Tuesday, January 03, 2012

Kapag ikaw ay nerbyoso

Ang pagiging nerbyoso sa labanan ay isang taboo sa Scout Rangers. 

Bawal din ang iwanan kapag nasa madugong labanan na kung saan ay merong nasusugatan o namamatay na kailangang buhatin. 

Sa mga Ilocanong sundalo, ang tawag matakuting sundalo ay 'tagerger'.

Sa mga Bisaya ang tawag dito ay 'talawan' o 'putig itlog'

Sa Ilonggo ay tinatawag din itong nerbyoso na 'pisot'.  

Walang me gusto na tawagin sa ganitong mga palayaw. 

Kapag ang mismong opisyal ang nerbyoso ay malaking problema ng buong yunit. Maaaring ganito kasi ang kanyang command sa mga bakbakan:

Kapag umaatake sa gitna ng umuulan na bala: "Men, assault! I will follow you!"

Kapag mag-retreat para mag-reorganize dahil merong friendly casualties o kaya kailangang umatras at mag-shift ng direksyon ng atake: "Men, retreat! Follow me!"

2 comments:

  1. dont worry gentlemen.. I will always be behind you

    you, you and you, attack there where i can see from the back

    bilisan nyo nga ang babagal nyong mag retreat, nauunahan ko pa kayo gadem

    ReplyDelete
  2. Ang mas malala kung ang sabihin: Gentlemen, attack! (pero sa radyo lang tumawag 1kilometer ang layo sa putukan)

    ReplyDelete