Pages

Sunday, March 15, 2015

5 Reasons why Basit Usman's snipers could not actually hit a man-size target at long distances


Kitang-kita sa larawan ang maling set-up ng scoped rifle (M4 Carbine Rifle/M653) ni Basit Usman (2nd from left) at ang kanyang BFF na mahiyain na gumagamit ng AK 47 Rifle.

Napapangiti na lang ako tuwing naririnig sa pagsasalarawan ng iilang Pilipino sa mga self-proclaimed snipers na kagaya nina Basit Usman at Marwan, na sila ay mga kilabot dahil sa kanilang angking kaalaman sa long-range shooting.

Pagkatapos kong naranasan ang pakikidigma noon at nakikita ang kanilang combat actions na ina-upload sa Youtube, sa palagay ko ay exaggeration ang claims na sila ay mga batikang 'sniper' kuno. 

Ang naging resulta naman noon ay merong iilan sa mga sundalo at pulis ang hesitating o nag-aatubili sa pag-maneuver tuwing engkwentro dahil sa takot na bala ng Cal. 50 ang makipag-high five sa kanila. May basehan ba talagang tayo ang matakot sa mga iyon? Sa aming biruan sa GHQ, bakit tayo magpa-psyops? Damn! 

Sa aking obserbasyon, maihahanay sa 'Ripley's Believe it or Not' ang kwento na meron sa kasalukuyang mga mandirigma sa Maguindanao o lahat ng conflict areas ng ARMM ang tunay na maalam sa long range shooting. Sa aking palagay ay kagaya rin sa iilang gun enthusiasts na gumagamit ng scoped rifle, pormatic lang sila. 

Unang-una, O.A. na nga kung tawagin natin ang mga iyon bilang snipers dahil lamang sa naka-scope ang kanilang baril kagaya ng nasa larawan ni Basit Usman. Bakeeeeet? Ganito yon, sa aming 'baliw sa baril' at bihasa sa pag-gamit ng scoped rifles, obvious masyado na panay porma lang yan. Parang kwento lang iyon ng maliit na langaw na ipinangalandakan na sya rin ay kalabaw dahil nakapatong sya sa ibabaw nito. Hello, langaw, don't tell me you're a kalabaw!

Para lumiwanag ang malabong kwento, ilahad ko sa iyo ang mga rason kung bakit hindi naman sila makakatama ng target sa malayuan lalo na sa layong sobra sa layong 200 metro. 

1. Kulang ang Sniper Skills. Una, para magampanan ng isang indibidwal ang misyon ng isang sniper, dapat hasain nya ang tatlong separate skills. Remember ha, tatlo iyan: Marksmanship, Tactics at Field Craft. Kung kulang ng isang skill, hindi mo magagawa ang mahirap na misyon ng sniper at matagurian kang panay porma.


Gamit ang aking precision rifle at match-grade ammunitions, ang aking standard sa shot group (distansya ng bawat tama ng bala) ay 0.25MOA o .25inch sa 100m. Ang ibig sabihin nito, kaya ng rifle na ang shot group na 2.5 inches sa layong 1,000 metro (1 km).

2. Di alam ang Science of marksmanship. Sa larangan ng marksmanship, napakarami ang inaaral dito kasama na ang parte ng syensya. Hindi ito simpleng tapat-tapat lang ng crosshair then kalabit at makatama ka na! Habang palayo nang palayo ang target, mas lalong lumalaki ang percentage of error kaya inaalam ng shooter ang lahat ng factors na syang dahilan ng shooting errors kagaya ng external factors na wind velocity, temperature, elevation. Napakahaba kung ikwento ko lahat kaya banggitin ko na lang ang tinatawag na wind factor. Kung malakas ang hangin, inililiko nito ang bala lalo na kung ito ay 'crosswind' o 'full-value wind'. Para maitama mo pa rin ang bala, dapat marunong kang mag-compute ng wind drift (liko ng bala) base sa distance ng target, ballistics data ng ammo (velocity ng bullet sa specific distance). Kung hindi naintindihan ng shooter ang Minute of Angle (MOA), ewan ko na lang kung sniper nga sya. Idagdag mo na rin doon ang Marksmanship principles kagaya ng steady-hold factors, trigger squeezing, at follow through. Ang gulo no? Tingnan mo silang humawak ng baril kapag lumalaban gamit ang kanilang locally-assembled na 'Barit' (Maguindanao version of the Cal .50 Barrett Sniper Rifle).



