Si 1st Lt Jerry Alvarez ng 5th Mechanized Infantry Battalion ay nagpakita ng kabayanihan pagkatapos na maipit sa sagupaan na kung saan ay nabalahaw ang armored vehicles na tinamaan ng anti-armor high explosive rounds. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)
Minsan,
ang tinaguriang bayani ay bigla na lang lumulutang sa panahon ng kagipitan na
kinasasadlakan. Ito ang kwento ni 1st Lt Jerry Alvarez, 37, tubong
Bayambang, Pangasinan at opisyal ng 5th Mechanized Infantry
Battalion. Sya ay naatasang sagipin si 1st Lt John Carl Morales ng
49th Infantry Battalion, na nasugatan sa labanan kontra Maute Group
noong ika-23 ng Mayo 2017.
Si 1st Lt John Carl Morales ang Commanding Officer ng Bravo Company, 49th Infantry Battalion na nasugatan sa sagupaan kontra teroristang Maute Group noong ika-23 ng Mayo 2017. Si 1st Lt Alvarez ang naatasan na sagipin ang nasabing opisyal para madala ito sa ospital. (49IB photo)
Mag-alas
onse na noon ng gabi ng sya at nabigyan ng isang mahirap na misyon. “Sunduin mo
si Lt Morales sa casualty collection point para madala sa ospital. Malubha ang
kanyang kalagayan,” sabi ng Operations Officer.
Sa hapon
na iyon ay na-monitor nya ang impormasyon na naglabasan ang mga armadong grupo
sa mismong syudad at inokupa nito ang mga matataas na buildings. Ang mga Maute
ay namataang may bitbit na scoped rifles, rocket-propelled grenades, at
machineguns.
Sa
kinakaharap na armadong pwersa at sa urban terrain na control nito, alam nya na
kulang ang kanyang tropa na lulan sa dalawang armored vehicles, and Commando
V150 at Simba (SFV).
Naalala
nya ang kanyang pamilya, ang kanyang dalawang mga anak na sina Angie, 11, at
Alex, 6. Naiintindihan din nya na merong pamilya na nag-aantay kay Lt Morales
kaya kailangang masagip sya sa tiyak na kapahamakan. Dahil dito, naging sentro
sa kanyang isipan ang tulungan si Lt Morales kahit alam nya na makikipagsugal
din sya kay Kamatayan.
Binigyan
nya ng detalyadong mission briefing ang kanyang mga kasamahan, at tinalakay
nila ang contingency plans. Taimtim silang nanalangin at nilisan ang kampo
dakong alas-onse ng gabing iyon.
Mainit na pagsalubong
Lulan
ng isang Commando Vehicle at Simba Vehicle, tinahak nila ang kalsada patungo sa
Marawi City. Tinatawid nila ang Banggolo bridge nang pinaulanan sila ng
automatic fires at pinaputukan ng rocket propelled grenades. Sa lagabog at
kalansing ng mga punglo na tumatama sa kanyang sasakyan, nanariwa sa kanya ang
kanyang baptism of fire sa Butig, Lanao del Sur iilang taon lang ang lumipas.
“Return
fire!”. “Bypass!” Isinigaw nya ang
kanyang commands at ipinaabot din ito sa sumusunod na vehicle sa pamamagitan ng
tactical radio. Habang umusad sila papunta sa syudad ng Marawi, iilang
improvised bombs ang pinasabog sa kanilang vehicles ngunit walang napuruhan sa
kanila.
Kinontak
ni Lt Alvarez sa tactical radio ang opisyal ng 49th IB para sa
gagawing link-up operation. Si 1st Lt Ray Acosta, ang nakausap nya
sa kabilang linya.
“Ang
pinaka-reference mo sa location namin ay ang trak na nakaharang sa daanan.
Abangan namin kayo,” sabi ni Acosta.
Itinuloy
nila ang pag-advance pagkatapos malampasan ang stronghold ng kalaban hanggang
sa may nakita silang nakahambalang na trak sa daanan. Ang problema, umuulan na bala ang sumalubong
sa kanila. Binagbagan kaagad ng kanyang gunner ang pwesto ng mga armadong grupo
kaya napasigaw si Lt Alvarez.
“Cease
fire! Mga kasama natin iyan!”
Samantala,
si Sgt Waoy na syang driver at nakakakita sa mga hitsura ng nailawan na mga
armado ay sigurado na terorista talaga ang nang-ambush sa kanila.
