Friday, October 25, 2013

Ang 7-Eleven sa Amerika


 Sa Amerika, ang parang walang katapusan ang haba ng kalsada at kalimitan ay nauubusan ako ng gasolina.

Di ko alam nasaan ang gasolinahan. Buti kung Pilipinas at merong Shell, Petron o Caltex. Minsan meron din yong naka-bote sa tabi-tabi. 

Nilapitan ko si Ate na nasa gilid ng kalsada naglalakad.

"Hi, can I ask where the fuel station is?"

Mabait si Ate at agad naman sumagot. 

"The nearest is 7-Eleven and it is about 3 miles from heyyhhh (here) in one of the exits. It is a maze of roads so bettehh (better) use your G-P-S," sabi ni Ate sabay tumalikod na ayaw na akong kausapin. 

 Inis ako kay Ateng may pagka-isnabera kaya Tinagalog ko na. Nagpabango naman ako ah.

"Gasolinahan ang hanap ko uy, hindi  convenient store! Di mo ba get's yon!

Walang magawa, ipinagpatuloy ko ang mag-drive at palingon-lingong maghanap ng gasolinahan sa gilid ng freeway.







Agaw dilim na nang nakita ko ang pamilyar na kulay na ito. Ano yon?

"Damuho yan, tama si Ate!"

Welcome to 7-Eleven fuel station! 

It is more fun in America! (Sowee Ate!)



Thursday, October 17, 2013

My most memorable combat action: Leave no one behind (Part 6)







Bandang 4:00pm, nang nakaalis na ang lahat ng mga wounded personnel at pati sina Gen Roy Cimatu, napagkasunduan naming lahat na manatili sa encounter site para paigtingin pa ang tracking operations. 

Pababa ako uli sa encounter site nang nakatanggap ako ng tawag mula sa aking tropa na naiwan sa ibaba:

"Sir, merong bangkang parating. Nakikita namin na me karga silang tubo at mukhang 90RR ito. Limang tao lang ang nasa bangka."

Nagmadali akong bumaba at baka merong nauulol na mag-reinforce mula sa mga karatig na lugar. 

"Antayin nyo ako. Wag nyong barilin hanggat makalapit, nang masiguro natin kung sino yan. Kunin ang Galil Sniper Rifle at abangan natin."

Nag-dalawang isip din ako kung kalaban ba talaga iyong lumalapit sa kinaroroonan namin. Sa dami ng pagsabog at sa tagal ng putukan, bakit sila lalapit? Kung kalaban yan, naghahanap sila ng sakit sa katawan

Lahat ay atat na naka-abang sa 'kalaban' na paparating. Actually, kokonti na lang bala namin sa mga panahon na iyon, tapos mukhang 90RR pa ata ang dala ng paparating na bangka. Bawas na rin yong last magazine ko pero pipilitin kong mag-One shot, One kill kung kailangan. Last resort kong panlaban ang aking itak.

Gamit ang Galil ng aking tropa, sinilip ko ang 'target' gamit ang 10x Nimrod fixed power scope na naka-install dito. Zeroed ang baril na ito up to 600 meters at kayang tumama ng 6-inch diameter steel plates. Ang mga tao na paparating ay nasa layong 300 metro at papalapit papunta sa amin. Napansin kong pakaway-kaway.

Sa layong 200 metro, nakita kong naka-shorts ang iba. Me naka-pula at me nakaputing shirts. Mukhang turista, matapang na turista!

Naaninag ko na ang dalang 'tubo' ay maikli pala. Video camera! Bakit me turistang me dalang video camera? 

Nagbabala kaagad ako sa mga tropa at baka me ma-excite na kumalabit at katatapos pa lang ng mainit na bakbakan.

"Ooooops! Video camera yang dala at lalong hindi yan RPG!"

Nang papalapit sa layong 100 meters, nakikilala ko na ang mga hitsura. Me suot pang ID ang iba. Naka-smile pang kumakaway!

"Uy, mga media!"

Don ko nakilala ang taga Reuters na si Bob Ranoco. Me kasamang ibang taga wires na mga field correspondents. Gustong maka-scoop.

"Sir, buti di nyo kami nabaril. Nasa leeg na bay_g namin!"

Napatawa na lang ako sa actuation nila. Tama nga naman, sumuong sila ng panganib. 

Nag-request sila ng interview. Although di ako sanay sa media, ini-entertain ko sila. Nagkwento lang ako sa nangyari. Hinimas-himas nila ang M60 Machinegun na nabawi namin kay Sabaya. Nakita nila ang sitwasyon na inabot ko kaya maraming tinamaan sa tropa. 

Nang nakaalis ang media, kinausap ko ang lahat ng tropa. Consolidate and reorganize. Nag-redistribute kami ng bala. In short, hingian at baka me mag-suicide attack kinagabihan. Cross loading ang tawag namin dito.

Nag-account din kami ng ammo expenditures per individual at completeness ng equipment. Nag-designate ako ng sector of fires sa possible avenues of approach sa patrol base na aming pinili. 

Sa Scout Ranger SOP ay salitan naman ang mag-gwardya sa 'Rest Plan' pero tila ay walang makatulog kinagabihan. Ako naman ay nakasandal sa isang niyog at nakatingin sa karagatan. Sa horizon ay nakikita ko ang mga ilaw ng mga mangingisda. Buti pa sila, marangal na hanap-buhay ang ginagawa at di kidnapping kagaya nina Janjalani, Sabaya at Hapilon.

Back to barracks

Kinaumagahan, natanggap ko ang kautusan na kami ay mag-BTB (back to barracks). Lumiwanag ang mga mukha ng tropa nang sabihin kong balik muna kami sa Cabunbata na kung saan ang aming kampo.

"Ituloy na natin ang ating 10th anniversary sa October 10. Sa Matarling uli ang pick-up point natin mamayang 11:00am."

Kahit naging duguan ang aming yunit sa naturang bakbakan, nakikita kong high-morale pa rin ang tropa. Inoobserbahan ko ang lahat kung merong blangko ang paningin. So far, so good.

Nang marating ko ang mataas na bahagi sa Upper Manggas, minabuti kong tawagan sa cellphone ang aking First Sergeant na naiwan sa kampo.

"First, pabalik na ang mga mandirigma. Pakihandaan sa Mess Sergeant ng mainit na sabaw at adobong manok."

Ganon lang kasimple ang pa-high morale ko sa aking mga tauhan. Di naman sila naghahanap ng high-tech na menu. Ang pondo ng yunit ay merong nakalaan para dito at nasa Company Commander ang diskarte paano nya ito gamitin nang maisakatuparan ang misyon ng yunit. Di maiwasan na ang iba ay 'mahina' ang diskarte o walang diskarte.

Naalala ko rin ang lahat na mga wounded na tropa na nasa Camp Navarro Station Hospital sa Zamboanga City.

"Papuntahan ang lahat ng wounded sa ating Liaison NCO sa Camp Navarro. Ilista ang ward na kinalagyan at alamin ang kanilang pangangailangan na dapat nating aksyunan."

