Wednesday, October 31, 2012

Ang Ranger na ayaw ma-'isahan'




Si Sgt Hamurabun ay isang Ranger na tubong Pampanga. 

Dahil iilan lang ang mga Pampangueno na pumapasok bilang sundalo, kasama sya sa 'da pew, da prawd' Kapampangan na mandirigma.

Kakaiba rin ang ugali ni Sgt Hamurabun, matapang sya pero palakaibigan. Mahilig din syang makipag-kantyawan sa mga kasamahan. 

Paborito nyang asarin ang mga Bisaya kasi matitigas daw ang dila kaya habulin ng mga tsiks.

Si Sgt Boloy na tubong Cebu ang lagi nyang kaasaran kasi ka-batch nya ito. Dahil sa Bisaya ang kanyang batching, ang tawag nya dito ay si Sarjint Dudung Buluy.

Ngunit merong pambawi si Boloy sa kanya pagkatapos nyang madiskubre na si Sgt Hamurabun ay hindi makapag-pronounce ng letter 'H'.Ganon ata ang mga true-blooded Kapampangan.

Halimbawa, ang bigkas nya sa halimaw ay 'alimaw' at sa horse ay 'ors'.

Tuwing asarin nya si Boloy na 'Dudung', ang bawi naman nito ay "Bakit Sarjint Amurabun?"

Araw-araw na lang sa buhay nila ay katuwaan nilang mag-asaran at binabantayan lagi ang pagbigkas ng salitang Tagalog.

Di naman sila umabot na nagsuntukan dahil sa pagkapikon dahil kakaiba ang kanilang samahan.

Isang araw sa kanilang pag-patrol sa gubat, nagulantang si Sgt Hamurabun dahil merong nakaharang na itim na cobra sa kanilang dinaanan. 

Kahit mandirigmang Ranger ay kinikilabutan kapag makatagpo ng ganitong hayop sa gubat. Iba-iba ang nasasambit ng sundalo kapag makakita nito kagaya ni Sgt Botyok. (photo from http://animals.nationalgeographic.com/animals/reptiles/king-cobra/)


Grabe ang panlalaki ng kanyang mata at nagsabing: "Ay.......a........". Bigla na lang nyang tinakpan ang kanyang bibig.

Di nya naituloy sabihin ang salitang 'ahas' kasi naalala nya ang nakangising hitsura ni Boloy na laging binabantayan sya. Klaro kasing 'A-as' ang masambit nya. 

Nagpaka-alert sya at itinuloy ang pagsambit: "Ayyyyyyyyy, Snake!"

Nilingon ni Sgt Hamurabun si Boloy habang nakangising demonyong nagyayabang ang hitsura. 

"Hmmmmm. Buluy, akala mo maisa-an mo ko a!"




Bakit meron pang Abu Sayyaf?







Larawan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf noong taong 2000. Karamihang nasa larawan ay napatay sa bakbakan kagaya ni Khadaffy Janjalani (binilugan ng pula ang ulo) na nasawi sa Sulu noong 2007 at si Bakal Hapilon (nakahawak sa 90RR na nasawi sa engkwentro laban sa pinagsanib na grupo ng 10SRC at 12SRC sa Libok, Lantawan, Basilan noong March 2002. Tanging si Isnilon Hapilon, (pangatlo mula kay Janjalani) ang buhay pa diumano hanggang sa ngayon.


Maraming nagtatanong kung bakit meron pa ring Abu Sayyaf at kung bakit hindi ito 'matatalo' ng militar.

Marami ang mga speculations na 'alaga' diumano sila ng mga matataas na lider ng militar o gobyerno para hindi mawala ang budget ng militar. (Mukhang napakalaking kamalian ang istorya na ito dahil ang militar ay hindi mawawalan ng pondo kahit pa man wala nang internal armed conflicts. Kung mag-shift ang AFP sa external defense, dapat lalong palakihin ang pondo lalo na sa modernisasyong kailangang maisakatuparan para maipagtanggol namin ang ating bansa)

Marami ang istoryang imahinasyon na lumabas na pinalulusot namin ang mga Abu Sayyaf sa bitag-militar.Karamihang sa mga istorya at napulot ata sa barber shop at mataguriang 'kwentong barbero'. Kaya nga imaginations lamang ito ng mga sumulat para bumenta.

Kaya nga nilangaw ang sineng pinamagatang 'Captive' kasi napakaraming half-truths at masakit para sa kalooban ng mga sundalo, lalo ng mga kaanak ng mga nasawi sa aming hanay na akusahan kaming nakikinabang sa banditry ng Abu Sayyaf at 'laging talunan sa mga bakbakan'.

Nakakalungkot nga lang pero tila marami rin pala ang hindi nalilinawan sa kaganapan sa Muslim Mindanao.

Maswerte ako at naranasan kong bisitahin ang mga probinsya ng Basilan, Sulu at Central Mindanao dahil sa aking serbisyo militar.

Kung ang ibang sundalo ay gumagawa ng paraan para hindi ma-assign dito, ako ay boluntaryong pumunta dito noong ako ay Tenyente pa lamang.

Nang nanalasa ang mga bandido sa Sipadan at Dos Palmas kidnapping incidents, parte kami sa daan-daang sundalong pinadala upang tumulong sa rescue missions.

Di ko matanggap iyong mga walang basehang akusasyon dahil andon ako mismo, at unfair yon sa  napakaraming duguan sa aking mga kasamahan para tuparin ang aming mga tungkulin.