“Kalaban
na talaga ito sir! Cpl Lumbay, continue firing!”
Di
nagtagal sa kanilang pakipagpalitan ng putok ay niyanig ang Commando vehicle ng
pagsabog. Tinamaan sila ng Rocket-propelled grenade!
Puwing
mula sa mga alikabok, makapal na usok, at kalawang ang inabot nila. Marami ang
may tama sa kasamahan niya sa loob ng armored vehicle.
“May
tama ako sir!”
Tuloy
ang pamumutok sa kanila at merong mga kasunod na RPG fires. Nakita nyang
nakahandusay na si Private Purlas. Patay na ito nang pinulsuhan nya. Nang
inusisa nya ang mga kasamahan, isa lang ang walang tama.
Tumawag
sya sa Simba vehicle para ma-sustain ang supporting fires mula sa likuran.
“Cpl
Parel, tuloy ang putok sa pwesto ng mga kalaban!” Nag-maneuver ng mas magandang
position ang driver ng Simba na si TSg Santos at pinaulanan nila ng bala ang
mga terorista na nasa mga konkretong pwesto. Napatay nila ang ilang sa naabutan
ng Cal 50 M2 ball rounds.
Sa
kasagsagan ng putukan, tinamaan uli ang Commando vehicle na syang dahilan para
ito ay tumirik. Di na ito makaalis sa posisyon at ang kanyang Cal 50 machinegun
ay nakatutok na lamang sa eastern direction. Doon sya nagdesisyon na lumabas
para idepensa ang mga vehicles mula sa nakapaligid na buildings.
“Dismount
tayo, maiwan ang driver at gunners para mag-base of fire!”
Tinawagan
din nya sina Tsg Santos na nasa Simba vehicle upang bigyan din ng kaparehas na
instruction.
“Maiwan
kayo ni Cpl Parel, ang ibang tropa ay maghati-hati ng posisyon para makakuha ng
mga buildings sa lahat na north, south, west at east.”
Kasama
ang mga sugatan na kaya niyang hilahin palabas, tinakbo ni Lt Alvarez ang isang
bahay para gamiting cover. Si Pvt Cabonitas ay di na kayang makalakad dahil sa naputol
ang kanyang paa, kaya tinalian nila ito para mahinto ang bleeding at binigyan
ng first aid treatment. Pinilit din nito na makakuha ng defensive position sa
labas para makasuporta sa pagbigay ng cover fire sa grupo ni Lt Alvarez.
Habang
nakikipagputukan ang mga armored vehicles sa labas, ginamot at pinapataas nya
ang morale ng mga sugatan na kasama. Apat sa kanila ay natamaan sa mata ng
shrapnel. Si Pfc Martin ay nabulag ang dalawang mata. Si Pfc Rebuca at Pvt
Balasico ay natamaan ang isang mata. Samantala, kinuha ni Pfc Valencia ang
medical kit sa loob ng vehicle para gamutin ang mga sugatang kasamahan.
Sa
buong madaling araw ng May 24, nakipagbarilan sila sa mga terorista. Napansin
nya ang mga laser aiming devices ginamit ng mga kalaban na tila ay hinahagilap
ang kanilang silhouette sa pinagtataguan.
Nakita
rin nya ang mga sibilyan sa mga bahayan na ayaw pang lisanin ang lugar.
Nahahabag sya sa takot ng mga iyon sa gitna ng putukan na nagaganap. Pinatago
nya sila sa mas magandang pwesto. Minabuti ni Lt Alvarez na makapagbigay
kanyang grid location at humingi ng reinforcement para sa MEDEVAC ng kanyang
mga casualties.
Sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang Battalion Commander na si Lt Col Goyena, pinapatatag nito ang kanilang kalooban: “Kapit
lang kayo, makakarating din ang reinforcements dyan. Papunta na sila sa
Banggolo Bridge!”
Napabuntong-hininga sya sa narinig dahil alam nya ang tindi ng pwersa na nakaabang sa lugar. Malaking balakid ang mga kalaban na nakapwesto sa matataas na buildings at sa paligid ng tulay na iyon.
Napabuntong-hininga sya sa narinig dahil alam nya ang tindi ng pwersa na nakaabang sa lugar. Malaking balakid ang mga kalaban na nakapwesto sa matataas na buildings at sa paligid ng tulay na iyon.
Nang
lumiwanag, humupa ang putukan at napansin nya ang pagdagsa ng mga sibilyan sa
kanyang pwesto.
