Ang Santolan warriors
Masarap nga naman ang buhay garrison lalo kapag ito ay nasa kagubatan ng Maynila. Kalimitan ay 8am-5pm lang ang pasok maliban kung naka-detail bilang gwardya.
Ika nga, ang garrison duty ay pang-pamilya. Everyday, pwedeng makapiling ang mga kapamilya dahil hindi ito kagaya sa field duty na baril ang laging kayakap at kapwa sundalo ang laging katabi.
Kapag walang duty sa garrison ay gumagala kami sa paboritong lugar sa Ayala upang mag-sight seeing ng magagandang nagtatambay na mga dalaga.
Unfortunately,di rin namin kami pinapansin ng mga girls dahil mga baduy kaming pumorma at kalimitan ay mga 'boy tsinelas'.
Kalimitan ay mga mistah ko lang din ang aking ka-date sa mga sinehan, at sa mga eat-all-you can ng Pizza Hut. Naalala kong tila naiinis yong manager pag kami ang nakikita kasi nilalampaso namin ang kanilang pagkain na tila wala kaming kabusugan.
Meron ding mga sundalo lalo na sa Army headquarters at sa GHQ, AFP sa Camp Aguinaldo ang nilulumot na ang mga paa sa garrison assignment. In general, ang tawag sa kanila ay Santolan warriors.
Meron ding mga sundalo lalo na sa Army headquarters at sa GHQ, AFP sa Camp Aguinaldo ang nilulumot na ang mga paa sa garrison assignment. In general, ang tawag sa kanila ay Santolan warriors.
Ang 'Santolan warriors' ay ang sundalo (officer o EP) na ayaw magpa-assign sa field. Ito yong tipong feeling indispensable sa kanilang mga opisina, na tipong ipinangalandakan nilang di na mag-function ang opisina kapag ma-relieve sila doon.
Ngunit, kapag walang ibang nakakilala sa kanila, sila rin yong malakas magkwento ng mga 'gyera' kunong pinagdaanan nila. Kapag merong tunay na mandirigma na nakakahalo sa usapan, natatameme sila kasi mabubuking ang pambobola nila.
Dahil dyan, ayaw na ayaw naming mga junior officers noon na mapahanay sa Santolan warriors.
Dahil dyan, ayaw na ayaw naming mga junior officers noon na mapahanay sa Santolan warriors.
Pinili namin ang Army at sumanib pa sa Scout Rangers dahil gusto naming maging tunay na mandirigma at maging bayani sa mga mata ng mga kababayan nating binibiktima ng mga mapang-aping mga bandido.
Ngayon, alam mo na kung bakit malungkot ako na naging 'non-combatant'?
Ngayon, alam mo na kung bakit malungkot ako na naging 'non-combatant'?
Staff work
Ganon pa man ang aming kalungkutan noong una dahil sa aming sinapit na kapalaran bilang 'non-combatant' na Scout Ranger, meron din itong kagandahang naidulot sa amin.
Unang-una, nakita namin na hindi lahat pakikidigma ang dapat malaman at mapagdaanan.
Unang-una, nakita namin na hindi lahat pakikidigma ang dapat malaman at mapagdaanan.
Dahil nasa garrison kami, nakikita namin paano sinusuportahan ng mga staff officers at mga 'headquarters boys' ang mga mandirigma sa field.
Lahat ng ginagawa sa field ay may kaakibat na staff work na dapat gagawin ng ibang mga opisyal.
Halimbawa, kapag merong magagandang accomplishments ay dapat merong magsusulat ng After Encounter Report (AER) na kinakailangan para sa awards, promotions at sa replenishment of ammunitions.
Kapag merong mga pasaway ay kailangan magbuo ng Investigation Board para usisahin ang kaso at pairalin ang disiplina gamit ang Military Justice System.
Natuto rin kami sa Supply Management, sa mga training systems at mga MOWEL (morale and welfare programs) na dapat ginagawa sa Company level.
Naliwanagan din ako na dapat ay maalam din sa staff work ang mga mandirigma upang mas mapaganda ang kanyang pamumuno sa yunit.
Hindi uubra na utak pulbura lamang na ang alam ay makikipag-gyera sa bundok at pagkatapos ay wala na.
Doon lang sya magaling sa kwentong gyera. Nagmumura at nalulungkot na ang mga tauhan kasi walang nagsusulat ng kanilang mga reports na kailangan pa man din ay marunong magconstruct ng sentences sa salitang Ingles.
Iyon ang mga bagay na aking natutunan sa aking pagiging 'non-combatant' na kung saan ay naitalaga akong Platoon Leader ng Special Operations Platoon.
Nalalaman ko dahan-dahan na hindi lang pala bakbakan ang atupagin ko sa aking yunit.
Nalalaman ko dahan-dahan na hindi lang pala bakbakan ang atupagin ko sa aking yunit.
Na-realize ko na kung gusto kong maging well-motivated at battle-ready ang aking mga tauhan, kailangang malaman ko ang mga ginagawa ng Santolan warriors!