Don ko napag-alaman na ligtas na ang lahat ng mga WIA sa kapahamakan. Napangiti kaming lahat sa magandang balita. 

Pagkadating sa kampo mga dakong alas dose, nakahanda na ang aming tanghalian. Umuusok pa ang tinolang isda at nakalatag na ang boodlefight. Wipe out ang pagkain pagkatapos ng iilang minuto na nag-command ako ng 'Commence boodle fight!"

After Action Review

Kinahapunan, nagpa-schedule ako ng After Action Review. Dito namin pinag-uusapan ang mga kaganapan sa katatapos na military operation. 

Inaalam kung ano ang individual actions ng mga tropa para malaman sino ang deserving para sa combat awards. Inaalam kung bakit me palpak at bakit nagkaproblema. Tinitingnan din kung ano ang mga best practices na dapat ipagpatuloy sa susunod na mga operations.

Sa pamamagitan ng AAR, binubuo ang tinatawag na After Battle Report (ABR) na syang basehan sa iba't-ibang admin requirements kagaya ng replenishment ng ammo expenditure at combat awards. 

Sa pamamagitan ng ABR, isinusulat din ng Company Commander ang mga lessons learned in combat kasama na ang TTPs (tactics, techniques and procedures), doctrinal employment of weapons, at leadership issues na dapat mapag-aralan at maipamahagi sa mga training institutions.

Dito nagkakaproblema ang ibang mga yunit kung 'utak-pulbura' ang mga opisyal na natakatalaga. Kung walang gagawa sa admin reports, malamang ay wala ring awards at promotions ng tropa. Di kasi pwedeng sa pagkalabit lang ng gatilyo magaling dahil napapalaban din sa Inglisan ang opisyal sa pag-gawa ng mga reports na ganito. Kahit gaano kagaling sa barilan at kahit maraming accomplishments, kung tamad o ayaw gawin ang mga reports, low morale ang tropa at nawawalan ng halaga ang kanilang pinaghirapan.

Ang aking ginawang After Battle Report ang pinaka-basehan ng Battalion at ng First Scout Ranger Regiment para sa special enlistment ni CAA Leonardo Orozco. Ang ginawa ko lang, nagkwento lang ako ng kanyang combat actions na talaga namang nakakabilib para sa aming mga musang. Inirekomenda rin namin sya na makatanggap ng isa sa pinakamataas na combat award para sa mga CAFGU. 

Sa ika-9 ng Oktubre 2001, tumawid akong Zamboanga para bisitahin silang lahat sa ospital at tingnan ang kanilang kalagayan. 

Kahit me mga tama ay halos gustong tumayo at sumaludo sa tuwa ang tropa. Para sa akin, pinapasalamatan ko rin sila dahil di ako napahamak at ang mas marami pang iba dahil sa kanilang sakripisyo. 

Kahit anong gagawin ay nakukunsensya rin ako dahil pananagutan ko ang kahit anon mang mangyari sa kanila habang sila ay nasa aking poder. Parang ayaw kong tatawag ng kapamilya (asawa o magulang) para sabihing nasawi ang kaanak nila sa aming bakbakan! Simbako!

Naka-ngisi si Orozco nang aking pinuntahan. Sinabi kong gagawan ko ng paraan na sya ay ma-enlist sa Army ayon sa promise namin ni Cpt Almodovar.

Naintriga ako bakit sya tinamaan samantalang me anting-anting daw syang astig.

"Sir, bawal kasi sa anting-anting ko ang humawak ng gamit ng kalaban. Nang ginapang at bitbitin ko ang M60 Machinegun na galing sa kanila, nawalan ng bisa ang aking agimat!"

Ayos din ang paliwanag. Anyway, basta buhay okay na. Di mo rin ma-imagine paano nya nalusutan ang pang-ratrat ng mga kalaban sa kanya. 

We Lead

Mga isang buwan pagkalipas ng naturang bakbakan, nahirang ang 10th Scout Ranger Company bilang Best Company for Admin and Operations sa 50th Anniversary ng First Scout Ranger Regiment. 

 Isinabit ni Army chief Lt Gen Jaime Delos Santos at SOCOM Chief MGen Del Lorenzana ang Best Company Streamer sa company color ng 10th Scout Ranger Company sa ika-50 anibersaryo ng First Scout Ranger Regiment noong November 25, 2001. Itinanghal ding Best SR Battalion ang 1st Scout Ranger Battalion na kung saan naging OPCON ang aking kumpanya. Ang naturang parangal sa aking kumpanya ay pangalawang pagkakataon pagkatapos itong mahirang bilang Best Company for Administration noong November 25, 2000.





Lahat ng mga wounded personnel ay nagawaran ng Wounded Personnel Medal (katumbas ng Purple Heart Medal) at nakatanggap ng special promotion (1 rank higher). 

Si Sgt Rosel Tayros ay na-promote sa pangalawang pagkakataon at naging Staff Sergeant kagaya nina Gil Galsim at Rodel Bonifacio. 

Si Tayros at Bonifacio ay naging awardees ng The Outstanding Philippine Soldiers ng Metrobank Foundation-Rotary Club Makati Metro.

Si Jose Sachiro Legaspi ay ang kasalukuyang First Sergeant ng 10th Scout Ranger Company at si Arnold Panganiban ay kakatapos ng First Sergeant duty sa 11th Scout Ranger Company sa Basilan. 

Si Cpl Casimiro ay naging Sergeant at ibinalik ko sa dating posisyon bilang Liaison NCO sa Fort Bonifacio habang tuluyang nagpapagaling sa kanyang sugat. 

Si Sgt Punzalan ay naging pinakabatang Sarhento sa taong 2001-2002.

Si CAA Orozco ay nagawaran ng Gawad ng Kagitingan sa Camp Aguinaldo. Sya rin ay na-enlist bilang Private sa bisa ng probisyon ng Special Enlistment for highly deserving CAFGU personnel.


Larawan ng mga tropa ng 10th SRC sa isang reunion noong taong 2012. Si Jojo Casimiro (pinakakaliwa, nakaupo) at Demy Partible (Pinakakaliwa sa likuran) ay wagas na kung makangiti pagkatapos na malusutan ang kalawit ni Kamatayan sa Basilan. (10SRC Photo)












































Monday, October 14, 2013

My most memorable experience: Leave no one behind (Part 5)



Si Jack Dansalan ay isa sa pinakamagaling na tropa ng 1st Scout Ranger Battalion sa larangan ng intelligence operations. Isang Tausug na tubong Bgy Baunuh sa bayan ng Lantawan, naging biktima ang kanilang pamilya sa mga karahasan ng Abu Sayyaf. 

Ang kanyang pinsang CAFGU na si Asahri ay nasawi kasama ang mga sundalo ng 32nd SF Company sa isang bakbakan sa Bgy Mampang, sa nasabi ring bayan noong July 2000. Mga palaban sila at napaka-loyal sa Army at sa bandila ng Pilipinas. Kasama ko na sila sa mga combat operations laban sa mga Abu Sayyaf simula pa noong 1998 nang ako ay Ex-O ng 12th Scout Ranger (Always Ready) Company.