Sa video ay makikitang ipinipilit na iputok ang kanilang 'Barit' gamit ang standing position, ang pinaka-unstable na shooting position. Ang dahilan dito ay wala silang clear fields of fire. Walang silbi ang scoped rifle kung panay cogon at dahon ng saging ang makikita mo sa teleskopyo. In the end, pananakot lang ang dating ng kanilang Cal .50 dahil malakas itong pumutok ngunit mas malamang ay molecules ng hangin pati mga puno ng niyog sa harapan ang madalas tinatamaan nito. Therefore, ang 'Barit' ay malaking version lamang ng 'Surit-surit' ng mga Bisaya!

3. Maling set-up ng scope. Tinitingnan ko pa lang ang larawan ng kanilang scoped rifles, kita na agad na pa-tsam ang pag-set up nito. Halimbawa, si Basit Usman na naka-M4 rifle ay gumagamit ng high-power scope na tila ay mekaniko ng kuliglig ang nag-install nito. Marami ang considerations sa pag-install ng scope para ang gumagamit nito ay hindi mahirapang magpatama. Halimbawa, kung assault rifle gamit ko, di ako papayag na mataas ang 'power' ng scope kasi liliit ang aking 'field of view' (FOV) at ang nangyayari ay sobrang magalaw ang nakikita mong imahe lalo na at pagod ka rin sa movement na hinihingal ka habang sumisilip. Karagdagan pa dyan, ang scope nila ay basta na lang ipinatong sa riple at hindi isinaalang-alang ang tinatawag na 'eye relief' o distansya ng mata mula sa ocular lens (likurang bahagi ng scope). Ano ang kahihinatnan nito? Panay shadow sa gilid-gilid ng scope at mahirapan kang makuha ang 'perfect sight picture' na syang kailangan para magpatama. 


Mahirap ang mag-set up ng scope at kasunod nito ay ang hirap paano ito i-zero sa iba't-ibang distances. Dapat nakatutok sa parehas na linya o point ang scope at ang barrel para ito ay ma-"zero".

Ang scoped rifle ay ginagamit din ng mga kampeon kong mga kasamahan sa Philippine Army Shooting Team sa kanilang pakikipagtunggali sa larangan ng pagtudla sa Australian Armies Skill at Arms Meeting. Iniintindi namin ang mga katagang Minute of Angle at Milliradian (Mil) na syang ginagamit sa pag-compute ng mga long range shooters at snipers.

Ito ang inaaral naming multi-target shooting para sa aming mga sundalo na ipinapadala sa field para labanan ang mga terorista. Iron sights lamang ang aking ginagamit hanggang 400 metro, ang distansya para sa ordinary riflemen.

4. Hindi precision rifle ang 'Barit'. Ang arte at  syensya ng pagpapatama sa target sa malalayong distansya na sobra sa required skills ng ordinary riflemen, ay kailangang hasaing mabuti sa mahabang panahon gamit ang maka-modernong kagamitan. Pag-usapan na lang natin ang riple na kanilang ginagamit, ang 'Barit'. Ito ay locally assembled at kung anu-anong bakal ang ginagamit. Ang tinatawag na 'heart of the rifle' ay ang barrel, at sila na rin gumawa nito pati ang rifling. Tama ba ang rifling twist? Tama ba ang crowning? Tama ba ang headspace? Mga kapatid, ang batikang gunsmith lamang ang nakakaintindi ng mga bagay na iyan. Kung ang Cal. 50 Barrett Sniper Rifle ay ginagamitan ng match-grade barrel na kagaya ng Krieger, ang kanilang 'Barit' ay kung saan-saang kanto lang napulot ang bakal. Ika nga eh, if you plant camote, you will harvest camote. Kung pangit ang barrel, hindi nito ma-stabilize ang bullet simula pa lang sa loob nito (internal ballistics), kaya ay posibleng 'Boy Tumbling' ang inaabot ng bala pag-exit nito sa muzzle.


Para makatama sa malalayong distansya, dapat maayos ang set up ng baril mismo (match barrel, match trigger, free-float, tactical scope). I-partner naman ang magandang precision rifle sa taong precision shooter. Ika nga ng mga batikang Army shooters ay: "Di lang sa pana iyan, nasa galing din ng Indian!"


