgahan kung si Cadet Boloy ay guilty sa salang pagsisinungaling (Lying) na isang kasalanan sa Honor Code ng mga kadete. 

Kayo daw ang humusga gamit ang mga guide questions at data:

1. Totoo bang na-dismiss silang late? Ang official time of dismissal ay yong sabi ng instructor na "Class, dismissed!". Maliban pa dyan, yong 12 nilang mistahs sa Section ay hindi naman na-late sa next class. Si Kulapu at Dugomon ay umamin na late nga sila dahil sa kanilang pagpunta sa Professor para tingnan ang grades. May authority ba ang instructor na harangin o pag-antayin ang kanyang estudyante pagkatapos ng Class dismissal, samantalang alam nyang meron itong next duty?

2. Nagsinungaling ba talaga si Cadet Boloy o hindi?

Iba-iba ang ating family background at 'mundong' ginagalawan. Nakakaapekto ito sa ating paningin. 

Sa Honor Committee, absolute kasi ang katotohanan. Walang 'half truths' at 'white lies'. 

Sa mga nagkadete at in-iinternalize ito, maliwanag pa sa sikat ng araw ang ibig sabihin ng Lying.

Ang mahigpit kasi na pagpapatupad ng Honor Code ay magpapatibay sa pundasyon ng aming pagsasapuso nito once na kami ay sumabak sa real world na napakarami ang mga pagsubok bilang commissioned officer ng AFP.

Para sa akin, ito lang ang aking masasabi: "Gotcha!"


Note: Ang portion ng aking article tungkol kina Cadets Boloy, Dugomon at Kulapu ay based on a true story lang at maaaring mayrong kulang na mga impormasyon. Wala itong personalan. Bato-bato sa langit, ang matamaan, wag magagalit.

Monday, February 17, 2014

Excellence has become my way of life: Why?

Just about a month ago, I received the Award for Continuing Excellence and Service (ACES) from Metrobank Foundation Inc. It was among the awards of recognition that I got for continuously pursuing excellence in my endeavors in the military service. (Photo by Cpl Marlon San Esteban)


I always consider every job given to me as my very own 'obra maestra'. I always ensure it has a mark of excellence in the same manner a craftsman exerts all his efforts in creating a masterpiece. 

My personal story about pursuing excellence dates back to the time when I was a weak plebe who was forced to face an opponent in a boxing match. 

Despite being untrained (and unprepared), I was plunged into the fight simply because I was the only one who weighed 110 lbs like my opponent. 

To boost my confidence, my coach told me that my opponent was weak. I can still remember his words:

"Actually, he is not a good boxer. It is your chance to box a senior cadet!"

Then, what do you expect? Beaten black and blue, I ended up confined at the PMA Station Hospital. 

My 'tormentor' tried to please me by 'recognizing' me with a traditional handshake. It did not erase the bruises that I got from his strong punches.

Then, a few weeks later, I was surprised to see the name of my opponent in a list of sports achievers that was posted inside Jurado Hall. He was Class 1991's Strongest Cadet!

That incident motivated me to rise from the challenge and become a better person in any way I can.

"I will train to become strong and more skillful next time. Kapag lumakas at gumaling ako, makakabawi din ako sa boxing ring."

A couple of gym years later, I became stronger and more confident.  
I learned judo, wrestling and excelled in them. In 1992, a world champion lifter, Major Tony Taguibao, introduced me to Power Lifting. Since then, I got 'addicted' to the sport. As a result, I lorded some events in our Physical Fitness Test like the pull-ups and push-ups, making me one of the strongest cadets during that time. 

I was the only cadet who broke a Philippine record in Powerlifting in September 1993, and established the first PMA records in all 3 of its events (bench press, squat and dead lift). As a 60-kg athlete, I tallied a total lift that was over six times my body weight. Nobody in my weight class in PMA can beat me in lifting events. 

But, I never loved boxing as a sport. I therefore failed to get even and fulfill my promise to maul someone inside the ring. But deep inside me, I knew that I had achieved what I wanted when I was a plebe.