“Sir,
tulungan nyo po kami. Gusto naming makaligtas mula sa nagliliparang bala dito,”
sabi ng isang babae na tangay ang kanyang maliliit na mga anak. Lubos syang
naawa sa mga ito kaya itinuro nya ang direksyon ng 49th Infantry
Battalion upang doon sila makakuha ng mas ligtas na pwesto.
Nagkaroon
ng lull sa putukan sa umaga na iyon. Kinuha nya itong oportunidad para
maka-reposition ng mas magagandang sector sa mga buildings ang kanyang mga
tauhan.
Nang nilapitan nya si Pvt Cabonitas, nagmamakaawa itong humingi ng tubig. “Sir, pahingi naman ng tubig!” Nilapitan nya ito para basain lang ng tubig ang labi nito.
Nang nilapitan nya si Pvt Cabonitas, nagmamakaawa itong humingi ng tubig. “Sir, pahingi naman ng tubig!” Nilapitan nya ito para basain lang ng tubig ang labi nito.
“Masama
para sa iyo ang uminom ng tubig. Laban lang tayo at paparating na ang
reinforcements!”
Pagkabalik
nya sa kanyang pwesto, pinagsaing nya ang tropa ng kanin. Gutom na gutom na
sila sa panahon na iyon. Na-monitor nya sa tactical radios na dumadami ang
casualties ng reinforcing troops sa Banggolo Bridge, lalo na ang mga miyembro ng SR Class 200 na sumugod para tulungan sila. Alam nyang matatagalan pa
ang pagsundo sa kanila.
“Tuloy
lang ang laban. Bantayan nyong mabuti ang sector nyo,” utos ni Lt Alvarez sa
kanyang tropa.
Bandang alas diyes, nabalitaan nya na nakahandusay na si Pvt Cabonitas sa kanyang pwesto. Di na nya nakayanan ang sobrang hirap dahil sa kanyang tama.
Buong
maghapon, inikot nya ang pwesto ng kanyang tropa. Nakahanap din sya ng
helicopter landing zone (HLZ) sa isang solar drier na di kalayuan sa kanilang
pwesto. Sa araw na iyon, naging abala rin sya sa pagtulong sa mga tao na
nagsipaglikas sa lugar.
May
25 (Nabuhay ang 'patay')
Mga
5:00am ng May 25, nakita nya ang isang matanda na naglalakad na may gamit na
tungkod. Namumukhaan nya ito dahil mga 25 metro lamang ang layo nito mula sa
kanyang pwesto. Napansin nyang itinuturo ng matanda ang direksyon ng bodega na
katabi ng building na tinaguan nya. Di nagtagal ay sinundo ito ng isa pang
lalaki na nakasuot ng malong. Dahil sa tingin nya ay ordinaryong sibilyan ang
mga ito, hindi nila ito pinaputukan. Ngunit, nang makaalis ang matanda,
niratrat uli ng mga armadong grupo ang kanilang pwesto bandang 6:30am!
Humigit
kumulang sa 50 na terorista ang lumusob sa kanila ngunit maganda ang mga
pwestong building ang nakuha ng tropa ni Lt Alvarez. Paisa-isa nilang nababaril
ang mga kalaban na nasa kalsada. Patuloy din ang pakikipaglaban ng dalawang
armored vehicles na nasa kalsada.
Sa
hapon ng May 25, nauubusan ng bala ang Simba, at sobrang nanlupaypay sa pagod
at gutom si Tsg Santos, ang driver nito. Ganon pa man, tinakbo ni TSg Santos
ang Commando vehicle para kumuha ng bala doon. Sa kasamaang palad, tinamaan sya
ng bala nang paakyat muli sa Simba, ngunit tumuloy ito para i-maneho ito.
Napa-jockeying pa ni TSg Santos ang sasakyan para makaputok ang gunner na si
Cpl Parel, hanggang huminto na ito ng
nalagutan sya ng hininga.
Nang
magkaubusan uli ng bala ang Simba, lumabas si Cpl Parel para kumuha ng bala
mula sa Commando vehicle, ngunit tinamaan din sya at napilitang gumapang sa
ilalim nito. Nakita ni Lt Alvarez na hindi na ito gumagalaw.
Sa
loob ng Commando, patuloy ang pakikipagputukan ng gunner na si Cpl Lumbay.
“Ayaw nya talagang iwanan ang namatay na tropang sina Pvt Cabonitas at Pvt
Purlas,” salaysay ni Lt Alvarez.
