Wednesday, June 14, 2017

Walang iwanan hanggang kamatayan: Ang usapang lalaki ng mga Musang (Part 2)

Ang part 2 sa aking kwento ay naka-sentro sa combat actions ng mga mandirigma ng 1st Scout Ranger Battalion na ipinadala sa Marawi City para mag-reinforce sa mga tropa ng 5th Mechanized Battalion na napaligiran ng mas malaking pwersa ng teroristang Maute simula noong ma-ambush ito noong hating gabi ng ika-23 ng Mayo 2017. Makikita sa larawan ang mga opisyal ng 1st SRBn na pinamunuan ni Lt Col Samuel Yunque, miyembro ng PMA Class 1995 at SR Class 127. (1st SRBn photo)

JUNGLE TERRAIN VS URBAN TERRAIN. Bihasa sa jungle operations ang mga Scout Rangers ngunit meron din silang background sa close quarter combat na parte sa program of instruction ng Scout Ranger Course. Kung ano man ang kakulangan sa kaalaman o kagamitan, ang tanyag na positibong attitude at combat leadership ng mga Scout Rangers ang nagiging susi sa tagumpay. 

23 May 2017 (The Forced March)

Ang tropa ng 1st SRBn ay nasa bulubunduking lugar ng boundary ng Talakag, Bukidnon at Lanao del Sur noong ika-20 ng Mayo dahil tinutugis nila ang mga bandidong New People's Army na nanunog ng farm equipment ng Del Monte Philippines. Nasa ikatatlong araw sila ng kanilang tracking patrol nang matanggap nila ang tawag mula sa 103rd Brigade headquarters para ipaalam na kailangan nilang bumalik sa Lanao del Sur para mag-reinforce sa nangyayaring madugong engkwentro simula noong ika-23 ng Mayo. 

Apat na araw ang kanilang paglalakad papasok sa masusukal na kagubatan ngunit nang mabalitaan na kailangan ang kanilang serbisyo sa Marawi City, pinilit nilang lakarin ito sa pinakamabilis na pamamaraan. Nakuha nilang makabalik sa exit point sa Lanao del Sur sa loob ng dalawang araw na tuloy-tuloy na paglalakad. Dahil dito, panay paltos ang kanilang paa at dalawa sa tropa ay naiwan sa Brigade TCP sapagkat natatanggal na ang balat sa kanilang paa sa kalalakad na basa ang medyas.


 Karamihan sa mga Musang na sumama sa assembly area para sa pag-rescue sa mga tropa ng 5th Mechanized Battalion ay paltos din ang mga paa ngunit di nila ito inintindi dahil nais nilang matulungan ang kapwa sundalo na naipit sa madugong bakbakan. Ayon pa kay Lt Col Sam Yunque:

"Isang oras lang kaming nag-stay sa 103rd Brigade TCP para sa mission briefing ni Col Gene Ponio, ang Brigade Commander. Paika-ika dahil sa sobrang sakit ng paa ang mga tropa habang binabagtas namin ang direksyon papunta sa posisyon ng 44th Infantry Battalion at 15th Infantry Battalion, ngunit kinakalimutan namin iyon para masagip ang mga kasamahan mula sa kapahamakan."


Makikita sa imahe ang Google Map ng lugar na kung saan na-ambush ang grupo ni 1st Lt Jerry Alvarez ng 5th Mechanized Infantry Battalion. Makikita sa larawan ang solar drier, ang bahay na ginawang defensive position ni Lt Alvarez, at ang kanto na kung saan natirik ang armored vehicles. Binilugan ng pula ang mga bahay na kontrolado ng mga teroristang Maute. 

Si Cpt Arnel Carandang, 34, ng Rosario Batangas, ang Commanding Officer ng 1st Scout Ranger Company at ang kanyang Executive Officer na si 1st Lt Gem Kee Gemaol, 27, ng Tacloban City, ang naatasan na maging spearhead unit sa gagawing combat-rescue mission. Ang ka-buddy nito na yunit ay ang 2nd Scout Ranger Company na pinamunuan ni Cpt Erwin Ercilla, ang mistah ni Cpt Carandang.

Ang 1st SRC at 2nd SRC ang magkatuwang sa pag-clear sa lahat ng buildings sa kaliwang sector na ibinigay sa kanila ng 1st SRBn headquarters. Kasama sa capability ng 2nd SRC ay ang accurate fires ng organic snipers nito at ang indirect fire support mula sa 60mm Mortars ng 15th Division Reconnaissance Company na naka-attached dito. 

Si Cpt Arnel Carandang ay miyembro ng PMA Class 2007 (Kaliwa) at si 1st Lt Gem Kee Gemaol naman ay miyembro ng PMA Class 2012. Sila ang nanguna sa pagsugod sa teroristang Maute Group na gustong i-wipe out ang tropa ni 1st Lt Jerry Alvarez.

