Thursday, October 17, 2013

My most memorable combat action: Leave no one behind (Part 6)







Bandang 4:00pm, nang nakaalis na ang lahat ng mga wounded personnel at pati sina Gen Roy Cimatu, napagkasunduan naming lahat na manatili sa encounter site para paigtingin pa ang tracking operations. 

Pababa ako uli sa encounter site nang nakatanggap ako ng tawag mula sa aking tropa na naiwan sa ibaba:

"Sir, merong bangkang parating. Nakikita namin na me karga silang tubo at mukhang 90RR ito. Limang tao lang ang nasa bangka."

Nagmadali akong bumaba at baka merong nauulol na mag-reinforce mula sa mga karatig na lugar. 

"Antayin nyo ako. Wag nyong barilin hanggat makalapit, nang masiguro natin kung sino yan. Kunin ang Galil Sniper Rifle at abangan natin."

Nag-dalawang isip din ako kung kalaban ba talaga iyong lumalapit sa kinaroroonan namin. Sa dami ng pagsabog at sa tagal ng putukan, bakit sila lalapit? Kung kalaban yan, naghahanap sila ng sakit sa katawan

Lahat ay atat na naka-abang sa 'kalaban' na paparating. Actually, kokonti na lang bala namin sa mga panahon na iyon, tapos mukhang 90RR pa ata ang dala ng paparating na bangka. Bawas na rin yong last magazine ko pero pipilitin kong mag-One shot, One kill kung kailangan. Last resort kong panlaban ang aking itak.

Gamit ang Galil ng aking tropa, sinilip ko ang 'target' gamit ang 10x Nimrod fixed power scope na naka-install dito. Zeroed ang baril na ito up to 600 meters at kayang tumama ng 6-inch diameter steel plates. Ang mga tao na paparating ay nasa layong 300 metro at papalapit papunta sa amin. Napansin kong pakaway-kaway.

Sa layong 200 metro, nakita kong naka-shorts ang iba. Me naka-pula at me nakaputing shirts. Mukhang turista, matapang na turista!

Naaninag ko na ang dalang 'tubo' ay maikli pala. Video camera! Bakit me turistang me dalang video camera? 

Nagbabala kaagad ako sa mga tropa at baka me ma-excite na kumalabit at katatapos pa lang ng mainit na bakbakan.

"Ooooops! Video camera yang dala at lalong hindi yan RPG!"

Nang papalapit sa layong 100 meters, nakikilala ko na ang mga hitsura. Me suot pang ID ang iba. Naka-smile pang kumakaway!

"Uy, mga media!"

Don ko nakilala ang taga Reuters na si Bob Ranoco. Me kasamang ibang taga wires na mga field correspondents. Gustong maka-scoop.

"Sir, buti di nyo kami nabaril. Nasa leeg na bay_g namin!"

Napatawa na lang ako sa actuation nila. Tama nga naman, sumuong sila ng panganib. 

Nag-request sila ng interview. Although di ako sanay sa media, ini-entertain ko sila. Nagkwento lang ako sa nangyari. Hinimas-himas nila ang M60 Machinegun na nabawi namin kay Sabaya. Nakita nila ang sitwasyon na inabot ko kaya maraming tinamaan sa tropa. 

Nang nakaalis ang media, kinausap ko ang lahat ng tropa. Consolidate and reorganize. Nag-redistribute kami ng bala. In short, hingian at baka me mag-suicide attack kinagabihan. Cross loading ang tawag namin dito.

Nag-account din kami ng ammo expenditures per individual at completeness ng equipment. Nag-designate ako ng sector of fires sa possible avenues of approach sa patrol base na aming pinili. 

Sa Scout Ranger SOP ay salitan naman ang mag-gwardya sa 'Rest Plan' pero tila ay walang makatulog kinagabihan. Ako naman ay nakasandal sa isang niyog at nakatingin sa karagatan. Sa horizon ay nakikita ko ang mga ilaw ng mga mangingisda. Buti pa sila, marangal na hanap-buhay ang ginagawa at di kidnapping kagaya nina Janjalani, Sabaya at Hapilon.

