Kilala ko si Brigadier Gen Danny Lim na ipinaglalaban ang isang bagay na sa tingin nya ay tama.
Halimbawa, nang ako ay siniraang puri at ipinatatanggal ng iilang 'powerful forces' sa aking pwesto sa Scout Ranger Training School noong 2004, agad akong nag-report sa kanya upang maghayag ng intensyon na magbitaw sa pwesto.
Natamlay sa mga maling paratang sa akin sa pamamagitan ng anonymous letter na pinatulan naman ng iba, ipinahayag ko sa kanya ang hangaring magbitiw na lamang sa pwesto.
Hindi sya pumayag na ako ay mag-parelieve sa yunit dahil gusto nyang itaguyod ang mga reporma na aming sinimulan.
Doon ako naniniwala na hindi kayang tibagin ng mga mahangin na mga nilalang ang pundasyon ng prinsipyo ng katinuan at kagalingan na aming naipakita sa organisasyong aming ginagalawan.
Doon ako naniniwala na hindi kayang tibagin ng mga mahangin na mga nilalang ang pundasyon ng prinsipyo ng katinuan at kagalingan na aming naipakita sa organisasyong aming ginagalawan.
Dahil sa kanyang suporta, nanagumpay kaming baguhin ang mga bagay na syang ikakaganda sa aming yunit.
Harinaway, hindi rin sya tuluyang mag-resign at maging bahagi ng kasaysayan sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa Bureau of Customs.
Dapat syang suportahan ng lahat kagaya ng pagsuporta nya sa akin noong ako naman ang nasa parehas na kalagayan.
Mas marami kaming naniniwala sayong katapatan sa sinumpaang tungkulin sir! Ipaglaban ang tama!
Photos by: General Danny Lim
Great info!
ReplyDeleteBy the way, here's the case on the Bureau of Customs' termite problem.
http://z6.invisionfree.com/flipzi/index.php?showtopic=517&st=0#entry22249103
Unquestionable and reputasyon ni Gen. Lim. Dapat sana sya ay magiging COS AFP pero mas pinili nyang makulong kaysa maging alipores ni Bansot. Buong buhay nya, inialay nya sa bayan. May delicadeza at sabi nga ay, "a true officer and a gentleman." MABUHAY PO KAYO GEN. LIM! Nawa'y yumabong pa ang iyong lahi!
ReplyDeleteIrin
I agree with you, sir! Facing a dilemma like that is a great challenge. I believe BOC badly needed tough men like Gen Lim. One snappy salute to you, sir!
ReplyDeleteRanger Perots: A Wise Filipino Soldier
He is a true and worthy Brother Mason to us and we are proud of him!
ReplyDeletesir danilo, I will continue your legacy I promise that susunod ako sa yapak mo
ReplyDelete—apo ng pinsan mo