Kung maayos ang set up ng rifle at parating nagsasanay ang gumagamit nito, mas malamang tagumpay ito sa mga labanan. Kung malapitan ang engkwentro, mas mainam ang iron sights kay sa scoped sights.

5. Walang sustainment training. Ang long-range shooting ay kailangan ng tuloy-tuloy na pagsasanay sa known distance range (KDR) at maging sa real-life shooting scenarios na panay unknown distances ang kinalalagyan ng targets. Ika pa nga ng aking world champ shooting mentor na si Marat Niyazov ay: "Shooting skills are perishable skills. Don't be lazy. You must continuously practice these skills Lt. Cabunakov!". Ang ibig nyang sabihin, kagaya ng itak, napupurol ang talas nito kung hindi hahasain parati kaya naman ay hindi ko tinatalikuran ang pagsasanay sa kaalaman na ito na importante sa aking serbisyo. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsasanay, ang pag-iisip ay nahahasa sa araling kagaya ng distance estimation, wind estimation at hold-off, moving target 'lead' at angled shooting hold-off. Sa mga Army snipers, ang heavy caliber sniper training gamit ang Cal .50 ay ginagawa sa kampo na may firing range na ang layo ay 100 metro -2,000 metro. Ang tanong ko ngayon, meron bang ganyang training sina Usman at ang friends nya sa BIFF? Sagutin ko na rin. Wala! Therefore, wag matakot sa nagpapakilalang Sniper ng kalaban.

Dahil ang ordinary rifleman ng AFP ay tinuturuang magpatama hanggang 250 metro (400 metro para sa advanced marksmanship at Designated Marksman's Training), tayong mga sundalong asintado ang dapat kakilabutan ng mga kriminal at teroristang kagaya nina Basit Usman


Sa aking pag-iikot sa field units ay iniimbentaryo ko rin ang skills ng mga sundalo na dumaan sa Scout Sniper Training at ipinamahagi sa kanila ang mga bagong kaalaman na napupulot sa ibang paaralan ng pagtudla. 

Ang sustainment training ay tuloy-tuloy na itinataguyod ng Philippine Army sa lahat ng mga yunit sa buong kapuluan sa pamamagitan ng Division Training School at sa mobile training teams  (MTT) ng Marksmanship Training Center. Dahil dito, mas kampante tayo na mas magagaling ang ating kasundaluhan sa pakikidigma kaysa mga pwersang nakakalaban.


37 comments:

  1. Sir Please let me support your blog by adding it to my favorite informative blogs on my index blog site, where we help and support sites promotion for additional exposure on search engines by SEO.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Alvin, I appreciate it!

      Best regards!

      Ranger C

      Delete
    2. Dear Col. Harold Cabunoc,

      Napakaganda ng blog mo sir, lagi ako visit dito pag me time ako, if you could see your counter, especially north america counter.. I'm a frustrated soldier wanna be, having taken the PMA entrance exam twice, '97'98.. but hindi ako pinalad.. gusto ko kasi magsilbi sa inang bayan natin.. pero dahil nga sa kahirapan ng buhay namin, nakumbinsi ako ng aking nanay na mag ibang bansa.. kasama ko na ngayon dito ang aking misis..

      Sir.. I'm sure, sa iyong galing at humility, ikaw ay tataas pa ang ranggo.. I would like to reach out to you, kahit through email lang.. gusto ko sana mag donate (even hindi ako mayaman) kahit paisa isang combat boots lang, and you give it to one soldier na napipisil mo.. naappreciate ko kasi ang mga totoong sundalo fighting for peace sa ating bayan.. I felt kung gaano kahirap ang buhay nila lalo na when I read through your stories and leadership experiences.. humahaba na comment ko sir.. but until then..

      Kudos to you Sir! **Salute**

      Delete
    3. Hi Joe, sorry for the late reply. I am sending Saludo Package (care package) for our soldiers who are stationed in the West Philippine Sea and conflict affected areas.

      For details on how to support our soldiers, shoot me an email here harold.cabunoc94@gmail.com

      Big thanks!

      Ranger C

      Delete
  2. keep dreaming! as of today there are 100+ soldiers died in the ongoing fight between the afp and biff.. sad but i hope peace will prevail over us! :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. You are hallucinating my friend. Keep counting the number of molecules hit by Basit Usman's 'snipers'.