Dagdag pa riyan, dapat fair naman sa mas nakakaraming sibilyang Muslim na nadadamay sa mga negatibong komento ng mga Kristiano dahil sa kabulastugan ng mga damuhong 'mujahideen' kuno.

Silang mga na-displace kapag me mga massive combat operations sa kanilang mga komunidad at maging parte ng mga bakwit o evacuees, ay ayaw na rin ng bakbakan. Hindi lang natin naririnig ang kanilang maliliit na boses na nagsusumamo.

Maraming taon nang nakikipaglaban ang mga sundalo sa mga armadong grupo dito simula noong kapanahunan ni Kamlon noong 1950s na kung saan ay wala pang tinatawag na MNLF, MILF, MILO, Pentagon o Abu Sayyaf.

Ayaw ko nang isama ang daan-daang taon na unang ginamit ang mga Visayan (indio) sa mga pakikidigma na pinangungunahan ng mga mapanakop na Kristiyanong Espanyol at pati ang minanang pakikidigma ng mga Kano na pinangunahan ni Gen John Pershing sa Sulu.

Sino ang Abu Sayyaf?

Simula na naging kilabot ang armadong grupong Abu Sayyaf na pinangunahan ni Abdurajak Janjalani noong 1990s mula sa grupong kung tawagin ay Tabligh Jumaat.

Para sumikat at makahingi ng pondo sa mga financers ng Islamic extremism sa ibang bansa, gumawa ng maraming katarantaduhan laban sa mga Kristiyanong walang kalaban-laban kagaya ng mga titser sa Matarling, Lantawan at Tumahubong; at mga pari kagaya nina Father Nacorda at Father Gallardo.

Pinasikat nila lalo ang kanilang sarili sa pang-rape ng kababaihang bihag at pamumugot ng ulo na kanilang kinukuhanan ng video. Dito nagkakaroon ng personalan sa mga Kristiyano at pati sa iilang sundalo na nagpapadala sa silakbo ng damdamin. .

Lalo din nilang pinasikat ang pangalan ng Abu Sayyaf sa international community noong 2000-2001 nang mangidnap sila ng foreign tourists sa Sipadan island sa Malaysia at sa Dos Palmas, Palawan.

Ang bandidong si Abu Sabaya na natuto ng psy-war ay naging mukha ng Abu Sayyaf at kaming mga sundalo ay kinukutya at ginagawan ng istorya sa pamamagitan ng battle for public perception.

Sa isang sitwasyon ay gamit nya ang nakumpiskang military tactical radio upang kunwari ay 'kausap' si General sa kabilang linya at pinapagawan nya diumano ng diskarte na sila ay makaeskapo kapalit ng pera.

Dahil nakikita ito ng ibang hostages, ganito ang kanilang pagsalarawan sa mala-teatrikong aksyon ni Aldam Tilao a.k.a. Abu Sabaya. Kinagat ito ng iilan sa media na nagkukulang din ng impormasyon mula sa militar.

Dito kami naiinis sa sitwasyon noong 2001. Sino ba naman ang hindi inis sa kabulastugan ng mga bandido? Naiinis din kami noon na ginagawan kami ng kwento pagkatapos ng aming mga sakripisyo.

Pagkatapos ng maraming taon ng military operations at pati joint-law enforcement operations laban sa mga kriminal na Abu Sayyaf, halos naubos na yong mga orihinal na mga kasapi nito.

Kaming mga Scout Rangers ay kasama ring nakatulong upang mapuntahan ng mga alipores ni Janjalani ang ipinangalandakang 7th level sa heaven kung sila ay maging mujahideen kuno.

Sa dami ng kanilang kamuhi-muhing krimen na labag sa Islam, alam ko si Shaitan (Satanas) ang kanilang nakapiling ngayon.

Mis-understanding the Mindanao conflict

Laging nadadaragdagan ang problema sa ground kapag kulang sa pag-intindi sa Mindanao conflict.

Ito ay napapalala kapag pinaiiral ang galit ng iba lalo na ng mga sibilyan, at hindi nila napapansin na naglalagablab na sa init  ang sitwasyon at tila ay nagiging Kristiano laban sa mga Muslim.

It is high time na dapat tanggapin nating lahat na nananahimik lamang ang Muslim Sultanates dito sa mga islang pinangalanang Filipinas, before the arrival of the likes of Figueroa at Magellan.

Hindi na natin maibalik ang nakaraan at kailangan lamang harapin ang kasalukuyan sa pamamagitan nag pag-iintindihan. Halimbawa, dapat taggapin na rin ng lahat na taga Mindanao na hindi na natin pwede ibalik ang mga Ilokano at Visayans na ipinadala nina Osmena at Magsaysay noong araw para manirahan sa napakalaking islang Mindanao (kasama na ang mga Cabunoc, mga Zubiri, Fortich, Santos at mga mga apelyidong di naman orihinal na settlers don kagaya ng Muslim tribes at mga indigenous peoples kagaya ng Manobo, Tiruray, Matigsalog at iba pa).

Dapat magkakaintindihan kasi kapag hayaan ang mga war freak na civilians (pati iilan sa mga militar kung meron man), ang conflict ay  tila ay maging Holy Crusades. Ito ay magiging kahalintulad ng tunggalian ng mga Crusaders sa pamumuno ni Richard the Lion Heart,  at sa panig ng mga Muslim sa ilalim ng pamumuno ni Salah-eh-din (Saladdin).