Back to barracks

Kinaumagahan, natanggap ko ang kautusan na kami ay mag-BTB (back to barracks). Lumiwanag ang mga mukha ng tropa nang sabihin kong balik muna kami sa Cabunbata na kung saan ang aming kampo.

"Ituloy na natin ang ating 10th anniversary sa October 10. Sa Matarling uli ang pick-up point natin mamayang 11:00am."

Kahit naging duguan ang aming yunit sa naturang bakbakan, nakikita kong high-morale pa rin ang tropa. Inoobserbahan ko ang lahat kung merong blangko ang paningin. So far, so good.

Nang marating ko ang mataas na bahagi sa Upper Manggas, minabuti kong tawagan sa cellphone ang aking First Sergeant na naiwan sa kampo.

"First, pabalik na ang mga mandirigma. Pakihandaan sa Mess Sergeant ng mainit na sabaw at adobong manok."

Ganon lang kasimple ang pa-high morale ko sa aking mga tauhan. Di naman sila naghahanap ng high-tech na menu. Ang pondo ng yunit ay merong nakalaan para dito at nasa Company Commander ang diskarte paano nya ito gamitin nang maisakatuparan ang misyon ng yunit. Di maiwasan na ang iba ay 'mahina' ang diskarte o walang diskarte.

Naalala ko rin ang lahat na mga wounded na tropa na nasa Camp Navarro Station Hospital sa Zamboanga City.

"Papuntahan ang lahat ng wounded sa ating Liaison NCO sa Camp Navarro. Ilista ang ward na kinalagyan at alamin ang kanilang pangangailangan na dapat nating aksyunan."

Don ko napag-alaman na ligtas na ang lahat ng mga WIA sa kapahamakan. Napangiti kaming lahat sa magandang balita. 

Pagkadating sa kampo mga dakong alas dose, nakahanda na ang aming tanghalian. Umuusok pa ang tinolang isda at nakalatag na ang boodlefight. Wipe out ang pagkain pagkatapos ng iilang minuto na nag-command ako ng 'Commence boodle fight!"

After Action Review

Kinahapunan, nagpa-schedule ako ng After Action Review. Dito namin pinag-uusapan ang mga kaganapan sa katatapos na military operation. 

Inaalam kung ano ang individual actions ng mga tropa para malaman sino ang deserving para sa combat awards. Inaalam kung bakit me palpak at bakit nagkaproblema. Tinitingnan din kung ano ang mga best practices na dapat ipagpatuloy sa susunod na mga operations.

Sa pamamagitan ng AAR, binubuo ang tinatawag na After Battle Report (ABR) na syang basehan sa iba't-ibang admin requirements kagaya ng replenishment ng ammo expenditure at combat awards. 

Sa pamamagitan ng ABR, isinusulat din ng Company Commander ang mga lessons learned in combat kasama na ang TTPs (tactics, techniques and procedures), doctrinal employment of weapons, at leadership issues na dapat mapag-aralan at maipamahagi sa mga training institutions.

Dito nagkakaproblema ang ibang mga yunit kung 'utak-pulbura' ang mga opisyal na natakatalaga. Kung walang gagawa sa admin reports, malamang ay wala ring awards at promotions ng tropa. Di kasi pwedeng sa pagkalabit lang ng gatilyo magaling dahil napapalaban din sa Inglisan ang opisyal sa pag-gawa ng mga reports na ganito. Kahit gaano kagaling sa barilan at kahit maraming accomplishments, kung tamad o ayaw gawin ang mga reports, low morale ang tropa at nawawalan ng halaga ang kanilang pinaghirapan.

