Sunday, August 17, 2014

Barilan sa bahayan sa Central Luzon: Ang aking pakikipaglaro kay Kamatayan



Galing kami sa larong "cat and mouse" noong 1996, tinutugis namin ang mga armadong bandido na nagtungo sa isang sementadong bahay sa isang bayan sa Central Luzon. 

Ayaw kong palampasin ang pagkakataong ma-aresto sila. Matagal-tagal ko ring pinagtiisan ang mga lamok at niknik sa aming taguan para sila ay mahagilap. Sobrang dami na ng mga taong nagreklamo ng pangongotong at pananakot sa mga magsasaka sa lugar.

Humihingal pa ako nang dahan-dahan kaming lumapit at pinakiramdaman ang mga tao sa loob. 

Hawak ang aking chamber-loaded na M1911A1 Cal 45 pistol, nakatayo ako malapit sa pintuan habang inaaninag ang mga bandidong nasa loob ng bahay na kanilang pinasok.

Sa mga puno ng mangga na nakapalibot sa sementadong bahay, nakapwesto ang labing dalawa sa aking kasamahan. Kampante ako sa aking mga kasamahang panay beterano sa pakikidigma sa mga bandidong NPA sa hilagang Luzon at sa mga bandidong 'MNLF lost command' sa Sirawai. 

Kaharap ko si Ranger Reyland na hawak ang kanyang M653 Assault Rifle. Dahil nakailaw ang flourescent lamp sa loob, nakikita ko ang anyo ng kaaway. 

Ilang saglit lang, nakita ko sa kanyang anyo ang dulo ng baril. Di ako magkamali sa hitsura ng sight tower ng M16 Rifle. Papunta sya sa direksyon ng pintuan. Segundo na lang ang natira sa akin para mag-command. Bawal ang mabulol. 

"Alis! Take cover!"


 Prak! Bang! Bang!


Halos sabay kaming umatras papunta sa semento. Tumama sa gitna namin ang mga punglo. Nag-ricochet sa semento at tumilamsik ang mga splinters sa maraming direksyon. 


Mahapdi at parang maanghang ang naramdaman ko sa aking noo. Tamang aktor ang inabot ko. Salamat sa Diyos!  

Sa gitna ng kaguluhan, narinig ko ang iyak ng isang bata.

"Waaaaaaah! Waaaaah!" "Inay ko po!"

May isa pang paslit ang nagtatawag sa kanyang ina. Kahit pa man sa aking naramdamang sugat, dapat mabilis uli ang aking desisyon. 

Naawa ako sa madadamay. Wala silang kasalanan. 

"May mga bata, wag putukan ang bahay!" 

Praak! Bang! Bang! Bang! Trigger happy ata ang mga bandido sa bahay na iyon.

May namumutok na rin sa gilid na bahagi ng bahay. Nakikita ko ang traces ng apoy ng muzzle flash na likha ng kanyang baril.

Bang! Bang! Bang! Sumagot ng putok ang tatlo sa aking mga tauhan na nakapwesto sa bahaging yaon.

Sa kapuputok ng bandido na katabi ko lang ang pwesto, naamoy ko ang pulbura at nalanghap ko ang alikabok na sanhi ng pagkatama sa semento. Kailangan namin ng mas magandang pwesto.

"Sa mangga tayo Reyland! Go!" Mabilis pa sa kidlat naming tinakbo ang mangga at nagkubli doon. 

Sa aking bagong pwesto, tinawag ko si Ranger Razzy Boy at si Ranger JB na pinagbitbit ko ng aking M16 Rifle na may night vision scope. 

"Hatiin natin ang tropa. Doon kami nina Reyland at JB sa kanan. Icom Radio ang primary commo natin," sabi ko sa kanya habang nasa kalagitnaan ng putukan.

Halinhinan kaming palipat-lipat ng mga puno papunta sa kabilang bahagi ng bahay. Masigasig na 'arrival honors' ng riple ang sumalubong sa amin. 

Madilim ang paligid at ginagamitan ko ng instincts para matutukan ko sya ng aking pistol base sa general direction ng muzzle flash kanyang pwesto. 

"Pak! Pak! Pak! Pak!" May pagka-patsam ang tirada ko. Sumasagot sya at mas malakas ang putok. 

"Bratatat! Bratatatat!" Ramdam ko ang haging ng bala. 

Naalala ko si JB na may dalang Litton NVS. Sya lang nakakakita sa gabi. Sya ang hari sa panahon na iyon. Gusto ko namang madikitan ang mga bandido sa gilid ng bahay at patikimin ng aking Cal 45 ball ammunition.

"Ranger JB, bantayan mo ko. Hanapin mo sya at barilin mo!"

Ginapang ko ang nakita kong tila ay nakaumbok na sementadong pwesto. Dahil sa training namin sa gapangan, walang isang minuto ay nakapwesto na ako sa likod ng 'semento'. Humahapdi ang aking mga tuhod at siko sa kagagapang. 