Iyon ang ayaw nating mangyari, na ang paningin ng mga kapatid nating Muslim ay inaatake sila ng mga Kristiyano kagaya noong 1600s. Marami pa rin sa kanila ang naniniwala ng ganito o ang pakiramdam ay ganoon (inaapi sila ng mga Kristiano) pagkatapos ko silang nakakausap.

Kapag ganoon kasi ang sitwasyon, mahirap na magapi ang nagpapakilalang Abu Sayyaf kahit na napatay na ang karamihan sa napakaraming bakbakan laban sa kanila.

Kahit na halos nalagas na silang lahat ay meron pa ring nagpapakilalang Abu Sayyaf o pinipilit na tawaging Abu Sayyaf.

Hindi rin naman kasi kaila na kahit sinong armado sa Basilan at Sulu, kapag gumawa ng atrocities ay Abu Sayyaf kaagad ang pakilala. Napaka-convenient kasi na ganon ang itawag kasi madali ang name recall.

Ang problema naman, kapag naikakabit ang pangalan na ito sa mga tao na nasa isang komunidad habang nagsasagawa ng focused military operations doon.

Malaking problema yon kapag ang sundalo at lalo na ang pinuno nila ang hindi nakakaintindi sa kulturang Pilipinong Muslim dahil Abu Sayyaf ang magiging paningin nila sa lahat ng mga kalalakihan sa mga liblib na lugar.

Dagdag pa dyan, kung hindi mapagmatyag at mapag-usisa ang sundalo, nadadamay sila sa mga bangayang dapat ay pang-barangay lamang, na kung tatawagin ay rido (clan war).

Ang tunay na kaaway at problema

Kung susuriin nating mabuti ang mga kaganapan, hindi yong 'Abu Sayyaf' ang tunay na kalaban o problema. Halimbawa, napakarami na sa aming talaan ang nalipol na 'problema' kagaya nina Abdurajak Janjalani ang dalawang mga kapatid, Bakal Hapilon, Virgin Killer, Mujib Susukan, Albader Parad. Kung sila ang problema, bakit tuloy-tuloy ang pagkakaroon ng Abu Sayyaf? Dahil dito, ang Abu Sayyaf ay sintomas lamang ng problema at ang aking argumento ay hindi ito ang pinaka-problema kundi ang kasakiman, kapabayaan, kahirapan, kamangmangan at kakulangan ng hustisya.

Kung patuloy na mayroong lingkod bayan na  pabaya sa kanilang mga tungkulin at nagpapayaman sa kanilang pwesto gamit ang kaban ng bayan, tuloy-tuloy din ang paghihikahos at pagkukumahog sa putik ng kahirapan ang mamamayan. Kung ang mayor at Barangay Captain ay hindi mo makikita doon sa kanilang bayan ngunit lagi present sa Lamitan o Isabela o kaya sa Zamboanga City,  kung saan ay naglalakihan ang kanilang tirahan, magkakaroon lagi ng Abu Sayyaf.

Kung walang health center at ang 1-2 classroom na paaralan ay walang klase at naglalaro ng volleyball si titser, meron tayong problema.

Kung walang pulis na mag-aresto sa mga gumagawa ng krimen, meron tayong problema kasi 'rido' ang gagawin ng naaapi o biktima ng krimen para makamit ang hustisya.

Kung lahat ng tao ay nagtatago ng armas sa bahay dahil sa talamak na patayan ng magkatunggaling pamilya, meron nga tayong problema.

Kung nakakalbo na ang gubat dahil sa rampant illegal logging, at nasisimot ang yamang dagat sa dynamite fishing at sa makasariling big time fish trawlers, laging magkakaroon ng Abu Sayyaf.

Kung ang mga kabataan ay tuloy-tuloy na hindi nakakapag-aral ang napipilitang maghanap-buhay sa murang edad, at di nabago ang kanilang nakagisnan na panay pakikipaglaban sa gobyerno,  magkakaroon pa rin ng Abu Sayyaf.

Kung merong mga taong ayaw intindihin ang tunay na kasaysayan ng Mindanao at nagyayabang pa na tipong 'lipulin' ang mga Pilipinong Muslim, hindi matatapos ang problema at laging merong magpakilalang Abu Sayyaf.

Kung merong mga armadong grupo na nagkakanlong ng masasamang elemento sa kanilang komunidad at nakikinabang sa perang mula sa kasamaan, patuloy na merong nagpapakilalang Abu Sayyaf.

Kung patuloy na patamad-tamad ang ibang nasa komunidad at inuunang maghimas ng armas kaysa suyurin ng araro ang matatabang lupain, meron pa ring mag-Abu Sayyaf.

Dahil dyan, hindi lamang military solution ang kailangan. Habang merong bakbakan at merong nauulila ay merong naghihiganti o lalong nalugmok sa kahirapan. Ang laging kalam ang tyan at walang kamuwang-muwang dahil kulang o walang pinag-aralan ang syang madaling mahikayat ng mga terorista na sumanib sa kanila.

Ngunit, handa ang militar na makikipagtulungan para maisulong ang mga programang maging tugon para sa suliranin ng lipunan na syang dahilan kung bakit meron pang Abu Sayyaf.