Di na ako nagtaka kung bakit ayaw nya akong iwanan sa gitna ng bakbakan kahit pa man ay duguan na sya dahil sa tinamong sugat sa kamay. 

"Sir, di kita pwedeng iwanan. Daplis lang ito, pwede pa akong bumaril," sabi nya. 

Naantig naman ang puso ko at kinakalinga ako ng mga tauhan ko. Lalong tumaas ang morale ko at lalong nadagdagan ang tapang. Dapat kong maiuwing buhay ang tropa ko. Promise ko sa kanila yon.

Hinila ko sya sa likuran para magamot. Don ko nakita na kandarapa ang lahat para lunasan ang mga sugatan. Si Legaspi lang ang bihasa sa first aid bilang isang graduate ng Medical Aidman Course sa AFP Medical Center sa V.Luna. Kami naman ay kumbaga generic lang ang alam sa combat life saver treatment at 'Stop the bleeding' ang unang inaatupag.

Nakita ko sabay-sabay umuungol sa sakit sina Pfc Demy Partible at si Pvt Castillo. Si Legaspi ay inuna si Cpl Casimiro na ang daming dugo ang idinudura. Kawawang-kawawa rin hitsura nya. 

Inabot ko ang aking combat pack na iniwan ko sa una kong pwesto. Tuloy pa rin ang putukan. Lumalaban ang lahat. Humina ang putok mula sa high ground. Nalaman ko na lang na si Cpt Rambo Almodovar ang namuno sa pag-assault doon sa Bud Bulawan mga 200 metro sa aking posisyon. 

"Jack, tulungan mo ko. Pahintuin natin ang dugo sa tama ni Castillo. Hawakan mo tong t-shirt."

Samantala si Partible ay positibo pa rin ang isip. Inabutan sya ni Cuevas ng sigarilyo. 

"Ayan, humitit ka muna at kalimutan mo muna ang hapdi ng tama mo," sabi ni Cuevas. Okay rin ang first-aid ng taga Mindoro.

Nang nakagawa na ako ng pang-tourniquet, kinapa ko ang sugat ni Castillo sa ulo. Tinali ko ang pinunit na damit para ma-hold ang bandage. Stop bleeding, iyon lang nasa isip ko. 

"Sir, me isa pa rito," sabi ni Castillo, sabay hawak sa likurang bahagi ng leeg. Putlang-putla na sya sa dami ng dugo. 

Humahaging pa-isa isa ang bala sa aming paligid. Itinali ko ang damit. Stop bleeding ulit. Me kumakalansing sa hangin na mga bala habang nagtatali ako. Zing! Zing! Zing!

"Arrrrrrrrrrrrhgh! Sir!" Tinapik ni Castillo ang aking kamay. 

"Ano yon?" Inisip ko natamaan na naman sya. 

"Sir, nasasakal ako ng tali mo sa leeg ko. Mas masyadong masikeeeeeep!"  

"Ay buang!" Oo nga naman, stop bleeding kasi nasa isip ko. Yon lang ang nakita ko na paraan maitali ang gauze pad na nilagyan ng betadyne. 

Pagkatapos namin sila mailagay sa covered position, kasama ko uli si Jack Dansalan sa harapan. 

Naririnig ko ang  MD 520 MG Attack Chopper sa aming ulunan. 

"Bullseye this is Falcon, go ahead over!" Boses ng aking mistah na si Cpt Erwin Solomon ang nasa radyo. 

"Yeheeeeeeeeeeeeeey! Patay kayo lahat na Abu Sayyaf ngayon!" Nagsigawan pati mga wounded ko na tropa. 

Okay nga yon na me close air support. Kailangan ko lang na mai-direct nang mabuti kasi dikitan ang aming mga pwesto, otherwise kami ang mabagsakan ng rockets o kaya ma-araro ng Cal 50 Machinegun nito. 

Nag-cover ako sa isang sementadong bahay at, nag-orient ng mapa. Minarkahan ko lahat ng mga grid locations ng friendly forces at ibinigay ko ang aming grid location. 

Nag-estimate ako ng posisyon ng tropa nina Abu Sabaya at nilagyan ko ito ng allowance na distansya para di kami matamaan kung mag-mintis ang tira ng aking mistah. Just in case lang.

Ang unang task ko ay paano ma-identify ng piloto ang aking posisyon. Nagpatapon ako ng smoke grenade na kulay yellow iilang metro sa aking posisyon. 

"Falcon this is Bullseye. Smoke is out. Identify over!" Umiikot-ikot ang chopper sa aming ulunan pero napapalayo. 

"Falcon, this is Bullseye. I am at your 3'o clock. Umikot ka, over!"

Sa wakas tinutumbok na nya kami. "I am at your 12 o'clock over!" 

"Bullsye, this is Falcon. Nakakita ako ng yellow smoke!"

"Bingo! Mistah, ako yan!" Sa wakas, nakita nya kami.

Palayo nang palayo ang namumutok. Parang nakakita ng multo nang makita ang chopper. Talagang mauulanan sila ng bala ngayon.

"Falcon this is Bullseye6, over! From my position, enemy is 5800mils, 100meters, over!" 

Ang mga teroristang Abu Sayyaf na nakasagupa ko sa raw na iyon ay pinapa-ratrat ko sa MD 520 MG Chopper. Nagkandarapa silang lahat na umeskapo dala ang mga casualties nang makita ang choppers na nag reinforce sa amin. 


"Bullseye this is Falcon. Copy enemy location 5800 mils,100 meters, over!"

Nakita ko tumutungo sa ibaba ang ulunan ng MG. Nag-uusap silang dalawang piloto ng 2 helicopters na dumating.  "Coming in, hot!" Bratatatatatatatatat! Cal 50 Machinegun ang itinira.

"Yeheeeeeeeeeeeey! Hooooah!" Sigawan ang mga natira kong tropa sa harapan.

Sumunod naman ang pangalawang helicopter. "Coming in, hot!"

Swooooooooosh! Kabooooom! Yumayanig ang paligid sa pinakawalang rocket.

Dalawang beses nilang inulit. Nagtago kaming mabuti sa semento at baka me maligaw na bala o shrapnel. Baka kami naman ang mahiyang tumayo sa friendly fire

Napagpasyahan kong panahon na ulit para i-push ang assault. 

"Falcon this is Bullseye, mag-assault na kami!"

Sinama ko na lahat ang available na tropa. Halo-halo na. Me 15th SRC na pinamunuan ni Cpt Almonares at 7th SRC na pinamunuan ni Cpt Bong Upano,  at ang natira kong tropang 'last men standing'

"Rangers, assault! Assault! Prrrrrrrrrrrrrrrt!"

"Search!"

Na-track namin na ang isa sa withdrawal direction ay papunta sa posisyon ng 10th Infantry Battalion. Sana, ma-ambush nila ang mga teroristang pumupuslit.

Casualty Evacuation (CASEVAC)

Umabot sa 17 na tropa ng 1st SRB ang sugatan sa 6-hour encounter na iyon. Labing-isa sa mga sugatan ay aking mga tauhan. 

