Sunday, January 27, 2013

The roles of military wives



Lagi na lang biruan na ang mga misis daw ng sundalo ay 'one rank higher' kaysa kanila.

Kahit na ito ay biruan lamang, marami-rami na rin akong kilalang mga misis na ini-enjoy ang kanilang pagiging 'one rank' seniority kuno.

Halimbawa, merong isang tigasing Koronel na napakatapang at napaka-authoritative sa kanyang mga tauhan. Kindat lamang niya ay nanginginig na ang mga kinasasakupan dahil sya ay 'terror' sa yunit.

Kung sya ay makasigaw ay tila ginamitan na ng public address system sa sobrang lakas ng boses. Kilala syang animo ay Tigre sa kabangisan.

Ang problema, sa anino pa lang ng misis nyang palaging pumupunta sa kampo, sya ay tila kandilang nauupos sa kinatatayuan. Aba, me tiga-alaga pala ang Tigre na ito!

Minsan, ang tiga-alaga sa Tigre ay hindi lamang matapang sa kanyang mister na sundalo. Para din syang si Heneral Patton kung makapang bulyaw ng mga enlisted personnel at maging mga junior officers.

Dahil 'one rank higher' daw sya sa kanyang mister na kinikilalang lider sa yunit, tila ay opisyal na rin syang itinuturing.

Maling kagawian

Sa aking paningin, ang nag-siga-sigaan na misis sa yunit ay isang maling kagawian na hindi dapat hinahayaan. Ito ay nakakahiya at hindi alinsunod sa tamang alituntunin ng militar.

Ang sundalo lamang na merong serial number at binigyan ng awtoridad sa pamamalakad ng yunit ang may karapatan na mag-uutos at  magdidisiplina ng mga tauhan. 

Ang misis ay isang sibilyan na ang tanging role ay suportahan ang career ng kanyang asawa.

Kung nagkawindang-windang ang mga tradisyon at napasukan ng ganitong mga kamalian, ito ay dahil hinahayaan ng mismong opisyal.

Bilang isang propesyonal na sundalo, ang military officer o NCO ang syang magturo sa kanyang misis ano ang tamang asal ng mga military dependents. 

Hindi nya dapat hahayaang mag-cross ng line ang kanyang mahal na asawa at pakialaman ang military affairs na dapat ay para sa mga sundalo lamang.

Ika pa nga, "A military wife wears her husband's ring and not his rank". Ang kasabihan na ito ang hayagang naglalahad kung paano rin mag-behave ang isang asawa ng militar.

Halimbawa, instead na mag-uutos ng mga sundalo na ang asta ay parang isang senior officer, dapat idaan na lang ito sa kanilang asawang militar.

Pwede rin na makisuyo na lang sa sundalo sa mga bagay na ipapagawa. Di rin kasi maiwasan minsan na manghingi ng assistance ang isang military dependent sa mga sundalong malapit sa kanilang tahanan.

Nakakawala nga naman ng self-esteem kung isa kang sundalong nirerespeto ng kapwa mo sundalo, tapos burado ang lahat ng pinanghahawakan mo pagkatapos na hiyain ng isang sibilyan na misis.

Ganon din ang nararamdaman ng isang opisyal na hinihiya ng kanilang asawa. Paano ka nga naman respetuhin bilang pinuno kung nirarapido ka ng sabunot at sampal ng misis sa harap ng ibang tao?

Sa kapanahunan ng social media, nakikita natin ang iilang mga sundalong napapahiya sa sanlibutan dahil nag-aaway silang mag-asawa gamit ang Twitter at Facebook. Nakakalimutan ata nila ang simpleng kasabihang: "Don't wash your dirty linen in public".

Dahil sa sensitibo ang roles ng mga sundalo, dapat pinag-uusapang mabuti ng mag-asawa ang kanilang behavior sa madla.

Ang tamang role ng mga military wives

Napakahalaga ang role ng mga asawa sa buhay ng mga sundalo at ito ay hindi dapat isasantabi. Kung hindi suportado ng misis ang kanilang husband na nasa military service, malamang papalpak din ito.

Ang mga misis ay dapat tinuturuan paano sila mag-behave bilang military wives at paano makisalamuha sa iba, maging sa mga senior officers, kaparehong ranggo at mga tauhan ng kanyang asawa.

Habang nasa deployment ang asawa, ang misis ay dapat tigasin ng tahanan na syang nagpapatakbo sa lahat ng pamamalakad ng pamilya, kasama na ang pagdidisiplina sa mga anak, pagiging ingat-yaman ,at pagbibigay ng morale support sa kanyang asawa
.
Bilang partner sa tahanan, ang misis ay dapat kasangguni ng mister sa kanyang career options at mga plano na nakakaapekto sa kanilang pamilya.

Para laging nagkakaintindihan, dapat bukang-loob nilang pinag-uusapan ang mga bigating desisyon na may epekto sa kanilang lahat at ito ay ipinapaintindi maging sa mga anak.

Dagdag pa nito, magiging abala ang isang military wife sa sariling career o kaya sa gawaing pambahay at maging maliitang negosyo bilang suporta sa kanyang asawa. Ang problema kasi sa walang ginagawa ay napupunta sa tsismisan at awayang pang palengke ang maaatupag.

Mas malala pa kung ma-jong ang hinihimas ng misis sa buong araw, gamit ang kapiranggot na sweldo na padala ng mister na nasa bundok.

Paano nga naman kung ang sundalo ay natataguriang 'London boy' (loan dito at loan don) dahil sa financial mismanagement ng kanyang misis?  Mas malamang, mawalan na rin ito ng motivation na magpakahirap sa mga bakbakan sa bundok dahil panay problema sa tahanan ang dagdag pabigat sa isipan.

So, para sa mga bata pa sa serbisyo, hindi pa huli ang lahat at pwede pa nating baguhin kung kailangan. Ika nga, we can only change ourselves and the people who are under our influence.

Turuan natin ang ating mga minamahal na misis. Ang uunahin nating paalala:  Hindi sila parte sa military chain of command.

5 comments:

  1. sobra naman po xa kung tlga ngang sumasali pa xa sa pamamalakad ng work nyo-malaking problema nga yan kung ganun.
    pnka-mahal na presyo tlaga ang common sense sa mundong ito!

    ReplyDelete
  2. As an officer's wife, we should act accordingly to what is expected. Do what we have to do and do not cross the line. We should be our husbands asset and his greatest possession not his total shame and disappointment. We should not think that we are one rank higher than our husband because as a wife, we always think of our husband's welfare, be sensitive of his needs and always have the listening heart--- a heart that beer judge and a heart that forgives

    ReplyDelete
  3. Bilang lifetime partner ay katuwang naming mga sundalo ang aming misis sa aming tahanan. Kung pabaya sya sa pamamalakad ng tahanan, masisira din ang aming diskarte sa serbisyo.

    Sa military activities, kailangan din minsan ang suporta ng misis kagaya sa mga ceremonies na kailangan ng kanilang presensya.

    Sa pag-organisa din ng mga military dependents para sa mga support activities ng Command ay pwede rin silang tumulong.

    Ang hindi pwede ay yong nakikialam na sa mga promotions, designations at kung paano patakbuhin ang unit o opisina dahil dyan na nagka-leche leche ang buhay ng mga sundalo.

    ReplyDelete
  4. amen to that sir! :)

    ReplyDelete
  5. May tama ka major pero sna pti un iba plng ng gf mga opisyal ksma hehe kc un iba feelng nila opisyal n rn cla anyway dpende din sa breeding un ika nga..

    ReplyDelete