Para sa akin, hindi ito matutugunan kung panay barilan lamang ang gagawing paraan, dahil patuloy na merong maghihiganti o kaya maghihinanakit kung tuloy-tuloy na merong nasasaktan dahil sa mga bakbakan. 

Ang tungkulin ng sundalo ay ipagtanggol ang taumbayan sa kahit sino mang armadong grupong gumagamit ng karahasan. Kasama sa 'taumbayan' ay ang komunidad ng mga Muslim na pinagtataguan ng mga bandido. Kailangan namin silang proteksyunan mula sa karahasan habang ginagawa namin ang aming tungkulin na sugpuin ang terorismo. Dahil dito, hindi namin pwedeng pulbusin ang buong komunidad dahil sa hangaring mapatay ang iilan sa mga bandido. Kung paano makuha ang kooperasyon ng mga kaibigan o kaanak ng mga Abu Sayyaf para kontrahin nila ang pwersa ng kasamaan, ito ang hinahanapan ng kaukulang solusyon.

Bayanihan ang kailangang tugon sa problema na kung saan ay lahat ng sektor ay gumagawa ng parte ng solusyon,  at,  hindi gagawa ng hakbang na pampadagdag ng problema ng ating bayan.

Mga kapatid, pag-isipan nating lahat paano matukoy at matugunan ang iba pang mga problema na syang  dahilan kung  'Bakit di malilipol ang Abu Sayyaf'. 






Ito ang aking mga kapatid na Muslim sa Bgy Taglibi, Patikul, Sulu na tinulungan naming magkaroon ng napakasimpleng public toilet bilang solusyon sa problemang pangkalusugan. Kuha ang larawan noong Abril 2001. Kasama ko sa larawan si Cpt Roy Derilo, ang pinuno ng 7th Scout Ranger Company. Ang mga residente ng Pansol at Taglibi ang naghadlang sa grupo ng bandidong si Jurim na balak ambusin ang convoy ng 1st Scout Ranger Battalion na aking kinabibilangan noong ika-13 ng Disyembre 2000. (10SRC photo)




Ito ang paaralan ng Panglima Estino, Sulu na kung saan nagbabantay ako sa eleksiyon noong Mayo 2001. Sa aking paninilbihan dito simula noong taong 2000, walang nagkaklase dito sa di malamang kadahilanan. Ang pinagkakampuhan ng mga Abu Sayyaf sa Bud Bagsak at sa Bud Tunggul ay nasa layong 4-5 kilometro sa hilagang bahagi ng bayan. (10SRC photo)



Fighting for a damned cause: The (mis) adventures of an NPA rebel


In this photo, Gilbert Llandelar (left), shares his life story during our meeting in Sipocot, Camarines Sur in 2009.



Gilbert Llandelar is a typical Pinoy promdi in the countryside. He is shy but  respectful. He is not used to mingling with people.
 

He was born on 05 December 1982 in the sleepy town of Lupi, Camarines Sur. He was the third among  eight children raised by his poor parents.

As a young boy, he vividly recalled the day when he learned to hate his own father. The latter who molested his sister.

Feeling betrayed, his mother had his father arrested by the police for the crime he committed against his own family.  Due to this incident, Gilbert became bitter and angry.

He dropped out of school when he was in Grade 3  when his mother decided to send two of his siblings for adoption.

 To help his mother sustain the family, he started working as a farm laborer at a very young age.

 They survived one day at a time, using his earnings to buy food provisions for the family. In many occasions he couldn't help but cry in bed due to his frustrations.

He cried because he envied his classmates who were about to finish their elementary education. In many occasions, he met them while on their way to school, while he was heading towards the farm to plow the field.

As a school dropout, he knew that he was facing a bleak future. He can barely write his name and he had a hard time reading.

He was quite aware that illiterate people have little chances at improving their economic status.

Though he had always wanted to go back to school, he can’t do it. At times, his family could not even eat three times a day. Also, his mother suffered a lingering ilness, rendering her very weak.

Through the years, he helped his mother in sustaining the family. He did not have any close friends and he always felt like an inferior person.

He was fortunate to have met a girl named Lyn who would become his special friend. They shared almost the same experiences. She was the only person who could make him laugh.

During spare times, he would accompany Lyn to their favorite spot in the farm where they spend their leisure time chatting about their future. She became her girlfriend after three years of friendship.

Love or war?

The communist insurgency in Camarines Sur was at its peak during his teenage years in mid 90s. He first heard about the adventures of two of his closes relatives who had joined the rebel movement.

It was his brother Rowell who joined the rebel group ahead of him, following the footsteps of their maternal uncle who was one of the CPP-NPA’s field commanders.

His uncle, Ka Omeng, later became the  Secretary of Front Committee 74, a post that he occupied in 2009.

Lyn did not favor of his intention to join the New People's Army and she threatened to end their relationship once he insists in becoming a 'red fighter'.

Deep inside him, he yearned to experience the war stories narrated by his brother. To think deeply about his options, he stayed overnight in a secluded farmhouse.

He was left with two options: his beloved Lyn or his quest for adventures.

He was deeply bothered by his conscience. He can feel the pain of leaving the apple of his eyes who was very good to him all throughout.

Later, in the morning, he decided to be with his sweetheart instead. Later, he proposed to marry her and start his life as a family man when he was only 19 yrs old.

Life's challenges

He had a very simple dream for his family but he also yearned to send his children to school and become better persons. He did not want them to experience the same hardships that he went through as a young man.