Si 1st Lt Gem Kee Gemaol ay nagpakita ng katangi-tanging katapangan sa tatlong araw na engkwentro (May 26-May 28) para sa misyon na ibinigay sa 1st Scout Ranger Battalion na i-rescue ang tropa ng 5th Mechanized Infantry Battalion na naipit sa sagupaan sa Bgy Marinaut, Marawi City. Ipinakita ni Lt Gemaol ang stability under pressure at kahanga-hangang combat leadership sa naturang misyon. Ipinagmamalaki nya ang kanyang motto na "Stay Cool!"


Bandang alas kwatro noong ika-26 ng Mayo, narating nila ang ridge line na pinagpwestohan ng 44th Infantry Battalion at 15th Infantry Battalion. Ipinaalam nila na sila na ang manguna sa pag-reinforce sa mga tropa ni Lt Alvarez. 


Dakong alas siyete ng gabi, narating nila ang vicinity ng junction ng mga armored vehicles. Giniliran nila ang mga bahayan para hindi sila mabakbakan sa gitna ng kalsada. Nang sinilip nila ang lugar gamit ang Night Observation Devices (NODs), nakita nila ang mga terorista na umaaligid sa armored vehicles. 

"Malaki ang tuwa namin nang makita namin ang dulo ng Simba vehicle na nasa road junction. Alam namin na buhay pa ang ilan sa mga sundalo na nasa loob nito. Ang problema namin ay hindi namin matiyak kung sa aling mga bahay naroon ang iba pang mga sundalo," sabi ni Lt Gemaol. 

Kasama ang leading teams na pinamunuan ni Sgt Rey Tampil at Sgt Romar Parangan at Sgt Roland Saludes, itinawag ni 1st Lt Gemaol kay Cpt Carandang ang kanyang obserbasyon. 

"Sir, may mga kalaban na umaaligid sa armored vehicles. Di namin alam kung saan ang exact location ng friendly forces dito," bulong nya sa radyo.

Sa kanyang pwesto, tila gusto nyang pagbabarilin ang walang kamalay-malay na mga terorista. Merong gamit ang mga Musang na Night Fighting System kaya pwede silang makipagbarilan kahit gabi. 

Nai-zeroed nilang mabuti ang Infra-red aiming device sa kanilang baril at sila lang na merong IR mode na night vision goggles ang nakakakita nito kapag nakatutok laser dot sa noo ng kalaban. Ngunit, nanaig ang kanyang diskarte sa taktika. 

"Sir, paliparan ko muna ng dalawang tear gas ang kalaban at obserbahan ko ang kanilang reaksyon nang matukoy ko ang  lahat ng kanilang pwesto," sabi ni Lt Gemaol kay Cpt Carandang na naka-pwesto sa gilid ng building 20 metro sa kanyang likuran.

Nang ma-approve ng kanyang CO ang diskarte, pinutukan nila ng dalawang rounds ng tear gas ang mga kalaban. Dali-daling nagsipagpulasan ang mga ito ngunit pinaulanan naman sila ng mga bala mula sa iba't-ibang direksyon. 

Di nagtagal, tinira ang kanyang pwesto ng M203 Grenade Launcher at pati small arms fire mula sa iba't-ibang caliber. Lumapag sa limang metro mula sa kanyang pwesto ang 40mm high explosive rounds kaya naghilamos sila ng tilamsik ng lupa at alikabok. Doon nila nalaman na merong nakapwesto sa ibang mga buildings na katabi ng pwesto ng mga tropa ni Lt Alvarez. Kinausap nya uli ang kanyang Company Commander gamit ang hand-held radio. 

"Sir, kontrolado ng mga kalaban ang maraming mga buildings dito sa paligid. Dapat muna nating ma-locate alin sa mga buildings dito ang posisyon ng mga tropa ng 5th Mech Battalion."



Sa mga yugtong iyon, di pa nila natitiyak kung nasaan talaga ang mga bahay na okupado ng friendly forces. Base sa pinanggalingan ng putok, labo-labo na ang location nila. Dahil dito, iniutos ni Lt Col Yunque kay Cpt Carandang ang pagkuha ng covered positions sa likuran. Agad tinalima ni Lt Gemaol ang utos ng kanyang CO nang tinawagan sya nito sa tactical radio.

"Nag-reposition kami sa mas magandang pwesto, isang bahay na katabi ng 3- storey na orange building. Nagpahinga kami sa ground floor ngunit di rin kami nakatulog dahil laging namumutok sa mga bahayan sa paligid ng armored vehicles. Napansin kong merong solar light sa loob ng orange building na iyon," sabi ni Lt Gemaol. 