Paano naman kasi ay naka-sando  lang ako at tatlo kong mga ka-buddy na nag-recon patrol sa hapon na iyon para hindi halata. Nang spotted na ang mga bandido, nagpasya na akong ituloy ang combat patrol nang nagbigay ng go signal ang aking Company Commander. At, nagpakatapang na akong ituloy ang pagtugis kahit pistol lang ang dala ko!

Ang aking 'cover'

Sa aking estimate noon, humigit-kumulang 5 metro lamang ang layo ko mula sa mga bandido na lumabas ng bahay. Ang pinakamalapit sa akin ay halos tatlong metro lamang. Naririnig ko ang pagpapalit nya ng magazine at ginawa ko itong pagkakataon na patsambahan ang kanyang pwesto ng putok mula sa gilid ng aking 'cover'. 

"Pak! Pak! Pak! Pak!" "Tsak!" Kabisado ko ang tunog na iyon. Nag-open slide ako. Ubos na ang 7-round mag ko. Kinakapa ko ang isang magazine sa aking shorts habang nagtago sa likod ng cover para mag-change mag. 

"Bratatatat! Bratatat!" 

Naramdaman ko ang alikabok sa bandang ulunan. Tagusan ang bala!

Doon ko na-realize na panay hollow-blocks lang pala yong cover ko na iyon. Lugi ako. 

"Barilin nyo! Cover!" Pinag-return fire ko ang aking kasamahan na iilang metro lamang sa aking pwesto, sa bandang likuran.

Pagapang din ang balik ko sa likod ng mangga. Napuwing ako sa dami ng alikabok ng hollow-block na tinamaan ng bala ng kalaban.

Di ko inaasahan, pagapang ding nag-forward si Ranger JB at pinalitan ang aking pwesto sa may hollow blocks. Sa tangkad nya, nakausli ang ulo nya sa kanyang 'cover'!

"Wag dyan! Alis ka dyan!" "Bratatatat! Bratatat!" "Bang! Bang! Bang!

Tila ay nahuli ang aking babala kay JB. Naratrat ang kanyang pwesto ng mga kaaway!

"Sir, may tama ako! May tama ako!" Nakita ko si JB na nakahilata na ngunit nakahawak pa sa baril.  

Pinagtulungan naming putukan ang pwesto ng mga kaaway. Nakagapang ang iilan sa aking kasama sa kanilang flanks. 

"Bang! Bang! Bang!" Single shots lang ang naririnig. Tumahimik sa kanilang pwesto. Nahiyang tumayo ang pinakamatapang sa kanila at nagsipagtakbuhan ang iba pa.

Narinig kong umuungol si JB. Di ko alam ang estado ng kanyang tama. Kailangang sagipin ko sya.

"Lakay Novie, forward! Recover natin si JB!" 

Six-footer si Ranger JB at tipong malaking tao. Alam kong mahirapan kaming buhatin sya. 

Naalala ko ang aming Humvee na nakapwesto kasama ang reserve na tropa 3 kilometro lamang ang layo.

"Razzy Boy, tawagan si CO at dalhin ang Humvee dali!"

Sa loob ng bahay, nag-hihiyawan ang mga bata at babae. Batid kong meron pang mga armado sa loob. Dalawa tuloy ang iniisip ko, ang pagsagip ng buhay ng tauhan ko at pati ang pagpasurender sa natitirang mga bandido.

Minabuti kong sinigawan ang mga armado sa loob ng bahay: "Kayong mga armadong nasa loob, sumurender na kayo! Mga sundalo ito!" 

Wala ni isang sumagot ngunit patuloy ang pag-iiyak ng mga paslit.  Samantala, di ko na maantay na maubusan ng dugo si JB. 

"Novie, mag-sacrifice ng damit. Pahintuin natin ang dugo!" 


Mabilis naming inakay si JB papunta sa likod ng puno. Groggy at halos ayaw nang magsalita. Nakahiga lang sya pagkatapos naming lunasan ng first aid. 

"Sir, dalhin nyo na po ako sa hospital!"

Ang pagpa-surrender

Tigasin ang mukha ng mga bandido na nasa loob ng bahay. Ayaw ko rin namang madamay ang mga bata doon. 

Nalagay ako sa mahirap na sitwasyon dahil gustong-gustong pagpapatayin ng aking mga tauhan ang mga namamaril na nagtatago sa loob. Iniisip din nila na mamamatay na si JB.

Nakaisip ako ng isa pang diskarte. Isinigaw ko ang aking 'command'. 

"Gunner, i-load ang bala ng bazooka!" 

Actually, wala akong dalang 90mm Recoilless Rifle sa engkwentro na iyon. Style 'bulok' ko lang na mag-command para ma-dictate ang kanilang aksyon sa loob.

Mabilis ding maka-pick up ng 'style' ang aking mga tuso sa gyera na mga tauhan. 

"Yes sir, loaded na ang bazooka!"

Doon ko sinigawang muli ang mga armado sa loob. 

"Kayong nasa loob, mag-isip isip na kayo. Dahil mamamatay na rin lang itong kasama namin, pasabugin na namin kayong lahat kung ayaw nyong sumurender! Bilangan ko kayo ng sampu!"

