Sunday, October 07, 2012

Ang aking tips sa gustong magsundalo


Dumadami ang nagpapadala sa akin ng mensahe na humihingi ng tulong upang makapasok sa hanay ng Philippine Army. Merong nagpapalakad para maipasa ang entrance exam, merong gusto ng 'waiver' sa height o edad, at merong gusto na i-prioritize sa quota.
Kahit pa man ay di na rin mabilang ang aking natulungan upang makapasok sa pagsusundalo, hindi po ang ganong tipo ng tulong ang aking ibinibigay. Dapat ay sinusunod ang proseso at kailangan din ay maipasa ang lahat ng requirements.
Unang-una, hindi pwedeng dayain ang mga edad at educational background. Dati, nakakalusot ang dokumentong gawa sa Recto. Sa masinsinang background investigation at makabagong kagamitan sa pag-beripika ng mga papeles, malalaman kung ito ay retokado o peke.
Dumadaan sa tinatawag na 'validation' ang lahat na shortlisted candidates para sa Candidate Soldier Course. Sinusukat ang kanilang height, ini-interview kung magtugma ang nasa dokumento at ang kanyang sinasabing mga impormasyon.
Halimbawa, merong natanggal sa short list at tuloy naging 'black list' dahil sa pamemeke ng dokumento. Ayon sa kanyang papeles, sya ay isang Mechanical Engineer. Dahil hindi sya confident na makipag-usap sa interview panel sya ay biniglang tinanong ng basic mathematics:
"Hijo, Engineering graduate ka pala. Square root of 25?"
Natulala si pekeng Engineer Boloy. "Eh, sir pang licensed engineer naman yang tanong mo."

"Akala ko ba ay graduate ka ng Engineering? Peke pala dokumento mo eh. Gawang Recto ito. Bakit ka nagpapanggap na Engineer?", sabi ng opisyal.
"Eh kasi sir, requirement nyo kasi college level!", sabi ni Boloy.
Dahil dyan, di na uubra ang magprisinta ng peke. Lalo lang kayong mapahamak. Digital age na ngayon at madaling mag-verify ng authenticity ng mga documents.
Transparency rin po ang pinapairal ng Army Recruitment Center sa paghahayag ng resulta ng examinations.
 Laging binabago ang set ng exams upang maiwasan ang leakage. Ang mga nahuhuling nagkokopyahan o nangongopya ay pinapatanggal agad at 'black-listed' sa recruitment.
Totoo yon na sa recruitment ay merong 'palakasan'. Dapat 'malakas' ang dating ng papel na isinumite mo at dapat malakas ka physically.
Ito ang ang aking mga brotherly tips upang makapasok sa quota ng training:
1. Mag-sumite lamang ng orihinal at hindi pineke na mga dokumento. No Recto documents please! Fraudulent enlistment ang tawag nyan at makakasuhan din ng falsification of public documents.
2. Mas maiging college level o kaya merong vocational course at skills na kailangan ng Army kagaya ng computer technician, electrician, karpintero, drayber, computer operator, gunsmith, at iba pa. Kung kakaiba at sobrang level-up ang skill, mas malamang na priority ka na (halimbawa, hanap-hanap ko para sa aking opisina ay isang batikang manunulat, photographer o videographer). Kung ikaw rin ay isang magiting na atleta kagaya ng iilan sa Pinoy Dragon Warriors, maaaring priority ka rin sa enlistment.
                                                          Photo by Carlo Carpio-Claudio
3. Mag-ehersisyo at palakasin ang pangangatawan. Dapat makatakbo ng 15 minuto sa 3.2kms, push up na 60 at sit-up na 60 sa 2 minuto (pinasobrahan ko na yan para siguradong pasado). Kung mahihigitan mo pa yang nilagay ko na standard, mas malamang ay priority ka na.
4. Para maipasa ang entrance exam, mag-review ng logic, English, Mathematics. Ang nilalaman ng exams ay mga pang-high school lamang na subjects at walang tipong pang-doctorate. Wag matakot na di maipasa ang exams. Mas mataas na exam result, mas maigi para sayo.
5. Iwasan ang mga bisyo na maging dahilan sa mga sakit at panghihina ng katawan kagaya ng pag-iinom ng alak at paninigarilyo, pati na rin ang sobrang lamon ng pagkain na nakakapagpataba o dahilan ng obesity. Patatayuin pa lang kayo at kung tipong sumasabog ang taba mo sa tagiliran at para kang buntis ng 5 buwan, malamang slashed ka na agad.
6. Matutong makipag-usap ng mabuti dahil kailangan ito sa interview. Kapag nanginginig at pinagpapawisan sa harap ng mga opisyal sa interview, malamang maging last priority o matimbog ka dahil ayaw ng Army ng sundalong nerbiyoso (tagerger) na napapaihi o bahag ang buntot sa mga delikadong misyon.
7.  Mag-isip ng milyon-milyong beses kung desidido ba talagang pasukin ang pagsundalo dahil mahirap ito. Meron din kasing iba na pagkatapos maranasan ang mga umuulang bala o laging napupuyat sa rescue missions ay umaayaw na at mag-AWOL na lang.
8.  Isipin lagi ano ang magagawa para sa Army at sa bansa once makapasok bilang sundalo. Huwag isipin ano ang magagawa ng Army para sayo. Ang pagpasok sa serbisyo ay isang bokasyon at hindi ito kagaya ng kung anu-anong employment opportunities sa civilian sector. Serbisyo publiko ang pagiging sundalo at hindi ito employment.
***Photos are credited to the 9th Division Public Affairs Office