Si Sgt
Waoy naman ay lumabas din sa Commando at kinuha ang east sector para doon
magdepensa. Kahit mag-isa, nagawa nitong paatrasin ang nagtangkang lumapit sa
kanilang sasakyan na nasa open terrain.
“Ang
problema ni Lumbay ay hindi na nya maiikot ang Cal 50 machinegun dahil nasira
ito kaya napilitan itong tumakbo papunta sa Simba para gamitin ito sa pakikipaglaban,”
dagdag pa ni Lt Alvarez.
Kinagabihan,
naulinigan ni Cpl Lumbay na merong kumakatok. Noong una inakala nya itong
kalaban ngunit napansin nyang marunong itong kalikutin at buksan ang lock ng
pinto.
“Nagulantang
si Cpl Lumbay nang Makita nyang si Cpl Parel ang pumasok sa Commando. Buhay
pala sya,” sabi ni Lt Alvarez. “Natuwa si Cpl Lumbay dahil nagkaroon sya ng ka-
buddy sa pagdepensa ng kanilang sasakyan at mga kasamahan.”
Habang
nagmo-monitor sa radio mga alas kuwatro ng hapon, nabalitaan ni Lt Alvarez ang
paparating na tropa ng 44th Infantry Battalion at 15th
Infantry Battalion. Nang i-plot niya ang GPS location ng mga reinforcements,
nasa bandang 50 metro na lang sila. Kinausap nya uli ang tropa at pinasaya
sila.
“Ayan,
nasa tabi na lang natin ang reinforcements. Sige, maghanda na tayo na
salubungin sila para madala na kayo sa ospital!”
Tumindi ang palitan ng putok sa pwesto ng 44th IB
at 15th IB na ikinasugat ng ilan sa mga tropa nito. Nagpasya ang
opisyal nito na i-suspend ang pag-rescue sa kanila dahil sa tindi ng resistance
mula sa mga terorista.
Patagal
nang patagal ang labanan, dumagsa ang maraming kaaway mula sa north sector.
Pinaulanan nila ng RPG at tinatapunan ng Molotov cocktails ang bahay na
pinagpwestuhan ni Lt Alvarez.
“Sa
isang iglap, nakita naming nagliyab na ang mga kutson na naging mitsa na
masunog ang bahay. Tumakbo kami pababa ngunit nasusunog na rin ito. Inakay ko
ang mga sugatan papunta sa CR dahil di na naming matiis ang paglanghap ng
usok,” sabi ni Lt Alvarez.
Tinangka ni Lt Alvarez na apulahin ang apoy ngunit
tuloy-tuloy ding niraratrat ng mga kaaway ang kanilang pwesto kaya doon sila sa
nagpaikot sa may drum ng tubig, ang kanilang huling pag-asa na mabuhay sa loob
ng nasusunog na bahay. Nagbasa sila ng
mga tela at damit at ginamit itong panangga sa apoy at usok sa iilang oras na
nagliliyab ang buong bahay.
Mga bandang 7:00pm nang nagpasya siyang akayin ang mga
sugatang kasamahan pabalik ng second floor. Sa kanyang assessment, mas madali
nilang madepensa ang posisyon nila kapag don sila magpwesto sa ikalawang
palapag, dahil hindi sila napuputukan ng mga kalaban na nasa ibaba. Kinakapa
nya ang kanyang mga kasamahan para ma-account sila bago nya ito inakay paakyat
sa hagdan.
“Ang problema namin, dahan-dahang bumabagsak ang mga baga
mula sa kisame na kasusunog. Napapaso kami ngunit kailangan naming itong tiisin
kaysa ulanin kami ng M203 rounds at RPG,” sabi nya.
Pinapataas ni 1st Lt Jerry Alvarez ang morale ng kanyang tropa na panay sugatan sa nangyaring sagupaan sa Marawi City. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)
Para lumakas ang loob ng lahat na kasama, nagtabi-tabi sila
sa isang sulok. Minabuti nyang magdasal habang tinitiis ang init ng baga na
naglusaw sa parte ng kanilang uniporme. Parang nag-chorus ang mga kasamahan
niya sa pagsunod sa panalangin sa Diyos nang marinig ang kanyang dasal.
“Ang dasal ang siyang nagpatatag sa kalooban naming sa
gabing iyon. Naisip namin ang aming mahal sa buhay na nag-aantay sa amin kaya
kinakailangan naming lumaban hanggang sa huling patak ng aming dugo,” ayon kay
Lt Alvarez, na dating kadete at miyembro ng PMA Class 2005.
