Ito ang mga miyembro ng 10th Scout Ranger 'We Lead' Company na aking pinamunuan sa Bulacan, Iloilo, Sulu at Basilan sa loob ng dalawang taon at dalawang buwan. Lahat ng mga miyembro ng aking yunit ay umuwing buhay sa kanilang mga pamilya, pagkatapos ng napakaraming pakikipagsapalaran sa mga lugar na iyon. (10SRC photo)
At around 10:00am today, I received a call from TSgt Jose Sachiro 'Toto' Legaspi, one of my former Team Leaders in the 10th Scout Ranger Company, the unit I commanded in Basilan and Sulu in 2000-2002.
Allow me to narrate to you our conversation in Tagalog.
"Sir, ako na ang First Sergeant ng 10SRC dito sa Basilan. Inaayos ko ang disiplina ng mga bata dito sir at merong nagrereklamo na istrikto ako kasi di ako papayag sa mga di kanais-nais na gawain ng sundalo."
Natuwa ako sa kwento nya ngunit nabahala rin sa sinabing pinapalagan sya sa pagiging istrikto. Ang problema ay 'ginagaya lang daw nya ako na istrikto'.
Natuwa ako sa kwento nya ngunit nabahala rin sa sinabing pinapalagan sya sa pagiging istrikto. Ang problema ay 'ginagaya lang daw nya ako na istrikto'.
Noong araw, merong mga insidente na 'nag-aaklas' ang mga sundalo sa ibang yunit kapag hindi makatarungan ang paghihigpit sa kanila at tila 'walang puso' ang kanilang lider.
"To, ano ba kasi ang mga hinigpitan mo sa tropa? Basta nasa tama lang at huwag mong biglain, ipaliwanag mong mabuti ang dahilan."
"Gusto ko kasi sir na maging kagaya ng pamamalakad natin noon. Respetado ang NCOs at bawal ang sugal, sabong at paglapastangan sa uniporme at laging nagti-training ang mga Teams natin kapag walang combat operations."
Naintindihan ko ang kanyang kalagayan at alam kong nasa tama sya dahil ang mga NCOs dapat ang tunay na nagpapatakbo sa yunit dahil 'come and go' lamang ang mga opisyal na kagaya ko.
Naintindihan ko ang kanyang kalagayan at alam kong nasa tama sya dahil ang mga NCOs dapat ang tunay na nagpapatakbo sa yunit dahil 'come and go' lamang ang mga opisyal na kagaya ko.
"Maganda yan ngunit siguraduhin mo na coordinated kayo lahat ng mga officers at NCOs. Pero, bilang tulay sa mga opisyal at ng enlisted personnel, ipaglaban mo lagi ang kapakanan ng mga sundalo natin kagaya ng morale and welfare dahil dyan lang natin sila ma-motivate na magtiis dyan sa mahirap na field assignment."
Naging kampante sya sa aking munting advices na sya rin namang ginagawa namin noong araw sa yunit. Bilang Company Commander, totoo yon na mahigpit ako pagdating sa disiplina ngunit naitimpla kong mabuti na maging motivated sila dahil todo-suporta ako sa kanilang career at ng kanilang morale and welfare.
Kapag wala kaming combat operations, either mag-training kami o magtanim ng gulay sa aming kampo. Nagsasawa kami sa sardinas sa bundok, at bihira ang gulay sa Basilan kaya pinagtanim ko silang lahat. Istrikto ako sa hitsura ng sundalo at ayaw ko yong pa-cute na nagpapahaba ng buhok at ayaw mag-shave para mukhang warrior kuno ngunit nagtatago sa malaking bato kapag bakbakan.
Nagtayo ako ng sarili naming weights room at entertainment area na nilagyan ko ng kauna-unahang Satellite Dream Cable noong araw para makapanood kami ng magagandang palabas. We train hard, fight easy ika nga sa kasabihan. Kapag panahon ng kasayahan, maximize din sila basta wag mag-maoy o mag-wala dahil malilintikan na naman sa akin.
Kami ay kampante sa isa't-isa sa lahat ng mga bakbakan kasi malakas ang loob namin na mas magaling kami sa walang training na Abu Sayyaf. Sila ang takot sa amin at hindi ang vice-versa. Hindi ako pumapayag na naghihimas ng manok pangsabong ang aking sundalo at malintikan sila sa akin kahit malaman kong nagsusugal sila.
Nang naalala nya ang 'tamang timpla' na sinasabi ko, mas naging malakas ang kanyang kalooban na kakayanin ang challenges ng isang First Sergeant.
"Gawin ko lahat na magampanan ko lahat ang responsibilidad ko sir at maging best unit uli kami."
"Gawin ko lahat na magampanan ko lahat ang responsibilidad ko sir at maging best unit uli kami."
Si Tsg Legaspi ay ang maipagmalaki kong NCO-leader sa aking kumpanya, noon pa man.
Isa syang 'antingan' at ewan lang kasi di sya tinablan at butas-butas ang uniporme sa isa naming madugong bakbakan noong Oktubre 2001.
Kampante din ako pag sya ang Team Leader kasama ko kasi sinusunod sya ng mga members nya pati sa kanyang katapangan na mag-maneuver at mag-assault.
Nagpapagalingan ang mga Teams sa combat accomplishments kasi properly led sila ng mga NCO-leaders na kagaya ni Legaspi.
Hindi ako nag-atubili na bigyan sya at ang iba pang mga kasamanhang enlisted personnel ng spot promotions tuwing nakakakumpiska kami ng mga armas mula sa mga bandido, dahil deserving silang maging future leaders.
Sa isang pagkakataon na tila umuulan ng bala at RPG sa bakbakan namin sa grupo ni Abu Sabaya, kasama ko syang naghakot ng mga sugatan para gamutin sa casualty collection point.
Paulit-ulit syang nakipag-patintero sa Abu Sayyaf na bumabaril sa kanya tuwing lumabas sa open field para takbuhin ang kasamahang nakabulagta dahil sa tama ng bala.
Paulit-ulit syang nakipag-patintero sa Abu Sayyaf na bumabaril sa kanya tuwing lumabas sa open field para takbuhin ang kasamahang nakabulagta dahil sa tama ng bala.
Sya ang isa sa patunay na tama ang aking desisyon na i-promote sya nang dalawang beses during my incumbency dahil sa kanyang combat accomplishments.
Kahit na ako ay nasa airconditioned office na ngayon, nagpapaabot pa rin sila ng mga pagbati, magdulog ng problema o manghingi ng payo ukol sa pagdadala ng mga tropa sa field.
Masaya ako na pinagkakatiwalaan pa rin nila ako na makakatulong sa kanila, at na hindi ko sila tinatalikuran.
Masaya ako na pinagkakatiwalaan pa rin nila ako na makakatulong sa kanila, at na hindi ko sila tinatalikuran.
Kapag ma-duplicate din nya ang kanyang sarili sa kanyang mga tauhan, I have no doubt na tuloy-tuloy na magkaroon ng magagaling na NCO-leaders ang 10th Scout Ranger Company at ang buong First Scout Ranger Regiment.
Iyon ang isa sa aking fulfillment bilang pinuno na kasama rin nilang natutulog sa kasukalan ng gubat sa Basilan at Sulu.