"Isa!"

"Dalawa!"

"Tatlo!"

"Ayaw nyo talaga?" 

"Razzy Boy, ready to fire!"

"Nanay ko! Tay! Ateeeee!" Naaawa ako sa lahat ng mga inosenteng ayaw mamamatay pero hindi iyon ang aking inaantay na reaksyon. 

"Reaaaady!!!!"

Ilang saglit lang, narinig ko ang boses na aking pinakaaantay.

"Wag po! Wag po! Maawa kayo! Susurender na po kami!"

Parang nabunutan ako ng tinik ngunit matindi pa rin ang aking tensyon. 

"Buksan nyo ang pinto! Itapon ang mga baril palabas sa pintuan! Paisa-isang lumabas at itaas ang kamay!"

Nakatutok kami sa pintuan at inantabayanan ang susunod na kabanata. 

Paisa-isang nagtilapon ang mga matataas na kalibre ng baril palabas. 

Sumunod ang mga kalalakihan na tila maamong tupa ang mga hitsura.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulantang kaming lahat sa sumunod na pangyayari. 

Biglang tumayo si JB at kinwelyohan ang dalawang kaaway.

"Mga animal kayo! Akala nyo mapatay nyo ako ha!" 

Inawat ko si JB kasi para syang tigre na gustong lumamon ng tao.

"Oooops, akala ko ba ay mag-collapse ka na bay? Ba't bigla kang nabuhay?" 

Napatawa ako sa aking nakita. Umaagos ang dugo sa mukha pero nanumbalik ang sigla ni JB!

Minabuti kong dalhin lahat ng mga akusado sa istasyon ng kapulisan upang masampahan ng kaso habang si JB ay itinakbo namin sa pinakamalapit na ospital.

Ang aking mga aral

Marami-rami rin akong napulot sa engkwentro na iyon laban sa mga bandidong komunista. 

Una, na-appreciate ko ang kahalagahan ng pagsuot ng complete battle dress attire. Panay gasgas ang inabot ko sa kakagapang. 

Pangalawa, pwede rin palang matalo ang kalaban gamit ang pananalita. Napasurender ko sila na hindi ginamitan ng dagdag karahasan.

Pangatlo, dapat laging may dalang combat life-saving kit. Panay improvise lang kami noon at pati dahon ng mangga ay ipinangtapal na para ma-stop ang bleeding ng head wound. 

Pang-apat, totoong 'direktor' lamang ang opisyal sa combat patrols.  Pero kung nasa team at squad level ka, dapat warrior ka rin at dapat ay magbitbit ng assault rifle para hindi ka mukhang kawawa kung kailangan mo nang ipagtanggol ang iyong sarili at ang mga kasamahan.

Panglima, mas mabuting iniingatang hindi makapanakit ng inosenteng sibilyan sa mga bakbakan, lalo na ang mga kabataan at kababaihan. Kalimitan, wala naman talaga silang kinalaman sa kabulastugan ng mga kaibigan o kaanak nilang naging kriminal o marahas.



Tuesday, August 12, 2014

Ang pagkahuli ng armadong UP students sa Nueva Ecija



Muli, meron na namang mga kabataan ang nagpauto sa CPP-NPA-NDF na umanib sa armadong grupo. Dalawa sa kanila ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Army na nag-serve ng warrant of arrest para sungkitin ang tigasin na bandidong si Ely Taray a.k.a. Omeng, noong August 9, 2014 sa Caranglan, Nueva Ecija. 

Madulas pa sa palos na naglahong parang bula si Taray ngunit naabutan naman ang dalawang kabataan sina Gerald Salonga, 24, at si Guiller Cadano, 22,  na may bitbit na mga armas at granada. 

Sina Cadano at Salonga ay pawang UP graduates na sumanib sa Kabataan at Anakbayan party-list group, mga kilalang kaalyado ng CPP-NPA-NDF. 

Nasamsam mula sa mga akusado ang dalawang 9mm pistol, dalawang MK2 fragmentation grenade at mga dokumentong naglalaman ng mga aral ng komunistang grupo.

Hindi pa naman makumpirma kung sumampa na ang dalawang dalawang aktibista sa armadong grupo ngunit isang paglabag sa batas ang pagbibitbit ng armas ng kahit sinong mamamayan ng Pilipinas.

Batid din naming mga sundalo na napakaraming nanggaling sa mga legal organizations kagaya ng LFS at Anakbayan na sumampa sa armadong grupo. Maglolokohan pa ba tayo dyan?

Walang kinalaman ang kanilang pagiging UP graduate o pagiging miyembro ng Kabataan o Anakbayan ang kanilang pagkahuli. Dahil wala silang maiprisintang kaukulang papeles sa mga armas na dala, sila ay arestado. 

Sa ngayon, sila ay considered innocent at bigyan ng karapatan na kumuha ng abogado upang ipagtanggol ang sarili sa kinakaharap na kasong illegal possession of firearms and explosives. 

AFP, inireklamo

Nang mapag-alaman ang pagka-aresto ng dalawang kabataan, agad na nag-iingay ang kanilang mga kaalyado at mga kaibigan dahil diumano sa alegasyong 'abduction' ang ginawa ng mga sundalo. 

