Pages

Friday, April 17, 2015

Paano nga ba gamitin ang 'Indirect Fire Support' sa pakikidigma? (Part 2)


Sa part 1 ng aking kwento, nailahad ko ang tinatawag na Indirect Fire System kagaya ng artillery at ng mortar. Sana ay naging malinaw iyon sa inyo pagkatapos ko itong na-simplify.

Naiintindihan ko naman na ang karamihan sa mga sibilyan ay hindi kabisado paano ginagamit ang indirect fire support mula sa Artillery o kaya sa Mortars. 

Para magkaliwanagan pa more, mas maiging panoorin nyo muna itong video ng Balikatan exercises na nagpapakita ng kaalaman at kagalingan ng mga sundalo natin na kung tawagin ay 'artilyero'.


Kung inyong susuriin, napakahirap ang trabaho ng mga tao na nagpapaputok ng 105mm artillery. Kinakailangang coordinated ang lahat ng aksyon ng mga personnel nito. Remember the magic word ha: Coordinated!


Ano nga ba ang hitsura sa lugar na pinapapatakan ng artillery rounds? Panoorin ang video sa itaas na kung saan ay makikita ang pag-mark ng target gamit ang White Phosphorus (WP) bago ito ina-adjust at pinasundan ng high-explosive rounds. Naranasan ko na ang nasa posisyon bilang tiga-paputok sa posisyon ng tubo at yong tigatawag ng indirect fire support bilang Forward Observer. Bawal ang palpak mag-isip dito or else wagaaaam!

Ang tanong, masarap kaya ang pakiramdam kung ikaw ang nasa paligid ng impact area? Obvious ba ang sagot? Syempre, hindeeee! Naranasan ko na iyan sa Shariff Aguak, Maguindanao nang pinapatakan namin ng 105mm high explosive (HE) rounds ang mga MILF na umatake sa sa detachment na aking kinalagyan noong mid 1990s. Tanda ko pa ang mga dialogue na naririnig ko sa mga sundalo tuwing humahaging ang bala at lumapag mga 150 metro mula sa aming pwesto. Ito ang mga sampol:

Sabi ng Ilokano: "Apung ku!"

Sabi ng Ilonggo: "Hijo de puta!"

Sabi ng Bisaya:  "Gikolira na jud ni, mangamatay ta!"

Nakakatawa ang mga hitsura namin dahil sa takot na mapatakan ng sariling itinawag na fire support. Masakit ata yon no?

By the way, sa mga nagsasabing okay lang daw na magpapatak na lang ng White Phosphorus rounds kahit walang Forward Observer, ang gagaling nyo pre!

Dinig na dinig natin ang mga komentong sabi-sabi ng mga Dota expert na ayos lang daw patakan ang isang patrol ng artillery kahit walang kausap na Forward Observer. Susme

By the way, ito ang dapat nating tandaan: Ang White Phosphorus (WP) round ay ang bilis mag-sunog ng damit at iba pang highly-combustible materials na nasa paligid. Meron din itong component na nakakalapnos sa balat ng tao dahil instead na shrapnel ang nagliliparan, mga nakakapaso na tila tunaw na bakal ang init ang syang dadapo sa iyo! Gusto nyo i-try? 

By the way, tingnan nyo ang hitsura ng tinamaan ng White Phosphorus rounds sa video sa ibaba. 


Kung kayo kaya ang magpapatak ng White Phosphorus at malapnos kagaya ng mga biktima? Ano ngayon mga tsong, payag kang hula-hulaan na lang ang sistema sa pagpapatak ng artillery? Pa-tsamba pa more? Matuto naman tayo sa karanasan ng iba! Sisihan pa more?


Call for fire

Paano nga ba ang mga simpleng procedures para makapag-deliver ng artillery fire sa isang heavily engaged unit? 

Makinig ka ha. Wag patulog-tulog! 

Una, kailangan ng Fire Direction Center (FDC) ang grid coordinates ng requesting element na kung saan ay andon ang Forward Observer.  Sino ang magbigay ng grid? Listen carefully ha. Eh di yong Forward Observer mismo! 

Ganon? Yes. Ganon talaga. Di pwede i-text ang grid coordinate ha? Itawag mo gamit ang tactical radio. I-read back pa ito ng FDC para ikumpirma na tama ang ibinigay na mga impormasyon kagaya ng grid location, azimuth at distance ng kalaban na gustong mabatukan ng artillery rounds. Naninigurado syempre ang FDC kasi baka naman nagkawatak-watak ang patrol o kaya lumipat na ito ng posisyon habang nakikipagbakbakan. Oisst. Kapag mag-patrol ha, dapat may tactical radio na pwedeng tawagan! 

