Saturday, May 17, 2014

Scout Rangers: Kasagutan sa mga katanungan

Ang simbolo ng Philippine Scout Rangers ay ang Black Panther. Dahil wala namang Panther sa Pilipinas, ang natatagpuang Civet Cat o Musang ang nakagawiang ihinahambing sa mga Scout Rangers kaya naman sila ay nakilala sa tawag na 'Musang'. (Photo by SSg Cesar Cuenca)

Sa dami ng queries na nakatambak sa aking inbox tungkol sa Scout Rangers, marapatin kong ipaliwanag ang mga bagay na karaniwang hindi naipapaliwanag at nagdudulot ng kalituhan. 

Halimbawa, maraming aplikante ng Candidate Soldier Course and nagtatanong paano magiging Scout Ranger. Eh, hindi po pwedeng mag-Scout Ranger ang isang sibilyan kundi mga regular na sundalo lamang. Katunayan, bago matanggap sa kurso ng Scout Ranger Course ay required na dapat 3 taon na ang aplikante sa active military service, maliban pa sa napakahaba pang listahan ng basic requirements. 

Tila, hindi naiintindihan ng karamihan ang kaibahan ng Scout Ranger bilang kurso, bilang sundalong graduate nito at ang yunit ng mga Scout Rangers. Magulo ba? Actually, hindi naman maliban kung magulo kang mag-isip. 

First Scout Ranger Regiment

Okay, simulan natin para maging maliwanag ha. Unahin natin ang yunit na tinatawag na First Scout Ranger Regiment o FSRR. Ang yunit na ito ay kasalukuyang naka-base sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan. Ito ay isa sa tatlong units na kabilang sa Special Operations Command (SOCOM) ng Philippine Army. Ito ay binubuo ng mga Scout Ranger Companies na under naman sa apat na Scout Ranger battalions na nakadestino sa iba't-ibang sulok sa kapuluan.

Ang FSRR ay ang yunit na kinabibilangan ng mga organic personnel na Scout Rangers. Ang Musang patch sa kanilang balikat ang palatandaan na sila ay miyembro sa FSRR.

Ang FSRR ay yunit na kinabibilangan ng mga sundalo na Scout Ranger graduates at maging non-SR qualified. Kasama sa mga non-graduates ay ang mga support personnel kagaya ng taga Medical Company, iilan  sa mga mekaniko at driver, at mga IT personnel. Lahat na mga female soldiers na naka-assigned dito ay non-Ranger qualified. Wala pang babae ang pinag-undergo ng regular course ng Scout Ranger sa napaka-obvious na rason. 

Ang mga sundalo lalo na yong mga officers at NCOs na hindi nakaka-graduate ng SR Course ay hindi mabibigyan ng leadership position. Ah, baka di mo alam na ang SR course ay combat leadership course at hindi lang ito palakasan tumakbo at patigasan ng apog! 

Actually, ang mas importanteng natutunan sa kurso ay ang techniques, tactics and procedures (TTPs) sa patrolling missions, at pati ang mga specialized skills na hindi itinuturo sa ordinary infantryman. 

Paano ka nga naman mamuno ng mga Rangers sa combat patrols ng isang Ranger unit kung hindi ka naman pala Ranger qualified? Di ba parehas yon sa papayagan mong magpiloto sa eroplano ang hindi graduate ng flying school? Dahil dyan, kapag natitigok ang opisyal o EP sa SR Course, alam na nyang malabo ang kanyang chance na magiging unit leader sa FSRR. Kalimitan ay iyong mga newly assigned na 2LTs at mga Privates lamang ang mga non-Rangers na makikita na nagpapatrol sa SR companies.

Para maging maliwanag, ang dapat tawaging Scout Ranger ay iyon lamang sundalo na naka-graduate sa regular course. Kung non-Ranger qualified o hindi SR course graduate pero organic sa FSRR, hindi pa rin sya pwedeng tawaging Scout Ranger kundi FSRR assigned o 'organic personnel' lamang. 

Ating tandaan, ang Musang patch na nasa balikat ng uniporme ay sinusuot ng lahat na organic personnel at hindi ito ang qualification ng pagiging Scout Ranger qualified personnel. Kahit nakatapos ka ng SR course ngunit hindi ka miyembro ng FSRR, hindi ka dapat mag-suot ng Musang patch maliban na lang kung ikaw ay assigned sa mismong First Scout Ranger Regiment. 

