Masaya ang tropa ng 10th Scout Ranger company na aking pinamunuan sa aming field assignment sa Panay island, pagkatapos ng humigit kumulang na 6 na taon na paninilbihan nito sa CARAGA region noong 1995 at islang probinsya ng Basilan simula 1997 hanggang 1999.
Bagaman ay meron pa ring mga bandidong NPA ang makakaharap namin sa bagong lungga, napapawi naman ang aming pagod tuwing nakikita ang mga magagandang tanawin kagaya ng mga makasaysayang simbahan kagaya ng nasa bayan ng Jaro habang ninanamnam ang masarap na pancit Molo.
Habang nasa Camp Hernandez kami sa bayan ng Dingle noong Agosto 2000, napapanood namin ang mga video reports ng mga pasaway na bandidong Abu Sayyaf sa Sulu na pinamumunuan ni Galib Andang alias Commander Robot na naghahamon sa gobyerno.
(AP photo)
Nagmamayabang sa kanilang kakayahan sa pakikidigma gamit ang mga bagong biling mga armas, hinahamon nila ang pamahalaan kahit pa man merong 'backdoor negotiation' para bayaran ni Libyan leader Muammar Ghadaffi ng tig $1Million ang bawat isa sa mga bihag.
Hawak nila ang mga hostages na kinuha nila sa isang diving resort sa Sipadan, Malaysia. Nababalitaan namin na ni-rape ang ilan sa kanila. Kasama kami sa nanggagalaiti sa galit dahil dito.
Ito na rin siguro ang nagbunsod na pati kaming nananahimik sa Iloilo ay ipapadala na rin sa Sulu.
Bilang lider, welcome sa akin ang mga misyon na ganito. Kaya nga kami ay tinaguriang Rangers. Kung saan merong bandido, dapat andon kami. Ito ay isang karangalan. Nahihiya kaming tawaging garrison Rangers o 'Santolan Warriors'.
Ito na rin siguro ang nagbunsod na pati kaming nananahimik sa Iloilo ay ipapadala na rin sa Sulu.
Bilang lider, welcome sa akin ang mga misyon na ganito. Kaya nga kami ay tinaguriang Rangers. Kung saan merong bandido, dapat andon kami. Ito ay isang karangalan. Nahihiya kaming tawaging garrison Rangers o 'Santolan Warriors'.
(AP photo)
2-week mission
Sa ikalawang linggo namin sa Camp Hernandez ay dumating ang radio message na pinaghanda kami para sa 2-week combat/rescue mission sa lalawigan ng Sulu.
Duda ako sa nag-isip na talagang maisakatuparan ang misyon sa loob ng dalawang linggo. Malabo yon base sa aking karanasan sa aming combat operations sa Basilan at Siraway.
Bahagi ng aking warning order (W.O./WARN-O), ito ang aking pahayag sa 'General Instructions' sa mga key leaders ng aking yunit:
"Magdala ng 1-2 pares na sibilyan, PT uniforms at dalawang pares din na BDA (battle dress attire) at ang inyong individual full combat gear. Dalhin ang gamit ng admin kagaya ng laptop computer at printer, portable generator at ang ating Kennedy Jeep."
Anticipated ko na kasi na posibleng hahaba ang combat operations. Una, hindi nakatali ang Abu Sayyaf at wala rin itong roster of troops at pictures. Humalo lang sila sa ordinaryong sibilyan at mga kaanak nila, naka-perfect camouflage na sila sa mga sibilyan na dapat din naming protektahan.
Imbes na 'light packs' lang ang dala namin, binitbit na rin namin ang iilang extra gamit kagaya ng spare ammunitions at mga foot lockers na naglalaman ng aming personal na kagamitan.
Samantala, sa bitbit naming combat packs ay nakalagay na ang lahat na pangangailangan para sa straight two weeks na pakikipagsapalaran sa bundok.
Kumbaga, sanay na talaga kami sa sistemang 'tahanan' na namin ang aming combat pack na kalimitan ay naglalaman ng sumusunod:
a. Individual medicines para sa common illnesses (cough/colds, diarrhea);
b. Individual first-aid items kasama na insect repellent;
c. 2-3 sets of under shirts;
d. 5 sets of combat socks;
e. 3-5 sets of underwear;
f. Personal hygiene items;
g. Combat shovel (for tail scouts);
e. Map and compass;
f. SOI na naglalaman ng listahan ng radio frequencies/call signs;
g. De lata at candy;
h. 2-3 kilo bigas at isang pack na skyflakes;
i. Spare water container;
j. Binoculars (for Lead Scout);
k. Hand-held radios, GPS, and spare batteries.
l. Multi-tools at pen light;
m. Poncho at jungle hammock;
n. Sweater at bonnet;
o. Deep-fried na puno ng sili na beef strips pampagana sa kanin.
p. Wallet with family pictures;
q. Cellphone at spare battery.
Dahil karamihang items na kasama sa mission packing list ay talagang kailangan para sa misyon, (mission-essential items) responsibilidad ng mga unit leaders (Team Leaders, Section Leaders at Platoon Sergeants) ang kanilang completeness.