Culture change

I can vividly remember that we were First Class cadets (graduating class) when I and my mistahs (classmates) tried our best to change the culture of Hawk Company where we belonged.

Former members of this cadet corps unit can attest to the fact that this company used to be known for being the 'best' in terms of the number of resigning or AWOL plebes. Our company was famous for being 'magan' (hard-headed, strict). I was once a magan too.

When I was a plebe, I always had a hard time passing my technical subjects (Algebra, Engineering Drawing) because I didn't have a solid foundation in them. Because I didn't have the chance to spend more time studying due to the traditional 'compliances', I had 'back subjects'.

When it was our turn to be the ruling class in 1993, we gradually introduced a culture of excellence. We closely supervised the cleanliness of barracks, marching drill practices and excellence in sports. 

We told our juniors (PMA Classes 95-97) to strive for excellence in all their endeavors. As a consequence, we started winning  some of the weekly 'best-best' in drills and inspections. We showed them the way, and in fact, even First Class cadets (4th year) were deeply involved in accomplishing our various activities. Sadly, we failed to get the much coveted trophies such as the Superintendent's Cup, Jurado Cup and the like. We simply planted the seeds that would be reaped by our juniors in the later years when it was their time to lead.  

 As a Company Athletic Officer, I received the award of recognition for excellence in sports in behalf of the Hawk Company prior to our graduation in March 1994. (PMA Photo)

In 1993, I lifted 167.5kgs in Dead Lift event of the Powerlifting Championships that was held in PMA by the Powerlifting Association of the Philippines. I broke the existing Philippine Record in the 60kg weight class during that time. It was my own way to show that I fulfilled my ambition to become the strongest cadet of the PMA. (The Sword photo)

Dare to fail

During my fourth year in the academy, I was already lagging behind in our class lineal list. My over-all grade was adversely affected by my failing grades as a plebe, and, it was aggravated by my own 'misfortunes'. As expected, I was at the top 20 at the bottom of my class. 

One day sometime in the first semester of academic year 1993-1994, a good friend of mine, Cadet Apollo Teves of Miag-ao, Iloilo challenged me. 

"Mistah, I challenge you to be the Class Goat (the last man in the class roster) and deliver a speech!"

I knew that was a serious challenge. To be the "Goat", I need to get the lowest grades possible. It was like walking on a wire placed one hundred meters above ground. A single misstep, I would be dead. Naisip ko, di ko rin naman kayang mag-compete sa Number 1 sa itaas, bakit hindi sa Number 1 sa ibaba para maiba!

While other contenders who also competed for the position as a Class Goat had a hard time passing some of the subjects, I had the edge because most of the subjects were 'Socials' like Philosophy, Law, and Constitution which were all 'easy' for me. I had a photographic memory. Dahil abogasya ang orihinal kong ambisyon sa buhay, may pagka-'Pilosopo' ako. 

I simply gathered enough 'proficiency' so that I can afford to make some 'stunts' during the final exams. I decided to take the final exams in my favorite social subjects despite being exempted for having a grade above 9.0/10.

In many occasions during finals, my instructors were surprised how I finished the tests a few minutes after our papers were distributed. 

Seeing me leave the room, one of these instructors, Mrs Piol asked me: "And, where are you going Cadet Cabunoc?"

"Maam, I am done with my exams and I will go back to barracks now."  

I got zero in the finals but I achieved a 7.000 (70.00%) grade in that subject.

So, to make the long story short, I got the Class Goat and I delivered a speech, the first time that a cadet did it since the PMA was established in 1905! 

Ika pa nga kasi sa kasabihan, kung gusto may paraan

I dared to fail!

Well, you may not consider that as an example of excellence but I honestly thought otherwise. Actually, I wanted to prove something: 

"Not all academically-gifted people are excellent leaders."

