Tuesday, December 27, 2011

Order ni Boloy

Dahil sa kanyang deployment bilang peacekeeper sa United Nations ay nakasakay ng international flight papuntang Middle East si Sgt Boloy sa unang pagkakataon.

Manghang-mangha sya sa kagandahan at kabaitan ng mga stewardess.

Di kalaunan sa kanilang paglisan ay nakatulog si Boloy sa kapapanood ng movies sa screen sa kanyang harapan.

Nagising na lang sya nang sya ay tinapik ng cute na stewardess na me hilang lalagyan ng masasarap na pagkain.



"Sir, chicken or beef?", sabi ng stewardess.

Nag-alangan si Boloy. P100.00 lang nasa bulsa nya. Inisip nya sobrang mahal yong 'benta' ng stewardess.

"Ok lang ako, busog pa", pagsisinungaling na sabi ni Boloy pero halatang naglalaway sa pagkain. Nahalata sya ng stewardess na baguhan sa byahe at nahihiya lang.

"Sir, libre ito sa lahat na pasahero, wag ka mahiya!", paliwanag nya kasabay ang napakatamis na ngiti.

Di na napigilan ni Boloy ang kanyang gutom. Libre pala!

Bago mapurnada at mapasma, dali-dali nyang sinabi:  "Miss, chicken at beef ang akin!!!!"


(Nabulunan ang stewardess sa pagkagulantang. Gustong lamunin ni Boloy ang pagkain at gusto lahat kanya na)

3 comments:

  1. thanks for appreciating the corny soldier's stories :-)

    ReplyDelete
  2. ...i'm a batang mess kit sir,..and sana maging sundalo din.:-)..sanay na s mga ganyan,..hehe...

    ReplyDelete