But, with his small earnings, he couldn't possibly achieve even his simple dreams. He weep in anger everytime he remembers that all their properties were sold by his father.

He despised his father for everything that happened in his life, and he didn't want to be identified with him.

One time, he questioned if there was God. He questioned Him for being so cruel to his family, and for all the difficult trials that he suffered.

When his second son was born, he felt the hard times. There were times that he couldn't buy enough provisions for his children.

He also felt that he was enslaved by the farm owners who control large parcels of land, while poor laborers like him only had the small lot where his nipa hut was erected.

During their most difficult times, his wife always comforted him. There were times that she was begging for food so that they have something to fill their empty stomachs.

One day in April 2004, he received young, good-looking visitors in his home. They were accompanied by an elementary classmate who was an NPA rebel.

His visitors talked eloquently about social issues. They seemed to have all the answers to his problems.

It was the first time that he heard about the so-called instant justice.

He was told that with the heinous crime that his father committed, he could have been shot by the NPA rebels instantly.

His anger was re-ignited and he promptly said, “Wow, I would have liked to do  that!”.

The NPA recruiters were quick in  grabbing  the opportunity to lure him, using the hatred he had for his father. 

 He was also  promised a share from the land that will be distributed by the communist group to its members.

“NPA members are given priority on land distribution,” said the lady recruiter.

 “If you want to join us, we will issue you your firearm right away!”

 Instantly, he felt like an important person. “Someone is now giving me an opportunity to save my family from the shackles of poverty,” he said to himself.

He was also excited that he will be issued a firearm immediately. He had long wanted to become a warrior like his cousin.

 When the visitors left, he consulted his beloved wife about his plan to join the rebel movement.

 “Who will take care of us?”, she replied, demanding an answer. 

 “Please don’t leave us. We can't survive without you,” she pleaded, wiping off tears.

He was confused that he was not able to sleep that night. He was thinking about the future. He knew that he couldn't probably sustain his family with his present job.

He wanted to till his own farm and raise his family through decent income but he didn't know where to start.

After two days, he was approached by his recruiters when he was returning home from farmwork.

“We will let you decide by now,” the man who introduced himself as Ka Nestor said.

 He was thrilled about the prospect of becoming a warrior as he was shown the Cal .45 pistol that was meant for him. He wanted to mimic his favorite movie actors by becoming a hero  in his community.

Since then, he vanished without a trace as he decided to join the rebel movement. He didn’t even care to inform his wife about his decision.

 He was brought to the hinterlands of Lupi where he was introduced to the life of a regular NPA fighter.

 There were about forty of them during that time. He felt the sense of pride by joining them in their constant “hide and seek” with the Army soldiers.

Days later, he  received his M16 rifle.  He was taught on the basic military skills including rifle marksmanship. 

He realized that life as an NPA rebel was indeed full of thrills. They had had lots of clashes with the government forces.

He was so proud everytime he received commendations for his heroic actions, notably after an offensive action against PNP personnel somewhere in Cam Sur. He felt like a hero and a true-blooded warrior.

Life in the rebel movement was also full of adventures. They slept on hammocks and transferred from one place to another.

Though he missed his family, there were no means that he can establish communications with them. He tried his very best just to erase them from his thoughts.

A damned cause

As time goes by, he learned much of the true character of the communist movement. He noticed that they don’t have any religion.

He was told that there was no God, contrary to the beliefs he learned from his mother who taught him the Novena and the Holy Rosary.

“He is just a man who fooled us all,” said Ka Leon, his commander, referring to Jesus Christ.

  He nonetheless continued to pray in silence whenever he was alone.
 
 
One time, he was also sent to collect “revolutionary taxes” from a private contractor who constructed the road project in the town of Pamplona. He was given a big brown envelope full of cash but wasnot allowed to open it.

Returning back to their temporary camp, his commander received the money but he pocketed them all.

He felt betrayed by the action of his commander. He learned from another comrade that Ka Leon was already a rich man, and his children were studying in exclusive schools in Manila.

He also learned that Ka Leon had a palatial home in the town while most of the followers like him remained poor.

“Our commanders are educated people”, his close buddy said.

“They are receiving big financial incentives because of their educational status”.

He can’t believe what he learned. During recruitment, he was told that in communism, everyone will be equal and the country will become a classless society.

 He was told that there will be no more masters because everything will be owned by the state.

As a warrior, he was promised to be given lands, making themdifferent from the rest of the people. Reality had gradually dawned on him day by day.

One day, he was allowed to go home to spend his vacation.

Be with your family because the Army is now intensifying its operations against us”, said Ka Leon.

 So there he went to his home where he was  met with a very tight hug. They both cried.

However, he became frustrated when his two children ran away when he tried to hug them.

 “I am your Papa!”, he told his son who was hiding behind the door.

Seeing that situation, he realized that be became a complete stranger to them.
 
 
He spent the whole night watching his children as they slept. He began asking questions  if indeed he treaded the correct path.

Returning to the boondocks with his comrades was becoming much more difficult this time especially by the time that he already had 4 children.

 His mother-in-law had always disliked him for his “irresponsibility”.

He was bothered by his conscience. In the past, he was blaming his father for his own irresponsibility. Now, he is also accused for the same negligent act he despised of.