When I was called to receive my diploma, I was expected to do some 'publicity stunt' like the previous 'Class Goats'. I surprised then President Fidel Ramos when I delivered a speech. I also gave him a hat and a hand-made kaydet doll for FL Ming Ramos. (PMA photo)


(To be continued)






Saturday, February 15, 2014

Surrender or die: Ang mga inirekomendang hatol sa mga Abu Sayyaf (Leadership Experience Part 20)

Ito ang hitsura ng bahay ng mga Tausug na nakatirik sa mababaw na bahagi ng dagat sa Bgy Mabahay at sa Bgy Buhangin Puti sa bayan ng Talipao. Nasa likurang bahagi ang bakawan na ginawang taguan ng grupo ni Galib Andang a.k.a. Commander Robot na syang may hawak sa grupo ng Jesus Miracle Crusade bago ito pinakawalan noong October 2000. Kasama kong nag-usyoso sa bahayan si Major Faustino 'BJ' Bejarin na syang Deputy Commander ng Light Reaction Battalion (Provisional) na syang aking kinabibilangan sa mga panahon na iyon. (10SRC Photo)



Grabe ang ingay sa pwesto ng 12th Scout Ranger Company. Di ko natiis at sila ay tinawagan sa PRC 77. 

"Thunder this is Cyclops, over!"

"Cyclops this is Thunder, go ahead over!"


"Thunder, pwede bang umayos kayo? Pati kami mararatrat ng kalaban sa ginagawa nyo!"

Hindi naitatago sa aking boses ang inis sa mga panahon na iyon. Actually, mga tao ko rin dati sa Basilan ang 12th SRC. Dati rin silang pasaway bago kami nailagay bilang leading officers doon ni 1Lt Elmer Suderio noong January 1998. Si Lt Suderio ang CO at ako naman ang kanyang 'bastonero' bilang Executive Officer. Kilalang kilala ng mga tropa ang aking katauhan bilang opisyal. 

"Cyclops this is Thunder, wilco instruction sir!"

Para sa akin, wala naman talagang mataguriang 'bad unit' bagkus meron lamang mga 'bad leaders'. 

Nasa diskarte ng isang leader kung paano patinuin ang tropa pati yong type lang talagang magpasaway kasi hindi naman sinasaway. 

Napakasimple at praktikal ang mga pamamaraan paano pasunurin ang tropa willfully. Ang iba sa diskarte ay wala sa mga leadership handbooks. Kailangan lang kilalanin ang tropa at pakitaan ng magandang ehemplo. Kagaya noon sa ginawa naming paghahalughog sa bakawan, ako mismo ang nanguna sa patrol para siguradong maisakatuparan ito. Sa mga mapanganib na mga misyon, mas mabisa ang pagpapasunod sa pamamagitan ng pagbigay ng inspirasyon. Bilang lider, we must lead the way at doon mo masasabi sa mga tropa na "Follow me!". 

Sa aming pag-lalakad sa kasukalan ng bakawan, marami akong nadiskubre doon. Meron palang nakatagong mga maliliit na 'isla' na tipong magkasya ang lima hanggang sampung tao kapag low tide. 

Halatang merong nagtatago doon dahil merong mga balat ng kendi at mga pinagbalatan ng kamanting (cassava). Sa ibang puno ay makikita ang bakas ng inapakan ng boots. Siguro ay umaakyat sila tuwing umaangat ang tubig. 

Merong iilang bahagi ng bakawan na malalim at maburak ang tubig. Doon namin napakinabangan ang bangka na aming dala-dala. Hindi namin hinintuan ang pag-iikot hanggat nadaanan namin ang lahat na posibleng taguan. Napatunayan kong wala sila doon. 

Magtanghali na noon nang nagpasya na akong bumalik sa patrol base. Itinawag ko sa aking tropa ang aking intensyon:

"Pabalik na ako sa papa bravo. Sa west ako manggaling. Disseminate mo sa lahat ng adjacent units."

Pagod at gutom ang aking naramdaman pagkatapos ang ginawa naming recon patrol sa loob ng bakawan. Nang nakabalik na kami para mag-link up sa aking left-behind force, mainit na sabaw naman ang sumalubong sa akin. 

"Sir, sardinas na me sili at papaya tayo ngayon. Me nakuha kami doon sa gilid ng sukalan," sabi ni Pvt Adel Hermano, ang isa sa mga Tail Scout at 'Kaldero 6'. 