Ang SRDU ay ang ipinalit sa 'Black Fatigue' uniform ng mga Musang. Ang Black Panther na nasa larawan ay syang simbolo ng mga Scout Rangers. (Photo by Cpl Marlon San Esteban)

Ang palatandaan na ang isang sundalo ay graduate ng SR course at authorized na magsuot ng mga patches na ito ay ang SCOUT RANGER tab (nasa larawan, sa itaas ng AIRBORNE tab), at ang Tabak (knife) na kinakabit sa dibdib ng uniporme. Ang ibig sabihin, pares iyan na makukuha ng sundalo na magpapawis at makatapos sa SR training. 

Ang Tabak na nasa bulsa (left pocket) at ang Scout Ranger tab (nasa itaas ng Airborne tab) ang syang patches na pwedeng suutin ng mga nagsipagtapos ng Scout Ranger Course. (Photo by Rico Laurel)

Eh, papaano raw pag graduate ng Scout Ranger Orientation Course? Sa totoo lang, wala silang patches na pwedeng suutin. Imbento lang yon ng mga ignoranteng sundalo na kung SROC graduate ay authorized diumano magsuot ng tab na 'RANGER', eh iyan ang isinusuot ng mga graduate ng U.S. Ranger Course! (Lalong hindi nila pwedeng suotin yon dahil maging mga Scout Rangers ay hindi pwedeng magkabit noon, except sa mga nakapagtapos ng US Ranger Course sa Fort Benning, Georgia). Naguluhan ka ba o naliwanagan? 

Scout Ranger Training School (SRTS)

Ang training institution ng FSRR ay ang SRTS na syang nangangasiwa sa iba't-ibang kurso kagaya ng Scout Ranger Course, Scout Sniper Course, Scout Ranger Orientation Course, PT Trainers Course at maging Candidate Soldier Course. 

Ang SR course ay open din sa mga non-organic personnel kagaya ng mga taga Special Forces Regiment Airborne (SFRA), Light Reaction Regiment (LRR), Infantry Divisions, PNP SAF at NAVSOG. Dahil dyan, merong mga Scout Ranger qualified personnel na hindi naman organic sa First Scout Ranger Regiment.

Ang Candidate Soldier Course (CSC) ay pre-entry training ng mga sundalo. Dahil authorized ang SRTS na mag-conduct ng training na ito, ang CSC ay isa sa mga kurso na ginagawa para sa mga organic personnel ng FSRR every year. 

So, kung ikaw ay aplikante at sa FSRR ka mag CSC, automatic, magiging organic member ka ng unit na ito. Pero, hindi ka pa Scout Ranger nyan! After 2-3 years exposure sa line unit, ipapadala ka ng iyong unit commander sa SRTS para mag-undergo ng iilang buwang training at magiging ganap na Scout Ranger o Musang.  Klaro na?

 Black Suit vs Scout Ranger Distinctive Uniform (SRDU) 

Ang traditional na 'formal' attire ng organic members ng First Scout Ranger Regiment ay ang Black Suit na kilala rin sa tawag na 'Black Fatigue'. 

Noong 1980s, nakagawiang gamitin sa combat patrols ang Black Suit sa paniniwala ng ibang Scout Rangers na ito ay ang pinakamagandang night camouflage. Siguro, naimpluwensyahan din sila sa kulay ng Black Panther na syang simbolo ng mga 'Musang', although obvious naman na ang Panther ay iba sa Musang (Civet Cat).

Maraming rason kung bakit nawawala ang interes ng mga Musang sa Black Fatigue na uniporme. Unang-una, kung sinu-sino na lang gumagaya sa pagsusuot nito kasama na ang K9 unit, PNP Swat, Security Guard at maging MILF! Pangalawa, napatunayan na hindi ito ang mabisang night camouflage. Kitang-kita ang outline ng sundalo na nagsusuot nito sa gabi, lalo na kung gamitan ng NVG. Pangatlo, ang init ng kulay na itim kung sa araw mo ito suutin. Pang-apat, hindi naman ito akma na gamitin sa combat patrols kundi ang camouflaged uniform o yong Battle Dress Attire (BDA).