      We are not proud about the deaths of our fellow Filipinos who opt to fight us instead of supporting the ongoing peace process.

      We will fight the terrorists like Basit Usman and the bands of criminals led by Tambako, Karialan and Kato. We will protect the ordinary civilians against these thugs. We will support the peace process by fighting these peace spoilers.

      What about you?

      Delete
    2. Talaga lang ah? Hnd ba sapat ang mukha ng mga sundalo mong SAF, sabog na sabog..

      Delete
    3. Bro, ang pinag-uusapan dito ay ang sinasabi mong 100 casualties ng sundalo sa ongoing law enforcement operations against sa BIFF. Ngayon, bumabalik ka na naman doon sa Mamasapano incident.

      Huwag ka nang sumali sa propaganda para kumampi lang sa BIFF. Ang aming pagtugis sa mga teroristang grupo ni Usman at sa mga kriminal na kagaya nina Tambako at Karialan ay naaayon sa aming sinumpaang tungkulin upang ipagtanggol ang ordinaryong mamamayan.

      Huwag mong kalimutan na sina Gani Saligan at Kagi Karialan ang unang nang-atake sa Kabasalan at nagdulot ng paglikas ng 25,000 ka tao noong Pebrero. Hwag mong kalimutan na ang BIFF ay kumokontra sa BBL na gustong-gusto nyong makamit para sa Bangsamoro.

      Kung ikaw ay para sa kapayapaan, ikaw na ang maghikayat sa BIFF na sumuko na lang o kaya makiisa na lamang sa peace process kagaya ng MILF.

      Kung di mo magawa iyon, baka naman ay hindi ka pa handa para sa kapayapaan.

      Delete
    4. Sir Cabunzky PWede bai isama mo na sa iisnipe yang si anonymous kamote isa sa friendster ng mga teroristang moro yan.

      Delete
  3. Now very clear explanation sir,:)

    ReplyDelete
  4. Now that you gave your observations regarding their mistakes,wouldn't it be dangerous if they start to make adjustments and corrections?Baka humingi ng tulong sa mga foreign military supporters nila nag mga iyan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. this is also my concerns, a sight improvement on this terrorist can put our troops in a more difficult situation
      ...

      Delete
  5. Pls. sir send your reply to my comment above to this gmail,am having a hard time to enter my gmail and facebook accn't....my comment is just above this comment using anonymous...sanigeronimo24@gmail.com/my facebook accoun't...saniger,thank you and keep safe always!

    ReplyDelete
  6. Hello sir. Panu po ba mag subscribe sa mga blog niyo po?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Just look at the right side of this blog. Enter your email doon sa Subscribe portion, and voila! :-)

      Delete
  7. Beware of the anonymous sender because they may hack your account.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Phising boys? Nah, let them try lang.

      Thanks bro! :-)

      Delete
  8. Would it be possible sir harold na ang biff nakabili na ng aftermarket barrels? Sila na lang gumagawa ng mechanisms ng rifle which is really easy to copy from existing rifles. Pero yung barrels nila mga branded. Kung sa quality lang ng steel na gagamitin, punta ka lang ng binondo kumpleto na ang ibat-ibang klase ng steel.

    ReplyDelete
    Replies
    1. spare baRRELS OF GOVERNMENT ISSUED 50 BMG MACHINE GUNS. DAPAT MAGCONDUCT NG INVENTORY ANG AFP.

      Delete
  9. If they, the biff are able to get ammos for the .50 cal., how much more yung barrels sir? And by the looks of some biff .50cal rifles, parang hindi lahat 'barit' sir. They have some authentic AR50's. So parang hindi madali i under estimate ng isang
    sundalo and sinsabi nila na mga kulang sa
    kaalaman na snipers. These terrorists are really capable. I've seen you shoot long range sir sa demo, damn your good! pero kasing galing mo kaya yung mga sundalo natin na nsa field? May practice kaya
    sila? May bala ba na allocated para sa constant practice? I also came from the uniformed service and i know na after ng training halos wala nang follow up yun.

    ReplyDelete
  10. Saludo ako sa ginagawa nyo sir. Nandito lang kami sa likuran handang makiglaban kung kinakailangan. Pero ang kapayapaan ay bigyan natin ng magandang daan.