20 comments:

  1. Sir, can a civilian apply as a writer at your office? interested po. thank you!

    ReplyDelete
  2. Send your resume at oacpa_hpa@yahoo.com c/o to my name and let me see if you will be considered.

    Thanks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sir good day..ung bf ko po ay interested to become sundalo.. his a high school graduate po.. nkaranas ng maging guard.. at 23 years old n po sia. 5'10 ung high at naga hintay po sia ng exam..interesado po talaga siamay chance po vha na pwede sia?
      i hope you will give effort to this message sir. you can contact me my cp number 09774217758 and also through email shielanicer@gmail.com .. thank you so much sir more power..

      Delete
  3. sir, ma disqualify po ba agad pag may problema sa eye sight? i mean nag sasalamin po. nag hahanap po kasi ako ng requirements tungkol sa eye vision e wala po ako makita

    ReplyDelete
  4. sir. good afternoon I'm leo belen from laguna a graduate of bs information technology. sir... also a advance graduate of advance rotc... I really wanted to served to our mother country... tanung ko lang sir.. is there still a chance makapasuk po ako sa phil army even though I have a problem regards on eye vision... 20/25 na po kasi ang vision ko sir...due to using of computer. sir matotolungan niu po ba ako sir... slamt sir.. god bless... this is my cp no... if you sir...want me to communicate personaly or thrugh phone... salmat po..

    ReplyDelete
  5. good pm sir... ask ko lang po kung ilang taon ung result ng exam bago po mag expired... at ask ko narin po kung magkakaroon po ng quota this coming year... im college level lang po, computer science course... but my problem sir im 26 yrs old last nov. 23, 2012. d ko po alam kung pwede pa po ako... un lang po sir... take care, god bless and advance merry Christmas po...

    ReplyDelete
  6. sir, kelan po magsisimula yung quota sa army sir? willing po ako mag apply at mag undergo ng training sir, im edward carag po from tumauini isabela sir, college level sa course na BS information technology sir, kasulukuyan po akong guard ngayon sir, im 22 years old na po. e2 nga po pala no. ko sir, 09067311928, salamat po.

    ReplyDelete
  7. sir tanggap ba po ung ganitong skills? marunong mag luto,mag drawing,magtanim,mag halo ng cemento, at kauni sa pag kakarpintero

    ReplyDelete
  8. sir high school grad.aq at mag 30 years old nxa abril..pde po b khit gnun age poh..?