Noong ako ay Company Commander ng 10th Scout Ranger Company, isinusuot lamang namin ang Black Suit tuwing may bisita sa kampo. Ang BDA pa rin ang aming isinusuot tuwing combat patrols. (10SRC photo)





48 comments:

  1. Magulo nga sir, pati rin ata sa US meron rin confusion sa paggamit ng term na "Ranger". Base sa nabasa ko sa mga forum na mga Army Ranger kuno ang nagpapatakbo, Ang pwedeng tawagin na Ranger ay yung mga personnel ng 75th Ranger Regiment. Sa pagka-alam ko lahat ay dumaan sa Ranger Assessment and Selection Program para maging miyembro at "ma-Scrolled"(Ang Scroll ng 1st/2nd/3rd Ranger Battalion). Hinde ko ngalang nakita kung sakop pa ng Special Troops Battalion(na may sariling scroll patch) kung required sila ng RASP. Samantala, hinde naman automatically tawaging "Ranger" ang graduate ng Ranger School unless sa Regiment sila mapupunta. May tab sila na Ranger pero ayun sa mga Ranger veterans, mas may prestige ang Scroll kaysa sa Tab. Subalit kailangan makapasa ng Ranger School para mag-hold ng leadership position sa Regiment AT hinde na mabigyan ng extra PT pag "mag-Tab Check". May mga nakita na rin ako na suggestion na gawing Primary Leadership Course ang Ranger School para na rin makabawas sa confusion at away-away. Dahil o'nga naman, ang mga SEAL, Force Recon, CCT, PJ at iba pa nag-Ranger School ay hinde rin tinatawag na Ranger.

    Eto pala yung forum na nakita ko:http://www.armyparatrooper.org/dropzone/showthread.php/22936-Ranger-Assessment-and-Selection-Program-%28RASP%29

    Nalaman ko nga rin pala Sir na nung Vietnam War, ang MACV Recondo school ang kaisa-isang Special Operations school ng US na may actual Test Mission na mas kaparehas na dinadaan ng Spec. Op. na sundalo natin at hinde puro blanks at MILES gear lang gaya ng ibang bansa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pahabol nga pala Sir, mabuti naman at hinde kasing obnoxious ng mga Scout Ranger natin itong mga member ng forum kung totoo nga silang Army Ranger. Kung totoo nga, kaya pala palaging silang pulutan tuwing cadence calling ng ibang unit at branches.hehe

      Delete
  2. Kibitzer:

    Pre, kakaiba kasi ang ating Army kung ikukumpara sa counterpart nito sa US of A. Sa FSRR, lahat ng nag-CSC doon ay magiging organic, hindi kagaya ng sa US na may deep selection process pa. Supposedly kasi, sa TRADOC (Infantry Training Center) ang lahat na kurso ng Infantry kagaya ng pre-entry training ng sundalo at opisyal (CSC at OCS) at mga specialized training kagaya ng SR at Recon Course. Iba lang talaga structure natin. :-)

    Totoo yon, kung nag-undergo ng SR course, supposedly ay Ranger qualified lang term sa kanila. Halimbawa, sa Marines na nag SR, Marines pa rin tawag sa kanila at SAF naman kung PNP SAF.

    Dahil Pilipino tayo, binibigyang diin at 'tatak' kapag nakatapos ng kurso ng SR at tila ito ay isang brotherhood. Kapag Ranger graduates kahit saang unit o branch of service, matindi ang bonding ng mga iyan unlike sa ibang specialized course. Ewan bakit ganon, siguro dahil sa mayamang tradisyon na nagsimula pa noong 1950s.

    Ang nakakalungkot nga lang sa Pilipinas, maluwang ang implementasyon ng uniform regulations kaya naman kung sinu-sino na lang nagsusuot ng SR tab, at pati unit patch kahit yong hindi naman naka-assign (present or formerly assigned) sa unit. Actually, hindi naman yong patches ang magdadala sa kagalingan sa unit kundi yong leadership ability ng mga namumuno nito. Ang iba kasi, ginagawang dekorasyon para ipakita na 'combat leader' din sila dahil may SR tab/patch sa uniporme. Maling idea iyon. :-)


    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun rin siguro sir sa SFR(A)? Kaya pala napansin ko dun sa pinost mo na picture dito dati tungkol sa SFDU at SRDU, meron mga miyembro na wala pang badge sa chest pocket at maging tab sa balikat.

      Napansin ko rin sir na sa Ranger School sa US eh TRADOC rin ng US ang nagpapatakbo subalit mukhang Ranger Regiment personnel naman sa RASP. Although base lang sir sa mga patch ng cadre yung observation ko. Kasi kagaya nung docu ng Discovery sa Ranger School, yung SSI ng infantry school ang nakikita ko, siyempre may kasama rin na Airborne at Ranger tabs. Kung sabagay, isang unit lang ata ang Airborne and Ranger Training Brigade meron lang silang maraming subordinate battalion na kanya-kanyang focus sa training gaya ng BAC, Pathfinder at Jumpmaster. Samantala Reg't.(or Battalion? Medyo malabo kasi pero distinguishable siya) patch ang nasa balikat ng cadre ng RASP. Nabasa ko rin sa forum ng armyranger.com na hinde under ng TRADOC ang RASP.