Ang aking ginawang After Battle Report ang pinaka-basehan ng Battalion at ng First Scout Ranger Regiment para sa special enlistment ni CAA Leonardo Orozco. Ang ginawa ko lang, nagkwento lang ako ng kanyang combat actions na talaga namang nakakabilib para sa aming mga musang. Inirekomenda rin namin sya na makatanggap ng isa sa pinakamataas na combat award para sa mga CAFGU. 

Sa ika-9 ng Oktubre 2001, tumawid akong Zamboanga para bisitahin silang lahat sa ospital at tingnan ang kanilang kalagayan. 

Kahit me mga tama ay halos gustong tumayo at sumaludo sa tuwa ang tropa. Para sa akin, pinapasalamatan ko rin sila dahil di ako napahamak at ang mas marami pang iba dahil sa kanilang sakripisyo. 

Kahit anong gagawin ay nakukunsensya rin ako dahil pananagutan ko ang kahit anon mang mangyari sa kanila habang sila ay nasa aking poder. Parang ayaw kong tatawag ng kapamilya (asawa o magulang) para sabihing nasawi ang kaanak nila sa aming bakbakan! Simbako!

Naka-ngisi si Orozco nang aking pinuntahan. Sinabi kong gagawan ko ng paraan na sya ay ma-enlist sa Army ayon sa promise namin ni Cpt Almodovar.

Naintriga ako bakit sya tinamaan samantalang me anting-anting daw syang astig.

"Sir, bawal kasi sa anting-anting ko ang humawak ng gamit ng kalaban. Nang ginapang at bitbitin ko ang M60 Machinegun na galing sa kanila, nawalan ng bisa ang aking agimat!"

Ayos din ang paliwanag. Anyway, basta buhay okay na. Di mo rin ma-imagine paano nya nalusutan ang pang-ratrat ng mga kalaban sa kanya. 

We Lead

Mga isang buwan pagkalipas ng naturang bakbakan, nahirang ang 10th Scout Ranger Company bilang Best Company for Admin and Operations sa 50th Anniversary ng First Scout Ranger Regiment. 

 Isinabit ni Army chief Lt Gen Jaime Delos Santos at SOCOM Chief MGen Del Lorenzana ang Best Company Streamer sa company color ng 10th Scout Ranger Company sa ika-50 anibersaryo ng First Scout Ranger Regiment noong November 25, 2001. Itinanghal ding Best SR Battalion ang 1st Scout Ranger Battalion na kung saan naging OPCON ang aking kumpanya. Ang naturang parangal sa aking kumpanya ay pangalawang pagkakataon pagkatapos itong mahirang bilang Best Company for Administration noong November 25, 2000.





Lahat ng mga wounded personnel ay nagawaran ng Wounded Personnel Medal (katumbas ng Purple Heart Medal) at nakatanggap ng special promotion (1 rank higher). 

Si Sgt Rosel Tayros ay na-promote sa pangalawang pagkakataon at naging Staff Sergeant kagaya nina Gil Galsim at Rodel Bonifacio. 

Si Tayros at Bonifacio ay naging awardees ng The Outstanding Philippine Soldiers ng Metrobank Foundation-Rotary Club Makati Metro.

Si Jose Sachiro Legaspi ay ang kasalukuyang First Sergeant ng 10th Scout Ranger Company at si Arnold Panganiban ay kakatapos ng First Sergeant duty sa 11th Scout Ranger Company sa Basilan. 

Si Cpl Casimiro ay naging Sergeant at ibinalik ko sa dating posisyon bilang Liaison NCO sa Fort Bonifacio habang tuluyang nagpapagaling sa kanyang sugat. 

Si Sgt Punzalan ay naging pinakabatang Sarhento sa taong 2001-2002.

Si CAA Orozco ay nagawaran ng Gawad ng Kagitingan sa Camp Aguinaldo. Sya rin ay na-enlist bilang Private sa bisa ng probisyon ng Special Enlistment for highly deserving CAFGU personnel.