27 May ("Sleeping with the Enemy")

Bandang 5:30am, may nakitang kalaban ang tropa ng Battalion TCP na nakapwesto ng 100 metro lamang sa likuran ng 1st SRC. Inutusan kaagad ni Lt Col Yunque ang kanyang RATELO na si Sgt Pelaez na itawag ito sa tropa ng 1st SRC na ang iba ay nakapwesto sa 1st floor ng  katabing building na okupado ng kalaban.

"Di namalayan ng ibang tropa ng 1st SRC na ang dalawang mas mataas na mga palapag ng katabing bahay na tinulugan nila ay okupado ng mga terorista. Inalerto namin sila para di sila maunahan,"sabi ni Lt Col Yunque. Biniro pa nya ang mga tropa, "Watch out, you are sleeping with the enemy!"

Sa isang iglap, umalingawngaw ang isang putok at napansin na lang ni Lt Col Yunque na may tumunog sa kanilang pwesto. 

"May tama ako sir!" Di maipinta ang hitsura ni Sgt Pelaez dahil nadaplisan ang kanyang balikat na bahagya palang naka-expose sa kalaban. Agad syang pinalapatan ni Lt Col Yunque ng first aid sa kanyang combat medics. 

Sinisilip ng Lead Scout ng Ranger team ang eskinita na gustong dadaanan ng grupo papunta sa kabilang building. Tinatapunan ng mga terorista ng molotov bombs ang mga sundalo na dumadaan sa posisyon nila.

Malaki ang orange na bahay na okupado ng kalaban na namaril kay Sgt Pelaez. Naka-grills ang bintana at naka tinted ang glass nito. Tinawagan ni Cpt Carandang si Lt Gemaol para i-clear ang bahay na iyon.

"I-CQB nyo ang orange na bahay. Kami ang mag-cover fire para ma-suppress ang mga kalaban na nasa mas mataas na palapag habang pinapasok mo ang pwesto nila," instruction ni Carandang sa kanyang Executive Officer na si Lt Gemaol. 

Ang trabaho ng supporting elements na pinamunuan ni Cpt Carandang ay ang pagbigay ng suppressive fires sa pwesto ng mga terorista para mabigyang daan ang pag-assault ng entry teams na pinamunuan ni Lt Gemaol. 

Biglang hudyat sa pag-clear ng building, pinaputukan nina Cpt Carandang ang mga bintana sa mas mataas na mga palapag. Nagkabutas-butas ang tinted windows nito. Doon nakita ni Cpt Carandang ang apat na teroristang nakapwesto sa mga bintana sa second floor. Merong isa pa na namumutok mula sa 3rd floor. Tuwing sumilip ang mga ito, binubugahan kaagad nila para hindi mabaril ang entry team ni Lt Gemaol.  

Sa kanyang pwesto, napansin ni Lt Gemaol na nakasara ang gate na green at na-sense nya na inaabangan ito ng mga terorista mula sa second floor. Nagpasya syang giliran ang pader at tinakbo ang kabilang panig para doon akyatin papasok sa compound. 

"Habang niratrat ng supporting elements ang matataas na palapag, pinasok namin ang compound at nadikitan namin mismo ang building na pwesto ng kalaban," sabi ni Lt Gemaol.

Inikutan at ginapang ng mga Musang ang bahay na pinosisyonan ng mga teroristang Maute, habang binabagbagan ng supporting elements ang matataas na palapag na nakapwesto ang terrorist snipers. 


Nang madikitan na ni Lt Gemaol at team ni Sgt Saludes at Sgt Parangan ang wall ng bahay, pinaputukan nila ng tear gas ang loob ng ground floor. Nang napasok nila ang bahay, niratrat sila ng mga kalaban na nasa second floor kaya agad silang gumilid sa pader para maiwasan ang ricochet ng mga punglo. 

"Di pa sila nakuntento sa pagratrat sa amin, binuhusan pa nila ng gasolina ang hagdanan na nag-iisang access namin papunta sa kanilang pwesto. Kung masindihan nila iyon, tiyak magliyab ang bodega sa ground floor dahil panay PVC pipes ang laman nito. Para mahadlangan sila, pinaputukan namin ang second floor ng tear gas," sabi ni Gemaol. 

Bandang tanghali, napasok ni Lt Gemaol ang ikalawang palapag. Napatay nila ang isa sa sniper wannabe ng Maute at ang iba ay naubusan ng tapang kaya nagsipagtalunan pababa mula sa 3rd floor at ang iba ay tumawid sa katabing building. Nabaril ang isa sa kanila nang lumapag sa kalsada na kung saan nakaposisyon ang supporting elements. 