Kasama sa nagrereklamo ay ang KARAPATAN-Nueva Ecija na nag-aakusa ng pang-aabuso sa hanay ng mga sundalo at kapulisan. 

Ano ba namang 'abduction' yan na gagamitan pa ng warrant of arrest at i-coordinate pa sa mga lokal na opisyal ng barangay? 

Mulat na rin sa katotohanan ang mga kasundaluhan na dapat nilang tumalima sa mga alituntunin sa batas kasama na ang Karapatang Pantao at mga probisyon ng International humanitarian law (IHL) na syang isinusulong sa IPSP Bayanihan. 

Ang nakapagtataka lang sa mga reklamador na ito, hindi nila ipinagkakanulo ang mga bandidong NPA na tuloy-tuloy ang pangongotong, panlilinlang ng kabataan at panglilikida ng mga pinaghihinalaang military informants at maging kasamahang pinagdududahan, sa kanilang layuning isulong ang armadong pakikibaka. 

Iyong nagtapon ng granada sa Paquibato District na ikinasugat sa mga paslit, inireklamo ba ng KARAPATAN o kahit sino sa mga iyan? Wala, as in tikom ang bibig! 

Hindi rin naman kami bulag sa AFP at PNP sa katotohanang ginagamit ang mga lehitimong isyu kagaya ng kurapsyon at kahirapan para mahikayat ang mga kabataan na sumanib sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit may mga magulang na nagugulantang na lang dahil ang pinag-aaral na anak ay namumundok na pala at marami sa mga ito ay nasawi sa mga bakbakan. 

Pakinggan nyo ang You Tube video ni Jelyn Dayong,  isang menor de edad na pinasampa ng mga bandido sa armadong kilusan:



Isa lang si Dayong sa marami pang mga kabataang naloko ng CPP-NPA-NDF para sumanib sa bandidong grupo. Malaki ang kanyang pasalamat na sya ay nabigyan ng pagkakataon na magbagong buhay at makapagsilbi sa bayan.

Ito ang challenge sa aming mga sundalo at pulis na naaatasan na sugpuin ang mga kriminal na armadong miyembro ng CPP-NPA-NDF: Kung mahuli sila, sasabihin nilang 'ordinaryong sibilyan' sila at lalo nang "UP alumni" lamang sila. 

Sa tagal ng pakikidigma namin sa mga bandido, sanay na rin kami sa pagpapalusot na ginagawa nila, at kaya naman ay sinisigurado naming nasa lehitimong proseso ang aming ginagawa. Siguro, kapag namamaril na sila at pasabugan ng landmine ng sundalo at pulis, doon lang sila maghayag na mga bandidong NPA nga sila. I-Youtube nyo pa!

Mga kapatid, sa husgado na lang kayo magpaliwanag! 




Sunday, August 10, 2014

6 Philippine military-inspired menu that you do not know



Marami ang namamangha paano pinagkakasya ng mga sundalo ang kanilang subsistence allowance na mas kilala bilang S. A. (Subsistence Allowance). 

Kung susumahin namin kasi, kahit sinong genius sa Math ang mag-kwenta ay hindi ito magkasya kung ihambing ito sa kasalukuyang presyohan ng mga bilihin. 

Just imagine, ang daily meal allowance naming mga sundalo ay nagkakahalaga lamang ng P90.00 o P30.00 bawat kainan. 

Kung pupunta ka nga naman kahit sa mumurahing restaurant, alaws na atang makitang pagkain na ang halaga ay P30.00. Baka ganito oorderin mo:

"Isang cup na kanin po,  ulo ng payat na galunggong, libreng sabaw at dalawang kutsarang ketchup please!"

Anyway, para sa mga sundalo, may diskarte kami para mapagkasya iyang aming kapiranggot na mess. Di kami nagrereklamo hangga't kaya naman talaga. Don't say "Huh???". Yes, mapagkasya namin. Ito ay dahil sa tinatawag na consolidated messing na kung saan ay si Mess Sergeant ang dumidiskarte paano makamura sa pagbili ng mga pagkain sa mga suking tindahan at paano naman nya ito paghati-hatiin sa buong 'sambayanan'.

Dahil sa katitipid namin sa aming mess, merong mga kakaibang menu na halos kami lang din nakakaalam ano yon. Read more.

1. Onse (11). Ano yon? Kapag sinabing Numero Onse o Eleven ang ulam, iyon ay isang kapirasong hot dog na may kapares na isang pirasong tuyo. Kitams? 

2. Diyes (10). Bago yan ah. Yes, iyan yong kahalintulad ng isang tuyo at isang pirasong hard-boiled egg. Ipagtabi mo. Kitams? Dies!

3. O-Tin. Hoy, wag green-minded! Ito yong Odong bilang soup at partner ay isang payat na Tinapa. Ipagsama mo ang first syllables ng dalawang ulam, iyon na! Pang breakfast kalimitan ang O-Tin.

