Thursday, March 21, 2013

Espesyal na Pagkain


Si Cpt Boloy ay naanyayahang kumain sa bahay ng lider ng mga katutubo pagkatapos ng pagtitipon sa isang liblib na baranggay sa Zamboanga Sibugay.

Dinala sya sa isang espesyal na papag ng Bgy Captain na lider ng katutubo.

"Sir, mabuti na lang naitago ko pa ang pinaka espesyal na ulam galing pa ito sa Zamboanga City. Sana magustuhan mo ito."

Nagulantang si Cpt Boloy sa kanyang nakita. Nakalagay pa nga ito sa 'ginintuang' lagayan kaya sobrang espesyal.

Spanish Sardines
 


 
Sa ibabang bahagi ng hapag kainan, pinuntahan naman ni Kap ang grupo ni Sgt Botyok.

"Sarge, pagpasensyahan nyo na itong ulam na ito. Iyan lang ang nasa bakuran namin. Naubusan na kasi kami ng espesyal na ulam kaya si Ser Boloy na lang muna patikimin namin."

Ngiting demonyo si Sgt Botyok habang si Cpt Boloy ay nakatitig sa kanya na puno ng inggit.

Ito lang naman ulam nina Botyok.


Tinolang Bisayang manok na hinaluan ng sili at malunggay
 
 
 
 
 
 
 

 

2 comments:

  1. Hahaha! Kawawa naman si Kap....

    ReplyDelete
  2. Obvious na imported spanish sardines pa yan! hehe...
    Kahit malunggay pa yan o saluyot, di hamak na maiinggit talaga ako. hehe!

    ReplyDelete