Tila Kimchi ng mga Korean ang aking imahinasyon sa napakasarap naming ulam sa tanghalian. Bihira din kaming makapagsabaw ng aming ulam. Buti na lang din, nadiskubre namin yong bumubulwak na fresh water sa gilid mismo ng dagat. Ang problema lang doon ay natatabunan ito ng sea water tuwing high tide. 




Sunday, February 09, 2014

Ang musang sa bakawan: Ang paghagilap kay Robot (Leadership Experience Part 19)

Screen grab ng Google Map ng barangay Buhangin Puti sa bayan ng Talipao, Sulu na kung saan ay makikita ang parte ng mangrove forests na pinagtataguan naman ng mga bandidong Abu Sayyaf. May kaibahan ang hitsura nito sa taong 2000 dahil sa masukal na bahagi lalo na sa pagitan nitong lugar at ang Bgy Mabahay na nasa silangang bahagi nito. Tuwing low tide ay nalalakad lamang ang ibabang bahagi ng nasa larawan.


Maaga kaming nag-almusal kinaumagahan at nagpasaing na rin ako ng tanghalian at hapunan, alinsunod sa aming SOP na "2-meals up".

Gamit ang aming portable stoves, kanya-kanyang asikaso na ang mga Kaldero 6, ang most junior enlisted personnel na syang naaatasan sa ganitong gawain. 

Napansin ko na paubos na naman ang aming baong tubig at kailangang makahagilap ng water point kundi tubig ng niyog na naman ang aming pangsabaw. 

Pursigido na rin akong madiskubre kung saan talaga kumukuha ng tubig ang mga residente doon. Grabe naman kung talagang sa bayan ng Maimbung pa sila nakakahanap. Kalokohan ata yon kung di nila nagawan ng paraan na maghukay man lang sa paligid ng Talipao. Maliban na lang kung nangingibabaw ang katamaran, di talaga sila makahanap ng tubig.

Dakong 7:30am ng umaga, nakahanda na kami na i-link up ang lahat ng tropa sa lugar, kasama na doon ang isang kumpanya ng Special Forces na dala ni Lt Nick Banzuela at ang 12th Scout Ranger Company na nooy dala ni Lt Regie Binalla. Pinagplanuhan naming pagtulungang halughugin ang mangrove areas ng Buhangin Puti para hulihin ang mga bandidong syang nagpakawala sa grupo ng Jesus Miracle Crusade. 

Malapit lang ang pwesto ko sa mismong bahayan ng Buhangin Puti. Nang minarkahan ko ito sa mapa at sinukat ko ang layo mula sa aking Patrol Base, more or less 400 metro air distance southwest lamang ito. Kapag tactical movement gamit ang vegetated routes, hindi ito aabutin ng isang oras. 

Nang napasingaw at napalamig na ang mga sinaing, naghudyat na ako ng paghahanda sa aming movement. Agad na nag-account ang mga Team Leaders ng kanilang tauhan at ito ay inireport sa Platoon Sergeant, na sya namang mag-report sa akin. Sa panahong iyon, nasa paternity leave ang aking Ex-O kaya naman mag-isa kong inaatupag ang combat missions. 

"All accounted na ang lahat ng tropa sir," report ni Sgt Fernandez sa akin. "Naka-arrange na rin ang order of movement natin at natapos na ang radio-check pati ang inspection of equipment."

Alam na alam ng aking tropa ang routine tasks sa mga movement. Naiinis kasi ako sa mga pakaang-kaang na NCOs na syang sanhi ng mga simpleng kapalpakan. Sinasanay ko sila na gawin ang kanilang trabaho na hindi kailangan ng aking personal supervision. Ayaw ko naman kasi na aasta na rin akong Platoon Sergeant at Team Leader. 

Kinausap ko ang mga katabing units upang i-coordinate ang aming aksyon. Sa estimate ko kasi, ako ang mauuna na makarating sa lugar kaya ako ang magsisilbing stationary unit para i-coordinate ang movements ng ibang units na mag-sama-sama sa iisang assembly area.

