Saturday, February 07, 2015

Paano nga ba gamitin ang 'Indirect Fire Support' sa pakikidigma? (Part 1)



Kuha ang larawan noong February 2002 na kung saan ay unang isinagawa ang Balikatan Exercises kasama ang mga tropa ng US sa lalawigan ng Basilan. Ang kaalaman sa Observed Fire Procedures ang itinuturo sa mga Scout Rangers sa SRTS at ito ay aking napakinabangang husto sa mga panahon na iyon.

Sa aming mga mandirigma na nasa Infantry, kasama sa itinuturo sa aming kurso ay paano gamitin ang Indirect Fire Support mula sa Field Artillery at sa infantry mortars na organic weapons ng Infantry Company at Infantry Battalion. 

Ito ay napakahalagang suporta para sa heavily engaged troops lalo na kung mas marami ang kalaban. Ang pamamaraan ng pag-request ng suporta mula sa assets na ito ay dapat kabisadong-kabisado ng mga Patrol Leaders (opisyal o NCO), dahil kapag pumalpak ka dito, lagabog ng high explosive rounds ang kakalampag sa posisyon mo!

                           
Larawan ng mortar section members ng US armed forces na nagsagawa ng indirect fire mission para sa engaged troops.


Kilalanin muna natin ang mga taong bumubuo sa Infantry Mortar Section na binubuo ng anim ka tao, at dalawang mortars. Kung sa Infantry Company, ang issue ay ang 60mm Mortar at 81mm Mortar naman kung sa Infantry Battalion.   

Ang Mortar Section at ang mga kagamitan na kinakailangan nito para magsagawa ng indirect fire mission. Maalam sa kanilang responsibilidad ang bawat miyembro ng team na ito.


Ang Indirect Fire System

Alamin naman natin ang bumubuo sa sistema ng pagpagana ng indirect fires mula sa mortars o artillery.  Maihalintulad ko ang buong sistema sa isang buong katawan ng tao. 

Kung ikaw ay ang Patrol Leader ng tropang napa-engage o nagpa-patrol,  o isang sundalong may kaalaman bilang Forward Observer (FO) na kasama sa patrol, ikaw ay ang tinaguriang 'Eyes' (Sensor) na syang titingin sa target at syang may responsibilidad paano ipatama ang bala. Ang taong tiga-compute naman para makabigay ng firing data, ay ang Brain, at ang mga taong tiga-execute ng firing commands ay ang 'Muscle' o katawan. 

Therefore, para makapatama tayo sa target, kailangang nagkakaintindihan at magaling sa kani-kanilang responsibilidad ang Eyes, Muscle, at ang Brain. Dahil buhay ang nakataya, bawal ang pa-tsam, mga tsong!

Illustration ng sistema ng indirect fire na kung saan ay hinahasa ang kaalaman ng mga sundalo na gumaganap sa mga trabahong ito.



Mission-essential equipment

Ang mahalagang gamit na dala ng isang Forward Observer (Eyes) ay mapa, lensatic compass, binocular na may mil reticles, tactical radio. Kung may modernong kagamitan kagaya ng laser range finder at GPS receiver ay mas mabuti.

Ang military type binoculars ay merong reticle na ginagamit sa pag-adjust ng patama ng indirect fires mula sa mortar o artillery. Minsan, kapag wala kaming Steiner binoculars ay MM (mata-mata) na lang ginagamit namin o estimation na lang.

Ang lensatic compass ay basic tool na kailangan ng mga sundalo para mag-navigate sa panahon ng patrols at pati sa pag-direct ng fires mula sa mortar o artillery. Kasama ito sa tinatawag na mission-essential equipment na dapat nakalista tuwing may combat patrols.


Ang mga mahalagang kagamitan naman ng isang FDC (Fire Direction Center) ay ang M16 Plotting Board, Ballistics Table, Tactical Map, OHP pens. Bonus na rin kung merong Mortar Ballistics Computer o kaya Mortar Fire Control System (MFCS).

                          

Ang MBC (top photo) at ang M16 Plotting Board na gamit ng mga magigiting na miyembro ng Mortar Section. Ang mga artillero na miyembro ng Philippine Army ay merong field expedient na pamamaraan paano i-compute ang firing data kung walang magamit na plotting board o kaya MBC.


Ang 'Muscle' naman ay kinakailangan talaga ito. Hulaan mo kaya? Djaraaaaan! Syempre, ang mortar at ang mga taong nag-operate nito! 

