Marami ang nagpapalabas ng istorya na ang dominated daw ng mga PMA graduates ang Armed Forces of the Philippines.
Halos lahat daw ng namumuno sa AFP (at pati sa PNP) ay mga PMA graduates. Totoo yon. Majority ng mga nahirang sa liderato ng AFP ay mga PMA graduates except din sa iilan na magagaling at nabigyan ng pagkakataon na mamuno. Ang ibig sabihin ba nito ay PMAers lang ang magaling?
Ayon sa mga news articles na lumalabas, me naghihinanakit diumano na hindi raw 'napagbibigyan' na mamuno ang mga non-PMAers kagaya ng mga nagtapos sa Officer Candidate School, Officer Preparatory Course at yong nanggaling sa ROTC. Hindi ako sang-ayon sa sinabi na yon. Ang pipiliin dapat ay ang pinakamagaling at mapagkatiwalaan na opisyal. Hindi pwede ang sistemang 'pagbigyan'.
Kung meron kasing nagsasabi na mas magaling si Juan dela Cruz na non-PMAer, dapat itong suriin. Baka naman sya lang nakakaalam na magaling pala sya? Meron namang tinatawag na 360-degree feedback. Tanungin ang lahat ng taong nakasama nya (pati enlisted personnel) at halungkatin ang records nya. Kung totoong mas magaling, so be it. Dapat nga syang marekomenda sa angkop na posisyon o ano mang career advancement steps.
Sa mga nagyayabang na magaling dahil PMAer sila, hindi tama yon. Maaaring lamang sa napag-aralang mga theories at practices sa military leadership ang nag-aral ng apat na taon sa Philippine Military Academy, ngunit nasa attitude ng bawat opisyal mag-matter kung magiging magaling siya sa serbisyo.
Marami na rin akong nakasamang mga PMAers na tinatalo ang performance sa mga non-PMAers. Hanggang yabang na lang sila na sa pinaka-prestigious military institution sila nagtapos ngunit mga balasubas sila magtrabaho at hindi pang-PMAer ang inaasal.
In general, bilib ako sa mga opisyal na taos-puso kung magserbisyo at hindi pangsarili lamang ang hinahangad. I don't care kung PMAer sya o hindi basta matino at maayos magtrabaho. Gusto kong makatrabaho ang mga opisyal na asset ang kagalingan at katinuan na napapakinabangan ng organisasyon, at hindi yong laging nag-iisip kung ano ang 'para sa kanya'.
Performance rating
Para sa akin, ang isa sa paraan upang umangat sa leadership positions ang mga matitino at magagaling na opisyal, dapat seryosohin ang performance rating system. Hindi ito kinakamas-kamas. Hindi ito pinipikitan dahil malaki itong responsibilidad.
Ang isang halimbawa na lang dito ay ang Officer Evaluation Report (OER). Me iba akong kilala na leaders na tinatamad gawin ito. Sa iba, parang utang na loob mo pa na gawin nya ito para sayo kung ikaw ay isang opisyal o subordinate na naninilbihan sa kanya. Nasubukan ko nang tipong mag-makaawa na i-rate ng isang senior officer dahil for promotion na ako. Deadma lang. Di ko sya makalimutan.
Ang OER ay isang tool upang mahubog ang leadership ability at performance ng bawat sundalo. Para sa mga nagri-rate na mga officers, pagkakataon nilang mabigyan ng gabay ang mga subordinates sa kanyang opisina o yunit. Sa pamamagitan nito, nabibigyan nya ng pagkakataon ang subordinate na i-improve ang sarili kung merong pagkukulang dahil responsibilidad ng rating officer na i-counsel ang kanyang tauhan.
Dahil ito ay isang tool para maiangat ang antas ng performance ng bawat sundalo, ginagawa ito periodically like every 6 months. Responsibilidad ito ng lider. Hindi pwedeng iba ang magsulat ng rating at pirmahan na lang nya. That is sanamagan!
Sa ibang abusadong lider, ginagawa rin itong tool para takutin at pag-initan ang tauhan na hindi nya type. Binabagsak nya sa rating kaya hindi ma-promote at hindi makapag-schooling. Ito ay maling-mali at isang abuse of power ng mga ungas na opisyal. Pwede itong ireklamo!
Lingid sa kaalaman ng marami, me nakasaad sa ilalim ng OER na komento ng ni-rate na opisyal kung payag ba sya sa rating na ibinigay sa kanya, at kung nag-counselling ba ang nag-rate sa kanya na superior.
Halimbawa, kung ako ay tinigok sa leadership at sinulatan ng kasinungalingang mga paratang para matimbog, pwede ko itong ireklamo. Ilagay ko na "I don't agree with the rating officer". Ito ay ayon sa polisiya.
At......kung talagang 'no go' talaga ang ni-rate ay dapat ilagay talaga ang katotohanan. Isalang kaagad sa attrition kung sya ay incorrigible.