“Malaki rin ang tulong ng pagka-plebo ko sa PMA na kung saan
ay dumaan ako sa matinding pagsubok. Itinuro sa amin doon na huwag sumuko at
panatiliing matatag ang kalooban sa gitna ng kagipitan,” dagdag pa nya.
Tiniis ng grupo ni Lt Jerry Alvarez ang init ng bumabagsak na baga mula sa nasunog na kisame para maiwasan ang tiyak na kamatayan mula sa pang-ratrat ng mga terorista sa ground floor ng bahay na tinaguan. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)
May
26 (Ang katapangan ni Pvt Estores)
Sa kanilang pakikipag-usap sa kanyang mga kasamahan na nasa
katabing building, inireport ng mga ito na meron nang mga tropa na nasa eastern
location nila, at lahat ng mga iyon ay nakasuot ng itim na helmet. Itinawag nya
ito sa 44th IB.
“Hindi
kami iyan. Olive drab ang aming helmet. Mga Maute ang nakikita nyo,” sabi na
opisyal na kanyang nakausap. Bigla syang
naalarma, napapaligiran na sila ng mga kalaban. Tumawag sya ng close air
support (CAS) sa 103rd Brigade Headquarters. Pinabagsakan nya ng
bomba ang posisyon ng mga ito kaya natahimik ang mga terorista sa pwesto nila.
Si
Pvt Estores ay nagpasyang takbuhin ang Commando vehicle kasama si Pvt Rivera
dahil ang mga terorista ay sumugod sa eastern direction na kung saan nakatutok
ang tumirik na Cal 50 machinegun. Marami ang napatay nina Pvt Estores kaya
lalong pinaulanan ng mga Maute ng RPG ang Commando vehicle, isa rito ang
tumagos at agad na ikinamatay ni Pvt Estores, ang pang-apat na nagbuwis ng
buhay sa grupo ni Lt Alvarez.
Mag-isa
na lang na buhay si Pvt Rivera sa Commando ngunit lalo syang nagagalit sa mga
kalaban na lumapit sa kanilang armored vehicle. Inilabas nya ang kanyang baril
sa gun port at pinagbabaril ang RPG gunner ng terorista. Nagsipagtakbuhan ang
mga ito pabalik sa pinanggalingan na building sa eastern sector.
May 27 (Ang tutong na pagkain)
Kinaumagahan ng May 27, naghagilap sya ng makakain dahil
naubos na ang ilang kapirasong Skyflakes na naisingit nya sa kanyang bandoleer.
Tila milagro, nakita nya ang tunaw na kaldero na meron pang laman na kanin na
iniluto nila noong nakaraang araw!
“Nasunog na rin ang kanin ngunit nang inusisa ko ang ilalim
nito, meron pang natirang maputing bahagi na pwede pang pagtyagaan. Tutong ang
itaas at ilalim nito na tila nasunog na bibingka. Hating kapatid kaming lahat
sa milagrong pagkain,” sabi nya.
Nasa kalagitnaan sila ng pagngatngat ng tuyo nang pagkain
nang umulan uli ng bala sa paligid. Dumami uli ang mga terorista na gustong
agawin ang armored vehicles.
Na-lobat
na ang kanyang radio kaya cellphone na ang gamit nya sa pagkontak sa Brigade at
sa mga kasamahan na nasa ibang mga building. Nagrequest sya ng artillery
support sa hilagang bahagi ng kanyang pwesto na pinagposisyonan ng mga
terorista. Noong una ay di sya pinagbigyan ng Brigade dahil 50 metro lang ang
layo nito sa kanyang pwesto. Ang taktika naman ng terorista ay lalong lumalapit
sa pwesto ng mga sundalo tuwing mabagsakan ang pwesto nila ng 105mm rounds.
“Nag-alala
ang nasa artillery na matamaan kami dahil 30 metro lang ang pinapatakan ko.
Ipinaliwanag ko na matibay ang building na kinaroonan ko at maliban doon,
maaaring ma-wipe out na kami dahil paubos na ang aming bala,” sabi nya.
Nang
nagdapuan ang 105mm high explosive rounds, natameme ang mga terorista at
nagsipagtakbuhan sila. Nang nakita ni Pvt Okoman na gustong mag-maneuver ng
terorista sa likuran nya, bumaba sya sa gate para pagbabarilin ang terorista na
gumapang papunta doon.