Kapag sinabi kong kagamitan ng 'Muscle', ito ay ang buong components na bumubuo ng mortar section kasama na ang mga taong nag-operate nito, ang iba't-ibang parte ng mortar kagaya ng tube,  sights, base plate, bipod at idagdag mo na ang aiming posts kagaya ng nasa larawan sa itaas.

Kuha ang larawan nang nag-aral ako ng pang-snipe gamit ang M252 mortars sa US Infantry School. Nasa aming likuran ang pinapatamaang T72 tanks sa layong 3,500 metro.


Ang TCP operation

Ang isang opisyal na namamahala sa isang combat operation ay isinasama sa mission planning ang pag-gamit ng indirect fires either mula sa mortars o sa artillery. Inihahanda nya ang Fire Support Plan at Execution Matrix na kaakibat nito.

Kung alin ang kanyang gagamiting suporta ay diskarte nya iyon base sa iba't-ibang konsiderasyon kagaya ng misyon, kalaban, terrain, time, tropa, at komunidad na saan sila nagsagawa ng operasyon. 

Halimbawa, kung maraming bahayan ng sibilyan, hindi pwedeng gamitin ang artillery dahil malaki ang tsansang makatama ito ng non-combatants. Di ba't iniiwasan namin ang collateral damage?

Kung mortars naman ang gagamitin, inilalatag sa plano kung saan ilagay ang mga mortars depende sa maximum range nito. Syempre, kapag 105mm Howitzer ay sobra 10 kilometro pwedeng sumuporta.

Matindi ang koordinasyong gagawin ng Tactical Command Post at Patrol Leader ng operating troops habang isinasagawa ang patrol. From time to time, inirereport dapat ng operating unit ang latest grid location. 

Dapat ay may inilatag na ring target reference points (TRPs) sa lugar na pupuntahan para pang-emergency na suporta, mas madali itong mapapatakan dahil nakamarka na ito sa mapa. 

Kapag ginagawa ito, makakaresponde kaagad ang TCP at ang artillery o mortar section sa pagdeliver ng indirect fires sa pinakamabilis na panahon. 

Para sa mga FOs, kailangang mabilis ang kanyang tawag ng suporta base sa kanyang nakikita. Ang pinakamahalaga nyang maibigay kaagad sa FDC o sa TCP ay ang kanyang latest grid coordinates, anggulo ng posisyon ng kalaban (bearing) at ang distansya nito mula sa pwesto ng tropa at mga katabi nito. 

Kapag overwhelming ang dami ng kalaban sa engkwentro, ang indirect fires ay malaking bagay para pumantay o lumalamang sa labanan ang ating magigiting na mga mandirigma. Malaking bagay ang magamit ito ng ating mandirigma. Dapat itong aralin at hahasain ang kaalaman sa lahat ng panahon. 


Kitams? Sa pakikidigma, bawal ang nga-nga.

Sa aking pakikidigma kasama ang mga tropa ng 10th Scout Ranger Company, nagagamit namin ang kaalaman sa Observed Fire Procedures para gapiin ang pwersa ng mga Abu Sayyaf tuwing ginagamitan nila kami ng 'pintakasi'. Dahil na rin dito, natapos ko ang aking termino bilang pinuno ng naturang yunit na walang nalagas na buhay sa aking mga tauhan.



Note: Ang ibang mga photos at illustrations ay kinuha sa open sources sa internet.




5 comments:

  1. Sir, dapat nagdagdag ka na rin ng example ng scenario ng calling for fire support. Para mas maintindihan ng madla. So far, parang kasing-confusing ng calculus.hehe

    ReplyDelete
  2. Sir makapareho din ng gamit para sa close air support?

    ReplyDelete
  3. At the end of the day...sayang yan mga indirect fire support...kasi kahit kumpleto detalye na ang Ibinigay ng mga opisyal ng SAF..GRID COORDINATE, live streaming video galing sa umanned drone ng amerikano, military gps coordinates, wala parin artillery support or aerial air support ang binigay ng AFP, simple lng naman yan ranger cabungsky...noong plebo kayo may tinatawag na "TAKELIFE"....so kung marunong mag takelife yun upperclass mo na si catapang, pangilinan at del rosario...disregard nila yun order ni penot na standdown...at nag takelife sila para matulungan nila yun mga pulis nung mga mistah nila...unfortunately walang bayag mga upperclass mo...kaya nakakahiya man pakinggan...sabi nung PNPA na class 2002...SIR, MAN UP!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. You can say the same about the 300 fully armed SAF troops in the Hi-way just a Few Kilometers away from the massacred troops. Why did they not reinforce the ir own forces? Why when the AFP reinforcements arrived and asked SAF to lead them they refused? who needs to MAN UP now?

      Delete