Larawan ng certificate ni Bobords Dela Cerna sa Molave Warfare Course, ang kurso nya sa warfighting na tinapos nya iilang araw bago ang kanyang pinakaunang combat deployment sa Jolo, Sulu noong taong 1974.
Molave Warriors
Sa unang pagsabak sa labanan ng Molave Warriors, mabilisang nag-dive si Bobords papunta sa pwesto ni Pvt
Tunac para masagip ito at nang makuha ang dala nitong machinegun. Nilingon nya ang isang kasama na napasigaw dahil
natamaan sa hita.
“Tabangi ko!”
(Tulungan nyo ako!)
Nang tinakbo naman ito ng dalawa pang tropa, ginawa naman
silang target paper ng nakapwestong MNLF, at ratrat ang inabot nila. Bratatattat! Pak! Pak!
“Nadagdagan na naman ang casualties namin dahil sobrang
malapitan ang labanan. Nakita namin na merong foxholes ang mga kalaban kaya
lugi kami sa bakbakan.”
Nakita nya na wounded ang isa sa mga Musang ngunit tumayo
ito at lalo pang sumugod sa harapan.
“Wag matakot mga
bugoy! Assault!”
Lalong lumakas ang loob ni Bobords nang masaksihan ang
katapangan ng kanyang NCOs. Gusto nya itong gayahin sa pagpapakitang gilas sa
kahusayan sa pakikipaglaban.
Inulan man sila ng punglo, naubusan na sya ng takot na
mamatay sa panahon na iyon. Naawa sya sa sinapit ni Pvt Tunac.
“Di ko masikmura na iwanan syang nakahandusay doon sa open
terrain. Di ko rin pwedeng pabayaan na maagaw ng kalaban ang dala nyang
machinegun dahil mas lalong dadami ang malalagas sa amin, kaya di bale nang
mamamatay, wag lang mapahiya!”
Kasama ang mga kapwa Second Class Trainees, hinila nila si
Tunac at ang machinegun hanggang maabot nila ang mga puno ng niyog.
Sinubukan nyang magkubli sa likod ng puno pero nagsisikuhan
sila dahil apat silang nagtago sa isang puno para iwasan ang umuulang punglo. Dahil
inuulan sila ng bala, para silang mga bata na nag-aagawan ng laruan.
“Ayaw diri! Balhin sa
pikas!” (Wag ka ditto, lipat sa kabila!)
Nangingibabaw ang boses ni Sgt Berroya, isa sa mga Musang,
sa gitna ng umaalingawngaw na mga pagsabog at mga putok mula sa mga Molave
Warriors na nakaabot na rin sa mga mapunong lugar.
“Bazooka! Tirahin ang
foxholes ng Bazooka!” Dala-dala ng mga tropa ang M9A1 Bazooka, ang grenade
launcher na unang naimbento para pang-tigok sa battle tanks ng World War 2.
Ka-blaaaam! Pasok
sa pwesto ng foxhole ang bala ng Bazooka. Tumahimik ang mga baril ng kalaban na
nakapwesto dito. Ang iba ay nahiya nang tumayo sa dami ng shrapnel na nahilamos
sa kanila.
“Allahu akbar! Allahu
akbar!” Nagsigawan ang mga natirang kalaban.
Sumagot naman ang mga Musang na nangunguna sa lahat ng tropa
kagaya ni Sgt Bernas na di man gaano kalakihan pero parang naka-megaphone ang
boses nya.
“Ayaw kahadlok!
Asdang ta!” (Huwag matakot! Sugod tayo!)
Nakikita ni Bobords ang iilang mga kalaban na humihila sa
mga patay nilang kasamahan. Nasa 50 metro lang ang layo nila pero mas masukal
ang kanilang pwesto.
Ini-sling nya ang kanyang M1 Garand at dali-dali nyang
kinuha combat pack ni Pvt Tunac at tinanggal ang straps ng combat pack.
