Ang pagsagawa ng medical missions sa mga liblib na lugar ang isa sa mga ginagawa ng mga sundalo bilang tulong para sa mga pamayanan na napagkakaitan ng serbisyo medikal dahil sa sobrang layo ng kanilang mga pamayanan.
Karamihan sa mga tao sa mga ganitong pamayanan ay kalimitan hindi rin nakapag-aral.
Si Sgt Boloy na isang medical aidman ay napasama sa isang serbisyo-medikal ng mga doktor na sundalo sa bulubunduking lugar ng Davao.
Mahaba ang pila ng kanilang mga 'pasyente' na nireresetahan nila ng mga gamot sa mga sakit na kagaya ng lagnat, sipon at ubo.
"Uminom ka ng isang kutsarita nito mamaya agad pagkarating sa bahay mo," sabi nya sa kay Mang Ambo na inabutan nya ng syrup na gamot sa ubo.
Agad na umuwi ang kanyang pasyenteng si Ambo dala ang gamot na binigay ni Sgt Boloy.
Di kalaunan ay bumalik si Mang Ambo.
"Pwedeng magpapaopera ako sa tyan?", sabi nya kay Sgt Boloy.
"Anong nangyari sayo eh ubo lang naman nireklamo mo kanina?" sagot ni Sgt Boloy.
Lumuluha at hirap magsalita si Mang Ambo. "Eh kasi, masama pakiramdam sa tyan ng pinainom mo sa akin na kutsarita! Nabulunan ako pero nalunok ko!"
No comments:
Post a Comment