4. Pantakbo. Ang labo ba? Ito yong tawag sa ulam na manok kahit ano man ang luto nito. Kapag manok daw kasi ang paulam ni Sarge, malayo ang liliparin! Kung nasa training, malamang 20 kilometro ang abutin sa jogging. Samantala, kung nasa field duty ay malamang merong 2-week long patrol. Kapag manok ang ulam, nagdududa na agad ang mga tropa sa plano ni C.O.

5. Bicol Express. Generic term ito sa mga ginataan ni Sarge kagaya ng langka at kalabasa. Binubudburan nya ito ng siling labuyo para molten lava ng Mt. Mayon ang init na maramdaman. Masiram? No, maharang!  

6. Pa-tsam. Ito yong kung anu-anong hitsurang dahon na napupulot ng mga Ilokanong sundalo sa gubat at nilalagyan ng sardinas at sinasabawan. Minsan pako, gabi, alukbati at marami pang ibang tila ay pagkain ng alagang hayop. Masarap din at napakagaan sa bulsa! Savings din sa Mess yong Pa-tsam na menu di ba?

(Note: Yong savings namin sa Mess, hidden secret namin iyon sa aming mga misis!)



Saturday, August 09, 2014

5 interesting facts that you do not know about the Philippine Army Scout Rangers


You might have heard a lot about the Philippine Scout Rangers but here are interesting facts that you might want to know.

1. Let's start with the name Scout Ranger. It was the Father of the Scout Rangers, then 1st Lt. Rafael Ileto, who coined the name based on the two US military units that he served and worked with during World War II, the famed Alamo Scouts of the 6th US Army and the 6th Ranger Battalion which liberated over 500 prisoners of war from a Japanese concentration camp in Pangatian, Nueva Ecija.

The liberated POWs from Pangatian concentration camp in Cabanatuan City. (Photo is obtained by the author)


2. The first training ground for the Scout Rangers was in Fort McKinley (Fort Andres Bonifacio). A marker that was erected in 1950s still stand at the former home of the Scout Ranger Training Unit (SRTU), which is the current location of the Army Support Command (ASCOM).

In this photo taken by Rappler, you can find the marker where the original home of the Scout Rangers used to be located. The photo was taken during fire incident that gutted the EOD Battalion headquarters building in May 2014.  


3. The Scout Ranger mascot is the Black Panther (Panthera Pardus) that can be found in Africa and some parts of Asia. Through the years, Scout Rangers have also identified themselves with the Philippine Civet cat  (Vivera Tangalung) which is locally known as "Musang". Perhaps, due to the fact that Musang is the closest relative of the Black Panther, our forefathers (and many of the current Scout Rangers) have interchanged the identities of these two distinct animals. In the past, Scout Rangers used to wear the Black Suit with the famous Black Panther unit patch. 

 Two species of the Civet cat that can be found in the Philippines. This animal is more famous as a coffee eater (hello, Civet cat 'shit' coffee drinkers) than being predators.  (Photo is obtained by the author)


The Black Panther is much more fearsome than the Civet cat in the animal world as this photo suggests. Scout Rangers identify themselves with the Black Panther which is known for its stealth, cunning and superb hunting skills. (Photo is obtained by the author)

The 'Musang Patch' that we wear on our shoulder bears the image of the Black Panther and not the Civet Cat.

4. Why the ceremonial outfit was changed from Black Panther Suit to Scout Ranger Distinctive Uniform (SRDU). It was sometime in 2010 when the FSRR changed the traditional Musang uniform from the Black Suit to the digital pattern SRDU. Let me cite some of the reasons:

  • Other military units and even some PNP units have started using the Black Panther Suit (and even the Black Beret). It was aggravated by the fact that Security Guards and the members of the MILF started using this outfit too. There were instances in the past that lousy looking soldiers (from other units) and armed lawless elements were mistaken as Scout Rangers.
  • The Black Suit is not supposedly used for combat patrols as this violates the basic principles of camouflage and concealment that Scout Rangers are trained for (see photo of Scout Rangers on patrol). Contrary to popular belief that black is the best night camouflage (even among 'old Rangers', the olive drab color is found to be the best outfit for night operations. You better try using a night vision goggle to appreciate.


This is my favorite pet, the 'Musang' which used to guard the Scout Ranger Training School in Camp Capinpin, Tanay Rizal. Our Musang was relocated at the present home of the SRTS in Camp Tecson, San Miguel, Bulacan when both SRTS and the First Scout Ranger Regiment were transferred to this new location in 1996. I am wearing the new Scout Ranger Distinctive Uniform which replaces the old Black Panther suit (Black Suit) that was popularized by the Scout Rangers led by then Major Gabriel Ledesma in Zamboanga Peninsula, Basilan and Sulu. 

The latest version of the Black Panther, the new fave spot for selfie addicts who visit the Scout Ranger Training School.