Ipinangtali nya ito sa Cal 30 Machinegun para maging sling nito, para madaling
buhatin.
Pinatabi nya sa kanyang pwesto ang mga ka-batch na sina
Asoki at Castillo na syang may dala ng maraming linked ammo ng machinegun. Doon
nya sinimulang paulanan ng bala ang mga kalaban na nasa likod ng mga puno ng
lansones.
Brrrrrrrrrrt!
Brrrrrrrt! Brrrrrrrrrrrt! Umaapoy ang iilang tracer rounds habang lumilipad
ito papunta sa pwesto ng mga kaaway.
Ang iilan sa kanyang ka-batch ay nakasubsob na ang ulo at
hindi na nakaka-return fire dahil sa nerbyos sa sinapit nila. Dahil dito,
nakiki-command na rin si Bobords sa mga kasama na nakalinya sa kanya.
“Maneuver na mo, ako
ang mag-cover fire!” Tuloy-tuloy ang pagpindot nya sa trigger para
makapag-deliver ng burst fire at mapasubsob ang ulo ng mga kalaban.
Brrrt! Brrrrt!
Brrrrt!
“Batching, reload!”
Nakita nya na parang blangko ang titig sa kanya ni Asoki.
“Hoy, butangi kog
bala kay nahurot na! Dalia kay basin asdangon ta ug matigbasan ta aning mga
kanahan!” (Hoy, lagyan mo ko ng bala at naubos na! Bilisan mo at baka
sugurin tayo at mataga tayo nitong mga ***%#!)
Batid na batid ni Bobords ang mga kwento tungkol sa mga
juramentado na mga Tausug. May tali sa bayag, sa braso, at sa ulo, naging
tanyag ang suicide attackers ng mandirigmang Tausug sa Filipino-American war na
kung saan ay maraming Jolohano ang nag-alay ng buhay sa mga suicide attacks
kontra sa pwersa ng mga Melikan (Amerikano) gamit ang kris at barong. Ang
‘bolo-wielding’ juramentado ay parte sa asymmetric warfare tactics na pangtapat
ng ill-equipped na pwersa ng Sulu Sultanate laban sa well-trained at
fully-equipped conventional forces ng United States of America. Dahil sa oral
traditions, naipamana ng mga Tausug ang close quarter combat technique na ito
sa mga descendants nila, pati sa mga kasalukuyang mandirigma ng Moro National
Liberation Front.
“Allahu akbar, Allahu
akbar!”
Dumarami ang mga Tausug na sumisigaw ng papuri sa kanilang
Diyos (Allah) para tumaas ang kanilang morale sa sitwasyon na kung saan ay
paubos na rin ang kanilang bala at dumarami ang kanilang mga casualties.
Bigla na lang, nag-jam ang kanyang machinegun at nakikita
nya na nagtayuan ang mga natitirang palaban na mga mandirigmang Tausug.
Iniumang nya ang kanyang machinegun para ratratin sila.
Plak! Ka-tsak! Plak!
Nag-dud ang bala nya kaya nagkasa at kalabit mula ngunit
ayaw pa rin pumutok kaya napasigaw sya.
“Buang!” (Ulol)
Sa harapan nya, sumusugod ang mga kalaban papunta sa kanyang
pwesto na tila walang kamatayan. Nakahawak ng kris ang isa sa kanila at iilang
metro na lang ang layo sa kanila.
Nanlilisik ang mata, sumisigaw ang isa sa mga ito habang papalapit sa kanya.
‘Allahu akbar!
Patayin ang kuffar!’
(May karugtong)
Wow..hand to hand combat na to bukas ser.
ReplyDeleteayos, bitin na naman..
ReplyDeletehulatan jud nako ang sunod ani col. sir.
ReplyDeleteOhhhh. Mao na ni... hahaha. Mura ko og nakasunod sa telenobela...😍
ReplyDelete