Saturday, September 01, 2012

Ang Army K9 handlers




Si Cpl Boloy at Sgt Bruno ay mga sundalong miyembro ng Army K9 Battalion. 

Ang alaga ni Cpl Boloy ay isang aspin (asong pinoy) at ang ke Sgt Bruno ay German Shepherd. 

Nagpapayabangan sila sa kagalingan ng kanilang aso, walang nagpapatalo porke magkabayan sila galing Negros Occidental.

Sgt Bruno:  Toto Boloy, ito na atang alaga kong si Hitler ang pinakamatalino at magaling na aso dito sa ating batalyon eh. 

Cpl Boloy: At bakit naman Sarge? Anong ikinagaling nyang aso mo sa alaga ko?

Sgt Bruno: Tingnan mo, kaya na nyang amuyin ang mga bomba na maaaring ipang-sabotahe ng mga teroristang Abu Sayyaf at mga bandidong NPA. Kahit ikaw, kaya nyang ituro pagtaguan mo kung mapaamoy ko yang brief mong bihirang malabhan!

Cpl Boloy: Abaw, linti! Wala yan sa Aspin kong si Henyo na alaga ko don sa probinsya! Napakatalino yon at magaling!

Sgt Bruno: Hijo de pu_a! Me gagaling pa sa Hitler ko? Dami na nga itong awards sa mga competitions eh!

Cpl Boloy: Talagang mas magaling! Marunong sya sa Mathematics! Halimbawa, pag sabihin kong 3 plus 3, anim na tahol ang sagot nya! 

Sgt Bruno: Tikal yan! Asan na yang aso mo? Tusi is tu bilib! (To see is to believe). 

Cpl Boloy:  (Pailing-iling at nangingilid ang luha) Ehhhh, nakakalungkot pero patay na sya Sarge!

Sgt Bruno: Ha??? Bakit sya namatay?

Cpl Boloy:  Yong demonyong inggeterong kapitbahay ko, tinanong si Henyo ng 1 Million plus 1 Million, ayon ayaw na huminto at namatay sa katatahol! huhuhu!


No comments:

Post a Comment