Ang pagpasok sa public places kagaya ng mga tindahan, restaurant o mall ay dini-discouraged sa mga sundalo for security reasons, lalo na kung naka battle dress attire (BDA).
Maging ako ay hindi comfortable na pumasok sa mataong lugar na naka-uniporme na kung saan ay required ang sundalo to maintain his dignity as a soldier.
Maraming bawal kapag naka uniporme. Bawal ang manigarilyo, bawal ang standing on one leg, bawal ang naghuhubad ng upper uniform (lalo na kung upper uniform lang ang suot).
Kung tutuusin, bawal nga rin ang public display of affection kapag naka-uniform. Di pwede nakayakap sa girlfriend o asawa at maging HHWW(holding hands while walking) o HKHN (hawak kamay habang naglalakad).
Mahaba ang listahan ng bawal kapag naka-uniporme: bawal humahalakhak na tila tambay sa kanto, bawal magpayong kung lumusob sa ulan, bawal mag-slouch o yong tipong parang mamamatay na ang hitsura, bawal ang long hair at me earrings, bawal ang istilo ng pagkain na tila ay patay-gutom na mauubusan ng pagkain sa laki ng mga nilalamon.
Kapag talagang tawag ng sitwasyon at hindi naman delikado ang lugar, pumupunta ako sa public places na naka-uniporme ng General Office Attire (GOA).
Ang isa sa napapansin ko kapag naka-uniporme na pumapasok sa mga establishment upang kumain o bumili, napapansin ko lagi na tila ang iba ay 'masama' ang tingin sa sundalong kagaya ko.
Ang iba ay iiwasan ka ng tingin na tila nakakakita ng multo na kumbaga ay meron pang bangungot na alaala ng Martial Law.
Meron ding tila ay titigan ka mula ulo hanggang paa, na tila ay Tactical Officer na nangingilatis kung ikaw ay nakapag shave, nakapag-shine ng buckles at sapatos at nakapagplantsa.
Ang iba ay nagtataka lang siguro kung bakit merong uniformed personnel na 'napahalo' sa kanilang mga sibilyan.
Siguro ang nasa isip nila ay dapat sa military camps lang makikita ang uniformed troops.
Ngunit, mas maiging makasanayan ng mga sangkatauhan kami ay kanilang sundalo na hindi dapat katakutan o kamuhian.
Kung tutuusin ay dapat mas feeling secured sila kung may sundalo na handa silang ipagtanggol sa kahit sino mang mang-aapi sa kanila.
Para naman sa Army, mas maiging makasanayan ng mga sundalo paano ang tamang pakikipaghalubilo sa mga sibilyan na mapanatili ang respeto at paghanga sa uniformed service.
Kung ikinahiya o kinatakutan ang uniformed personnel, kami rin ang may pagkukulang lalo na yong mga unit leaders.
Kapag naka-uniporme na makikita sa publiko, dapat ay karespe-respeto ang hitsura. Bawal ang utak bandido na yong pa-cute na warrior kunong nagpapahaba ng buhok, ayaw magshave at hinahaluan ng gulagulanit na suot sibilyan ang uniporme.
Kami rin ang may responsibilidad na pagsabihan yong mga kokonting tigas ulo na lumalabag sa mga regulasyon kagaya ng mga nag-iinom habang naka-uniporme at me baril, ang mga hitsurang Abu Sayyaf na nakasakay ng military truck at yong mga lasing sa kapangyarihan na nagsisiga-sigaan dahil naka-full combat gear.
Kapag ma-sustain ang pagbabago sa aming organisasyon, wala nang may 'masamang' tingin sa mga sundalo maliban na siguro sa mga tunay na masasamang tao. Libre na ring naka-smile ang mga sundalo sa public places na hindi nag-aalala na sasaksakin sa likod ng sino man.
Hindi na rin ako makapagsabi sa isip lang na: "Why are you looking at me maliciously?".
Very well said Sir!
ReplyDeleteIn our place, once a soldier is wearing his BDA publicly, people often 'freak-out' thinking if there's a battle to begin with.
I hope your advice will also reflect into the reserve force. Most or some are notably under disciplined for that matter. Anybody who has the privilege to wear the uniform should maintain the dignity of the one he is representing.
Best Regards,
Drey Roque
That is the problem with some of the reservists who do not respect the uniform.
ReplyDeletePeople do not distinguish reservists and regular soldiers.
But, the responsibility rests on the shoulders of their respective leaders in the reserve force.
There is no excuse when it comes to military discipline. Those who could not follow military regulations are always free to resign if they could not follow the standards as described by Charles de Gaulle in "Military Professionalism".
Dear Sir,
ReplyDeleteFor that matter, how can you actually render a complaint to the regular or reservist soldier. It's been quite a short tale of my research on reservists', do they even get to be resigned from being a reservist? What sort of consequence can they possibly face?
Best Regards,
Drey Roque (www.pagduaw.com)