Si Cpl Leonardo Orrozco (kaliwa) ay kasalukuyang naninilbihan sa Basilan Province. Kasama nya sa larawan si Lt Col. Elmer 'Tex' Suderio, ang pinuno ng 3rd Scout Ranger Battalion. Bilang CAFGU guide ng aking unit, si Orrozco ang nakapagbigay ng malaking combat score para sa 10th Scout Ranger Company na aking pinamunuan, kaya nahirang itong Best Company for Operations noong taong 2001. (3rd SRB photo)
Meron na akong naibahaging kwento ng kagitingan at kabayanihan ng mga mga kasundaluhan at mga CAFGU na katuwang namin sa pagsugpo sa karahasan ng mga terorista na bumibiktima sa mga mamamayan sa kanayunan.
Isa sa matagurian kong 'Badass' na sundalo ay ang mangangaso (hunter) at miyembro ng CAFGU na si Cpl Leonardo Orozco. Bakit sya 'badass'? Ganito yon: Sya ay kalmado lang pero mataas ang kumpyansa sa sarili, 'tuso sa labanan', mataas ang level ng survivor instincts; at, higit sa lahat ay hindi nakikitaan ng nerbyos sa mga nakaambang panganib kahit sa gitna ng putukan! Napatunayan ko ang lahat ng iyan sa pinakamadugong engkwentro na aking naranasan noong aking kabataan. To know more about him, you may also see these links:
1) Meeting Orrozco http://rangercabunzky.blogspot.com/2013/10/my-most-memorable-combat-action-leave_11.html
2) Fighting with Orrozco. http://rangercabunzky.blogspot.com/2013/10/my-most-memorable-combat-action-leave_13.html
Binisita ko si Sgt Castro Kitong, ang dati kong tauhan sa 10th SRC na nasugatan sa engkwentro laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Talipao, Sulu noong November 2014. Si Kitong ang Private na ka-buddy ni CAA Orrozco na aking naatasan na dakmain ang M60 Machine Gun sa gitna ng bakbakan namin sa grupo nina Abu Sabaya noong October 7, 2001.
Bago pa man ang aming engkwentro, meron na syang naipakitang katapangan at kagalingan sa recon operations. Kasama ang kanyang kapatid, nagapang nilang dalawa ang pwesto ng mga Abu Sayyaf na pinamunuan ni Hamsiraji Salih sa Bgy Makiri, Isabela City, Basilan. Kahit Cal 45 pistol lang ang dala nila, nilapitan nila ang mga bandido upang manmanang mabuti ang kanilang ginagawa. Sa kanilang pagtitiyaga, napag-alaman nilang nasa hiwalay na pwesto ang 4 bandido na naglilinis ng Cal. 50 Heavy Machine Gun! Napagkasunduan nilang agawin ang Cal. 50 HMG kaya gumawa sila ng diskarte. Naghiwalay sila ng pwesto at kinasahan ng pistola ang mga bandido. Malakas ang apog no?
Buong loob na sinigawan ni Orrozco ang mga bandido.
"Hoy, napaligiran na namin kayo! Sumuko na kayo kundi ratratin namin kayo ngayon din!"
Sa sobrang nerbyos, nabitawan ng mag bandido ang mabigat na machinegun at kumaripas ng takbo para iwasan ang ratrat ng 'maraming' sundalo. Ito ang kinuha nina Orrozco na pagkakataon para naman ay pulutin ang napakabigat na baril ay itinakbo paakyat sa high ground, palapit sa pwesto ng kanilang mga kasamahan. Nganga ang inabot ng mga Abu Sayyaf.
Sa ikatlong pagkakataon, halos dalawang buwan lamang pagkatapos na sya ay masugatan sa aming engkwentro sa Balatanay, nagapang uli ni Orrozco ang mga bandido at nakita ang grupo ni Hamsiraji malapit sa Bgy Balawatin-Bgy Makiri area. Dahil nasa Sampinit Complex ako sa mga panahong iyon, sa Light Reaction Company nya ibinigay ang impormasyon na nagbunga ng isang matagumpay na engkwentro na pinangunahan ni Cpt Toto Dela Cruz. Timbuwang ang mga bandido at nakuha ang 90mm Recoilless Rifle, iilang matataas na kalibre ng baril at pati ang na-recover na Raytheon Thermal Imager mula sa tropa ng 10th IB ay nabawi mula sa mga terorista.
Dahil sa kanyang kakaibang tapang at galing sa patrolling missions bilang CAFGU, inirekomenda ko si Orrozco na ma-enlist sa Philippine Army noong taong 2002. Pinagawaran din namin sya ng pinakamataas na parangal para sa isang CAFGU na kung saan ay mismong si Presidente Gloria Macapagal Arroyo ang nagsabit sa kanyang medalya.
Sa tingin nyo, matagurian ba syang 'badass' na sundalo? Saludo ka ba sa kagalingan nya?
Very inspiring story of Cpl. Orozco and a well deserved enlistment. Sana marami pa po kayong makitang gaya nya sa hanay ng CAFGU na naghihintay ng pagkilala mula sa AFP. God bless and more power on your blog.
ReplyDeleteThere was another brave CAFGU in Bicol whom we recommended for enlistment in 2010 after successfully repulsing an attack perpetrated by the NPA in Donsol, Sorsogon.
DeleteCheck my blog entry titled "Till bullets do us part". 😊
Magkasama sila ni Toto ulit ngayon..
ReplyDelete