Sa Team level ay merong inspection. Sinisigurado rin naming hindi nag-iingay ang aming gamit sa pamamagitan ng paghiwalay ng mga gamit na kumakalansing kagaya ng meat can at kutsara, hunting knife o kaya ang mga lata ng 555 sardines na nag-uumpugan sa loob ng pack.
Ang mga bagay na iyon ang aming dala-dala nang kami ay pinik-up ng C130 plane para magpunta sa aming assembly area sa Mactan Air Base sa Lapu-lapu City bago ang aming jump-off papuntang Sulu.
Doon namin nakasama ang nag-buo sa Light Reaction Battalion (Provisional) na pinamunuan ni Lt Col Roberto 'Bobby' Morales, na syang magiging controlling unit namin. Ang naturang yunit ay binubuo ng mga yunit ng Special Operations Command, ang mother unit ng Scout Rangers at Special Forces.
Kasama sa bumubuo ng LRB ay ang 10th SRC, 20th SRC na pinamunuan ni Lt Sam Yunque, 12th SRC na pinamunuan ni Cpt Raffy Guerrero, 26 SFC na pinamunuan ni Lt Nick Banzuela at 32nd SFC na pinamunuan ni Lt Iringan.
"Hello, Commander Robot!"
Noong gabi ng September 15, 2000 ay dumating ang takdang panahon na aming pinaka-aantay. Hawak-hawak ang radio message, ipinatawag ko ang lahat ng aking tropa para sa personnel accounting at mission briefing.
"Gentlemen, ito na ang ating pinakaaantay sa lahat. Bukas ng madaling araw, lilipad na tayo papuntang Sulu, ang lungga ng mga Abu Sayyaf. Ang pancit Molo ay magiging pancit Jolo! Let's say hello to Commander Robot!"
Pinaalalahanan ko ang lahat sa importansya ng unit integrity. Ayaw kong mangyari ang napapabalitang nag-iiwanan na ibang military units at napupugutan ng ulo ng mga bandido.
"Unang rule, walang iwanan. Kapag me tumakbo sa gitna ng bakbakan, baka ako pa ang unang makabaril sa inyo! Kung makaligtas kayo sa aking gatilyo, di kayo makakaligtas sa kasong cowardice. Kaya, wag matakot dahil nasa atin ang Diyos. Mas matindi ang ating paghahanda sa pakikidigma at malaki ang tiwala ko sa inyong mga Non-commissioned officers (NCOs)."
Parte ng tradisyon, nagdasal kami ng taimtim. Dahil halos lahat ay mga Kristiyano, hindi nawawala ang dasal ng mga mandirigma na kung tawagin ay Psalm 91. Pampadagdag ito ng tapang lalo na sa mga baguhang 'Parade Warriors' galing sa Army headquarters na hinubog kong maging mandirigma.
Pagkatapos naming magdasal, kanya-kanya nang tawag sa mga mahal sa buhay. Merong ma-drama ang dating. Merong pilit na pinapatawa ang kausap na asawa at anak.
Sa panahon na iyon ay halos mag-isang taon pa lang ang aking anak ngunit kinausap ko rin sya sa cellphone bilang bahagi ng nakagawian naming mag-asawa.
Kahit sanay na si Bia, ang aking asawa, na ako ay parating nadadala sa gyera, napaiyak pa rin sya. Syempre, nasa akin na rin kung paano ito ipaliwanag.
"Dear, habang merong phone signal at okay ang sitwasyon, magpapadala ako ng mensahe. Hindi ako mamamatay sa kamay ng mga Abu Sayyaf. Sila ang masasama kaya sila ang maghanda."
Naranasan din kasi nya na nagkaroon ng matinding bakbakan nang binisita nya ako sa aming kampo sa Basilan noong Abril 1998.
Kung tutuusin, 'veteran Army wife' na sya pero di pa rin mawawala na kumakalabog daw ang dibdib nya sa pag-alala kung merong mangyari sa akin.
Matagal-tagal din kaming nagkwentuhan hanggang naging kampante na sya.
Hindi ako gaanong nakatulog nong kinagabihan. Maraming katanungang pumapasok sa aking isipan na ako rin ang pilit sumagot.
Mamamatay kaya ako? Hindi! Dapat ako ang buhay at ang mga teroristang rapists ang mamamatay. Mas magaling ako sa pakidigma sa kanila at mas magagaling ang aking tropa.
Mamamatayan kaya ako ng tropa? Posible kaya dapat paghandaan. Wag lang mag-iwanan at mapugutan. Ubusan na ng bala at ubusan na ng buhay na kasama basta walang iwanan. Never leave a fallen comrade!
Makakapatay kaya kami ng mga bandido? Posible basta andon ang pagkakataon.
Sa aking pwesto nakikita ko ang aking mga tropa. Merong iilan na masarap ang hilik. Marami rin ang tila paikot-ikot sa higaan at di mahanap ang tamang pwesto. Parehas ata kaming mababaw ang tulog.
Dakong alas-tres ng madaling araw, nang-gising na ang duty Sentinel.