Bakit naman kailangang FO ang kausap ng FDC? Syempre, dapat direktang nag-uusap ang FO at ang FDC dahil nakakamatay iyang pinag-uusapan nilang artillery fire! Remember the magic word: Direktang nag-uusap! Kasi, kung may papalpak at mali ang napatakan, silang dalawa ang unang may kasalanan!

Paano pag walang nakakausap na Forward Observer o Patrol Leader na marunong ng Call for Fire procedures? Eh, di sorry, di ka pwedeng bigyan ng artillery support!

Bakeet di pwede bigyan ng artillery support pag walang FO? Kulit mo rin ano? Syempre, walang 'mata' ang FDC. May bulag bang accurate magpatama ng target? Iyong magician siguro, kayang maka-bullseye kahit may catarata!

Uulitin ko ha. Masakit mabatukan ng 105mm projectile, kahit white phosphorus (WP) o high-explosive (HE) man iyon! Para mas feel mo ang scenario, i-replay mo ang video sa itaas at imagine mo na ikaw iyong nalapnos ang balat.

Sa mga ayaw pa ring maniwala, sabi ng mga pilosopo na mortero at artilyero namin, open sila sa try-out ng mga taong gustong sumubok magpapatak sa kanilang kinalagyang pwesto nang maramdaman ng mga war experts ang epekto nito. Any volunteer?

Mga palaisipan

Marami ang mga bagay na pag-isipan nating lahat tungkol sa usaping indirect fire support. 

Ika pa nga sa kasabihan ay: "With great power, comes great responsibility."

Matindi ang training ng mga taong gumagamit ng artillery at mortar assets para sa pakikidigma. Hinahasa parati ang mga kaalaman na ito sa pamamagitan ng sustainment training para maiwasan ang disgrasya at masiguradong asintado ang kasundaluhan sa kanilang ginagawa. Responsibilidad ng mga taong gumagamit nito na hindi makapanakit ng kapwa sundalo at maging mga inosenteng sibilyan. Magic word ha: Responsibilidad.

Sa isang military operation, pinaplanong mabuti ng mga unit commanders ang pag-gamit ng indirect fires at inihahanda nila ang Fire Support Plan bilang parte sa Operations Order (OPORD). Kung hindi mo ito na-plano, nagplano ka na ring pumalpak! Bakit po? Eh, ang 105mm artillery ay hindi kagaya sa iyong M1911A1 Cal 45 pistol na pwedeng i-holster sa tagiliran at bunutin, itutok at iputok na mabilisan kagaya ng isang duwelo! Draw!

Kaya, sa mga experts na nagmumungkahing paputukan ng artillery ang engaged unit na walang nakakausap na Forward Observer, isip-isip pa more!


19 comments:

  1. salamat po sa info,,pero sana ipakita nyo rin ito sa senado lalo na kay cayetano ang kulit kasi puro papogi

    ReplyDelete
  2. This.. Wala po tayo sa RTS Games mga DOTA players.. Hinde ito katulad ng mouse click eh naka indirect fire support kana..

    ReplyDelete
  3. very informative, salamat po.

    ReplyDelete
  4. At the end of the day ranger cabungsky....kahit pa ano explain mo, there is no justification not to help a belaguered brother in arms...kung mistah mo yun napapakigiran ng mga terrorista, ano gagawin mo ranger cabungsky kung may order ang presidente ng pilipinas na wag mo bigyan ng reinforcement yun mistah mo na alam mong mamatay kung di ka mag bigay ng aerial, artillert or ground support...susundin mo ba ang utos ng presidente o mag takelife ka para masaklolohan mo mistah mo....Ranger Cabungsky....MAN UP!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree, we must really help our beleaguered brothers. Kahit ako yong andon, makikita mo yong prinsipyo ng walang iwanan na sinusunod namin sa First Scout Ranger Regiment.

      I believe it remains a speculation that the President had given a direct order not to provide artillery fire. Wala namang nakapagpatunay dyan kundi panay haka-haka ng mga taong gustong idawit si Presidente sa isang tactical level failure.

      Back to basics muna tayo sa principles of patrolling missions bago tayo mag-challenge ng 'Man up!'.