5. Five years after the establishment of the First Scout Ranger Regiment, the unit produced its first national hero in the person of Cpl Weenee Martillana who was awarded the Medal for Valor for his combat actions against the Huk rebels. Here is the description of his combat exploits:

"Master Sergeant Camacho together with CORPORAL MARTILLANA, posed as civilians and befriended Eddie Villapando, notorious Huk Commander who terrorized Cavite and Batangas for many years. These enlisted men, after establishing contact with Villapando in September, 1955, skilfully managed to win the confidence of Villapando and his bodyguards. On or about 2200H, December, the opportunity to bring success to their project came when Villapando, Commander Guevarra, two (2) Huk bodyguards, Master Sergeant Camacho and CORPORAL MARTILLANA were riding in a jeep. MASTER SERGEANT CAMACHO, while driving the jeep, stopped at Barrio Tabon, Calauan, Laguna on the pretense that the jeep needed some oil. He got out of the vehicle to pour oil on the engine, while Corporal Martillana followed presumably to help him. At a pre-arranged signal they immediately opened fire on the Huks instantly killing Commander Guevarra and one Huk bodyguard. However, one of the Huks managed to shoot back, hitting and killing Master Sergeant Camacho".


To know more about what we do and how we are trained, follow this link:

                             Special Forces: Philippine Army Scout Rangers (Discovery Channel)


                                             Lone Target by Ex-Navy Seals Chris Lambert



Sunday, August 03, 2014

Three important things to prepare after passing the PMA Entrance Exam

PMA applicants line up for the series of physical and medical examinations (PME) at the AFP Medical Center in V-Luna Road, Quezon City. They were the lucky examinees who passed the PMAEE about 3 months before the scheduled PME. (PMA photo)


Mahirap at napaka-competitive ang PMA Entrance Examinations (PMAEE) na syang pinakaunang pintuan sa pagpasok sa numero unong leadership school sa ating bansa, ang Philippine Military Academy.

More or less 10,000 kaming applicants sa buong bansa na kumuha ng PMAEE noong August 1989. Isa ako sa kumuha ng exam sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City. 

Sa numerong iyon, nasa isang libo naman ang pasado at pinadalhan ng telegrama para mag-undergo sa susunod na serye ng physical and medical examinations sa AFP Medical Center.

Nasa 350 naman ang quota ng kinukuha na kadete para bumuo sa PMA Class of 1994, kaya mahigpit uli ang labanan pagdating sa AFPMC. 

Para sa akin, dapat ding paghandaan ang Physical & Medical Exams (PME). Syempre, kung ikaw ay handa, mas mataas ang iyong tsansa na mapabilang sa pinag-aagawang quota. 

Sa mga malilikot ang isip,  ito ang tunay na palakasan. Kung ikaw ang nangunguna sa physical at mental abilities, mas priority ka. 

Ipamahagi ko sa inyong mga aplikante ang practical tips sa paghahanda para sa PME:

1. Live a healthy lifestyle. Common sense ano? Well, na-prove ko na yan na palaging uncommon ang dapat ay 'Common Sense'. Ano ang ibig kong sabihin? Drum rolls please. Djaraaaaan! Mag-ehersisyo at mag-diet ka! Una, i-develop ang cardiovascular strength sa pamamagitan ng tamang timpla ng pag-gym at pagtakbo at maging pag-swimming. Remember, dapat mong ipasa ang Physical Fitness Test (PFT). Kung gusto mong malagay sa priority, i-piso (100%) mo yong lahat ng events (running, push-up, sit-up)! Pangalawa, iwanan ang sigarilyo at alak, at lalo na kung tumitikim ka ng droga! Kumain ng masustansyang pagkain. Think of malunggay, isda at prutas. Boloy, kung payatot ka at lampa-lampang hinihingal sa konting lakaran, wag ka nang mag-sayang ng oras na mag-PME sa V-Luna!

2. Be proactive sa health condition.  Kung me extra pera ka na rin lang, magpa-physical exam ka na sa isang pribadong ospital para makita kung may deperensya ka sa katawan. Una, kung treatable ang deperensya, may time ka pang ayusin di ba? Ang halimbawa dito ay ang luslos (Varicocele) at enlarged tonsil na pwede pang i-correct. Kung hindi naman treatable o kaya kailangan muna itong ipahinga ayon sa doctor, dapat ay hindi ka na mag-aksaya ng panahon na pumunta sa Manila para sa PME.  Ang halimbawa rito ay cancer (Dios Mio!), color blindness, o kaya ay sincere disalignment of bones. Ganito kasi yon, kung doon sa AFPMC makikita ang deperensya, tigok ka na lalo na kung makumpleto naman ang quota sa mga aplikanteng perfect ang mental at physical condition!

3. Mental preparation. Isa rin sa mahirap na dinaranas at nakakatigok na portion ng PME ay ang Neuro-psychiatric (NP) tests. Ang haba ng written exams at makulit na pabalik-balik ang mga tanong. Makikita rito ang consistency at kung logical ang iyong kasagutan. Ito yong kahalintulad sa mga sumusunod na tanong at Tagalugin ko na lang. 

     a. May nakikita akong mga bagay na hindi nakikita ng iba. __Yes  __ No.

        b. Naniniwala ako sa mga maligno at engkanto. __Yes  __No.

      c. Pakiramdam ko ay isa akong babae na ikinulong sa katawan ng lalaki. __Yes __No. 

       d. Kapag ako ay galit, sinasampal ko ang sarili kong mukha. __Yes __No.  

