Sa kahit saang organisasyon, ang hinahanap natin ay magaling na leader: Sya ay dapat karespe-respeto, modelo ng kagalingan at katinuan. Ika nga sa militar, 'epitome of an officer and a gentleman'.
Ayaw natin ang pinunong magaling lamang sa salita, na tila ay kayang mag-dadakdak ng oras-oras sa wikang Tagalog at English, para bolahin ang mga tauhan.
Hinahanap natin yong natatapatan ng gawa ang mga salita. Ika nga ay 'walk the talk'.
Meron akong ipakilalang kategorya ng leaders. Ang isa ay si Kupal at ang isa ay si Idol. Parehas ang kanilang ranggo at pinagtapusang training institution.
Dahil parehas ang kanilang ranggo, sila ay parehas na me pagkakataong ma-designate bilang pinuno ng isang yunit.
Kahit parehas ang napag-daanang pre-entry training, nagkakaiba ang resulta ng kanilang istilo sa pamumuno ng yunit. Kasama sa dahilan ng pagkakaiba ay ang attitude, exposure at ang values na pinanghahawakan.
Pagkaupo ng yunit, si Kupal ay naghahanap na ng mga biyaya o kapritso na matatamasa sa kanyang posisyon. Sinisigurado nyang mabusog nya ang kanyang sarili sa mga self-declared 'privileges' na makakapagpasaya sa kanya.

Samantala, si Idol ay nag-iisip agad paano maiangat ang kaalaman at kagalingan ng kanyang mga tauhan. Tinitingnan at kinakalinga niya ang morale at welfare ng mga kinasasakupan na syang pinakaimportanteng assets ng kanyang yunit.
Si Kupal ay gustong ituring na Hari o Big Boss na tila ay isang Pharaoh ng Egypt kung makapag-mando ng kanyang mga alipin. Para sya ay susundin, takot ang pinapairal sa lahat ng panahon.
Si Idol ay tinitimbang ang mission accomplishment at welfare of men. Habang sinisigurado na tagumpay ang mga nakatalagang misyon, hindi nya isinasantabi ang kapakanan ng mga tauhan kasama na ang pagpapairal ng disiplina at magandang samahan sa kanyang yunit.
Si Kupal ay sobrang bilib sa sarili at naniniwalang sya lang ang tama. Hindi sya nakikinig ng suhestiyon kaya ang kanyang salita ay batas na ipinaiiral.
Si Idol ay pinapakinggan ang boses ng bawat isang tauhan at kinikilala ang kagalingan ng mga kasamahan. Pinupunuan nya ang kahinaan ng ibang nagkukulang sa kaalaman.
Si Kupal ay magaling lang mag-utos ngunit hindi nya naman ito ginagawa. Sya yong nagsasabing, "Gawin mo ito, gawin mo yon!"
Si Idol ay iniuutos kalimitan ang mga bagay na ginagawa rin nya. Sya yong maririnig na nagsasabing,"Gawin natin ito, sundan mo ginagawa ko."
Si Idol ay iniuutos kalimitan ang mga bagay na ginagawa rin nya. Sya yong maririnig na nagsasabing,"Gawin natin ito, sundan mo ginagawa ko."
Si Kupal, minsan ay tila isang pulitikong gustong maihalal sa pwesto dahil sa kanyang todo-bigay na pagpapasaya sa lahat ng tauhan. Gusto nyang sya ay 'sikat' o popular dahil mapagbigay sya sa lahat ng kapritso ng mga tauhan.
Si Idol ay sinisiguradong pantay ang pagtingin sa lahat, at pinapasunod ang mga tauhan sa tamang daan. Nagbibigay sya ng desisyon na ang gabay ay ang regulasyon at polisiya ng institusyon na kinabibilangan.

Si Kupal ay malimit nagpapa-pogi sa paningin ng kanyang boss. Magaling magpa-impress at kalimitan ay 'yes man' sa lahat ng sinasabi ng kanyang bossing kahit windang na ito.
Si Idol ay pursigidong gumawa lamang ng tama kahit punain man ito o hindi ng kanyang nakakataas. Mas marami syang nagagawa kaysa kanyang pag-ngangawa.
Si Idol ay pursigidong gumawa lamang ng tama kahit punain man ito o hindi ng kanyang nakakataas. Mas marami syang nagagawa kaysa kanyang pag-ngangawa.
Si Kupal ay ayaw humarap ng problema. Minsan ay ayaw amining merong problema at kalimitan ay 'inaaway' ang problema.
Si Idol ay isang problem-solver. Nakikinig sya sa mga opinyon ng kasamahan at ginagawa nya itong katuwang para masolusyonan ang mga gusot at problemang balakid sa kanilang lahat.
Si Idol ay isang problem-solver. Nakikinig sya sa mga opinyon ng kasamahan at ginagawa nya itong katuwang para masolusyonan ang mga gusot at problemang balakid sa kanilang lahat.
Si Kupal ay inaapakan ang iba para umangat at gumagamit ng padrino para makalamang sa iba.
Si Idol ay sinisiguradong me tatak ng kagalingan ang mga gawain at ginagamit ang teammanship para maisulong ang pag-angat ng kanyang yunit at maging ang pagpalaganap ng kagalingan sa lahat ng kanyang mga kasamahan.

Anyway, parehas silang dalawang mga Role Model.
Si Kupal ang modelo ng taong dapat tulungang magbago sa kanyang masasamang kaugalian. Sya rin ang modelo ng taong hindi gagayahin.
Si Idol ang dapat nating tutularan at paramihin sa organisasyon.
Si Idol ang dapat nating tutularan at paramihin sa organisasyon.
Manalamin at magmumuni-muni tayo, sa aling kategorya tayo napabilang?
Kay Kupal?
O, kay Idol?
No comments:
Post a Comment