      Tama ka nga sir, para bang lahat na makilala mong sundalo eh Scout Ranger, minsan nga ang media tawag sa PNP SCOUT eh Scout Ranger din. Meron rin ata ako nakitang tab dati na taga-9th ID na Recon Scout ata or Divsion Scout parang ganon. Kaya nga dun sa libro na Jarhead ni Anthony Swofford eh pinagtatawanan nila ang mga Army dahil nagmumukhang Boy Scout ang uniform sa dami ng patches at kung ano pa man. Kahit naka-combat uniform eh nakikita mo ang life story sa dibdib at balikat. Pero kahit ganun, nagbabanatan rin ang mga US Marines tuwing nakasuot ng service uniform, pulutan ka kung wala kang Combat Action Ribbon. Kaya nga ata tinatawag na "Decoration" talaga.hehe

      Last question sir, ang AGOS badge ba ang equivalent natin ng Air Assault badge? Nung una kasi akala ko pang FAC kasi Air-to-Ground Operations, kaya akala ko parang taga-coordinate ng CAS, CASEVAC, Insertion/Extraction. :)

      Delete
  3. Akala ko sir pwede maging Scout Ranger ang mga pulis (Philippine National Policer officers or kahit non commissioned)? Nakita ko kasi sa documentary e.

    ReplyDelete
    Replies
    1. "Ang SR course ay open din sa mga non-organic personnel kagaya ng mga taga Special Forces Regiment Airborne (SFRA), Light Reaction Regiment (LRR), Infantry Divisions, PNP SAF at NAVSOG. Dahil dyan, merong mga Scout Ranger qualified personnel na hindi naman organic sa First Scout Ranger Regiment."

      Delete
  4. ANG ISANG SR COURSE ISANG BAGAY NA MAHIRAP AT MAGING MATIBAY KA SA LAHAT NG IYONG MGA MISSION HINDI LANG KILOS PATI PAG IISIPKAILANGAN MA GAMITIN LAHAT NGA NALALAMAN BILANG HUNTER AND WISE IN YOUR MISSION KUMIKILOS KA PARANG PANTHER OR ISANG MUSANG NA TIANATAWAG KASI MATINIK ITO KUMILOS AND SOBRA WISE SA BAWAT GALAW AKO PINANGARAP KO MAGING ISA SUNDALO PERO HULI PERO UNTIL NOW I ADMIRE ALL THE HERO WHO DIE FOR OUR COUNTRY DAHIL SA KANILA NANDITO PA RIN TAYO MAPAYAPA LUGAR SA MINDANAO

    ReplyDelete
  5. ano ang pwedeng ikabit n badge ng 6 months sroc with test mission. bakit pinaabot ng ganun kahaba n wl man lng badge n pwede pr s kanila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kalokohan yang 6 months SROC. Dapat sinusunod ang POI at Training Sked. SROC ay SROC at hindi parehas sa SR Course ang POI nyan.

      Delete
    2. Sir age limit po sa army? Thank you
      God Bless

      Delete
    3. 26 years old

      Delete
    4. Sir saan po ba dapat ako mag CSC, pwedi poba sa fort bonifacio taguig o dapat sa FSRR mismo kung gusto ko po kasing maging SR after.

      Delete
  6. Good Afternoon po,

    San po ba ako makita ng mga listahan ng mga pangalan or pictures ng sundalo noong 1976 41st Infantry Batallion? ang papa ko po namatay na at kelangan photos nia noong nasa serbisyo pa sya.

    Sana po matulungan nio po ako, member mo sya ng scout ranger 1976 sa Mindanao.
    Please email po nio ako sa amelaya123@gmail.com

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Pwede po ba mag apply sa scout ranger kahit na 6. Something ang laki ko pwede poba yun...

    ReplyDelete
  9. What about 2Lt Forrosuelo, CMO Officer, 3SRB, she's wearing an SR patch?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa article na mismo ang sagot sa iyong tanong Dennis.

      Delete
  10. panu po ba makakapag apply ng scout ranger? gusto ko po kasi maging scout ranger.

    ReplyDelete
  11. Sir pwedi po bha ako mging ranger khit manipis yong katawan ko 5 plat ako sir tpos sbi nila para daw ako bata tignan pwedi ba sir

    ReplyDelete
  12. Ang galing sana maging open din sa mga girl... sa america ata may 2 babae na na nakagraduate ng scout ranger. pero i think iba parin dito sa 'Pinas. hahaha it's more fun in the Philippines!

