Sunday, February 12, 2012

Byaheng Quiapo ni Sgt Boloy

Isang araw, naatasan si Sgt Boloy na pumunta sa Quiapo upang mamili ng gamit sa opisina. Pinili nyang sumakay ng jeep patungo sa Avenida.

"Ito po bayad ko," sabi ni Boloy habang inaabot sa drayber ang P20.00 na papel.

"Saan nanggaling itong beinte pesos?", tanong naman ni mamang drayber.

Dahil mainit ang panahon, uminit din ang ulo ni Boloy dahil sa 'bobong' tanong ng drayber.

"Eh, tinatanong mo pa! Sa pitaka ko galing yan!", nanlilisik ang matang sagot. Tumahimik lang ang drayber.

"Asan na sukli ko?", singil ni Boloy dahil alam nyang sobra-sobra ang inabot na P20.00.

"Wala nang sukli!", tila galit ding sumagot si mamang drayber.

"Bakit, magkano ba ang Avenida?", tanong ni Boloy.

"Damuho, kahit bilyonaryo ka, di ipinagbebenta ang Avenida!", sagot ni mamang drayber.

No comments:

Post a Comment