Si Sgt Hamurabun ay isang Ranger na tubong Pampanga.
Dahil iilan lang ang mga Pampangueno na pumapasok bilang sundalo, kasama sya sa 'da pew, da prawd' Kapampangan na mandirigma.
Kakaiba rin ang ugali ni Sgt Hamurabun, matapang sya pero palakaibigan. Mahilig din syang makipag-kantyawan sa mga kasamahan.
Paborito nyang asarin ang mga Bisaya kasi matitigas daw ang dila kaya habulin ng mga tsiks.
Si Sgt Boloy na tubong Cebu ang lagi nyang kaasaran kasi ka-batch nya ito. Dahil sa Bisaya ang kanyang batching, ang tawag nya dito ay si Sarjint Dudung Buluy.
Si Sgt Boloy na tubong Cebu ang lagi nyang kaasaran kasi ka-batch nya ito. Dahil sa Bisaya ang kanyang batching, ang tawag nya dito ay si Sarjint Dudung Buluy.
Ngunit merong pambawi si Boloy sa kanya pagkatapos nyang madiskubre na si Sgt Hamurabun ay hindi makapag-pronounce ng letter 'H'.Ganon ata ang mga true-blooded Kapampangan.
Halimbawa, ang bigkas nya sa halimaw ay 'alimaw' at sa horse ay 'ors'.
Tuwing asarin nya si Boloy na 'Dudung', ang bawi naman nito ay "Bakit Sarjint Amurabun?"
Di naman sila umabot na nagsuntukan dahil sa pagkapikon dahil kakaiba ang kanilang samahan.
Isang araw sa kanilang pag-patrol sa gubat, nagulantang si Sgt Hamurabun dahil merong nakaharang na itim na cobra sa kanilang dinaanan.
Kahit mandirigmang Ranger ay kinikilabutan kapag makatagpo ng ganitong hayop sa gubat. Iba-iba ang nasasambit ng sundalo kapag makakita nito kagaya ni Sgt Botyok. (photo from http://animals.nationalgeographic.com/animals/reptiles/king-cobra/)
Grabe ang panlalaki ng kanyang mata at nagsabing: "Ay.......a........". Bigla na lang nyang tinakpan ang kanyang bibig.
Di nya naituloy sabihin ang salitang 'ahas' kasi naalala nya ang nakangising hitsura ni Boloy na laging binabantayan sya. Klaro kasing 'A-as' ang masambit nya.
Nagpaka-alert sya at itinuloy ang pagsambit: "Ayyyyyyyyy, Snake!"
Nilingon ni Sgt Hamurabun si Boloy habang nakangising demonyong nagyayabang ang hitsura.
"Hmmmmm. Buluy, akala mo maisa-an mo ko a!"
Ranger C,
ReplyDeleteFirst two paragraphs. Sir Sgt. Hamurabun at si Cpt. Hamurabun ay ibang tao ba? =)
Kulit ng post! Hahahaha!!
Best Regards,
Drey Roque
(pagduaw.com)
I stand corrected.
ReplyDeleteInaantok yata akong mag-post.
True to life story yan ng aking kasamahan.
Naalala ko lang yong story last night at agad kong sinulat. Binago ko lang ang names at baka pagtatawanan sila ng kasamahan sa bagong unit nila ngayon.
Best regards!
Ranger C,
ReplyDeleteBilib nga ako sayo! You posted 3 articles a day.
Still figuring out how you manage to put up the experiences... Kaya mo siguro mag medicine or mag-law sa tinik ng memory mo. Hehe!
Best Regards,
Drey Roque
hahaha.. nice ranger c.
ReplyDeletenice story..na tanggal ang stress ko:)..hahaha
ReplyDelete