    ReplyDelete
  13. good day sir..pwede po ba magtake ng course ang isang army reservist?

    ReplyDelete
  14. Anu po ung mga code name ng mga sundalo na member sa scout ranger sir?

    ReplyDelete
  15. Anu po ung mga code name ng mga sundalo na member sa scout ranger sir?

    ReplyDelete
  16. Good Day Sir Ranger Cabunsky. Tanong ko lng kasi medyo nagustuhan po ako sito. Balak ko po talaga aymaging isang Scout Ranger. Ang Plano ko po kasi maging Aplikante ng CSC sa The Fort Bonifacio Taguig. Pero nang mabasa ko po ito. Pwede po ba ako kumuha ng CSC doon mismo sa FSRR pra maging Organic member? ,Then mag undergo sa advance training (SR) pag makapasa? Salamat

    ReplyDelete
  17. sir pwede ba po ang isang high school graduate po

    ReplyDelete
  18. Ang SROC po ba ay walang patches?.

    ReplyDelete
  19. Ang SROC po ba ay walang patches?.

    ReplyDelete
  20. Sir pwede po bang maging scout ranger pag naka tapos ng K+12

    ReplyDelete
  21. sir pwede po ba mag scout ranger ang member nang philippine marine??

    ReplyDelete
    Replies
    1. PWEDENG PWEDE SIR PART PARIN NG AFP YUN SIR

      Delete
  22. sir tanong ko lang pwde bang mag scout ranger ang highschool grad then married na siya pero 24 yrs old palang siya salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. HINDI PWEDE MAG ARMY KUNG KASAL NA SIR

      Delete
  23. Good day Sir, tanong ko lang kong ano ang mga requirements para ma scout ranger.. college level po ako then 21 age ko po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasok po muna kayo ng army, navy, airforce o pnp. Pag uniformed personnel na po kayo pede na po kayo magpa endorse para mag schooling ng ranger.

      Delete
  24. Ma'am / Sir gusto ko Po sanang mag sundalo kaso Hindi Po Ako highschool graduate 21 years old Na Ako pangarap ko maging sundalo pwde Po ba Ako makapasok bilang sundalo??

    ReplyDelete
    Replies
    1. KAHIT HIGH SCHOOL GRAD KA NAMAN PRE KUNG WALA KANG 72 UNITS OH DI KAYA SKIIL SA TESDA MAHIRAPAN KA DUN PRE

      Delete
  25. GOOD DAY SIR CABUNZKY MAHALAGA PO SAKIN KUNG ANUNG KASAGUTAN NYO TANUNG KO LANG PO KUNG PWEDE PO BA MAG APPLY SA ARMY KAHIT MAY ANAK PERO HINDI PA KASAL

    ReplyDelete
  26. AH SR PWEDE PO BA AKO MAG SUNDALO KHIT HINDI AKO NKATAPOS NG HIGH SCHOOL PERO NKA PAGTAPOS AKO S TESDA AT NKAPAG TURO DIN PO

    ReplyDelete
  27. Sir Good evening sir!!!

    Sir pwede bang mag take ng SR course po ang reservist?

    ReplyDelete
  28. Pde ba mging army single pro may baby? Kung d pdi may waiver ba?

    ReplyDelete
  29. Sir. Gusto ko Mala man ang tatay kc wala sya noon scout ranger sya cl-129-97 pfc po Roque c norba 798637

    ReplyDelete
  30. Sir What if Pnp Saf commando ka na, pwede ka pa rin ba maging scout ranger? Pwede po ba na member ka ng Elite forces ng Pnp at Army at the same time?

    ReplyDelete
  31. Pwede po ba mag army Yung single person per my anak na. And ask ko Lang din po, binabase po ba Sa hieght Yun para maka pasok ng army ?

    ReplyDelete
  32. Sir required po ba ang ngipin kung gusto niyong maging sundalo? Tiyaka po ang tattoo?

    ReplyDelete
  33. Sir ? Pwede bang mag sout ng scout ranger tab or badge, kapag SROC Graduate ka ?

    ReplyDelete
  34. Ilan taon po para maging scout ranger

    ReplyDelete
  35. Pag organic personnel ka sa fsrr kailangan po ba talaga mag u dergo ng training for Sr? Pwedi po bang hindi?

    ReplyDelete
  36. Good day sir! Pwede din ba mag scout ranger ang philippine marines?

    ReplyDelete