"Paisa-isa silang binuhat papunta sa likuran na kung saan ay gumawa sila ng HLZ"

Hindi accessible sa sasakyan ang encounter site. Para maiwasan ang ma-loss blood, helicopter ang pinakamabilis na pang-CASEVAC.

Ang problema  namin ay panay kakahuyan at niyugan ang paligid. Napilitan ang tropa na magputol ng niyog at kahoy. Sobrang isang oras din ang iginugol para maka-gawa ng maliit na HLZ. 

Sobrang maliit ang HLZ pero matapang ang piloto na bumaba. Sumasayad sa dahon ng niyog ang kanyang elise. 

Nalaman ko later na ang mistah ko na si Cpt Richie "Pabie" Pabilonia ang isa sa piloto. Alam nyang ako ang pinuno ng heavily engaged unit. Syempre, mistah. Wala ring iwanan.

Bandang 2:00 pm, lumapag sa HLZ ang unang chopper. Lulan dito si SOUTHCOM chief, Lt Gen Roy Cimatu. Dumating na rin noon ang aking BATCOM na si Lt Col Charlie Galvez at si 103rd Bde Commander na si Col Hermogenes 'Jun' Esperon.

Sobra syang nag-alala sa sitwasyon ng mga WIA. Ipinatawag nya ako para kausapin. Umakyat ako uli sa aming objective rally point (ORP) para mag-report sa kanya. 

Sinaluduhan ko sya at kinamayan nya ako. 

"Good job, Ranger Cabunoc! Na-monitor sa SIGINT (Signal Intelligence) na marami silang casualties!" 

"Sir, pinapasalamatan ko ang aking mistah na si Cpt Almodovar. Sya mismo ang nag-assault sa mga kalaban na nasa Bud Bulawan at pinagbabaril kami sa baba!"

Tumaas ang morale naming lahat. Napakabait at supportive ng aming heneral na beterano rin sa military operations sa Jolo nang sya ay Tenyente pa. Bihira akong makakita ng 3-star general na bumibisita sa frontline mismo. Me ka-buddy pang Bde Commander namin na lagi ring nag-TCP (Tactical Command Post) operations kadikit sa aming AO.

"Kaya lang, nahihirapan ang mga piloto na balikan ang HLZ. Dapat lawakan pa ang pag-clear ng HLZ para mas safe ang paglapag ng choppers," sabi ni General Cimatu.

Oo nga naman, parang kasya-kasya lang ang chopper. Napabilib ako sa aking napaka-daring na mistah na piloto

"Dapat magputol pa kayo ng dagdag pang puno para di tayo madisgrasya," sabi ng butihing heneral na isang Ilonggo. 

Tawanan kami at nagbiruan kahit pa man ay katatapos lang ng karirimarim naming karanasan. Iyon dahilan kung bakit bihirang merong na PTSD (Post traumatic stress disorder) na sundalong Pilipino.

Napatingin ako sa mga itak ng aking kasama. Ang liliit na tila panghiwa ng isda. Napatingin ako sa aking Barong. Ayaw ko nga ipangtabas. Mawala ang swerte.

Nakaisip si General Cimatu ng pang-motivate sa lupaypay nang tropa sa kakataga ng puno, gamit ng maliliit na itak. Basahin ang link na ito para malaman:


Success ang pag-gawa namin ng HLZ at paisa-isang kinarga sa helicopter ang mga sugatan para madala sa Southcom Hospital. 

Nakangiti si Orozco nang binuhat papuntang chopper. Parang nababasa ko ang isip nya: Ang special enlistment ko?

Isa lang ang aking inaalala sa mga oras na iyon. "Mabubuhay ba ang mga lubhang nasugatan kagaya ni Casimiro at Castillo?"

(Ipagpatuloy)









Sunday, October 13, 2013

My most memorable combat action: Leave no one behind (Part 4)

Souvenir photo with my warriors after a combat action in Basilan island. The piece of cloth that I am wearing is my amulet (anting-anting) that I believed, protected me from harm. My reliable radio man, Cpl Cuevas (2nd from right) is monitoring radio traffic. (10SRC photo)


Mga bihasa na sa pakikidigma ang Abu Sayyaf na nakasagupa namin. Kapag nakaka-isa sila at hindi agresibo ang kalabang mga sundalo, kinakawawa nila.

Marami na ang napugutan ng ulo dahil nagkakaiwanan. Nakakalungkot pero iyon ang katotohanan. Kung di mo iwanan ang kasamahan, di mapugutan!


Mas nakaka-low morale kasi sa tropa kapag merong napupugutan. Malaki ang demoralizing effect. Parang bumagsak ang mundo sa yunit. Di ko papayagan na maranasan iyon. Simple lang ang sinasabi kong solusyon. Magkakaubusan man, walang iwanan!

Personally, di ako naniniwala na mas magaling sila makipaglaban, lalo na sa aming nasa First Scout Ranger Regiment....lalo na sa 10th Scout Ranger Company na aking pinamunuan. 

Training ang aming 'snacks'. Ayaw ko yong patulog-tulog sa kampo. Lagi akong merong combat maneuvers na me kasamang live firing. Ang lahat ng tao ko ay nakakatama ng man-sized target hanggang 250 meters. Kapag mga snipers naman na skills, alam na. 

Pero, mahalaga rin na magaling ang combat leadership ng mga unit leaders. Dapat ma-kontrol nila ang kanilang mga tauhan. Dapat kinakatakutan at nirerespeto sila ng mga tao nila sa panahon ng pitpitan.

Sino nga naman ang sundalong susunod sa command ng kanyang lider na nangangatog ang tuhod o nanginginig ang labi sa nerbyos? Ito ang tinitingnan ng mga sundalo, lalo yong mga datihan. Alam ko, tinatawanan at ginagawang pulutan ang nakikitang opisyal na ni-nerbyos. Ayaw ko ring mabansagang, nerbyoso.

Kaya naman, nang nasuong ko na ang nakakilabot na sitwasyon. Ginawa ko ang lahat na mabawi ko ang momentum. Dapat ma-kontrol ko uli ang sitwasyon. 

Sa unang tingin ko, talunan kami sa unang yugto ng bakbakan. Sa loob ng isang oras, naka 5 na ako na sugatan. Nagkahiwalay ang ibang tropa. 

Ayaw akong lubayan ng putok ng mga Abu Sayyaf  sa aking posisyon. Nagsisigawan sila na nakitang merong nabulagtang mga sundalo. Ipinapahiwatig nila na sila ay nasa advantage.

Napansin ko ring merong namumutok galing sa aming likuran. Tinawagan ko si Cpt Oliver Almonares. Sa inisyal na coordination ay dapat akyatin nya ang Bud Bulawan. 

"Boy, paki-kontrol tropa mo sa likod. Mukhang nababaril nyo rin kami! Tsek mo mabuti ang fields of fire," sigaw ko sa kanya sa handset ng PRC 77 sa gitna ng mga pagsabog. 

"Sir, di ko naakyat ang high ground. Maganda pwesto nila at sila yang bumabaril sa inyo at sa amin dito sa lower ground. Na-pin down kami pati ang 7th SRC sir," sabi ni Cpt Almonares na tubong Iloilo. 