      Una, ang plano ay dapat kumpleto. Dapat alam ito ng lahat (bawal i-compartmentalized ang mismong kasama sa Task Organization). Dapat kumpleto ang contingency plans (sa amin merong tinatawag na PACE o Primary, Alternate, Contingency at Emergency Plan). Kasama sa plano ang Fire Support Plan kung kailangan naman pala ito. Meron ba talaga sila noon? Wala, obviously. Ewan lang kung may maipakita ang mga planners na complete OPORD showing these details. I am not saying na wala kasi wala namang ipinipresent sa BOI.

      Then, ang plano ay ini-rehearse yan gamit ang terrain model at maging simulated terrain conditions. Doon magkaalaman kung may hindi gumaganang parte sa plano o kaya failures ng equipment.

      Naipaliwanag ko na sa article bakit hindi nagbigay ang isang TCP ng artillery support. SRM (Simple reading matter) naman iyan kaya di ko na uulitin bakit di pwede text-text lang without active commo with FO/Patrol Leader. Kahit ako ang nasa FDC, I won't deliver even WP round. Di ko masikmura i-takelife ang aking mga kabaro at isugal ko na malapnos din sila ng WP. Aside from the fact na alam na alam kong ako ang pinakaunang sisihin. The Scout Rangers (1srbn) had a horrible experience na mapatakan ng artillery sa Puno Mohaji noong April 2000. Ask them kung payag ba ang kagaya sa kanila na i-take life na lang ang artillery fire just for the sake na ipakita na sumuporta.

      Teka, to be frank, kung sumama kaagad yong 45 SAC sa grupo ni Sgt Jaranilla, solved ang problema sa FO! Si Sgt Jaranilla na dapat makakagawa noon di ba? Eh, 14 lang tao nya ayaw naman samahan ng 45 SAC eh di napilitan silang umatras pabalik sa TCP kasi mismong ang 45 SAC na ang mission sa OPORD ay to provide support to the 55 SAC, ayaw naman gawin yong tasking nila. Problemado tayo doon. Dapat iyon muna ang paimbestigahan nyo.

      Balik tayo sa "Man up" challenge fellow Cavalier!

      Kung ako uutusan ng Presidente na wag i-reinforce ang tropa? Well this is an impossible scenario kasi a Battalion Level and even a Division level Commander does not take direct orders from the Commander in Chief (President) as per Chain of Command Principle.

      So, kung may tatawag sa akin na kaboses ng Presidente at mag-uutos sa akin ng isang tactical level order, I wont follow that order kasi hindi idinaan sa Chain of Command. Kahit magkamatayan na kaming mga patrol leaders sa gyera, Chain of Command ay hindi sisirain para hindi mawindang ang military operation. I won't follow an illegal order. That is quite clear. Kung ako yong katabi ng mga kapwa ko Scout Ranger na sina Ranger Ryan Pabalinas at Ranger Erana, kahit aking ikamatay, hindi ko sila iiwan. Hindi ko sila pababayaang kawawain ng mga balasubas na kaaway. Ganoon sana ginawa noong 45 SAC at mga katabi mismong mga PNP SAF units. Ganoon ang challenge na 'Man up!"

      Sa aking mga kapatid na mga mandirigma sa ibang branches of service at maging sa PNP SAF, wag tayo mag-iiwanan kung tayo ay nasa frontline. Let's Man up!



      Delete
  5. ^edi sana yung "utos" ni PNoy should also apply dun sa DRCs na nag rescue sa ilang SAF elements na hindi dapat sila tumuloy??

    The organization that they do not trust (AFP) according to Dir. Napenas is the same organization they expect to rescue them! Wala na ngang coordination, sila pa ang may gana na manisi for their cluster****!

    Yung "man up" statement ni Supt. Mangahis is just plain BS, he himself and the other SAF officers who planned the mission should be the one to man up for failing to admit there own incompetence, over confidence, and pinning the blame on others for their own mistakes. Yung DRCs na nag rescue are asking na i-guide sila kung saan yung pinned down troops, ayaw naman nila samahan! They could have been the FOs as Sir Cabunoc commented.

    Pero it seems majority ang mindset na the remaining 300 or so SAF operators na natutulog sa pansitan ay walang kasalanan, pero yung Army units na undermanned at nanghihingi ng coordination para matulungan yung mga kasamahan nila, sila ang may kasalanan!

