Friday, January 06, 2012

Ang Pison


Nagsasagawa ng farm-to-market road  sa Basilan ang Army Engineers na kinabibilangan ni Sgt Boloy nang sya ay nilapitan ng isang binatilyong nagbebenta ng relo.

"Sel, bili ka na ng relo na galing pang Saudi Arabia. Original ito," sabi ng batang si Umar.

"Sigurado ka? Baka madaling masira yan!" sagot ni Boloy.

"Tigasin ito sir, kahit pasagasaan ng pison mo, hindi masisira!", sagot ni Umar.

"Chyur (sure) ka? Alin ang hindi masisira????", paninigurado ni Boloy.

"Syempre sir, ang pison!", nakangising sagot ni Umar.

No comments:

Post a Comment