Nakahandusay ang isang teroristang Maute pagkatapos mabaril ng isang Musang na nakapwesto sa kanyang harapan. Tumalon ang terorista mula sa ikatlong palapag nang sinugod ang pwesto nila ng mga Musang na pinamunuan ni Lt Gemaol. 


Pagkarating nila Lt Gemaol sa 3rd floor, nakita nyang kumuha ng bagong pwesto ang mga terorista sa katabing building. Magkarugtong pala ang mga bahay doon sa compound. Inireport nya ito kay Cpt Carandang.

"Sir, tumawid sila papunta sa kabilang building. Meron silang mga kasamahan doon na namumutok din sa amin. Sugurin ko sila doon sir, basta mag-support ka sa akin galing dito sa 3rd floor!"

Dali-daling inakyat nina Cpt Carandang ang orange na bahay para madugtungan ang topa ni Lt Gemaol. Sa katabing building, tuloy ang pamumutok sa kanilang pwesto.

Kumuha sila Cpt Carandang ng magandang pwesto at sinimulan nila ang pag-suppress sa pwesto ng kalaban habang tinakbo ng grupo ni Lt Gemaol ang kabilang bahay sa gitna ng palitan ng putok. 

Matindi ang resistance ng mga teroristang Maute pero di nagpapatinag si Lt Gemaol at mga kasamahan na inulan ng bala mula sa mga kwarto sa loob ng bahay. 

"Isa-isa naming pinasok ang lahat ng kwarto sa bahay na iyon. Dahan-dahan namin itong ginawa dahil di namin kabisado ang mga lagusan at napakatindi ng volume of fires na kalaban. Nang ma-tear gas namin sila, doon sila nahilo at nababaril namin habang papatakas," kwento ni Lt Gemaol.

Bandang alas tres ng hapon, tumawag si Lt Gemaol kay Cpt Carandang para ibalita ang resulta ng clearing operations nila. 

"Sir, sa wakas tayo na ang may control sa concrete building na ito na overlooking sa general area ng mga armored vehicles. Mailatag na rin natin ang plano sa pag-rescue sa kanila."

Habang pinapanood ni Lt Gemaol ang usok at pinanggalingan ng mga namumutok na kalaban sa unahan ng armored vehicles, alam nya na malaki pa ang kanilang problema. Nasa 50 metro pa ang layo nila mula sa pwesto ng Simba. 

Maswerte nga lang na sa araw na iyon, nakapag-text sina Lt Alvarez tungkol sa kanyang exact location. Di rin naglaon, nakapagtext din si Cpl Lumbay na nasa loob pa rin ng Commando, pati si Cpl Cabanayan na nasa isa pang building. 

"Medyo disoriented sila sa directions sa mga panahon na iyon ngunit minabuti kong i-guide sila gamit ang landmarks at reference points sa lugar. Halimbawa, merong katabing solar drier at pulang trak sa katabi ng pwesto ni Lt Alvarez," sabi ni Lt Col Yunque. 

Bilang miyembro ng tropa na na-commit sa  Oplan Final Option II, ang misyon sa pag-rescue sa mga bihag ng Abu Sayyaf sa Puno Mohadji noong April 2000, alam ni Lt Col Yunque ang hirap sa ganoong misyon. 

"Pinapataas ko parati ang morale nila sa pamamagitan ng text messages. Sinasabi ko na nasa 50 metro na lang kami at di kami papayag na di sila makuha sa kanilang pwesto," dagdag nya. 

Nang makuha na nina Lt Gemaol at Cpt Carandang ang concrete buildings, ipinag-utos ni Lt Col Yunque ang pagbutas sa mga pader para makalusot sa kabilang pwesto papalapit sa armored vehicles. 


Binabantayan ng isang Musang ang rooftop na pinosisyonan ng teroristang Maute habang naghahanda ang kanyang kasamahan na pasukan ang kabilang bahagi ng wall na kanilang natibag. Si Lt Gemaol ang nagdala at nag-motivate sa tropang assault elements para sumugod sa pwesto ng mga kalaban para malapitan ang mga armored vehicles.


28 May (Pusang gala!) 

Bandang 5:30am, nagsimula sila na magbutas ng wall gamit ang maso dahil merong mga snipers mula sa buildings.  Kung anu-ano lang ginagamit nilang pambutas sa wall, may maso at mga bakal na napulot sa mga bahayan. 

"Minsan, grabe ang tuwa namin pagkabutas ng wall, iyon pala meron na namang katapat na wall sa tapat nito. Lupaypay ang tropa sa pagmamaso ngunit tiniis namin kahit walang kain dahil inaalala namin na baka ma-overran ang pwesto ng armored vehicles at ng tropa ni Lt Alvarez," sabi ni Lt Gemaol na anak ng isang retired PNP NCO at dating miyembro ng Philippine Constabulary. 