    Man up SAF officers

    ReplyDelete
  6. @ Man up officers,military ka ba? alam mo ang COMMAND POST? hindi pedeng iwanan yan na 300 SAF kaya nasa tropa sana ni PANGILINAN yan bilang RESCUE UNIT "ANG PAG ASA PERO BIGO" at alam mo bang kaya sinabi ng US intelligence "FIRE ARTILLERY" kasi may GPS sila ng SAF 44 ang US intel at may REAL TIME during MAMASAPANO REAL TIME DRONE at RECORDED yan na sa ngayon ay wala pa at naniniwala akong lalabas din yan mga "WAR EXPERT".(may mga kakulangan ang BOI repor)t dahil maselan na direktang magtuturo sa mga dapat managot @ rangercabunzky tama po kayo pero base sa protocol pero hindi sa panahong ng MAMASAPANO OPLAN EXODUS RESCUING 55TH at gumamit ng GPS at DRONE ang US INTEL yun GRID na tinatawag eksakto na sa GPS ng SAF 44 "is there possible "FRIENDLY FIRE" ba e di sorry "IMPOSSIBLE" hawak mo na nga GPS ng SAF 44 ilayo mo nalang with in the RADIUS pambihira, magsasakripisyo tayo at mag mumukhang katawa tawa sa buong mundo dahil lamang sa pagtatago ng ating kakayahan para ipatupad ang ating tungkulin at kakayahan bilang mandirigma? BEFORE WE DIED WE WILL TELL OUR ACCOMPLISHMENT AND FAILURE! REMEMBER THIS!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HOY, IGNORANTE LANG ANG DATING MO BRAD. PULIS KA BA? INILILIHIM NYO AT GUSTONG SARILIHIN ANG TAGUMPAY AT NANG PUMALPAK AY GUSTO PATI ANG ARMY NA WALANG KAALAM-ALAM SA INYONG PINAGGAGAWA AY GUSTO NYO ITURONG MAY KASALANAN. SATSAT KAYO NG SATSAT LALO KAYONG LUMULUBOG SA KOMUNOY NG INYONG KAPALPAKAN!

      Delete
  7. 'di ako military, my father is. Di ko na iexpound yung artillery part because Ranger C explained it very well.

    Ang real issue naman dito is why the remaining SAF troops (reported to be around 300) remained and did not helped their comrades - wag nyo pong sabihin na lahat sila sentry sa command post or route security, am quite sure pwede sila mag deviate from their tasks to rescue their brothers, instead of waiting for the "slow AFP" to come rescue their a**

    According sa House hearing, yung DRC unit na nagpapasama sana sa 45thSAC eh ayaw naman nila sumama para sana i locate yung troops na nangangailangan ng support - as Sir Cabunoc wrote na sila sana pwede mag FO

    Yes magmumukha talaga tayong katawa tawa lalo na pag di nag "man up" and mag admit for their failures ang SAF leadership and instead passing the blame for their incompetence

    ReplyDelete
    Replies
    1. KUNG NAG-MAN UP SANA SI SUPT MANGAHIS AT SUPT MANGALDAN, PAREHOS NA BAGITONG BATTALION COMMANDER NG SPECIAL ACTION BATTALION, SA TOTOO LANG AY KAHIT WALANG ARTILLERY, KAYANG KUYUGIN NG SAF ANG MGA ARMADONG NAGPINTAKASI DOON. SANA AY NASAGIP IYON AS EARLY AS 6:00AM DAHIL NASA 500 METRO LANG ANG LAYO NILA. DAHIL MGA DUWAG ITONG SINA MANGALDAN AT MANGAHIS, DAMAY NA RING NADUWAG ANG DAAN-DAAN NILANG MGA TAUHAN.

      MAN UP LAKAN MANGAHIS AT MANGALDAN! MAN UP!

      Delete
  8. Walang pagkakaiba si Napenas kay Purisima. Lahat tinurong may kasalanan except ang sarili nya... Dapat kay Napenas sinabi ng SAF ang "Man Up" sir Where is your B_lls?

    ReplyDelete
  9. Ang Spartan 300 hindi nagiwanan, They fought the massive Persian army against the odds....
    Ang SAF 300 binantayan ang kalsada habang kinakatay ang ka tropa nila... Their leadership was not able to adjust according to the situation in the grounds.
    Now sino ang dapat mag "MAN UP".