    ReplyDelete
  11. barit.....100% accurate in shooting air molecules.hahaha

    ReplyDelete
  12. Sir, how about yung Magnus effect at Coriolis effect?

    ReplyDelete
  13. Eh! Kung hinde sila marunong buamril ng Barret eh bakit may basag na ulo sa mga SAF eh kalron-klaro na galing sa bala ng CAL.50 SNIPER/Barret yon.

    ReplyDelete
  14. Puro kaU salita sir wla namn sa gawa.. Eh kung tunay na magagaling kaU ay dapat ang mga rebelde ang umaatras.. Nag rereklamo nga kaU sa barret kaC, at napatunayan namn na mas magaling ang sniper ng mga rebeldi kaysa sa inyo. Basag nga ang bungo ng SAF na tinamaan ng Barret!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually Sir Cabunski have been killing Moro Reb since the 1990's using barret so he knows what hes taking about. He is a match maker actually and been arranging meetings with 72 goat virgins for martys for years.

      Delete
  15. nakopu! sana hindi nalang po kayo nag bigay ng tip... baka magamit pa yan ng mga kalaban.

    ReplyDelete
  16. Good observation of the enemy from your part, keep up the good work sir....

    ReplyDelete
  17. The MILF aught to make .50 Cal Browning heavy machine gun instead of "Barit" sniper rifle if they don't know how to use it. they are so damned stupid......

    ReplyDelete
  18. Very much correct!... Walang theory ang mga taong yun...It is really hard to zero in your scope with the rifle...pogi points lang yun...

    ReplyDelete
  19. ung mga barit boys jan, pag tumama ang bala ng barrett .50 cal sniper rifle sa ulo, wala ka nang makikitang ulo, pati leeg ay malamang ay wasak, kaya hndi bala ng barit ang tumama sa ulo ng SAF Troopers, nakahiga na sila ng barilin ng malapitan, kaya basag ang ulo nila... kaya cguradong hndi ung barit ng mga sniper nila ang nakatama...

    ReplyDelete
  20. Original ang barrels ng .50 ng biff. Mga galing backdoor. Kaya di dapat i under estimate. And Remember sir, vassili seitzev, the sniper with the highest number of confirmed kills during ww2 has no formal training. He's just a hunter, a natural shooter. Kaya kulang man sa academic o scientific kno how yung mga sniper ng rebelde, di mo rin masasabi na di dapat katakutan. Never under estimate an enemy...

    ReplyDelete
  21. posible ang ginamit nilang barrels ay mga spare barrels ng 50 bmg. sa distance na 200 to 400 meters may ttamaan na man siguro sila

    ReplyDelete
  22. You inspired me sir to be a soldier too!

    ReplyDelete
  23. So maaaring tama po ang suggestions ko na dapat hindi kaagad brute force attack ng marines, apc at bombers ginawang response sa marawi sa first stages, dapat snipers vs snipers muna parallel sa diplomatic talks at evacuation. I also suggested new decoy strategy, creative curtains, smoke factors, hispeed camera shots to be synthesized on spot by field computers for analysis din etc. These could have reduced civilian, soldier casualty and property destruction. My pov.

    ReplyDelete
  24. I AM ONE OF UR STUDENT AT 403ERD BDE MARKMANSHIP TRAINOR COURSE AND OUR TEAM AWAEDED AS HE BEST TEAM COMPOSESD OF ONE OFFICER AND 4 ENLISTED MEN,,FM 544E,52EBDE PA, WE TOP THE CLS....AND WE IMPART OUR SKILLS FM U ,,,NAKTA PA NGA KTA NA GINAMIT MO ANG 45 PISTOL MO NA PANG SNIPE...I BELIEVE THAT WITHOUT PROPER TRAINING OF MAEKMANSHIP MAN CANOT ABLE TO HIT THE TARGET...HINDI YAN MADALA SA ABE MAEIA O HELP ME GOD TO HIT THE TARGET.IT NEEDS CONSTANT PRACTICE..AND EFFORT....AFP IS THE BEST MARKSMAN THAT CAN HIT 200 TO 400 MTRS INSTANTLY......I WAS THERE AT CP IMPALAMBONG SIR.. SALUTE U....SNIPER.....ZEUGRAW 79 TANAY RIZAL

    ReplyDelete