When he was finally back with his comrades, his wife had constantly tried to look for him. She visited friends and relatives in remote barangays to ask for him where she would leave  her phone number so that he can contact her.

One day, he was told about the attempts of his wife to locate him. He was hesitant to contact her. He knew that she wanted him to surrender to the Philippine Army. He was so scared about his life. 


He had heard about the summary executions implemented against alleged traitors of the communist movement. His buddy has told him about his plan to surrender too. Like him, he was too afraid to leave their group and return to the folds of the law.

When his fourth child was born, he managed to be with his wife. She was already pleading for his surrender. 


“I heard about the Social Integration Program of the government,” she said.  “We can live a normal life together”.

The knowledge about the NPA's assasination of its former members who surrendered to the government scared him. Ka Leon had always reminded them about the targeted killings against the traitors.


He became so scared. He was told that the publicized surrender of their former comrades were all propaganda.
 
“It is not true that there is livelihood program for the former NPA rebels. The fascist government of PGMA want to create divisions in our ranks,” said Ka Leon.
 
 
Confused and undecided, he started communicating with his wife who persistently told him about his “contact” in the military who wanted to help him. She gave him the cellphone number of the military officer.

One day, he received a text message from the military officer.


 “I want to help you and your family. I understand your situation,” the sender said.

 He was very afraid to reply. He didn’t know what to do.

It  took him one week to muster enough courage to finally make his decision. He sent a reply to the military officer.  “I want to peacefully surrender. Please secure my family.”


That was the start of his constant communication with his friend in the military.

 His family was already transferred to a secure place. Everything was provided to them. He was relieved of some of his woes. He provided the military authorities with all information that they needed. 


He had prevented the burning of the heavy equipment used in the construction of roads and bridges somewhere in Ragay town.

In one instance, he himself cut the wire which would detonate the landmine that was designed to annihilate the whole convoy of military personnel.

After that incident, he received a congratulatory message which read: “Thanks for saving the lives of our soldiers led by our CMO officer. You did a good job!”.


He was so happy. He had saved someone’s life. He is considered a hero by his friend.
On April 21 2009, Gilbert finally surrendered to the 31st Infantry Battalion. He could not contain the happiness that he felt when he saw his whole family waiting for him.

Though his two youngest children could not comprehend things around them,  he had a hard time explaining things to them.


He was surprised to hear the unforgettable words uttered by his son, “Papa, tabi ka sa akin matulog mamaya? (Father, will you sleep beside me tonight?)".

 
 “Opo, di na kita iiwan anak," (Yes, I won’t leave you anymore)


 Tears began rolling down his cheeks. He has already found real happiness that he was looking for.

 He regretted that he had wasted some years in his life in his quest for adventures, realizing that he  made his own family suffer while fighting for a damned cause.

He finally opted to tread the correct path towards peace.

He rejoined his family for good and rebuild the lost opportunities with them.

Monday, October 29, 2012

Army paddlers dominate the National Dragon Boat Championships


MANILA BAY---The Philippine Army Dragon Boat Team captured two championship trophies during the 3rd Leg of the Cobra-PDBF Dragon Boat Regatta held in Manila Bay on October 28, 2012.
It is the third time this year that the Army paddlers dominated the national championships, besting 13 other competing Dragon Boat Teams. It won the first place trophy for both the Men's Open event and the Mixed Event.

Showing its excellent paddling techniques, the Army men clocked 1 min, 12.42 secs to grab the championship trophy. They were followed by Team Buhi ‘Sinarapan’ which clocked 1 min, 16.91secs and Manila Ocean Park Team with 1 min, 19.50secs.
In the final heat that was closely watched by hundreds of spectators, the Buhi-Sinarapan Team led the pack in the final 50 meters of the 300-meter race.

NEAR COLLISSION. Team Buhi-Sinarapan swerves towards the lane of the Army Team, triggering a near collision between the two boat crews during the hotly contested Men's Open events. Team Buhi-Sinarapan was penalized for the infraction, suffering a tragic loss. (Photo by Sgt Jessie Nermal)
Despite crossing the finished line first, the Team Buhi-Sinarapan landed in the second place after being penalized 5 seconds additional time record for crossing towards the lane of the Army Team, in violation to established International Dragon Boat Federation rules.



"It was a very close fight between the Army and Team Buhi-Sinarapan. They committed an error by crossing towards our lane, affecting our own performance because we would also be penalized have we collided with their boat," said Staff Sergeant Usman Anterola, the Boat Captain.
In the Mixed Event (Men & Women paddlers), the Army Team stamped its class by winning the race despite having neophyte women paddlers in their first ever participation in a national championship.

The Army Team for Mixed Event crossed the finish line with a time record of 1 minute, 16.53secs; followed by Onslaught Team with 1 minute 24.86secs and Blue Phoenix Team with 1 min, 28.52secs.


 PADDLERS race towards the finish line during the Mixed Events (Men and Women) of the 3rd Dragon Boat Regatta held at Manila Bay on October 28, 2012. The Army Team (right), grabbed the Championship Trophy in its first ever entry in the said category. (Photo by Sgt Jessie Nermal)



Army chief Lt General Emmanuel Bautista has congratulated the soldier-athletes for adding another feather to their caps.



"Your latest accomplishment is a manifestation of the Army's continuous quest for excellence. You have invested so much in your rigorous training and you are now reaping the fruits of your labor. You are indeed the source of the Army's pride," said Bautista in a text message.
With its sterling performance, the Philippine Army Dragon Boat Team is slated to participate in its second international Dragon Boat competition to be held in Penang, Malaysia in December 2012.