"Hold the ground! Relay kay Bong Upano ipa-forward ang 90RR gunner kasi merong RPG ang kalaban. Maganda ang pwesto nilang semento."

Tumakbo ako sa likuran. Tinulungan ko si Sgt Legaspi na mag-akay ng mga wounded. Nakita kong pati si Zambrano ay inaakay na rin. 

Kinausap ko sya habang ginagamot ni Legaspi.

"Dong, ano nangyari sayo? Di ba pinagbuhat kita ng wounded kanina?"

Tumitilamsik ang mga bala sa aming paligid. Buti, me pagka-boloman yong tumitira. 

"Sir, nang pinuntahan ko sya, natamaan na rin ako. Di ko na rin kayang buhatin sir!"

Inilagay sila lahat ni Legaspi sa isang konkretong bahay para di matamaan ng umuulang bala. Panay haging pa rin sa aming paligid. 

Mamaya't-maya ay tumatakbo si Legaspi para magbuhat ng mga sugatan.

Si Sembrano na aming Platoon Sergeant ay sugatan na rin sa kamay. Pilay na ang aking yunit. 

Tinakbo ko ang kabilang dako sa bandang school building, andon pa sina Cpl Gil Galsim at ibang tropa niya. Harap at likod ang kinakaharap na mga kalaban.  Nakita ko na okay sila at magkakatabi ang teams. 

Pinituhan ko lang sila at sinigawan. "Laban, laban. Walang iwanan!"

Ang karamihan sa mga kalaban ay nasa aking pwesto, binalikan ko ang aking mga tropa, ang team ni Sgt Tayros. 

Nakita kong paparating na ang 90RR Gunner pero di makalapit sa akin dahil sa sinalubong sila ng putok. Minabuti ko silang takbuhin para sunduin. 

"Sunod sa akin bilis! Ihanda ang bala! Load!"

Kailangan naming maputukan ang pwesto ng isa pang M60 Gunner ng kalaban na katabi ng RPG gunner. Iyong mga damuho na iyon ang nagpapalakas sa kanilang loob para kalabanin kami. 

"Sir me problema!" Nagkamot ng ulo ang gunner. 

"Ang bala sir!" Malabo ang boses nya sa lakas ng mga putok. 

"Anoooooooo? Ano sabi mo?" Inilapit ko na ang aking bibig sa tenga nya para loud and clear.

"Ang bala sir, andon pa sa likuran! Nagkahiwalay kami sir! Natamaan kasi yong isa naming kasama!" Ginamit nya ang nguso pangturo sa likurang bahagi na kung saan ay nakatago ang me dala ng 90mm High Explosive (HE) rounds na pambala sa kanyang armas. In short, wala syang silbe. Inutil dahil walang bala.

Oo nga naman. Dalawa ang problema, ang wounded na nakahandusay at ang bala. Luging-lugi ang feeling ko. Dapat makabawi na. Meron pa rin kasing namumutok sa high ground. Pa-isa isang natatamaan ang tropa. 

Minabuti kong tawagan ang aking mistah. "Eagle 3 this is Bullseye 6, over!"

Malumanay pa rin ang boses ng aking mistah pero bakas ang pag-alala. Batid nyang dumadami ang aking sugatang kasamahan. 

"Go ahead bok. Kumusta dyan sa pwesto mo? Kaya pa? Tumawag na ako ng reinforcement sa Battalion."

"Bok, yang namumutok sa high ground ay dagdag sa bigat ng suliranin ko. Baka pwede mong gawan ng paraan at na-pin down yong dalawang kumpanya na nasa likuran ko, over!"

"Roger bok, ako na bahala. Take charge ka rin dyan!"

Tinakbo ko ang pwesto ng tropa ng 7th SRC na me dala ng bala. Naabutan ko si 2nd LT Felicito Cutit, isang bagitong opisyal na kaka-report lang din mga iilang buwan lang ang nakaraan. Maswerte ang batang ito, nakatikim agad ng isa pang bakbakan bilang Platoon Leader pagkatapos ng isa pang bakbakan sa Danit Puntukan noong July 2001

"Kayong me dala ng bala, takbo sunod sa akin! Goooooo!" At itik-itik kaming tumakbo habang nakipagpatintero sa mga bala papunta sa aming covered position. Success!

Ang problema pang isa, kailangang lumabas sa open terrain ang 90RR Gunner para iputok ang armas nya. May isang niyog lang doon na pwede nyang pagtaguan. 

Kailangan nya ng covering fires para protektahan sya sa kalaban na pasulpot-sulpot din ang mga ulo para mamumutok sa likod ng sementadong bahay at mga puno.

Nag-signal ako sa aking mga kasama na Team ni Sgt Tayros. 

"Cover fire tayo. Puputukan natin ng 90RR ang kalaban!"


Parang sinangag ang mga putok na sumunod. Suppression fire ang ginawa ng tropa para magtago ang mga kalaban. 

Sa wakas, nakapwesto na rin ang 90RR Crew. 

"Clear the back blast area!" Kaboooooom! 

Nagliparan ang impact area. Sinilip ko ang pwesto nila. Tumahimik sila pero me umuungol. 

Pinatakbo ko uli ang mga 90RR Gunner para mag-load ng isa pang bala. 

"Sir, sir, sir!" Nagsusumbong si Arancillo sa akin.

 "Ano yon? Problema?"  Kapag lider ka nga naman, dinadalhan ng problema. 

"Ang M60 MG ko sir, ayaw nang gumana!" Patay kang atabs ka

"Ay damuho yan. Bakeeeeeeeeeeeeet?" 

Inusisa ko ang baril nya. Nag-aapoy na ang barrel. Iyon na nga lagi ko sinasabi eh. Hindi uso ang issuance ng spare barrel ng M60 MG. Me limit ang number of rounds at kailangan nang magpalit ng barrel kasi quick detach lang yon. Kaya nga dapat crew-served weapon at me ka-buddy ang Gunner eh.

"Wala na tayong magawa dyan. Magtago ka na  lang muna at palamigin yan!"

Sinilip ko ang nasa harapan kong kalaban na nasa puno ng sampalok. Me gumagapang para hilahin ang kasama nilang casualty. Nahirapan akong barilin kasi dapat weak-hand gamitin ko. 

Nasa kaliwang bahagi kasi ang pwedeng posisyonan ko. Paisa-isang round lang pinuputok ko sa paligid nila. Paubos na ang 2nd magazine ko, pagkatapos ng dalawang oras na palitan ng putok.  Di kasi ako sanay na kinakaliwa.

Nakita ko, andon pa ang M60 Machine Gun ng Abu Sayyaf. Nag-alala akong makuha rin kagaya ng M14 na nahila rin nila. Naalala ko si Arancillo na nag-malfunction na ang M60 MG. Ito na ang solusyon!

Nilingon ko si Orozco. Tumingin din sa akin at tila nag-aantay ng aking order. Tiwala ako sa kanya dahil sa kanyang ipinakitang kagalingan sa aming movement. Talagang hindi pahuhuli ng buhay ang CAFGU na ito.