    ReplyDelete
  9. Sir highschool grd po ako marunong akong mgdrive ng 4wheels gustu kupong pumasok ng PA kaso lng po sir problema ku ang ngepin kuh natangalan ako ng apat na ngepin sir sa panga pwede po poba akng pumasok sa PA khit d completo ant ngepin? salamat sir advance marry xmas mmmp james klein nga po pala from cebu sir

    ReplyDelete
  10. sir pwede po ba ALS graduate tapos TESDA gradutate din po ako ako po ay 19 yrs old na po na gusto pumasok sa army pwede po ba

    ReplyDelete
  11. sir good day..ung bf ko po ay interested to become sundalo.. his a high school graduate po.. nkaranas ng maging guard.. at 23 years old n po sia. 5'10 ung high at naga hintay po sia ng exam..interesado po talaga siamay chance po vha na pwede sia?
    i hope you will give effort to this message sir. you can contact me my cp number 09774217758 and also through email shielanicer@gmail.com .. thank you so much sir more power..

    ReplyDelete
  12. Good day sir, ilang taon po ang age limit sa pagsusundalo? Pwede pa po ba ang 32 years old?

    ReplyDelete
  13. sir gud eve po sainyo.. isa po ako undergrad na bs criminology po.. 4th year na po ako nahinto po ako dala ng financial problem.. gusto ko po mging sundalo kaso po di po ko maasikaso dala ng bantay po ako sa lola ko po .. pero noon at ngaun po gusto ko po magsundalo.. e2 po contact no. ko po sir 09265113820 asahan ko po matulungan nyo po ako..

    ReplyDelete
  14. GoodDay! Graduate po ako ng Office Management 2years ask ko lng sana...pwede po ba akong Mag apply kahit babae? Matagal ko nang gustong pumasok sa pagiging sundalo...Gustong Gusto ko tlaga makapazok....

    ReplyDelete
  15. GoodDay!! Graduate po ako ng 2 years course Office Management, 21 years old,From Cainta Rizal, Kakagraduate ko lng po nung MAY 31,2016....May experience na po ako sa work kagaya ng PANTRY,CASHIER,SERVICE CREW, Nag OJT rin po ako sa Municipal hall ng cainta Sa Mayor's Office....Alam ko pong di Biro ang pagpasok sa pagiging sundalo...pero gustong gusto ko po tlaga makapazok sa pagiging sundalo...bata pa lng po ako alam Kong ito na po ang gusto ko...Sana mabasa nyo po ito at mabigyan po nito ako ng pag asang makapasok o makapag apply po sa inyo.Thank You and GodBless to all Hero!!!

    ReplyDelete
  16. sr galing po akonng army ready reserve pede po ba ko mag acctive jan sa inyo salamat po e2 po battalion ko 102 rrbn 1501-rr-bde PA

    ReplyDelete
    Replies
    1. e2 po pala contact number ko sr 09972652850 sa reservist po kase halos lahat ng gagawin sariling pera po namin ang inilalabas ehhh mahirap lang po kame hindi ko po kaya na mag labas ng pera sanay na naman po ako sa mga training ng army katulad po ng rotc tumakbo ng 3.5km hindi po ako nakayapos ng high school sa kakulangan po ng pera kaya po hindi po ako naka graduate ng high school nakatungtong naman po ako ng 4th year sa high school kaso ngalang po hangang kalahati lang po ng taon kaya po hindi po ako naka tapos sana po matulungan nyo ko my snuppy slute sr salamat po

      Delete
  17. Sir ahm ang archery po ba ay pwede po ba sa isang sundalo.ahm kasi po mahilig po ako sa larong archery.ahm nag babakasakali lang po ako kasi kapag sumabak ako sa training after kong maka graduate ng senior high baka po makatulong ang archery sa training higit na mas tatalas pa po siguro ang paningin kung ang paghawak ng pana at baril ay pinag sabay.

    ReplyDelete
  18. sir. pangarap ko po mag pulis pero hindi na po ako pasok sa age limit..30yrs. old na po ako at 2nd yr. po ako sa college pero may ilan po akong di nakuhang unit o subject..financial problem po..sana sir.matulungan nyo po ako o kami na nangangailangan para makapag lingkod sa bayan..sir.ako po si MARCK ANDACA ARELLANO birthday: September 20 1986..sir. eto po contact no.ko po (0977-633-47-63)

    ReplyDelete