Para sa akin, hindi pwede ang 'awa-awa' system kung tipong ang mag-suffer ay ang organisasyon kapag manatili ang isang sundalo/opisyal sa AFP na tipong wala namang "K" na mag-stay dahil balasubas ito. Naayon ito sa principle na "Retain only the best and the brightest". Mahirap atang merong umangat sa mataas na posisyon tapos balasubas pala. Mas marami ang apektado!
Para sa akin, hindi pwede ang 'awa-awa' system kung tipong ang mag-suffer ay ang organisasyon kapag manatili ang isang sundalo/opisyal sa AFP na tipong wala namang "K" na mag-stay dahil balasubas ito. Naayon ito sa principle na "Retain only the best and the brightest". Mahirap atang merong umangat sa mataas na posisyon tapos balasubas pala. Mas marami ang apektado!
It should be emphasized na walang tinitingnan na source of commission kung mag-rate ng subordinate. Walang pabor-pabor. Walang 'bata-bata'. Walang 'mistah-mistah'. Walang 'bro-bro' system. Walang 'kabayan' system. Ganyan ang professional military officer.
Ang karugtong nyan, ito dapat ang basehan para sa promotions at designations sa AFP. Hindi na tinitingnan ang source of commision. Hindi tinitingnan kung magaling itong mag-aral at laging Dean's List sa school. Hindi tinitingnan kung sino ang kadikit na pulitiko.
Ang dapat titingnan ay ang kagaya ng OER simula sa pagka-tenyente. Titingnan diing mabuti kung meron syang accomplishments. Titingnan din kung ito ay matino at mapagkatiwalaan based sa feedbacks mula sa superiors, peers at subordinates.
Makikita dapat yong sino ang mga kupal o kurakot based sa service reputation. Makikita kung sino ang maraming kaso o ginawang kabulastugan noong kabataan nila. Makikita kung sino ang inaamag ang paa sa airconditioned rooms sa garrison ang mga past assignments.
Iyan lang ang paraan para pantay-pantay ang lahat. Walang maghinanakit dahil hindi 'napagbigyan'. Walang mabigyan ng posisyon na 'kung sino-sino na lang'. Walang magkomento na 'snappy-shabby, same salary'. Walang mag-sabi na 'second-class citizens' lang sila na mga opisyal. Walang magyayabang na magaling sila simply because they are PMAers.
At, sa mga kagaya kong nagtapos sa the best military school in the Philippines, dapat namin itong panindigan at hindi makiki-ride on lang sa kagalingan ng mga nauunang mga seniors na nagpatingkad sa pangalan ng Philippine Military Academy.
Sa lahat ng panahon dapat ipakita namin ang kagalingan at katinuan ayon sa itinuro ng aming institution na nagmatigasan na sundin namin ang prinsipyong: COURAGE, INTEGRITY and LOYALTY.
Kung merong naging magaling sa amin na galing sa ibang source of commissionship, bukang-loob din dapat na ito ay aming tatanggapin.
Totoo naman talaga na bata bata system sa AFP....kung talagang nasa puso ng karamihang opisyal ang isang busilak na leader eh di sna wla ng kurakotan at kabulastugang nagaganap sa loob.
ReplyDeletehehe. no comment on this
ReplyDeletetotoo naman halos mga pma graduate nasa top position ng afp.pero mas maraming kurakot dyan sa pag issue ng mga kagamitan ng tao sa field.kawawa lng mga frontliners.
ReplyDeleteAng Presidente ang me desisyon bilang Commander-in-Chief kung sino ang iupo nya sa mga sensitive positions ng ating Armed Forces.
ReplyDeleteKung lumulutang naman ang kagalingan ng non-PMAer, siguro naman ay pipiliin sya ng ating Pangulo. Prerogative na ng Pangulo kung sino mapupusuan nya, wala na tayo don.
Bakit, kung ROTC o OCS ang nakakapwesto ba ay me 100% assurance kang walang corruption?
At kung sigurado kang merong corruption at me ebidensya ka naman, welcome naman yon iprisinta sa husgado.
Hindi exempted ang AFP sa mga ahensya na merong corrupt officials. Sinusubukan namin lagi na linisin ito at i-implement ang mga fund management systems na layunin ay mabawasan ang insidente ng kasakiman ng iilang opisyal kagaya noong unang panahon nina Rabusa at Garcia.
Kahit Catholic Church ay me corrupt na mga pari at obispo. I-google mo ang 'cleansing efforts' ng Catholic Church sa mga tiwali nilang opisyal.
Bottomline, nasa tao kasi yan. Wag natin lahatin ang organisasyon at wag natin i-generalize ang PMAers. Kung nasa loob ka ng AFP, you should know better.
Ang paglilinis sa ating bakuran ay magsimula sa atin. Hindi pwede yong panay salita lang at pa-impress. Kung matino tayo, ang ibang nakakasama natin ang nagsasabi. Iyan ang tunay na 'branding'. :-)
Korek ka dyan Ranger Cabunzky....