Garrison routine
Sa loob ng isang buwan, iyon ang aming inaatupag sa aming mga opisinang ginagalawan sa First Scout Ranger Regiment sa Fort Bonifacio noong 1995.
Hindi rin naman boring sa kampo kasi puno ng activities ang buong araw. Minsan ay pinapatulong kami sa training activities ng mga sundalo.
Tuwing alas-singko ng umaga, binubulabog kami ng duty NCO sa kanyang pabalik-balik na announcement sa Public Address System (PAS) na:
"Good morning Rangers! Wake up! Wake up! Wake up! Reveille! Reveille! Reveille!".
"Good morning Rangers! Wake up! Wake up! Wake up! Reveille! Reveille! Reveille!".
Tila ay nasa PMA environment lang kami at sanay na sanay naman kami sa mga sounds ng 'calls' na kagaya ng 'First Call', 'Attention call' at 'Assembly call'.
Kasunod na doon ang takbuhan na kung saan ay sunud-sunuran kami sa Ilonggo accent, Ranger style na chanting kagaya ng "Sa Silong ng Bahay", "Bebe, bebe, bebe" at "Tsa-a, kape at tsokolate na may bolate".
Kasunod na doon ang takbuhan na kung saan ay sunud-sunuran kami sa Ilonggo accent, Ranger style na chanting kagaya ng "Sa Silong ng Bahay", "Bebe, bebe, bebe" at "Tsa-a, kape at tsokolate na may bolate".
Ang buong maghapon naman ay ginugugol namin sa aming mga kanya-kanyang responsibilidad. 'Watch and learn' kami dahil me kaibahan ang teorya sa PMA at sa realidad sa yunit.
Kapag di naman alam ang mga bagay-bagay, automatic naming tinatanong ang senior officers at mga NCOs.
Sa garrison namin, meron namang kapupulutan ng expert advices at samantalang meron ding ang maipagmamalaki lamang ay meron syang tabak ng Ranger. Ika nga, lobat pagdating sa admin works.
Pero, kapag kwentong gyera pag-usapan, lahat na atang tao sa headquarters ay mga expert. Mahahaba ang kwento lalo na kapag 'happy hour' (social gathering) tuwing Biyernes ng gabi.
Dahil daanan o flight path ng eroplano na lumalapag/lumilipad sa NAIA ang FSRR, na-memorize ko na rin ang hitsura ng mga sasakyang himpapawid tuwing nag-mumuni o nagbobolahan kami sa labas ng Bachelors Officers Quarters (BOQ) tuwing gabi.
Ang pagbibilang ng star sa langit o pagkwentuhan ang mga escapades ang aming past time tuwing gabi, lalo na kapag ubos na ang aming kapiranggot na sweldo bilang Segunda Kamote.
Ang pagbibilang ng star sa langit o pagkwentuhan ang mga escapades ang aming past time tuwing gabi, lalo na kapag ubos na ang aming kapiranggot na sweldo bilang Segunda Kamote.
Isang araw noong mid February 1995, isang pleasant surprise ang dumating sa amin nang i-anunsiyo ng aming G1 na kami ay ipapadala sa Scout Ranger School bilang unang batch ng aming klase na magiging musang (lingo para sa mga Scout Ranger).
Tuwang-tuwa kaming lahat, kaya lang me kapalit. Tatakbo muna kami sa Fun Run ng PMA alumni association na umabot pa man din ng 20 kilometers.
Grabe ang lupaypay ko sa takbuhan ngunit diretso na agad kaming entrucking papuntang Tanay, Rizal na kung saan ay andon ang Scout Ranger Training School (SRTS). Pagkadating, diretso sa Physical Fitness Test (PFT) kaya lalo ulit nalupaypay kinagabihan.
Kinaumagahan, nagsimula na ang buhay estudyante ng Ranger sa aming reception ceremony na panay pahirap sa buhay. Dahil dito, dahan-dahan naming nakuha ang 'school boy complexion' sa Scout Ranger Training School.
(Ipagpatuloy sa susunod na artikulo)
"....Fun Run...20 kilometers.......... Pagkadating, diretso sa Physical Fitness Test (PFT) kaya lalo ulit nalupaypay kinagabihan."
ReplyDeleteO.O
Ranger C,
Is this post finished? Parang bitin eh.
Ano yung school boy ranger complexion?
Drey,
ReplyDeleteTo be continued pa yan. :-)
Ang "school boy complexion" (Ranger School) ay kabaligtaran sa makinis at mestisuhing hitsura ng mga estudyante ng private schools.
Dahil bilad sa initan, laging lublob sa putikan, kutis musang na kami at kasing amoy ng mga mababangis na hayop gubat. :-)
Ranger C,
ReplyDeleteAw ganun pala yun. Parang gusto ko makipagpicturan kasama nian ah... Pero naka mask lang. hehe...
May SR bang OC Sir? Yung OC sa balat? Na-curious lang yung tipong taga Manila at puro japorms kung naka opisina na...
Hehe!
Best Regards,
Drey Roque
PS. Tapusin nio na Sir... Sipag mo mag post... Bitin eh.