Muli, sinamahan ko ang leading team sa aming movement papunta sa Buhangin Puti. Maingat pa rin kami sa paglalakad patungo sa lugar. Pinapatingnan ko lagi ang ground kung may blood traces o kaya bagong nasagi na mga damo. Hindi rin kami nakakasigurado kung may napagawi rito na kasamahan ng aming naka-engkwentro. 

Mga kalahating oras ang aming paglalakad nang bumungad sa amin ang isang 'sighting'. 

Nagtaas ng kaliwang kamay ang Lead Scout at nagsignal ng open palm at sinundan ng pagpatong ng kamay sa ulo na tila sumasaludo. Iyon ang aming hand-and arm signal ng "Halt" at "House". 

Nagsignal ako ng 'halt' at 'map check' sa lahat ng mga kasunod upang ipasa nila ang aking kautusan hanggang sa likuran. 

Pumunta ako sa harapan at ako ay namangha sa aking nakita. Bumulalas iilang metro sa southern part ng bahayan ang ganitong tanawin.

                          
    
"Wooooooooow! Parang Boracay din!"

Ang ganda ng tanawin na aking nakita. Talo pa nga ang Boracay, sa aking opinyon. Pang ecotourism ang lugar. Napakalinaw ng tubig at nakikita mong naglalangoy ang mga maliliit na isda pati ang naghahabulang maliliit na alimango. Maputi at pino ang buhangin at mayroong mga mangrove forests sa paligid. 

Sa western part pa ng mangroves na aking kinaroonan ay makikita ang isang clearing na kung saan nakatirik ang mga bahayan. More or less sampu ang mga bahay na andon. Ang ibang bahay ay nasa gilid ng beach at ang iba naman ay nakasawsaw sa tubig. Naiinggit ako sa mga residente doon. Mantakin mo ba naman na napakagandang tanawin ang kaharap mo sa araw-araw!

Sa aking nakita, parang gusto kong hubarin ang aking Battle Dress Attire at palitan ng swimming trunks at snorkel. Ngunit, nanumbalik ako sa katotohanang merong mga bandido na nagtatago sa kasukalan ng mangrove. Nasira agad ang aking munting panaginip.

Nang sinilip ko ang aking mapa at ang distansya ng bahayan, napansin ko na halos dalawang daang metro na lang ako mula dito. Wala ni isang tao ang andon nang tiningnan ko ito sa aking Steiner binoculars. May mga bangka na nakatali sa gilid ng dalampasigan at ang iba naman ay inilagay sa gilid ng dalampasigan. No man's land ang lugar. Nadadamay din sila sa kalokohan ni Robot na taga karatig Barangay sa Bandang. Syempre, andon na rin ang posibilidad na nasilaw sa salapi ang iilan sa mga kalalakihan doon.

Nagpasya akong manatili sa lugar habang nag-aantay sa mga kasamahan na paparating pa lamang. Habang nag-aantay, naisipan ko namang hanapan ng solusyon ang problema namin sa tubig. 

"Pangga, magpadala tayo ng isang recon team sa gilid ng dagat. Baka naman may maliliit na creeklines na may tubig kasi dito ang pinakababa na elevation. Posible rin na meron yan silang igiban kasi dito nila pinili na magtayo ng bahayan. Ang LOA natin ay ang puno ng kahoy 100m east ng pinakaunang bahay."

Habang inaantabayanan ng isang team ang recon elements, abala naman ako sa pag-aaral sa mapa paano namin pasukin ang mangrove forests doon. 

Ito naman ang hitsura ng malalim at maputik na bahagi ng mangrove forests sa lugar na aking kinalagyan. 

Ang ibang portion ng area ay malalim at maputik, habang mababaw naman ang sa iilan. Kung magkakabarilan sa looban nito ay pantay ang labanan. Parehas kaming maghihilamos ng bala. Kailangan lang talaga ang diskarte. Palitan ang advance ng elements at mag-lalagay palagi ng overwatching elements. Ang mga lugar na lang na iyon ang natitirang hindi pa nahalughog kaya malaki ang posibilidad na andon pa sila. Ang nakasagupa naman namin ay maaaring parte sa outer security nila na syang tigadala ng kanilang pagkain. Sigurado ako ngayon na gutom na gutom na sila at hirap na hirap sa pangungunyapit sa mga puno doon. Kasama na yon sa punishment sa kanilang mga kasalanan.