"Ito na ang chance mo. Gapangin mo ang M60 Machine Gun. Pasamahan kita ng isa pa. Ako mag-cover fire sayo!"

"Yes sir, kaya ko yan!" Astig si Orozco. Yes agad kahit mga bala ang sasalubong sa kanya. Obey first before complaining. Confident talaga sya. Ganon din ako. Kaya naming putukan ang kalaban na di matamaan ang kasamahan na nasa pagitan namin at sa pwesto ng Abu Sayyaf. 

Sa isang tabi, nakita ko ang Igorot na si Private Kitong. Gusto kong masubukan ang katapangan ng mga highlanders na kagaya nya. 

"Lakay, buddy-han mo si Orozco. Dito kayo dumaan sa gilid ng bahay habang puputukan ko ang pwesto ng animal na Abu Sayyaf. Dapat makuha nyo ang M60 Machinegun na nasa pagitan ng pwesto natin!"

Di ko nakitaan ng pag-alangan si Kitong. Syempre, lowest mammal sya. Siguro, tiwala din sya na di ko sya ipahamak. 

"Yes sir!" Umaalingawngaw ang sagot nya sa gitna ng putukan

Di nag-aksaya ng panahon, sinugod nina Orozco at Kitong ang pwestong kinalagyan ng M60 MG.  Di alintana ang mga punglong nagliparan, galing sa kalaban at galing sa amin na pinapahaging namin sa kanilang ulunan ngunit nakapuntirya sa mga kalaban. Para silang bayawak sa bilis ng gapang hanggang maabot ang Machinegun. Success uli!

Masigla at taas-noo si Orozco na bumalik sa pwesto ko. 

"Ayan na sir ha. Nakuha ko yan!" 

Tinapik ko sya sa balikat, napabilib ako sa aksyon nya. 

"Ang galing mo tsong! Para ka ring Musang!"

Tinawag ko si Pfc Arancillo na lupaypay dahil sa sinapit ng kanyang M60 MG. 

"Ayan na bago mong machinegun! Mas malinis pa sa gamit mo!"

Napangiti sya sa replacement gun. Fighting mode sya uli!

Deception

Tila ay lalong nagagalit ang mga Abu Sayyaf  sa nangyari. Naririnig ko pa ring sumisigaw. 

Tinawagan ko uli si Cpt Boy Almonares at si Cpt Upano sa pamamagitan ng PRC 77 radio. 

"Ipadala ang lahat ng granada dyan. Nagtatago sila sa likuran ng sementadong bahay!"

Di kalaunan, paisa-isang nagdatingan ang mga tropa para magdala ng granada at maghakot ng wounded para dalhin sa helicopter landing zone (HLZ) na ginawa ng tropa ng 14SRC at Bn Hqs sa high ground. 

Patuloy pa rin ang palitan ng putok. Natamaan na rin ang iilang tropa ng 15SRC at 7SRC. Kakainis na. Kailangan kong makuha ang magandang pwesto ng mga kalaban.

"Sir, ito na ang ipinakuha mong mga granada," sabi ni Pfc Gacutan sa akin na nakarating sa aking pwesto kasama ni Pfc Jack Dansalan. Magaling sila sa sprint. Wala silang tama kahit inulan ng bala.

"Okay, sumama kayong tatlo sa akin. Takbuhin natin ang sementadong bahay sa harap para tapunan natin ng granada," sabi ko sa kanila. Patuloy ang covering fires ng ibang teams sa amin. 

"Allahu Akbar! Allahu Akbar!" Sigaw nang sigaw ang mga kalaban na tila nagpaparamdam na lalaban sila ng patayan. 

Arrrrrgggggh! Ungggggggggggggggg! Ahhhhhhhh! Mukhang iba ata ang sinisigaw ng ibang kasama nila. Me mga tama yon.

Kailangan kong ipaalam sa kanila na alive and kicking pa kami. Ayaw kong malaman nila na umabot na sa 11 ang sugatan kong tropa sa harapan kasama na ang taga 15 SRC at 7SRC na dumugtong sa aking kumpanya para maghakot ng wounded.

"Prrrrrrrrrrrrt!Seven Company, maneuver left! Ten company, assault!" Bigla silang tumahimik. Tinablan ng 'psywar'.

Nakadikit na kami sa isa pang bahay. Ramdam namin na nasa kabilang dako ng bahay ang iba sa kalaban. 

Tig-isa kami ng granada para itapon sa likuran ng kanilang posisyon. 

"Tapon! Granadaaaaaaaaaaaa!" Paisa-isang itinapon nina Gacutan ang kanilang granada. Booooom! Boooom! Boooom!

Ipinahuli ko ang aking hawak na granada. Pang finale ako. 

"Ayan ang sayoooooooooooo!"  Bog! Sumabit sa bubong ang tapon ko. Gumulong sa kabila. Plak! Dud ang animal!

Ratatatattatat! Ratatatatat! Lumipat sila ng posisyon, dumistansiya sa amin. 

Tinakbo ko uli sa likuran sina Tayros. Gusto ko nang tuluyan na sugurin. Nasa amin ang momentum. Umabot na nag 4 oras ang putukan. Isang long magazine na lang natira sa akin!

"Dong, assault na natin sila! Skirmishers formation. Prrrrrrrrrrt!"

Nakalinya na kami habang pumuputok. Nasa sampu kami sa side namin. Kasama na rin namin sina Gacutan at Dansalan. Gusto kong maagaw ang dalawang bahay na inokupa ng kalaban. 

Bratatatatat! Bratatatat! Bratatatat!

"Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrt! Assault! Assault!"

Bigla na lang, nagliparan ang shrapnel at debris sa aming paligid. 

"Booooooom!" 

"Me tama ako!" 

Nakalingon lahat sa akin ang mga natamaan. Ano ba yan, ako na talaga makaka-solve sa lahat ng problema ng tropa. Ako na!

"Sir, natamaan ako!" Sa mukha ang tama ni Cpl Jojo Casimiro. Lumalabas sa bibig ang dugo. Tumitingin sya sa akin. 

Maraming duguan sa tabi at harapan ko. Umuulan ng bala. Napatulala ako habang nakaluhod.

Sobra kalahati ng assaulting elements ang may tama. Kailangan ko ng mabilisang desisyon. 

Kinawayan ko si Casimiro. "Wag kang mamatay! Takbo dito bilis!"

Isa sa nakita kong napaupo ay si Orozco. Natamaan sya sa hita. Pinipilit tumayo. Warrior talaga.

"Cuevas, buhatin nyo si Orozco dali!"

Sa harapan, 3 na lang ang naiwan kong tropang nakipaglaban kasama si Sgt Tayros at Pfc Quipot. Basta, walang iwanan!

Anim ang nasugatan kong mga kasamahan. Nakahiga ang isa sa harapan ko na may tama sa ulo. 

"Sirrrr, tabaaaaaaaaaaaaaaang!" (Sir, tulong!) Helpless na si Pvt Castillo. Kakaawa ang kalagayan at me tama sa ulo at leeg. 