Di
kalaunan, dumating uli ang tropa ng 44th IB at 15th IB at
nakalapit muli sa 50 metro ang layo ngunit nagkaroon na naman ng casualties sa
sagupaan. Dahil dito, aborted muli ang pagsundo sa kanila.
Kinagabihan,
paubos na muli ang battery ng kanyang cellphone na ginagamit sa pagcontact sa
TCP. Ma-isolate sila kung maubusan sila ng battery kaya nagboluntaryo si Pvt
Cabanayan na gumapang papunta sa labas at maghanap ng baterya ng motor o sasakyan.
Di nya inalintana ang pamamaril ng Maute na di kalayuan sa kanila.
“Laking
tuwa namin dahil nakabalik si Cabanayan na may bitbit na baterya ng motor.
Ginawan nya ito ng diskarte na maging power source para marecharge ang power
bank ko. Ito ang nagamit ko para ma-coordinate ang pagreinforce sa amin ng 1st
Scout Ranger Battalion kasama ang tropa naming sa 5th Mech
Battalion,” sabi nya.
May 28 ("Fire at my position!")
Sa
ika-28 ng Mayo, nasa malapit na ang mga Rangers na pinamunuan ni Lt Col Samuel
Yunque ngunit makapal pa rin ang mga kalaban na nasa paligid ni Lt Alvarez at
mga kasamahan.
“Tuwing
marinig o maramdaman naming ang nagmamaso ng pader sa timog na bahagi ng aming
pwesto, napapangiti kami sa tuwa. Subalit, nagbubutas din ng pader sa hilagang
bahagi ang mga terorista gamit ang maso, kaya napapawi naman ang aming ngiti
dahil alam naming papasukin nila kami at pagpapatayin,” kwento nya.
Binubutasan ng mga Scout Rangers ang pader para marating ang pwesto ng tropa ni Lt Jerry Alvarez sa Marinaut, Marawi City. (Photo by 1st SRB)
Gamit
ang cellphone, nakarequest si Lt Alvarez ng close air support at napabagsakan
ang pwesto ng mga snipers na humarang sa mga Scout Rangers sa southern sector.
Dito tumahimik ang mga terorista sa kanilang pwesto kaya mas napabilis ang
advance ni Cpt Carandang palapit sa armored vehicles.
Napansin
din ni Lt Alvarez na ang mga kalaban ay nakaakyat na sa rooftop ng building na
kanyan pinagpwestuhan. Naalarma sya dito dahil baka makababa ito sa ikalawang
palapag. Itinawag nya kay Lt Col Yunque ang kanyang request.
“Sir,
patakan mo ng mortar ang rooftop ko. Andito na sila sa itaas ko!”
Nag-alala si Lt Col Yunque dahil baka ang sariling tropa ang
matamaan ngunit nanigurado si Lt Alvarez na maganda ang cover nila kaya safe
ang posisyon nya. Nagdalawang isip man, pinatakan ni Lt Col Yunque ang rooftop
hanggang sa matamaan ang mga nakapwesto doon.
“Tuwing merong pumalit na terorista sa rooftop, pinapatakan
ko uli hanggang sa wala nang nagtangkang umakyat uli doon. Malaking pasalamat
namin sa magagaling na mortar section ng 1st SRBn,” paglalahad ni Lt
Alvarez.
Bandang hapon, napagkasunduan nila ni Cpt Carandang na ang
rendezvous point ay ang bodega o rice mill iilang metro lang mula sa armored
vehicles. Ibinigay nya ang instruction na ito sa lahat ng mga tropa gamit ang
kanyang cellphone.
“Sa rice mill tayo magkikita lahat. Salubungin tayo ng
Rangers doon.” Nagfeedback ang lahat ng affirmative.
Nang
dumating ang takdang panahon ng salubungan sa rice mill, inakay ni Lt Alvarez
ang mga kasamahan papunta sa bodega ng rice mill. Merong pailan-ilang putok na
sumalubong sa kanila ngunit himala na di sila tinamaan hanggang nasulyapan na
nya ang pwesto ng mga Rangers.
“Parang
nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang Makita ko ang mga Rangers. Ngunit
nag-alala naman ako dahil kulang ang nakarating sa aming rendezvous point,”
sabi nya.
Sa
kalituhan sa gitna ng putukan, napunta pala sa solar drier sina Pvt Cabanayan
at Cpl Lumbay dahil ang pagkaintindi nila dito ay ‘dry mill’! Pagdating sa
bilaran, sniper fire mula sa Maute ang sumalubong sa kanila kaya kumaripaspas
din silang pabalik hanggang sila ay makapag-link up sa 1st SRBn dakong
alas tres y media ng hapon.