    ReplyDelete
  10. mga bok, UNA negative dumampot ng SAF para gawing FO on the spot NO WAY! syempre hindi naman nila alam yan basic FO at wala silang training dyan at hindi sila pedeng umalis sa pinopostehan nilang location intiyiende?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir mawalang galang bakit hindi sila pwedeng umalis sa location nila mas importante bang bantayan ang kalsada kaysa mag reinforce sa kasamahan nilang napipintakasi? eto ang di ko maintindihan sa nangyari...mas mahalaga ba ang exit point kung ang mga e-exit eh di na makalabas?
      Kalsada o buhay???? nagtatanong lang...

      Delete
    2. Hindi naman sila yung pinapag-FO, yung DRC unit na nagpapasama sa 45thSAC ang pwedeng mag FO as said by Sir C kasi someone nga is trained to call for fire.

      Malay ba nung mga Army units na nag respond kung saan yung mga SAF troops na pinned down, kaya nagpapasama sila para ma identify ang both friendly and opfor positions para ma iwasan ang friendly fire

      Delete
    3. hindi usapang barangay lamang yan na nagpapasama sa tanod??? alam kung sino man taga AFP na yang nagpapasama na may LO yan 300 pnp saf. kayong mga taga afp tigilan na yan usaping nagpapasama sa mga saf ano ito maliligaw kayo sa maisan at pilapil? para sa inyong kaalaman may radio monitoring communication yan detalyado ang operation pero syempre classipied info at pag lumabas na makakamit ang hustisyang hinihingi ng sambayanang filipino,

      Delete
  11. take note nyo civilians, nakapag deploy na ng UNIT ASSIGNMENT ibig sabihin kelangan i secure ang perimenter,kung anong oras matapos hanggang sa magutom sila dun at hanggang walang PULL OUT ORDER! THATS AN ORDER! at kung magka aberya sa lugar na kung saan naka LO (LETTER ORDER) kahit na sinong heneral ng AFP hindi sila pedeng hugutin na lamang sa lugar ng walang pahintulot sa ground commander at verbal lamang yan NEVER! PEDE NGANG SABIHAN SI HENERAL MAGDALA KA NG TAO MO DAHIL PAGLABAS NG KAMPO MAY PAPEL NA YAN PROPER AT LEGAL FOR DOKUMENTASYON ANUMAN ANG MANGYARI COORDINATED hope you all enlighten. etong tanong ko sa bawat isa sa inyo kung papipiliin kayo ano ang IN-CHARGE SA ARMY ano ang gusto nyong sakyan ng ililigtas nyo AMBULANSYA O KARO? isarado ko na itong usapin na ito,alam nyo na mga BOK at nasa PUSO nyo mismo ang kasagutan,MGA DAPAT TANDAAN SA NANGYARI 1) paano mo i handle ang sitwasyon sa oras na kinakailangan may mabilisan pag dedesisyon at hindi magsasalita ka ng ako ang heneral dito ako ang IN-CHARGE dito dawin mo ang nararapat ma babalanse mo ang sitwasyon kailangang ipakita mo sino ba ang dominante dito kayo bang mga kalaban o kaming may mga dalang 105mm howitzer o kahit mortar nalang take note hindi mo kailangan direktang itama ha gagastos tayo sa ammo para lang sa pagsasalba ng buhay ng mga katropa naisip mo ba yun? nakikiramay po ako sa pamilya ng nagbuwis para sa pagsunod ng tungkulin, iniyakan yan ni gen napenas dahil inamin nyang siya ang in-charge sa actual operation pero hindi nya kasalanang may hanganan ang suportang ininigay, paglilinaw sa inyong opisyal ng magpaka opisyal tularan nyong bayani si Lt. Bandong, AMBULANSYA at hindi KARO at sasabihin mong ako IN-CHARGE dito.IMPIYERNONG SITWASYON IKAW AY DEHADO SA LABAN diba kapwa ko SUNDALO O PULIS?IMPORTANTENG MALAMAN NG ORDINARYONG CIVILIAN NA PAPASOK SA MILITARY KAYA KAYONG NAMAMAHAYAG SA NGALAN NG TUNGKULIN GUMITNA NA LANG KUNG NAMIMILIGRO ANG INYONG AMBISYON HINDI AKO SI PURISIMA PERO TAKE MY ADVISE PARA SA INYONG KA KABATANG KA MISTAH NAGBUWIS NA NAG "KABATAANG SAF 44" SALUDO AKO SA INYO!

    ReplyDelete
  12. Hi Sir Cabunoc..Center peel tactic po ba hindi uubra sa scenario nung na-pinned down ang 44th SAC?thanks po

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe di ko na po sure kung what company.sorry

      Delete