Sa pwesto ni Lt Jerry Alvarez, inihanda na nya ang lahat na kasamahan para sa gagawing salubungan sa designated rendezvous point. Naririnig nila ang lagabog ng maso sa direksyon ng mga Rangers kaya nabuhayan sila ng loob.

"Tuwing meron ding nagmamaso mula sa pwesto ng mga Maute, nalulungkot naman kami dahil tila ay nagpapabilisan ang magkabilang panig kung sino ang makakuha sa amin," kwento ni Lt Alvarez na noon ay naubusan na ng bala.
Nang sinilip ng mga Musang ang butas sa pader, nakita nila ang mga armored vehicles ngunit pinaulanan sila ng bala ng mga terorista na nasa matataas na palapag. Nakita nila na meron ngang mga snipers sa tuktok ng building na inokupa ni Lt Alvarez. Dito nagdesisyon si Lt Col Yunque na ipa-mortar na ito ayon sa koordinasyon nila ni Lt Alvarez.  


Sobrang malakas ang resistance mula sa mga buildings na nasa paligid ng armored vehicles. Nagpasya si Lt Gemaol na maghanap ng ibang lagusan na hindi gaano expose sa line of fire ng mga terorista. 

 Nakahanap sya ng ibang lagusan na isang maliit na eskinita na merong concealment mula sa isang bahay na gawa sa kahoy. Nang sumilip sila sa labas, meron ding namumutok mula sa rice mill kaya umatras muna sila para ma-address ang problema.

“Pinutukan muna namin ang tear gas ang rice mill, pinalusot namin sa bintana saka pinaulanan namin ito ng automatic fires gamit ang machineguns. Tumahimik ang terorista doon,”

Giniliran at tinapunan ng granada nina Lt Gemaol at Sgt Saludes ang teroristang nagtatago sa kahoy na bahay na syang pinakamalapit na pwesto sa tumirik na armored vehicles. 

Giniliran nina Lt Gemaol ang kahoy na bahay na syang malapit sa pwesto ng armored vehicles. Narinig nilang merong kumakaloskos doon kaya tinapunan nila ito ng granada. 

"Napatay namin ang terorista sa loob ng bahay na iyon at nakumpiska namin ang kanyang baril," kwento ni Lt Gemaol. 

Ang pagkakuha sa mga pwesto na iyon ang naging hudyat para mailatag ni Cpt Carandang ang security elements ng tropa ni Lt Gemaol na magsalubong sa mga  sundalo ng 5th Mechanized Infantry Battalion. Ayon sa usapan, takbuhin nila ang direksyon papunta sa rice mill habang pinuputukan ng 2nd SRC at 1st SRC ang mga buildings na kontrolado ng Maute. 

 Inabangan nina Cpl Tugade at Pfc Soberon ang kanilang sector sa ginawang salubungan ng tropa ni Lt Gemaol at ng mga tropa ng 5th Mechanized Infantry Battalion bandang alas tres ng hapon noong ika-28 ng Mayo 2017.


Salubungan

Bandang alas tres y media ng hapon, nag-commence ang sustained firing ng support elements ng 1st SRC at 2nd SRC habang sinisilip nina Lt Gemaol ang gilid ng tangke para makita kung saan lulusot sina Lt Alvarez. Ang team ni Sgt Saludes ang kanyang kasama na mag-cross sa open terrain at makipagpatintero sa mga bala ng Maute, habang sinasalubong ang mga sugatang kasamahan. 

Sa kanang sector, inatasan ni Cpt Ercilla ang team ni Sgt Abuan at Sgt Villarosa na syang parte sa magsalubong sa mga tropa ng 5th Mechanized Infantry Battalion na maaaring mapagawi sa location nila. Binigyan din nya ng tasking ang kanyang Ex-O na si Lt Junco na syang magbigay ng support by fire sa rescue teams na magtungo sa open terrain. 

Ang malakas na putok ang naging hudyat nina Lt Alvarez para kapit-kamay na lumabas sa building na tinaguan at tumakbo papunta sa direksyon ng rice mill. Nang nasa kalsada na sila, sinalubong agad sila nina Lt Gemaol at Sgt Saludes. 

"Nanghihina at paika-ika sila at mabagal na silang kumilos dahil sa sobrang pagod at gutom. Agad namin silang sinalubong at kanya-kanya kaming akay o hila sa mga hindi na magawang tumakbo. Napagulong-gulong pa ang iba sa amin dahil pinuputukan kami ng mga terorista," kwento ni Lt Gemaol. 

Halos magkasabay din, bumukas ang pintuan ng armored vehicle at lumabas sina Cpl Lumbay at tumakbo papunta sa aming pwesto, at inakay namin papunta sa likurang bahagi. 