Nang
binilang ni Lt Alvarez ang kanyang tauhan sa rendezvous point, napag-alaman
nyang kulang ang kanyang tropa. Wala si Sgt Wa-oy na kanyang driver sa Commando vehicle at ang ka-buddy nito na si Pfc Martin.
Kinagabihan,
nakatanggap siya ng text message mula kay Sgt Wa-oy kaya nagplano uli sila ng
taktika paano sila masundo sa kanilang pwesto.
“Wag
kang mag-alala, di naming kayo iiwanan. Magkikita tayo bukas umaga pagsikat ng
araw,” pa-high morale nyang text kay Sgt Waoy na noon ay nakagamit ng
natagpuang cellphone sa isang building.
Sa
sunod na umaga, isinakatuparan ang plano na pagsagip sa dalawang natitira pang
sundalo. Matinding palitan ng putok uli sa buong maghapon dahil
nakapag-reposition ang mga terorista malapit sa mga armored vehicles at
nakapwesto ang mga snipers sa matataas na buildings.
Umabot
ng 6pm ang engkwentro hanggang matagpuan ng mga Rangers sina Sgt Waoy at Pfc
Martin.
“Sa
wakas, nakumpleto rin kaming lahat na survivors. Ang natitira na lamang ay ang mga
bayaning namatay na nasa loob pa ng armored vehicles. Hindi kami kumpleto
hangga’t di pa naming sila maiiuwi,” ayon kay Lt Alvarez.
Abangan ang kuwento sa mga aksyon ng 5th Mechanized Infantry Battalion at ng 1st Scout Ranger Battalion sa kanilang pag-bawi sa naiwang armored vehicles na naiwan sa pwesto ng teroristang Maute.
(1st of two parts)
Maraming salamat sanyong serbisyo at sakripisyo..
ReplyDeletethank you soldier
ReplyDeleteSalamat po sa pagsasakripisyo para sa bayan. Lagi po namin kayong pinagdarasal.
ReplyDeleteGod bless Po sa Inyo lahat..!
ReplyDeleteSalamat Ranger Cabunoc sa iyong post. Isang araw sa aking pagbabalik, gusto kong makilala itong si Lt. Alvarez at makamayan man lang sya at ang kanyang mga kasamahan dahil sa kanilang kabayanihan at katapangan. My salute to those who have fallen. Ipagpatuloy nyong itaguyod ang unit ng Armor! - Warrior from 11LAC.
ReplyDeleteGod Bless to all the members and families of our Military and Police Troops
ReplyDeleteI salute you sir your a true hero kahit buhay pakapilit itinaya mo para sa bansa natin at para sa kasamahan ninyo you deserve not only a medal of valor but you deserve more than that
ReplyDeleteYou gain my respect sir
Salute you sir and to all troops
GOD BLESS
Be safe all soldiers
salute to all troops fighting in Marawi...praying for all your safety...God bless
ReplyDeleteYou know a very well written narrative when you can almost feel what it's like.
ReplyDeleteTama po, pati akong nagbabasa kinakabahan...
Deletea very patriotic, gallant act of an officer relative to his subordinates. an urban guerilla warfare employed by the suicide terror group should be countered by an equal force of trained special forces of the afp.
ReplyDeleteMaraming Salamat po sa inyong pag sakripisyo para sa ating Bayan, Mabuhay po kayo!
ReplyDeleteSalamat mga sir sa inyong mga sakripisyo para bayan at sa aming mga mamamayan... Ang aking Panalangin para sa kaligtasan ninyong lahat...Nawa'y palagi kayong gabayan ng ating mga Guardian Angel at ng ating Panginoon at ligtas sa anu mang kapahamakan...Amen
ReplyDeleteNakakadurog ng puso... Naawa po ako sa inyo mga sundalo...
Hindi po ako nakakatulog ng maayos mga sir... palagi ko po kayong ipinagdarasal lahat ng mga mandirigma na sana po ay ligtas kayong lahat habang nakikipaglaban sa masasamang loob...
Napapaiyak po ako sa inyo...
Marami rin po akong mga kadugo na mga sundalo...
Yung isa po jan Sgt. Miguelito A. Abao ng nabasa ko name nya... Diyos ko po panginoon ko...
Salamat po sir sa pagshare nyo...
