Monday, December 12, 2011

Caretela ni Boloy


Si Sgt Boloy ay isang sundalong taga Mindanao ang pinadala sa Manila upang mag-training. Dahil dun na sya lumaki at dun na rin na-recruit sa serbisyo militar, baguhan sya sa urban jungle ng Manila.

Bago ang opening ng kurso nya sa loob ng Fort Bonifacio, minabuti nyang gumala sa siyudad ng Manila. Napadpad sya sa Fort Santiago na napapanood lamang nya sa telebisyon.

Nakakita sya ng caretela. Gusto nyang masubukang sumakay at magpa-picture dito pang facebook.

Nakita nyang paparating ang caretela at wala itong pasahero. 

Sgt Boloy:  Para, para! Pasakay naman!

Kutsero: (Pinahinto ang caretela sa tapat ni Boloy) Ikaw lang ba mag-isa Sarge?

Nagtaka ang ignoranteng si Sgt Boloy. Sumagot na nag-aalala.

Sgt Boloy: Eh, bakit po, di mo ba ako sasamahan?????




No comments:

Post a Comment