"Rangers, wake up, wake up!"
Dali-dali kaming nagsuot ng aming uniporme at nagtungo sa formation area dala ang aming mga gamit. Malapit lang sa aming tulugan ang kinaroroonan ng mga C130 plane na magdala sa amin sa gyera.
"Team Leaders, conduct final inspections. Kapag handa na, antayin ang signal ng Load Master para hakutin ang lahat na kagamitan pati ang ating sasakyan."
Kuha sa larawan ang mga tropa bago ang pagsakay sa C130 para sa isang combat deployment. Ganito ko rin maisalarawan ang aming sitwasyon noong September 16, 2000 nang kami ay i-deploy sa Sulu. (Army photo)
(Army Photo)
Sa sobrang sikip, kapag alisin mo ang iyong paa para mag-stretching, meron na itong kapalit iilang segundo lamang ang makalipas.
Minsan, binibiro ko ang aking mga tropa sa inagaw na kapiranggot kong space.
"Oist, teritoryo ko yan. Babalikan ko yang lagayan ko ng paa!"
Mahigit isang oras din ang pagtitiis namin sa loob ng eroplano nang nagising kami sa sagitsit ng preno ng C130 sa air strip, habang ito ay umuungol na tila pinipigilan ang pagderecho nito sa bahayan sa may dulo. Mga dakong alas singko y media na yon ng umaga.
"C130 rolling down the strip, Airborne Rangers take a little trip. Mission unspoken, destination uknown. You don't even know if you gonna come home!"
Oo nga naman. Di naman alam kung uuwi kaming buhay. Pero, para sa akin, ang Diyos lang ang me pasya kung mamamatay ang tao. Kung panahon mo na, kahit nasa loob ka ng 5-star hotel, patay ka pa rin.
Nang sinilip ko ang labas, nakita ko na ang kapaligiran ng Sulu. Parang nakaka-kinig. Kakaiba ang pakiramdam.
Nang sinilip ko ang labas, nakita ko na ang kapaligiran ng Sulu. Parang nakaka-kinig. Kakaiba ang pakiramdam.
Nasa lupain na kami ng mga kilalang mandirigma na buong tapang humarap sa mga Espanyol at mga Kano.
Well, kami rin naman ay mandirigma, mga astig at mabangis sa pakikipaglaban. Magkakaalaman sino ang manatiling nakatayo paghupa ng bakbakan.
Well, kami rin naman ay mandirigma, mga astig at mabangis sa pakikipaglaban. Magkakaalaman sino ang manatiling nakatayo paghupa ng bakbakan.
Nang bumukas na ang pintuan sa likod, bumulalas sa aking paningin ang kagubatan ng Kagay sa Patikul. Malamig ang hangin na tila me dalang misteryo kaya tumatalab sa buto ang pakiramdam.
Sa gitna ng aking biglaang muni-muni, naalala ko ang SOP ng mga Rangers. Security first. Saka na ang usyoso.
"Gentlemen, lahat ng security elements run and deploy. Post security. Load and lock!"
Excited sa kanilang unang combat deployment, agad-agad naka-deploy ang tropa para sa perimeter security sa labas ng eroplano.
Di nila alam, nasa gilid lang din ito ng Camp Teodulfo Bautista, ang staging area ng lahat na tropa na naka-deploy doon.
Binigyan kami ng 10-15 minutes para mailabas lahat ng kagamitan. Hindi na kasi pinatay ang makina ng eroplano.
Nang kami ay mahakot ng M35 trucks papunta sa loob ng kampo, agad na inayos namin lahat ng kagamitan sa isang sulok ng building bago maghanda naman sa entrucking papunta ng Line of Departure (LD).
Doon nagsimula ang akwal na adventures ng aking mga tropa sa lupaing kung tawagin ay Lupah Sug.
"Humanda ka Robot at Mujib Susukan. Napunta kami dito dahil sa kabulastugan nyo!"
"Humanda ka Robot at Mujib Susukan. Napunta kami dito dahil sa kabulastugan nyo!"
ganda ng kuwento lalo na`t totoo...salute to all of you sir
ReplyDeletesana magawan po ng pilikula..MUSANG ang pamagat
ReplyDeletewao yan ang tunay na sundalo matapang handang isakripisyo ang buhay pati pamilya naisakripisyo ... mas saludo ako sa mrs nyo sir...kung ako yun?kakabog kabog ang aking dibdib....dapat ka lang parangalan sir...kung puede lang gawin kang general...keep up the good work sir...god bless u and your family...mabuhay po kayo...mahal namin kayo...
ReplyDeleteasa ra nag sumpay sir? hehehhe
ReplyDeletenice story sir..pero bitin san ang karugtong nito inaabangan ko. hehehhee
ReplyDeleteIto ang karugtong nyan:
Deletehttp://rangercabunzky.blogspot.com/2013/08/our-mission-in-sulu-kill-abu-sayyaf.html
Ang tapang nyo sir! SALUTE TO YOU PO
ReplyDeleteMatatapang rin ang mga hukbo!
Delete