God bless po sa ating lahat
Maraming salamat sir...i salute to all of you sir
ReplyDeleteSnappy salute to all!
ReplyDeleteWe Honor and salute all of you Sir tunay po kaung mga Bayani....
ReplyDeleteWalang katumbas ang sakripisyo nyo para sa bayan
ReplyDeletewe are so proud of you...i saludo po kmi sa inyong katapangan at paninidigan bilang mga tagapagtanggol ng bayan. we owe you a lot....God bless po..
ReplyDeleteA snappy salute syo 1lt Alvares, sa iyong mga kasama na survivor at mga kasama na nag buwis ng buhay. You have given the MAUTE terrorist group a good fight! Kayo ngayun ay napa bilang na sa tunay na mechanized Infantry warriors ng 5th MECH Infantry Bn! Thanks sir Ranger Cabunoc sa pag lathala ng kanilang kabayanihan.
ReplyDelete-From a true Blooded ARMOR ng Mechanized Infantry Division.
A snappy salute to all of you, Sirs!
ReplyDeleteSalute to the brave men of Philippine Armed Forces God speed.
ReplyDeletePag naka huli kayo ng maute sir! Patayin nyu na wag nyu ng ipa kita sa media!
ReplyDeleteStay safe po sa inyong lahat... Godbless you all...
ReplyDeleteA snappy salute to you, our true heroes!This makes me proud and hopeful for my motherland.
ReplyDeleteGod continually bless and keep you..
ReplyDeleteWords aren't enough to tell you how much you mean to us, sirs..
A Heart warming true story..
ReplyDeleteA snappy salute to you our brave soldiers, and to our fallen soldiers.
God is with you always.
Sir i give all my respect i can give to you and everyone serving our country.
ReplyDeleteI maybe an office worker in manila, but my heart is wherever you guys are.
I hope when the time comes i am called into service, i may do justice to what everyone in the military has offered.
Snappy salute sirs.
thankyou for sharing. well written.
ReplyDeleteall the more thank you for serving our nation and protecting us. May God protect you with His most precious blood and May the Mantle of Protection of Mama Mary be with you.
hand salute! proud of our brave soldiers. walang iwanan talaga
ReplyDeletePatnubayan nawa kayo ng Diyos...
ReplyDeleteilayo sa kapahamakan,para sa bayan.
snappy salute to you Sir...
saludo ako sa nu lahat sir....hindi kayo pababayaan ng ating maykapal....sana makita namin kayong lahat at papalakpakan sa kabayanihan na nagawa nu
ReplyDeleteMaraming salamat sir sa inyong sakripisyo at pagsisilbi sa ating bayan...Ipapanalangin lage namin ang inyong kaligtasan...Sana masuklian ng sapat ng mga mamamayan at ng pamahalaan ang inyong Kabayanihan at serbisyo..
ReplyDeletebreathtaking...parang pelikula.kayong mga sundalo atapang a tao...God is great!!! marbelboys
ReplyDeleteMy prayers, respect, and gratitude to our brave soldiers. Special thanks also to the writer of this spellbinding narrative.
ReplyDeleteRESPECT and SALUTE po para sa lahat ng sundalo natin. Kinilabutan ako sa storya. Part 2 pls. Thanks
ReplyDeleteBravo to our brave soldiers. Salamat sa kwento mo. At ang galing ng blog mo. Hinihintay namin ang part 2.
ReplyDeleteMABUHAY KAYONG LAHAT AT ANG MGA KABAYANIHAN NIYO. God bless you all!
ReplyDeleteMaraming salamat sa ating matatapang na mga sundalo. Ibinubuwis niyo ang inyong para sa kapayapaan.
ReplyDeletetahnk you so much sodiers sana po pag[alain kayong lahat
ReplyDeletethank you so much soldiers for securing our nation
ReplyDeleteThank you very much dearest and bravest soldiers..Thank you for serving the nation in the name of love ad service...To 1st LT JERRY ALVAREZ, we are so proud of you sir. I am very much proud as your one of your classmates before in Bayambang.. (Napanood kopo kayo Sir Alvarez sa ABS-CBN's 'Di Ka Pasisiil'.. GOD bless you always sir and the rest of the AFP.. God bless our leaders and the Philippines...Mabuhay po kayong lahat... Salute to all of you..
ReplyDeleteMagagaling na Lt hindi sya nawala ng comunication hangang Dulo at Artilert suport at Airforce rocket alam kung saan ibabagsak ang artilery at mesile ng air force
ReplyDelete