Sunday, September 09, 2012
'Lipat-bahay' tayo!
Noong 1990s, ang usong ginagamit na tactical radio sa Philippine Army ay ang URC 187. Kapag ito ang gamit, pwedeng mag-usap ang nasa Manila at nasa Mindanao.
Ang magaling ng mga radio operators ay merong sariling code words sa pag-gamit ng mga tactical radios.
Halimbawa, kapag gusto maglipat ng frequency ay sabihing 'lipat-bahay' tayo.
Si Lt Boloy ay merong kausap sa kabilang linya na isang radio operator dahil sa isang importanteng gawain. Ang problema mahirap silang magkaintindihan dahil pangit ang weather.
"Sir, 'lipat-bahay' tayo, di tayo magkaintindihan dito!" ang sabi ng kanyang kausap.
At, nagmamadaling pasan-pasan ni Lt Boloy ang buong radio papunta sa kabilang kubo dahil iyon ang pagkakaintindi nya sa salitang iyon.
Tinawanan si Lt Boloy ng mga kasamahang mga sundalo.
Huli na ang lahat nang malaman nya ang ibig sabihin ng 'lipat bahay'.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Now this actually made me smile.
ReplyDeleteNice clean fun.
Urc 187 pla
ReplyDelete