The Army paddlers had earlier captured the Championship trophy in all military Dragon Boat race during the Putrajaya International Dragon Boat Festival (PIDBF) held in Indonesia last September 2012.


Seven of the Army paddlers are members of the world famous Pinoy Dragon Warriors, the team which brought home 5 Gold Medals during the 10th International Dragon Boat Federation World Dragon Boat Racing Championships held in Tampa Bay, Florida in August 2011.


Saturday, October 27, 2012

Magpa-commission muna


Larawan ng mga sundalo habang naghahanda para sa C130 loading. (US Navy Photo)


Pagkatapos ng aming Test Mission sa Sirawai, Zamboanga del Norte noong August 1995, kami ay sinundo ng C130 Plane upang ibalik sa headquarters ng First Scout Ranger Regiment para sa aming graduation ceremonies.

Excited ang lahat habang kami ay pumipila para sa loading namin sa eroplano. Isang tigasing non-commissioned officer (NCO) ng Philippine Air Force na si Sgt Botyok ang nag-asikaso sa amin at nag-supervise sa aming formation sa labas ng eroplano.

"Gentlemen, I am Sgt Botyok, your load master. Para maayos ang ating loading dapat ay organized tayo pati ang inyong kagamitan,"sabi nya.

Nakita ni Sgt Botyok na panay gusgusin kami at walang rank insignia sa uniporme ngunit batid nya na merong mga opisyal sa amin. 

"Ganito ang gagawin natin, ang lahat na mga opisyal ay dito mag form sa aking kanan. Ang mga enlisted personnel ay dito sa aking kaliwa."
 
Sumunod naman kami sa kanyang instructions at pumila ng maayos dala-dala ang aming combat packs.

Si Lt Boloy na aking classmate ay payatot at sobrang gusgusin at tila tambay kanto ang porma dahil sa matagal na panahong pagtitiis sa pag-ulam ng sardinas sa bundok. Dahil sya ang pinakamaliit sa grupo ng mga opisyal ay sa harap sya pumila.

Nakita sya ni Sgt Botyok at agad na sinita habang nanlilisik ang mga mata.

"Hoy ikaw damuho magpa-commission ka muna bago ka humalo sa mga matitikas na opisyal!"

Na-shock si Lt Boloy at di nakapagsalita. Ni-rescue namin sya at halos nag-chorus na sumagot:

"Opisyal yan Sergeant, mistah namin yan!"

Nag-blush si Sgt Botyok. Napahiya rin sya. Ito lang ang ang kanyang nasambit: 

"Ayyyyyyy sorry sir!"







Ang aking 'school boy complexion' sa Scout Ranger Training School



Ang musang at ang tabak ay ang mga simbolo ng Scout Rangers. Ang tabak ay ang ibinibigay sa mga nakakatapos ng Scout Ranger Course. Ang musang patch naman ay isinusuot lamang ng mga organic personnel ng First Scout Ranger Regiment. (Photo by Ranger Cesar Cuenca)


Noong February 1995, isa ako sa limang opisyal na pinaunang mag-undergo ng 6-month Scout Ranger Couse sa Scout Ranger Training School ng Philippine Army.

Ang kurso na ito ay sinasabing toughest combat training in the Philippine military, ngunit napakagandang makamtan dahil makatotohanang combat leadership training and madaraanan dito. 

Marami ang naaakit na kunin ang kursong ito dahil kilala ang mga Scout Rangers sa kanilang mga daring feats na tila ay imposibleng maisakatuparan. 

Marami ang mga combat accomplishments ng AFP ang naisakatuparan dahil sa katapangan at kagalingan ng mga Scout Rangers simula pa noong 1950s na kung saan sila ay napasabak sa labanan kontra mga Huk, hanggang noong 1970s at sa mga sumunod na dekada. 

Ang iilan sa mga kilalang bantayog sa Scout Ranger ranks ay sina Rafael Ileto,  Weenee Martillana, Julius Javier, Robert Edward Lucero, at marami pang iba.

Tatlo ang  traits na meron ang isang mandirigmang Scout Ranger: skill, stamina, spirit. Ika nga, pag meron ka nyang tatlong iyan, lagi kang panalo.


Challenging and exciting

Pawang mga volunteers lamang ang kalimitang sundalong kumukuha ng SR Course dahil sa talagang dugo at pawis ang puhunan para makuha ang Scout Ranger tab. 

Maliban sa mga organic personnel ng First Scout Ranger Regiment ay meron ding quota para sa kursong ito mula sa mga infantry divisions na nagpapadala ng mga sundalo para magkaroon ng mapagkatiwalaang combat operators sa mga units. 

Noong panahon namin, ang training phases ng SR course ay ayon sa mga sumusunod:

  1. Individual training phase
  2. Scout Ranger Team training phase
  3. Section and Platoon training phase
  4. Specialization training phase
  5. Test mission
  
Ang tirahan ng mga SR students ay ang tents na kagaya nito na kung saan ay dalawahan o magka-buddy ang magkasama sa lungga  sa whole duration ng training. Ang tawag sa lugar na kinalagyan ng tent city ng mga Rangers ay 'Jurassic Park'.


Madali lang ang academic requirements sa SR course ngunit mahirap ang physical training aspect pati na rin ang practical exercises. 

