Thursday, August 09, 2012

Ang 'ratatatat' ni Sergeant


Kapag FTX, ginagamit ng mga Scout Rangers ang firing adaptors (kulay pula) para makapagpaputok ng blank ammos. Kapag maubusan ng bala, 'ratatatat' na lang ang kunwaring ipinuputok nila. (SRTS photo)



Sa Scout Ranger training, kasama sa programa ng pagsasanay ang field training exercise. Sa aktibidad na ito, magkunwaring rebelde ang mga non-commissioned officers (NCOs) na syang hagilapin at gyerahin ng mga Ranger students.

Sa ganitong training, bawal gumamit ng live ammos ang mga estudyante, at merong iilang blank ammos ang pinapagamit sa kanila.

Kapag maubos ang kakapiranggot na blank ammo, 'ratatatat' na lang gamit ang boses, kunwaring niratrat ang mga terorista.

Sa panig ng mga NCOs, marami silang live ammos at pati na rin mga blank ammos na nilalagay sa nakamarka at nakahiwalay na mga magazines.

Team raid

Sa isang FTX  na ginanap mga 5 kilometro lamang ang layo mula sa Camp Tecson sa Bulacan, ginagapang ng 7-man Scout Ranger team ang kanilang targets na sumisilong sa ilalim ng mga puno, sa kasukalan.

Si Ranger Boloy ang kanilang Team Leader. Gusto nya na perfect execution ang gagawin ng team.

"Kailangang wipe out ang mga terorista na nanggugulo sa ating komunidad," sabi nya sa kanyang mga kasamahan.

Gusto ni Ranger Boloy na coordinated ang lahat ng aksyon, na panay hand-and-arm signals ang gamit.

Ganon ang kanilang training na paulit-ulit, alam ng bawat isa ang gagawin kahit hindi inuutusan.

Nang makitang anim lang ang mga terorista, nagbigay ng final plan si Ranger Boloy.

Ayaw nya ng retake o kaya ma-recycle sa klase kapag pumalpak.

Ginapang nila hanggang 10 metro ang mga 'kalaban' na nagbobolahan, na tila ay di alam na nakatutok na ang mga baril ng mga Rangers at bubuga na gamit ang blank ammos.

Excited na si Boloy. Nagtataka sya kasi iba ang hitsura ng mga 'kalaban'.

Wala syang kilala na sundalo sa grupo, ngunit ang suspetsa nya ay ginawan sila ng scenario ng mga magagaling at mga 'tusong' mga trainers.

Di na nya maantay. Nag-command na sya: "Fire!"

Bang! bang! bang! (mahina ang putok ng blank ammos nila).

Nagulantang ang 'kalaban' at nagpulasan at pumwesto sa likod ng mga puno.

"Ratatatatatatatat! Ratatatatat! Ping! Bang! Ka-boom!" Samu't-sari ang putok na narining nila.

"Grabe sina Sergeant, totoong bala ginamit!" tahimik nyang reklamo.

Ubos na ang kanilang blank ammo. May sumigaw na isang kasama nya: "Ching, me tama ako!!!"

"Hmmmmmm kinausap ito ni Sergeant na kunwari me tama! Gusto nilang pahirapan ako!" napaisip sya.

Ayaw nyang maisahan. Tumayo sya at nag-command: "Rangers, assault! 

Sumunod ang iba nyang kasamahan at ang dalawa ay nagpaiwan para magbantay sa likod.

Na-shocked ang mga 'kalaban'. Sinusugod sila ng Scout Rangers!

"Mga kasama, takbo! Sobrang titikas ng mga yan di tinatablan!" sabi ng isang terorista sabay takbo.

Sinubukan pa nilang humabol ngunit nagtaka sila bakit tila di sinunod nina Sergeant ang SOP na dapat me 'tama' rin sila lalo na't naunahan sila.

"Search!" sigaw ni Boloy. Nakita nila ang mga kagamitan ng mga 'terorista'. Merong mga subersibong dokumento.

Nang lumingon sya sa likod, nakita nyang duguan si Ranger Botyok.

"Brod, totoo na itong tama ko sa kamay! At, totoong NPA man yon!!!"

Don na-realize ni Ranger Boloy na totoong NPA pala ang nagapang ng Team nya.

Mabuti na lang natakot ang mga NPA sa 'ratatatatattttt' sa pag-assault nila, at di rin napahamak si Ranger Botyok na tinamaan ng bala mula sa mga bandido.

Tawanan sila pag-uwi sa Scout Ranger Training School.


(Ito ay tunay na pangyayari sa mga estudyante ng Scout Ranger training na sa di inaasahang pagkakataon ay napabakbak sa mga bandidong NPA na napadpad sa FTX area nila. Ang masaklap, blank ammo at sigaw na 'ratatatatat' ang pinang-baril nila sa mga bandido.)







8 comments:

  1. astig!

    ano kaya nangyari sa kanila pagkabalik nila sa training camp?

    ReplyDelete
  2. Nagkaroon sila ng After Action Review.

    Tama ang lahat ng steps sa execution ng raid.

    Kinilala ang kanilang katapangan at kagalingan. Natuwa ang kanilang SRTS commandant at ang course director.

    Silang lahat ay naka-graduate pagkatapos ng matagumpay na Test Mission na kung saan ay tunay na bala na ang kanilang ginamit.

    ReplyDelete
  3. wow swerte cla at walang grabing nangyari. Pero kakabilib tlaga ang mga rangers. Obey first before you complain. Hehe.

    ReplyDelete
  4. Anung sr class yun sir?

    ReplyDelete
  5. sir, yan din na kwento sa amin ni Sgt Dela Cruz (scout ranger din) bago kami mag Ftx nung nagtraining pa kami ng POTC. totoo pla talaga.. hehehehe

    the best tlaga ang mga Scout Rangers

    -nikki

    ReplyDelete
  6. hahahaha.......nce ah....kaya ba tinatawag na terminator ..... jajajajaja nce mga sir.....

    ReplyDelete
  7. pwede ko po bang i repost to sir??

    ReplyDelete
  8. Pwede yan repost, just post the credits.

    Thanks!

    ReplyDelete