Di na ako nag-isip. Sya na inuna ko. 

"Sakay sa likod ko dali! Hawak sa leeg ko!"

Parang 10kgs lang ang dala ko, piggy back ko sya para mailayo sa kill zone.

Naitakbo ko sya sa likuran, sa pwesto ni Sgt Legaspi. 

Malakas ang agos ng dugo. Di ko rin alam kung mabuhay sila ni Cpl Casimiro. 

Napabuntong hininga ako. Sinalo nila ang mga bala para sa akin. Naawa ako sa kanila. Di pa tapos ang laban.

Bumalik ako sa harapan kasama ni Dansalan na me tama sa kanyang kamay. 

Ayaw nyang magpa-evacuate dahil ayaw nya akong iwanan.

(Ipagpatuloy)







Friday, October 11, 2013

My most memorable combat action: Leave no one behind (Part 3)




Naka-freeze kaming lahat at nakatutok sa paligid na masukal ang baril. Pakiramdaman. Pinapakinggan kung merong indikasyon ng tao. Para kaming hunters. Pinapatalas namin lagi ang lahat ng senses. Ganyan ang survival instincts na itinuturo sa Scout Ranger School. 

Si Orozco na hunter ng baboy damo ay merong instincts na ganon, kaya bumilib ako sa kanya. 

Sa kanyang galaw at mga ideya sa aking obserbasyon, mas magaling pa sya sa mga praktikal na bagay na di naman naisusulat sa aming doktrina. Karanasan ang kanyang school na mataguriang Orozco experience. 

Kuha sa larawan ang mga suot-suot naming anting-anting na syang pinaniwalaang proteksyon mula sa mga punglo ng kalaban. Mas magaan ito sa Kevlar helmet na hindi pa uso sa mga panahon na iyon. Bitbit ko rin lagi ang Barong (Tausug bolo) na ipinamana sa akin ng aking kinikilalang Tatay sa Basilan, dahil ayon sa kanya may dala itong swerte sa may sukbit nito sa pakikidigma.


Kaya nga itinabi ko sya sa akin. Sya ang sa likuran ng Team Leader ng spearhead team na si Sgt Rosel Tayros na tubong Southern Leyte. Ako naman nasa likuran ni Orozco. 

"Sir, hindi yan ang main body. Baka napagawi lang yan dito at naghanap ng prutas. Me inakyatan na puno kung makita mo ang balat nitong puno ng marang," sabi nya. 

Tama sya. Napatingin tuloy ako sa taas at itinutok ko ang aking baril doon. Malay mo andon ang damuhong spotter ng Abu Sayyaf nagtatago sa taas. 

"Wala din dito. Pero, ang apak ay papunta ng northeast, papunta sa direksyon ng harbor site na nakita natin. Baka naghanap ng pagkain bago pumunta doon. Kahapon lang itong traces," sagot ko sa kanya.

"Eagle 3 this is Bullseye6, over. Me nakita akong traces pero pabalik sa ating pinanggalingan kagabi. Gusto kong dikitan ang Balatanay. Kabisado ko ang lugar na iyan kasi napuntahan ko yan noong 1998," sabi ko naman kay Cpt Mon Almodovar na kilala rin sa code name na 'Rambo'. 

Bagay naman sa kanya ang Rambo dahil matapang. Pero, hindi sya mahilig magdala ng M60 Machinegun. Pang movie lang yon at pang tikal ni Manoy Sylvester Stallone. Hay ang damuho na yon ginagaya ng ibang Ranger na MG gunner. 

Ang M60 Machinegun ay crew-served weapon at hindi individual weapon. Naalala ko tuloy na ang M60 Gunner ni 'Rambo' ay namatay habang inaayos ang malfunction nito sa isang mainit na bakbakan sa Sipaket, Sirawai, Zamboanga del Norte noong 1995 nang kami ay nag-Test Mission. Kung meron sana syang Assistant Gunner, merong nag-cover fire habang nag-aayos ng double feeding problem. We learned from our mistakes. Bawal mag-Rambo

"Increase distance between elements to 3-5 meters. Bounding overwatch tayo by Section. Weapons on high ready," sabi ko sa aking mga Team Leaders at sa Platoon Sergeant na si Sgt Sembrano. 


Ang Balatanay

Dahan-dahan naming nilapitan ang Bgy Balatanay. Ito ay isang coastal barangay na kaharap sa Lapinigan Island. Sa aking estimate ay merong 30 families ang nasa gilid ng dagat nakatira. Ang iba ay malalayo na ang bahay at dumadayo lang dito kung me kasalan o kaya merong kalakalan. Sa northern part nito ay ang Barangay Kumalarang, ang makasaysayan na lugar na syang tirahan ng kilalang Datu ng Taguima, ang unang pangalan ng Basilan noong unang panahon. Ito rin ang tahanan ng mga astig na teroristang Abu Sayyaf na kagaya ni Asirin Taulani at Hamsiraji Salih. 

Merong maliit na kalsada na madadaanan ng sasakyan ngunit wala namang tulay na mag-link ng dalawang barangay na pinaghiwalay ng Kumalarang River. Kung mataas ang tubig, di kakayanin i-cross kahit lakarin, baka maanod ka. Marami nang muntik mapahamak dito na mga Rangers na pinilit mag-cross para marating ang objective. Kaya naman, bangka lang ang mode of transport papunta Balatanay galing sa Isabela City na kung saan ito ay parte sa political jurisdiction. Ewan lang bakit di nagawan ng tulay sa mahabang panahon na me tinatawag na public servants dito sa isla.

Maraming magagandang bahay dito na sementado. Napag-alaman ko dati sa aking pagbisita noong 1998 na mga OFW sa Middle East ang ilan sa mga residente dito. As usual, pinapaganda nila ang kanilang mga bahay. Mas maayos naman ang kalagayan ng mga residente dito kaysa ibang nasa Bgy Tabuk o sa Malamawi. Mababait ang mga tao dito at very hospitable. Parte na ata ito ang Malay culture na namana natin.

Nakakilabot na katahimikan

Bandang 6:00am noon nang naabot ko ang isang high ground na overlooking sa Bgy Balatanay. Nasisilip namin ang mga tuktok ng bahayan mga 200 metro ang layo sa ibaba pero natatakpan ito ng mga puno ng niyog na naglipana sa lugar. 

Ipinahinto ko ang aking patrol para mag-observe sa paligid. Sa northern part ng aking posisyon ay isang high ground na masukal at ito ay kilala sa pangalang Bud Bulawan (Mount of Gold). 

Nag-check din ako ng locations ng friendly forces. Sa dagat, sa west at northwest ay andon ang Riverine Company ng Special Forces na pinamunuan ni Cpt Zandro Alvez. Meron din silang detachment sa Lampinigan island. Sa northern part ng Kumalarang river ay andon ang Light Reaction Company na me kasamang Special Forces. Sa Upper Manggas ay nakapwesto ang Charlie Company ng 10th IB. Inilagay ko sa aking tactical map ang lahat ng known locations at ibinigay ko sa Bn Hqs ang bagong grid location. 