Sa aking team na napuntahan, lima ang Ilokano at dalawa kami ang mga Bisaya. Lahat silang mga teammates ko ay may karanasan na sa field kaya kinokonsulta ko rin sila sa mga bagay-bagay na tipong alam nila.

Isa lang yong medyo mahina sa aming team at ang ginagawa namin kapag takbuhan ng Team Run ay halinhinan kaming mga mas malalakas para buhatin ang kanyang baril at rucksack. Hindi kasi pwedeng iwanan ang teammate dahil ang grado ng isa ay grado ng lahat.

Normal na ang tumatakbo 15-20kms tuwing umaga at me dala pa kaming 20-kgs ruck pati M16 rifle. Kalimitan ay 11:00pm kami pinapatulog at 4:00am ang pag-gising para sa aming reveille exercises. Subalit, kapag nasa practical exercises upang magsasanay sa mga direct action missions ay walang tulugan.

Kapag manok ang ipinapaulam sa gabi, ang pang-asar kinaumagahan ay napakalayong takbuhan at idinadaan kami palagi sa mga rough roads na maputik ang daanan. 

Pagkatapos na tumakbo sa umaga, kasama sa routine ng mga estudyante ng SR course ay ang mag-pull up bago kumain. Minimum na 8 repetitions ang requirement para makasama sa pila ng pagkain. Kung kapos ang pull up ay binibigyan muna ng 'extra viand' na exercises bago pumila sa mess hall. 


Parte ng tradisyon ay meron kaming lubluban na tila ay palamigan ng kalabaw. Doon pinaparusahan ang mga indibidwal o team na nagkasala kagaya ng pahuli-huli sa takbuhan at yong hindi sabay-sabay mag-execute ng calisthenics.

Dahil sa lubluban ay kalimitan kaming amoy kalabaw o amoy musang (civet cat) na syang aming mascot. Dito lalong na-develop ang tanyag na 'school boy' complexion. 

Me malalim na rason bakit kailangang amoy hayop ang mga Rangers. Pagdating kasi sa bundok, kailangang hindi kami mag-amoy tao upang hindi ma-detect ng mga kalabang gerilya.

Lahat ng mga skills na kailangan sa pakikidigma ay hinahasa sa Scout Ranger school kagaya ng marksmanship, map reading and land navigation, tracking/countertracking at reconnaissance, at pati na rin radio communications.

Ang pinakamahalaga rito ay ang combat leadership skill na hinuhubog sa pamamagitan ng makatotohanang mga sitwasyon na dapat suungin ng bawat estudyante. 

Halimbawa, ang bawat estudyante ay makaranas magdala ng patrol at magsakatuparan ng isang mahirap na combat mission kagaya ng raid o ambush.

Palitan kaming itinatalagang Patrol Leader (Team, Section at Platoon level) at doon nahahasa ang kaalaman sa pagdadala ng tao para mag-accomplish ng isang misyon.  Ang Patrol leader ang laging nangunguna simula sa mission planning hanggang sa execution at sa after action review.

Ang nagdadala sa patrol ang dumidiskarte sa lahat ng bagay upang mag-survive ang mga miyembro ng kanyang maliit na yunit. 

Dapat magaling sya sa terrain analysis, estimate of the situation at dapat meron syang credibility na magpasunod sa kanyang mga tauhan. 

 Isa rin sa mahalagang ginagawa ng Rangers ay ang paulit-ulit na pagsagawa ng Immediate Action Drills (IAD). Lahat ng klaseng scenario ay aming inaaral at pinapraktis sa practical exercises. 

Kahit pagpalit-palitin ang aming pwesto o designation, alam namin ang aming gagawin para sa isang sitwasyon kagaya ng isang ambush, counter sniping at react to contact.

Araw-araw ay nagre-recite kami ng Ranger's Creed at nakasaad dito ang mga katagang ito: "I will never leave a fallen comrade in the hands of the enemy" at "Surrender is not a Ranger word.".

Ang mga aral na iyon ang syang gabay lagi ng mga Scout Ranger na nagpapatibay sa aming samahan kahit sa ano mang mahihirap na misyon. Kilala ang mga Scout Rangers sa kasabihang "Di bale nang mamatay, huwag lang mapahiya.".

Pagkatapos ng limang buwan na masinsinang pagsasanay sa kabundukan ng Tanay, Rizal, dumating din ang takdang panahon na pinakaaantay ng lahat, ang isang buwang Test Mission

Ito ang parte ng OPORD briefing na aming natanggap:

Enemy Situation:   The bandits who attacked Ipil town have splintered into smaller groups around Zamboanga Peninsula. At least 50 of the bandits led by a certain Kumander Bangga and Kumander Aguila are currently roaming around Sirawai-Siocon-Sibuco (SSS) complex. They are armed with assorted highpowered firearms including M16 Rifles, M14 Rifles and AK 47 Rifles. They have received training on demolitions and they are capable of conducting sabotage operations and attacks against government installations and civilian population.

Ang paghahanap sa mga bandido na kasama sa infamous Ipil Raid  ang aming misyon sa SSS noong July-August 1995.

Nang pumipila kami sa pagsakay sa C130 sa Villamor Airbase, naalala ko ang aming paboritong chanting: "C130 rolling down the strip. Airborne Rangers take a little trip. Mission unspoken destination unknown, I don't even know if ever I'm coming home".