Umabot din ng 15 minuto ang kanilang 'salubungan' sa kill zone ng kalaban. Nang makapagtago uli sina Lt Gemaol sa covered position, kinakapa nila ang kanilang katawan kung meron nga ba silang tama. Natuwa sila dahil wala ni isang nahagip ng bala!

Napansin ni Cpt Carandang na disoriented ang mga tropa ni Lt Alvarez. Pinapwesto nila ito sa magandang lugar at binigyan ng tubig at pagkain. Nang binigyan ng sigarilyo, lahat sila ay nagsindi at humitit.

Napabuntong hininga si Lt Alvarez at nakangiti sa mga kasamahan at sa mga Musang na nagsagip sa kanya. "Hay, salamat. Naka-survive tayo!"


Samantala, sa sector ni Cpt Ercilla, nasalubong nila ang dalawang tropa ng 5th Mechanized Battalion na sina Cpl Teodulo Generalao at si Pfc Fherdy Valencia. 

Ayon kay Lt Gemaol, parang nadurog ang puso nya nang makita ang kalagayan ng mga tropa ni Lt Alvarez. Merong nabulag at malalaki ang tama. Gusto sana nyang magpa-groupie bilang ebidensya ng tagumpay pero di nya ito nagawa.

"Sobrang naawa ako sa kanila dahil kulay uling na silang anim. Ayaw ko na makita ng publiko na ganoon ang dinanas nila," sabi ni Lt Gemaol.

Nang makapagpahinga na sina Lt Alvarez, doon sila nag-account ng mabuti. Saka lang nila nalaman na kulang sila ng dalawa. 

"Missing sina Cpl Waoy at ka-buddy nya. Sigurado akong buhay pa sila dahil nakapag-text pa yon sa akin," sabi ni Lt Alvarez. 

Sa gabing iyon, pinagpahinga muna ni Lt Col Sam Yunque ang mga tropa habang nagsagawa ng isa pang plano para masagip ang natitira pang tropa na nasa isa sa mga buildings. 

Boluntaryo si Cpt Carandang na pangunahan sya naman ang makikipagpatintero sa umuulan na bala. Di sya nakakitaan ng takot dahil tiwala sya sa mga kasamahan. Lagi din nyang ipinagmamalaki ang sikretong ng mga Rangers. 

"Walang iwanan!"


 May 29 (Salubungan: Take 2!)

Alam nila na buhay pa ang dalawang tropa kaya hindi nila pinabomba ang dating posisyon ni Lt Alvarez. Binalikan nila uli ang mga armored vehicles para hanapin ang dalawang tropang nawawala.

Sa buong umaga, tuloy-tuloy ang palitan ng putok dahil nagtangka ang mga terorista na sugurin ang mga armored vehicles na kung saan ay nandoon pa ang mga cadaver ng tropang namatay. 

Bandang tanghali ay nakapag-text si Sgt Waoy kay Lt Alvarez gamit ang nakitang cellphone sa bahay na tinaguan. Nag-innovate sila para ang battery ng cellphone na iyon ay mailagay nila sa mas maliit na battery slot ng kanyang cellphone. Dahil dito, nabigyan sya  ni Lt Col Yunque ng instruction paano makatakbo papunta sa location ng rendezvous point. 

Bandang alas syete ng gabi, nagkaroon ng tsansa sina Sgt Christopher Waoy at Pfc Joel Martin na makatakbo palabas nang binagbagan ng 1st SRC at 2nd SRC ang mga buildings na pwesto ng Maute. Ang problema, napunta sila sa western direction, sa location ng drier!

"Saan na sila? Marami nang naubos na bala para i-cover fire kayo pero di sila nakikita ng tropa ni Cpt Carandang," sabi ni Lt Col Yunque kay Lt Alvarez sa phone.

Nag-text muli si Lt Alvarez kay Sgt Waoy na sundan ang heavy volume of fire sa direction ng rice mill. Pinalakas nya ang loob nina Sgt Waoy na hindi sila matatamaan kasi sa taas ng buildings ang pinuntirya ng mga Rangers na gumagamit ng Night Fighting System.  

Iniutos din ni LtCol Yunque na isigaw ng 1st SRC at 2nd SRC ang pangalan ng tropa. Nag-chorus sila na sumigaw habang namumutok. 

"Wa-oy! Wa-oy!'

Di nagtagal, karipaspas na tinakbo nina Sgt Waoy ang pwesto ng 2nd SRC, at nasalubong ng rescue teams na pinangunahan nina Sgt Yanoc, Sgt Abuan at Sgt Penalosa. Parang milagro, wala rin silang tama mula sa mga terorista na nagratrat sa kanila. 

Agad nila itong itinawag kay Lt Col Yunque sa Battalion TCP: "All accounted for sir, except yong apat na patay na nasa loob ng armored vehicles!"