DeleteMay mga bagay na hindi masasabing kanais-nais sa AFP in particular sa Army. Ngunit kung mananatili tayong nakafocus sa mga ito ay wala talagang pupuntahan, samakatuwid tingnan natin at pagyamanin ang mga positibong bagay. Mayroon naman po talagang mga Commander na mas pinagkakatiwalaan ang kanilang mga juniors o yung mga nanggaling din sa institusyong pinanggalingan nito... pero wag po natin lahatin PMAyer man o hindi ginagawa ito. Darating ang panahon na mas magiging matured ang ating Sandatahang Lakas.... mawawala ang maltreatment, personality based leadership, mas mapagtutuunan ng pansin ang pangangailangan ekwipo, mas maeempower ang mga Enlisted Personnel, darating ang panahon na ang ating kasundaluhan ay mamahalin at ipagmamalaki ng ating mga kababayan. Hindi nakakatulong ang pagkakapaksyonpaksyon, tribo-tribo, mistah-mistah system at gaya ng mga sinabi ni Maj Cabunoc dapat ang ating performance rating system ay malaya mula sa personal na mga factors (biktima rin ako nito at hindi inieksplain ng Commander). Karaniwan kasi ginagawa ito bago umalis ang kumander sa isang unit na dapat sana ay kada 6 na buwan gaya ng nabanggit sa itaas. Marami pong dapat ayusin sa ating organisasyon. Pero isipin po natin malaki napo ang pinagbago ng ating Kasundaluhan, patuloy itong magbabago, mawawala ang mga tradisyong hindi magaganda at sana po lahat tayo ay maging kaisa ng pagbabagong ito. Saludo po ako sa mga nauna sa akin na malawak ang pag-iisip. Karangalan ko pong magsilbi sa ating bayan at ipinagmamalaki ko po na ako ay isang Kawal Pilipino at bahagi ng Team Army. Magkaisa po tayo.
ReplyDeleteSir, yan po ang ideal but in real world di po yan ang nasusunod. Kasi palakasan system ang nangingibabaw. Opinyon lang po.
ReplyDeleteG'day sir, we all know in the Armed Forces that when PMAers get together what they talk is their experiences in their 4-year stay which the non-PMAers will be excluded in the conversations and always feels out of place. Let us accept the fact that Filipino culture is a tribalistic, regionalistic and clannish due the archipelagic nature of our country not to mention different dialects and culture. These characteristics tends to group ourselves and affiliate based on places of origin, school, religion, brotherhood, fraternities, organizations, educational attainment, clan etc. What we have in common is the pride from where we came from or from where we belong as the saying goes "Di bale na mamatay, wag lang mapahiya." If you are good then proved yourself but even if your the best but your not PMA or even if you are a PMAer but you are misunderstood or eccentric (kulang sa pakikisama or masyadong proper) they will deliberated "project" your career or service to railroad you to commit mistake or downfall. Take the case of former CPT SUYAT (UP-Diliman, Australian Cadet, No.1 SR, SF, Airborne, IOBC, we all know what happened to him). But if you are really the best you can devise a plan for your own career but still top, prestigious and juicy positions are only reserved for the PMAers. Only exception (MGEN IBANEZ but sino ang makasabay sa kanya sa PFT at takbuhan). We know it and let us accept the fact that PMAers are cream of the crop in their youth and they are trained to compete. Even the underclassmen of LTC CABUNOC and former SOCOM mates are already a Senator and Congressmen but they are that so good. I agree with the statements of LTC CABUNOC on "Baka naman sya lang nakakaalam na magaling pala sya?" or if I may add baka akala nila ang GRUPO lang nila ang magagaling. It is circulated to non-PMAer that there is a Mafia in the AFP and these are the PMAers, we could hear and eavesdrop from Commanders that they call each other and updates to the point of gossiping, rumor-mongering, backbiting, back stabbing other non PMAers, worse even non-conformist PMAers were victims of this Mafia-like behavior.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSir may tanong ako ano ang pinakamataas na ranggo na naabot ng isang opisyal na graduate ng OCS? At galing ng ROTC?
ReplyDeletehindi naman talaga lahat ng opsiyal ay tiwali, mas marami pa rin ang mabuting sundalo at buong puso na nagsisilbi sa bayan, pero bakit kasi hindi matanggal ang sistemang bulok sa AFP? yung parang,, porket di graduate ng PMA e nadidiscriminate na :( sana matanggal na yung sistemang palakasan system pabaon system at discrimination, dapat pantay ang opportunity graduate man yan ng PMA, OCS, ogaling ng ROTC.
Maj Gen po. Si Maj Gen.Palparan lang ang alam ko na may pinakamataas na ranggo mula sa OCS.
DeleteIdeally, ganyan dapat. Sad to say, hindi naman yan ang nangyayari. Palakasan ng kapit sa pulitiko ang labanan.
ReplyDelete