Weird ba mga ehemplo ko? Basta tandaan mo, kung ano isagot mo dyan, dapat consistent sa isagot mo sa interview. Sa Q&A portion, wag nerbyoso, mga tao lang din yang mga kausap mo. Minsan, sinusubukan ka pa kung tunay kang lalaki. Halimbawa, isang sexy na Psychologist ang kausap ko noon. Naka-de kwatro sa harap ko at halos lumabas na kaluluwa nya. Parang nanunuyo lalamunan ko at tipong nawawala ang concentration ko. 

Malagkit syang makatingin at ako ay tinanong.

"Sa observations mo ngayon. Ano pakiramdam mo?" 

"Mainit po Maam." 

Lalong nanadya at naka-smile pang hilaw kagaya ni Rosanna Roces.

"At bakit ka naiinitan?"

Simple lang ang sagot ko at base rin naman sa katotohanan.

"Eh kasi naman Maam, ang init ng sikat ng araw at wala tayong aircon!"

Boom panes si Maam Psychologist! Anyway, pumasa ako di ba? Kasi, na-justify ko bakit ako 'nainitan'. Ikaw talaga Maam!

In short, naipasa ko lahat ng pagsubok sa AFPMC at pinalad na mapabilang sa pinaka-astig na PMA "Bantay-laya" Class of 1994.

So, para pumasa ka rin at mapabilang sa kukuhaning kadete, tandaan ang aking mga practical tips kung may time ka!






Friday, August 01, 2014

10 factors that Coup d'etat stories in the Armed Forces of the Philippines are not true


Bilang isa sa nakaranas sa tunay na buhay mandirigma na nakikidigma sa mga kaaway ng estado, mas pipiliin kong maging parte ng solusyon kasi magdagdag problema sa ating bansa. Panaginip din naming mga sundalo na matapos na ang patayan ng kapwa Pilipino at umunlad nang tuluyan ang Pilipinas. (10SRC Photo)


Napakarami na namang nailathalang istorya tungkol sa kudeta at marapatin kong ipamahagi ang mga factors na maging basehan na ang mga iyon ay hindi makatotohanan:

1. Dalang-dala na ang mga sundalo sa pagsasama sa aktwal na kudeta o sa mga tangka na pataubin ang gobyerno. Hindi mabilang ang nasira ang buhay dahil sa kasasali dito. Ang pinakamasama ay yong namamatay sa madugong kudeta na walang benepisyong natatanggap. Merong nagkakahiwalay ang mag-asawa at nabulabog ang buong pamilya. May isa akong kasama sa Basilan na naging tigabantay na lang ng palaisdaan. May isang Scout Ranger na nag-uuling sa Northern Luzon. Ang iilan sa mga iyon ay naglapit sa akin para magpahanap ng trabaho. Ang pinakamadali nilang mapasukan ay pagiging gwardya. Dating astig na sundalo, naging Security Guard na lang dahil sa kudeta. Dahil nakakausap ko sila at kakilala ko ang pamilya nila, lalong naaawa ako sa kanila. Mapapait ang karanasan ng mga sumali sa mga nakaraang kudeta. Bakit kami magkudeta?

2. Napakarami na ang naisulong na modernisasyon sa AFP na syang nag-angat sa morale ng mga sundalo. Halimbawa, noong ako ay tenyente, wala kaming Combat Life Saver (CLS) Kit. Tinatalian lang namin ng pinunit na damit na may dahon ng bayabas ang sugat ng kasamang natatamaan sa mga bakbakan. Ngayon ay may squad level CLS kit na, may individual issue pa. Kung dati ay pinaglumaang M14 Rifle at M16 Rifle, at may mga M203 40mm ammos na ayaw pumutok ang ginagamit, ngayon ay may mga M4 Carbine Rifles, K3 SAW na. Maliban doon, dahan-dahang bumabalik ang tikas ng Air Force at Navy sa mga bagong kagamitang pakikidigma na nabili. Hindi ko na banggitin ang marami pang ibang aspeto ng modernisasyon at nasisigurado ko ay, 'better than before!'. Mas kampante kasi ang mga sundalo na magtaya ng buhay sa pagsagawa ng misyon kung batid nya na lamang sila sa teknolohiya, kaalaman at sa support systems na naidudulot ng modernization program. Bakit kami magkudeta?

3. Sa kasalukuyang administrasyon, tumaas ang aming sweldo. Dahil dito, kaya na naming matustusan ang pangangailangan ng aming pamilya. Sa totoo lang, kung iwasan lang ang bisyo at planuhin ng mabuti ang pamilya, ang sweldo ng sundalo ay pwede nang pang-sustain sa pamilya. Of course, dagdag na diskarte ng sundalo ang pag-invest, pag-negosyo at pag-aral ng Financial Literacy 101. Di ba't di pa rin magkasya yan kung asal milyonaryo kami? Kahit may nagsabing kulang pa ang aming sweldo, batid naming may magagawa rin kaming paraan para pagkasyahin ito. Bakit kami magkudeta?