Larawan ng mga tropa ng 10th SRC sa isang reunion noong taong 2012. Si Jojo Casimiro (pinakakaliwa, nakaupo) at Demy Partible (Pinakakaliwa sa likuran) ay wagas na kung makangiti pagkatapos na malusutan ang kalawit ni Kamatayan sa Basilan. (10SRC Photo)












































18 comments:

  1. sir nagiging musang ba si PVT Orozco?

    ReplyDelete
  2. Wow! Great story, Sir! Sana one day, magkaron ng book of battlefield stories ng mga magigiting nating sundalo ^__^

    ReplyDelete
  3. araw araw ko inaabangan Sir mga blog mo,gustong gusto kong basahin lalo na yong mga experience mo sa totoong labanan,pakikidigma ika nga.Sana lahat ng Opisyal ng AFP,katulad mo,hindi lang pansariling kaligtasan at kapakanan iniisip,maging lahat ng tauhan at pamilya nito.Idol...

    ReplyDelete
  4. Nahuli ako ngaun ah.. hehehe
    Great series sir.. sana mai feature mo si Orozco.
    naging interesado ako sa kanya and i think magiging inspirasyon din xa ng mga CAFGU's

    ReplyDelete
  5. nice story Sir Cabunzki! more please. :)

    ReplyDelete
  6. Saludo talaga ako sir sa lahat ng ginawa nyo at ng ibang team. Pero sa tingin ko mas magaling ang inyong anting anting kesa iba.
    Tyvm. Aldo Balboa

    ReplyDelete
  7. Great blog sir cabunzky! Youre one of the reasons for us pinoys to be proud of.

    ReplyDelete
  8. Geez, the long(?) wait is finally overrrr! Ang ganda po!!! Kumbaga sa fairytales eh "Happily Ever after", ne?
    Actually, ikino-compile ko na po yung buong Leave No One Behind kasi ang gandang basahin at ipa-ulit-ulit, kahit yung mga kwentong "mess kit".
    Malupit pa po yun sa mga novels e. :))) Pero mas malupit pa rin po yung "barong" at "pispis" po ninyo. :D

    ReplyDelete
  9. Priscilla Sheppard10/26/2013 07:24:00 PM

    Hello Sir, Beautiful story.. Ang ganda ng lay out at cohesion of event with the right wording with the injection of homours, it is wholesome and not boring. You are a very good writer and entertainter. Its is highly commendable for general reading. I have come across your FB page and got hook into this blog also. Keep up the good job. Salute Sir.. Thumbs up...

    ReplyDelete
  10. sir bakit po napaka late n dumating ung MG520... after 4 hrs of fighting...mabagal po ba lumipad.bka galing pa manila un...

    ReplyDelete
  11. A worth reading Story. Thumbs up and a Snappy salute sir. para akong nanood ng isang buong war movie. 'Di baling umabot ng 2:30 am sa pagbabasa ng estorya nyo sir. galing!

    ReplyDelete
  12. this is really a great story, and a real team work..ang sarap ng feelings, kung pano niyo minamage ang team niyo Sir, talagang walang iwanan..yon ang dapat, sana ganon din ang iba..lahat kayo matatapang..ang ganda ng istorya niyo sir, talagang bilib ako sa astig ninyong lahat, at sa talino mo..

    ReplyDelete
  13. i love to read this story, this is my 3rd time now:), inspirational, bilib po ako sa pag ka astig ninyong lahat, and saludo po ako sa katalinuhan niyo, very smart..perfect!!!yan ang tunay na matapang..Ariba!!!

    ReplyDelete
  14. astig talga ang blogspot na to hehehe

    ReplyDelete
  15. ASTIIIIIIIIG! LALONG GUSTO KONG MAGING SUNDALO!!!

    ReplyDelete
  16. the best talaga ang scout ranger lalo ka na sir,a good leader.a snappy salute to you and to the entire afp.God bless..

    ReplyDelete
  17. Sir do you have a book?

    ReplyDelete