Ear to ear ang smile ng aking radio man na si Cuevas nang lumapit sa akin at iabot ang hand set ng PRC 77. Nasa kabilang linya ang Team Leader ng recon elements.

Tuwang-tuwa ang boses ni Cpl Rosel Tayros na nagreport sa akin.


"Sir, positive ang water point! Nasa gilid ng dagat pala at saka lang nakikita kapag low tide!"

So far, iyon ang pinakamagandang balita sa araw na iyon. Pinaghanda ko agad ang pagsalitan na mag-igib ng tubig. Kapag maabutan kasi kami ng high-tide, good bye na rin ang aming water point. At least, hindi na maulit ang pagsabaw ng tubig ng 'botong'. One problem is solved.

Mga iilang saglit lamang ay paisa-isang nagdatingan ang mga kumpanya na aking ka-link up. Humigit kumulang kami sa 150 ka tao ang nag-iipon para sa tracking operation. Sa dami namin ay matatapos namin ang paghalughog sa loob ng isang araw. 

Bilang most senior sa grupo, ako na ang nanguna sa kanila paano isakatuparan ang plano. Hinati ko ang grupo at binigyan ng kanya-kanyang sector. 

Sa mangrove area na nasa aming assembly area, ang 12th SRC na pinangunahan noon ng kanilang Platoon Leader na si Lt Regie Binalla ang take charge doon. Kumuha sila ng isang bangka para gamitin sa pagtawid sa mga malalalim na lugar. 

Sa southwestern part ng bahayan, ang aking kumpanya at ang Special Forces naman ang magkasama. Samantala ay nag-iwan naman kami ng security elements sa dalampasigan na syang magbabantay sa amin at mag-reinforce kung kailangan. 

Inilipat ko ang aking patrol base 100m west ng bahayan para doon kami magsimula sa pagsagawa ng paghahalughog. Nag-designate lamang ako ng 3 teams na sasama sa akin at ganong dami rin ang sa Special Forces. 

Sa paligid ng bahayan ay nakita ko naman ang iilang alagang pato na naglalangoy sa dagat. Tila naramdaman nila na may 'panganib' dahil sa aming presensya doon. 

Sa muli ay nasubukan na naman naming mag-operate sa mangrove area kagaya ng aming karanasan sa Bgy Bulansa at Canibungan sa Lantawan. 

Minsan, parang na-tempt na akong ipa-bomba at i-planting rice ng 105mm high explosive rounds ang lugar para mapulbos na silang lahat,  ngunit nanaig ang hangarin ko na usisahing mabuti at baka naman andon pa ang Malaysian hostages na hawak din nila sa mga panahon na iyon. 

Dahil kailangan sa mission, sumawsaw ang mga musang sa dagat upang hagilapin ang mga bandido na posibleng nagtatago doon. Sa aming sector, hanggang tuhod lang ang tubig sa mga oras na iyon at panay buhangin ang naaapakan namin kahit pa man 100 metro na ang layo sa dalampasigan.

Giniliran namin ang bakawan habang naghahanap ng magandang approach papunta sa loob. Naka-skirmishers in line kami at nakatutok sa sukalan dahil posible na sila ay nakaabang lang sa amin. Para mayroong back-up plan sa pagpasok sa malalalim na bahagi, hinihila namin ang isang bangka para magamit sakaling kailangan.

Tumatagaktak na ang aking pawis at puno ng tensyon sa posibleng barilan nang maulinigan ko ang kaguluhan mga 200 metro sa silangang bahagi na kung saan ay naka-deploy ang 12th SRC. 

Huminto kami at pinakinggan ang ingay na likha ng mga Musang na andon sa gilid ng sukalan. Nang nilingon ko ang kanilang pwesto, nakita ko na merong mga tropang nakasakay sa bangka at me hinahampas sa tubig. Nagtatawanan sila at nagsisigawan. Nawala ang kanilang disiplina.

"Hoooooooo! Nya met ten! Ayan na?"
  

(Ipagpatuloy)