4. Nadagdagan ang programang pabahay para sa mga sundalo. Maliban sa on-base housing ng AFP, meron din ang kasalukuyang pamahalaan na programa ng off-base housing na wala noong unang panahon. Napakarami na ng mga sundalo ang nakinabang sa pabahay na ito ng kasalukuyang administrasyon. Batid namin na hindi pa ito tapos at patuloy na isinusulong ng gobyerno para sa kapulisan at kasundaluhan. Bakit kami magkudeta?

5. Wala kaming kinalaman sa away pulitika. Naiinis at nahihimatay man kami sa nakakarimarim na kwentong kurapsyon na nagpapahirap sa bayan, batid namin, lalo na ng mga opisyal na hindi dapat kami makikisawsaw dito bilang mga sundalo. Batid namin ang kahihinatnan kung ang armadong grupo kagaya ng sundalo ay nangingialam sa mga bagay na para lamang sa mga politicians. Batid namin na bilang propesyonal na sundalo ay ang pagsulong pa ng reporma sa AFP, pagsagawa ng aming constitutional mandates ang dapat naming pagkaabalahan. Kung may nagtutunggaliang mga pulitiko, wala kaming pakialam sa away nila. Bakit kami magkudeta?

6. Mas dumadami ang mamamayang nagtitiwala at nakikiisa sa mga sundalo. Matagal din ang masamang epekto ng martial law na kung saan ay marami ang nasaktang mga Pilipino. Kung dati ay nagtatago, nanginginig ang ibang taumbayan lalo na sa mga liblib na lugar tuwing makakakita ng sundalo, ngayon ay hindi na. Nakakataas ng morale ang makasalamuha ang taumbayan na nag-appreciate sa serbisyo ng sundalo. Bakit kami magkudeta?

7. Nakikita rin namin ang pag-unlad ng ekonomiya. Nakamit ng Pilipinas ang pinakamataas sa kasaysayan na credit rating upgrade na kung saan ang Standard & Poor ang nagbigay sa ating bansa ng Investment Grade status. High-fallutin' (at di maintindihan) man yon para sa karamihan, nakikiisa rin kami sa mas nakararaming taumbayan na gustong umunlad ang ating bansa. Gusto rin naming magdagsaan dito ang mga investors, dadami ang income opportunities at mabawasan ang naghihirap na Pilipino. Gusto rin namin na magsipagbalikan na ang mga OFWs sa panahong andito rin lang sa Pilipinas ang hinahanap nilang kaginhawaan sa buhay para sa kanilang pamilya. Dagdag pa doon, di ba't isa ring dahilan ang kahirapan kung bakit may nauto ng CPP-NPA-NDF na sumapi sa armadong pakikibaka? So, mga kapatid, kung umuunlad ang ating ekonomiya, bakit kami magkudeta? (Para palayasin natin ang mga foreign investors at mga turista at malugmok ang ang ating bansa?)

8. Ayaw namin ng karahasan lalo na sa kapwa Pilipino. Di ba't lagi naming isinusulong ang peaceful resolution of armed conflicts? Fully committed kami sa peace process na isinusulong ng gobyerno dahil batid naming walang magandang naidulot ang patayan ng kapwa Pilipino sa labanan ng kasundaluhan at ng secessionist groups sa Mindanao at maging sa mga miyembro ng bandidong NPA. Kung ayaw namin ng patayan bilang solusyon sa problema, bakit kami magkudeta?

9. Hindi kami susunod sa pang-uudyok at panghihikayat ng mga retiradong opisyal. Sa totoo lang, wala ni isang kwento o ugong na naririnig na may nanghihikayat, nambobola at nang-uudyok na mga retired o kaya former military personnel para kami ay mag-alsa. Kung meron man, ano sila hilo? Halimbawa, ang mga nadadawit sa pangalan sa kasalukuyang rumors ay mga senior officers ng AFP na dati ay nagkukumahog na pigilan ang mga kudeta. I don't think na sila na ngayon ay magsasabing, 'Magkudeta na nga kayo ngayon!". Naniniwala kaming active military personnel na hindi babaliktarin ng mga nirerespeto naming mga retired senior officers ang kanilang pinagsasabi noong araw laban sa kudeta, at yong matindi nilang paalala na lagi kaming mag-observe ng Chain of Command. Maliban pa doon, pinakikinggan ng aming mga pinuno ang aming mga feedbacks. Bakit kami magkudeta? Sar-com (Sariling command) ba kami?

10. Alam namin na pag may magkukudeta, magkakasakitan ang kapwa sundalo. Kung mangyari uli ang kaganapan noong 1989 na nagbabarilan ang kapwa sundalo, magpapalakpakan ang tunay na kalaban ng sambayanang Pilipino: Ang nang-aagaw ng teritoryo natin sa West Philippine Sea at ang mga bandidong NPA na ang tunay na gusto ay ang mga bossing nilang nasa pulitika ang maghahari sa ating bansa. Bakit kami magkudeta?