"Eagle 3 this is Bullseye, over. Tahimik ang paligid. Gusto kong babain ang low ground na kung saan ang bahayan. Link-up tayo dito at nang ma-secure itong high ground."

Di kalaunan, nakarating na ang buong patrol ng 1st SR Battalion. Nag-coordinate kami. Sa likuran ko ay kasunod ko ang 15th SRC na pinamunuan ni Cpt 'Boy' Almonares at ang 7th SRC na pinamunuan ni Cpt William 'Bong' Upano. Napagkasunduan naming ako ang mag-recon sa ibaba at mag-overwatch sa akin ang 15th SRC.

Personally, di rin ako sure kung merong kalaban sa mga bahayan. Alam nina Abu Sabaya ma-report sila ng mga 'informants' ng AFP kung tumbukin nila ang populated area. Ngunit, di rin talaga ako sigurado kaya dapat makita mismo ang sitwasyon. Tatlong taon na rin ang nakalipas nang nabisita ko ang lugar na ito.

Habang dahan-dahan kaming bumaba, wala kaming nakitang mga traces. Tahimik ang paligid. Walang alingasngas. Walang boses ng tao. Naririnig ko ang ihip ng hangin at hampas ng alon sa dalampasigan.

Nang nakababa na kami sa lower ground, nakita ko nag-signal ng halt ang Lead Scout. Then, hand and arm signal na 'house', then, signal ng nakitang tao. Kumalabog ang dibdib ko. Adrenaline rush.

Lumapit ako sa harapan para makita mismo ang kanilang nakita. Merong babae na naglalaba. Katabi nya ay isang naka-camouflage pants na lalaki na wala namang armas. Nagkwentuhan sila. 100 metro lang ang layo nila sa amin. Di nila kami nakikita.

Kinausap ko ang aking mga Team Leaders. 

"Skirmishers formation tayo. Isang seksyon sa direksyon ng school building at ang isang section ay kasama ko sa direction ng mosque."

"Kausapin natin yan silang dalawa. Ipaghiwalay at i-apply ang basic techniques ng pagtatanong kung parehas ba ang sagot. Huwag saktan at huwag takutin."

Divided into two groups, naghiwalay na kami sa kanya-kanyang landas. Nanatili sa kalagitnaan ng high ground ang 15th SRC para bantayan ang likuran namin. 

Kasama ako sa Team ni Sgt Tayros. Sa likuran ko ay ang aking Radio Man na si Sgt Cuevas.

Naka-low ready lang ako at naka-sling ang aking AUG Steyr. Parang nilalagnat ako sa init ng pakiramdam. Ibang-iba ang kutob ko. Parang me sili ang aking tenga. 

"God, please protect us!" Napasambit ako ng tulong sa nag-iisang Diyos sabay himas ng aking 'pispis' na nakatali sa aking ulo.

Pa-approach kami sa isang bahay na semento nang merong namataang lalaki sa likuran ng mga halaman. Nakatingin sya sa amin. Tumitig sa akin na tila nakakita ng multo. Di naman ako pangit ah!

"Ser, ser, ser, kalaban yan! Me baril." Iyon ang narinig ko kay Cuevas na tubong Mindoro. 

"Teka, weyt, weyt. Di ko nakikita ang baril. Mahirap magkamali."

Sa harap ko, nagpuntahan sa likuran ng mga niyog sina Orozco at ang mga tauhan ko. Di rin sila nakakasiguro kung kalaban. Ako naman, patuloy akong naglakad papunta sa sementadong bahay na katabi ng pwesto ng lalaking masama ang tingin sa akin. Teka, type ata ako nito.

Then, mga 10 meters na lang ang aming pagitan nang nakita ko syang biglang itinaas ang baril na nakatago pala sa kanyang tagiliran. Babarilin nya ako!

Mabilisan akong nag-unsafe sabay press ng trigger. Fire! Tatak! Tatak! 'Double tap' inabot nya.

Nauna akong pumutok gamit ang instinctive firing technique from the hip sa layong sampung metro. Natumba sya. Me humila sa kanya habang me namumutok.

"Contact front, contact front!" Iyon ang una kong command habang nakipagputukan. 

Binabaril ko rin ang naghila sa kanya, alam ko me tama sya pero naitago ng isa pang kasama.Wala rin silang iwanan. Naiwan ang M14 sa gilid ng pwesto nya pero di ko makuha.

Nilingon ko si Cuevas. Nawala sya! Nagkahiwalay kami. Nasa likurang bahagi sya sa may puno ng niyog na me kaagaw na isa pa, si Ranger Quipot. Sa kabilang niyog, nakita ko si Sgt Tayros, nakikipagbarilan na rin at di makausap. Heavily engaged na kami.

No choice ako. Sa harap ko, nakita ko ang isang duyan. Masama ang gising ng Abu Sayyaf. 5 meters ang layo sa akin at me katabing M60 Machinegun. Tatak! Tatak! Nahiya na syang tumayo. Hinihila sya ng kasama. 

Bratatatat! Booom! Blag! Bratttaatatatat! Umuulan ng bala at explosive rounds. 

Para akong World Record holder sa 100m sprint. Sa isang iglap, nasa likod na ako ng bahay na sementado katabi ni Orozco,  Cpl Arancillo at isang Private.

"Allahu Akbar! Allahu Akbar!"

"Awun kabang-kabang!" Naririnig ko sila. Nasa magkabilang bahay lang kami mga 10 metro. Ang dami nila. 

Sinagot ko rin sila. Parehas lang kami. "Allahu Akbar!"

Lahat ng direksyon maging sa likurang bahagi ay umuulan ng bala. 

Ratatatattatatattatat!

Nagkawindang na. "Me tama ako!" Ayon, me tinamaan na akong tropa.

"Me tama rin ako!" Me dagdag pang isa. "Pulutin ang wounded!" Inutusan ko si Pfc Zambrano.

"Medic!" Hinanap ko si Sgt Legaspi, ang aming 'doktor'.

Inabot ko ang aking combat whistle. "Prrrrrrrrrrrrrrrrrt!"

Ipinapaalam ko sa tropa na buhay ako at under control. Dapat tingnan ng Team Leaders ang aking posisyon at alamin ang hand and arm signals. Di na kami magkarinigan. 

"Laban, laban! Contact front!"


Nasa gitna kami ng mas malaking pwersa ng Abu Sayyaf. Para kaming bibingka. Me init sa taas at sa ibaba.

Napatingin ako sa aking dalang bala. Mayabang ako kasi 'Ranger na, Sniper pa.' Tatlong 30-round mags lang dala ko. 

Lagi ko kasing sabi, "I will be there to lead and direct, not to actually fight." Naiba na talaga ngayon. Ako na mismo nasa harapan. Anyway, kung makapatama ako ng kalahati man lang, 45 na kalabang teroristang dedbol din yon. 

Napailing ako nang walang 20 minutes, naubos ko na ang isang magazine dahil sa covering fires habang pinapalapit ko ang ibang tropa na nasa likuran. Dumadami ang natamaan kong kasama. Malaki ang aking problema.

(Ipagpatuloy)