Labis ang tuwa at pasasalamat ni Sgt. Christopher Waoy (Green shirt) at Pfc Fherdy Marcial Martin (standing, left) nang sila ay masagip ng tropa ng 2nd Scout Ranger Company na si Cpt Erwin Ercilla. Kapansin-pansin ang injury ni Pfc Martin dahil sa blast ng RPG na tumama sa kanyang sinakyang armored vehicle  (2nd SRC photo)

(Abangan ang Part 3 ng kwento, ang kabayanihan ng tropa ng 1st SRBn at 5th Mechanized Battalion sa pag-retrieve sa mga tropang nagbuwis ng buhay sa ambush)


58 comments:

  1. GOOD JOB... Stay safe po, I'm ALWAYS PRAYING for all OUR BRAVE SOLDIERS... MAY GOD PROTECT AND GUIDE YOU ALWAYS... I have 2 brothers in Philippine Army...

    ReplyDelete
  2. Keep safe heroes.

    ReplyDelete
  3. thank you po for sharing the story if encounters ng ating mga bayani.. Mabuhay po kayu at lagi ko kayu ipagdadasal na mauligtas kayung lahat... napaka tapang at napaka galing ng deskarte nyo... kulang p man sa gamit pero sangkatutak naman sa deskarte.. iba tlaga ang Pinoy mag isip... Mabuhay po kayu mga sir... Ingat po kayu palagi...������

    ReplyDelete
  4. nice post sir.. kaya naman mas naiidolohan namin kayong mga musang at buong PA!

    ReplyDelete
  5. if this story was made into a movie, i would watch it multiple times.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu na imagine ko 2loy kung gawan ito ng movie..

      Delete
    2. Para yung Blackhawk Down!

      Delete
    3. Pede cguro title APC Down!

      Delete
  6. Awesome read...Galing talaga ng Rangers. It's good to know they now have NFS. They totally own the night...Good luck and God bless Rangers!

    ReplyDelete
  7. para na ring Black Hawk Down. kudos sa mga musang !!!

    ReplyDelete
  8. God bless you and always praying that you be spared from the fires and hands our the enemies (maute). The whole country is proud of you our brave soldiers!

    ReplyDelete
  9. Proud wife of SR CL 138...God will lead the way RANGERS...

    ReplyDelete
  10. Thank you for your bravery mga sir! Please extra careful. God bless us all!

    ReplyDelete
  11. Salamat po sa lahat ng mga sundalo at pulis..kayo pong lahat ay tunay na mga bayani..thank you po sa pag protekta sa amin lalong lalo na dito sa iligan city..i hope and pray that God will protect and guide our government forces..sana po wala ng sundalo na mamamatay..mabuhay ang mga bayani!!!ingat po kayong lahat!!!

    ReplyDelete
  12. Salamat sa mga sakripisyo niyo. May God rewards you in due time
    We will keep praying for your safety.

    ReplyDelete
  13. Saludo kami sa inyong lahat!

    ReplyDelete
  14. Thank you so much! Hoping and praying na lesser or totally walang casualties ng mga brave soldiers natin na patuloy na lumalaban. Salute to all of you sir!! God bless you all!

    ReplyDelete
  15. natawa ako dun sa chorus na "waoy waoy" at nagtagpo rin sila sa wakas. snappy salute sa team ni lt. gemaol and capt. carandang under the
    supervision of lt. col. yunque! (Weng Rosagaron)

    ReplyDelete
  16. Keep safe heroes of marawi..

    ReplyDelete
  17. nkaka proud kayo.. amping mga sir..ubusin nyo mga kalaban.. god bless po sa lahat

    ReplyDelete
  18. Wa-oy! Wa-oy! Good job Rangers! saludo po x1000

    ReplyDelete
  19. So proud of you guys!! Sobra namin kayong ipinagmamalaki!! Kakaproud Na kami ay naging bahagi ng buhay ninyo bilang kadete ng PMA!! God bless at iingatan kayo ng Panginoo!

    ReplyDelete
  20. Wa-oy! Wa-oy! Good job Rangers! saludo po x1000

    ReplyDelete
  21. Saludo sa magigiting na Scout Rangers at sa lahat ng mga matatapang na sundalo sa Marawi. Palagi po kayong nasa dasal ko. Soldiers will always be dear to me because i have two brothers in the army. God bless you Soldiers!!!❤

    ReplyDelete
  22. Maraming salamat po sa pag post at pagbahagi nyo sa mga karanasan nyo sa marawi..saludo po kami sa inyong lahat sa mga sakripisyo na sinuong para sa aming proteksyon..God bless you all!

    ReplyDelete
  23. Good job Rangers!Sir Eek Meg! Grabe, proud of you! Godbless!

    ReplyDelete
  24. Very inspiring true story very proud to our Phil.Army may God bless u and guide all of u

    ReplyDelete
  25. Penge po ng link nung part1,..sarap ulit ulitin para akong nanunuod ng movie salute to you sir!

    ReplyDelete
  26. salute to brave soldiers! grabe ang inyong mga kabayanihan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wowwww salute to you guys ....Good job our dear heroes....you've done an extraordinary accomplishment...Kudos to all of you guys...God bless

      Delete
  27. To God be the glory!!!i can see the work of our Almighty Father everything that was happened was a miracle.the soldiers was being given the wisdom and strenght.prayers are being answered by our loving and merciful God.for those fallen heroes,their mission on earth is done they will be in God's arm for eternal rest.for all those who make it carry on the mission heroes God has more plan for you soldiers.on behalf of my husband who is a retired military we salute you all heroes!!!God bless u all!!!

    ReplyDelete
  28. Thank you..sa kabayanihan nyo.Godbless!

    ReplyDelete
  29. Thank you..sa kabayanihan nyo.Godbless!

    ReplyDelete
  30. Salamat po sa sakripisyo nyo! God bless!

    ReplyDelete
  31. nakakaiyak naman.(teary eyes while reading) Good job! A snappy Salute to all of you sir. Godbless you all.

    ReplyDelete
  32. We are praying for all of you, sirs. May God bless you and keep you safe always.

    ReplyDelete
  33. Nagpupugay! Mabuhay po kayo!

    ReplyDelete
  34. My snappy salute sa inyo mga walang takot makipaglaban para sa bayan. Mabuhay kayo!

    ReplyDelete
  35. A proud son of SR Class 33 here. Touching ang show of courage, camaraderie, and determination to accomplish the mission ng mga musang! Maraming salamat po sa inyo. Sir Cabunoc sir, maraming salamat sa pag share at pag bigay buhay sa mga pangyayari sa gitna ng labanan para mas lalong maintindahan ng madla ang hirap at sakripisyo ng mga Kawal Pilipino para sa bayan. My snappiest salute sa inyong lahat!

    ReplyDelete
  36. Nice job sir lagi kami nakaantabay sa makapigil hiningang pakikipag
    labanan ng ating mga bayaning sundalo, a Snappiest Salute and congratulations to all brave soldiers that risk their lives to save others.

    ReplyDelete
  37. Good job sir! Keep safe always.

    ReplyDelete
  38. can't seem to wait for the next part...thank you for this blow by blow account of our soldiers' heroism.

    ReplyDelete
  39. Big respect to all of you soldiers especially to Lt. Alvarez team for staying strong and never losing hope. God has indeed protected all of you from those bullets. Paano nlng kaya talaga kami taga Iligan kung wala kayo para pulbusin sila. God bless to all of you.

    ReplyDelete
  40. I really salute all of you Sir! Take care always and ask God for the safety of all. I will continue to pray for the salvation and protection of all soldiers and the family. Thank you to all soldiers who offered their lives to protect the people of the Philippines.

    ReplyDelete
  41. My grand salute to our valiant scout rangers and PAs who showed their patriotism and extraordinary camaraderie amidst the hostile zone they were in to.. Keep it up sirs.. May GOD be with you always and we're praying for your safety..

    ReplyDelete
  42. Nice read. goodjob rangers :) cant wait to join the ranks after i graduate! long live!

    ReplyDelete
  43. Mabuhay ang Hukbon Sandatahan ng Pilipinas.

    Mabuhay ang Republika.

    ReplyDelete
  44. En campos de batalla, luchando con delirio,
    Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
    El sitio nada importa, ciprés, laurel o lirio,
    Cadalso o campo abierto, combate o cruel martirio,
    Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

    ReplyDelete
  45. Thank you so much for keeping us safe. . . A snappy salute to all of you sir. Ingat po kayo palagi. May God bless you all always. Kelan po namin mababasa ang part 3 ng kwento nyo po?

    ReplyDelete
  46. Inaabangan ko yung Part 3.
    Wala pa po ba, sir? ������

    Thank you for sharing your stories. It's very inspiring 'though it's also heartbreaking to those who were fallen.. May God bless our troops..

    ReplyDelete
  47. Sir, part 3 please.

    Salute to all soldiers!!!

    ReplyDelete
  48. All my respect to the great Scout Rangers!

    ReplyDelete
  49. Somebody should really turn this into a movie, These kinds of stories are on par with movies like black hawk down.

    ReplyDelete
  50. Sana may libro gawin basi sa mission niyo. I hope someone publishes this into a book. Amazing stories we hardly hear from our soldiers.

    ReplyDelete
  51. mabuti hindi naubos ang mechanized kasi fully charge ang mauti kung nandun nasila from day 1 Magaling at naabutan sila ng buhay

    ReplyDelete